You are on page 1of 1

Kabanata 3: Ang Hapunan (Buod)

Home > Buod > Noli Me Tangere > Kabanata 3

« Kabanata 2Kabanata 4 »

Sa kabanata na ito tungkol sa hapunan na dinayuhan ni Ibarra. Sa pagsasalo na ito ay nakita niya
si Pari Sybyla at Padre Damaso. Kitang-kita sa pagmumukha ni Pari Sybyla ang kasiyahan niya
sa pagdalo, samantala, so Padre Damaso naman ay mukhang banas na banas.

Ang lahat ay nagsisiyahan at giliw na giliw sa pagsasalo. Pinupuri ng mga bisita ni Kapitan
Tiyago ang mga masasarap na pagkain na kanyang inihanda. Dumalo rin ang Tinyente, na kung
saan kinainisan siya ni Donya Victoria dahil sa pagmamasid nito sa kanyang buhok.

Umupo si Ibarra sa may kabisera. Sa kabilang dulo naman ng lamesa ay nakikipagtalunan ang
dalawang pari kung sino ang tatabi sakanya. Ng inihanda na ang pagkain, nagsimula ng magsalo
ang mga panauhin. Nakipag usap si Ibarra sa mga panauhin at kinwento sakanila kung saan ang
kaniyang kinaroroonan.

Nalaman ng mga kausap ni Ibarra ang kanyang mga napuntahan sa mga nakaraang taon ng
kanyang pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Sinabi niya rin ang kanyang mga natututunan,
bukod sa wika, tulad ng iba’t ibang kasaysayan ng bansa ng kanyang pinuntahan.

Aral – Kabanata 3
Sa kabanata na ito ay nagpapakita na importante sa isang tao ang matutunan kung paano
makisama sa ibang tao dahil darating ang oras na kakailanganin mo ng tulong nila at upang hindi
ka magkaroon ng kaaway. Mahalaga rin ang pagiging makabayan kahit may hindi magandang
naidulot ang isang tao sa iyo.

You might also like