You are on page 1of 16

Ano ang NSTP?

Ano ang ligal na batayan ng National Service Training Program (NSTP)?

Ang National Service Training Program (NSTP) Law o RA 9163 ay kilala rin bilang
Isang Batas ng National Service Training Program (NSTP) para sa mga mag-aaral sa
antas ng tersiaryo na susugan para sa layunin ng Republic Act No. 7077 at Presidential
Decree No. 1706, at para sa iba pang mga layunin nito na isinagawa noong Enero 2002
upang baguhin ang Expanded ROTC. Ang programa na ito ay naglalayong mapahusay
ang kamalayan ng civic at pagiging handa sa pagtatanggol sa kabataan sa
pamamagitan ng pagbuo ng ethics of service at pagiging makabayan habang
sumasailalim sa pagsasanay sa alinman sa tatlo nito mga bahagi ng programa,
partikular na idinisenyo upang mapahusay ang aktibong kontribusyon ng kabataan sa
pangkalahatang kapakanan.

Ano ang mga sangkap (Component)ng NSTP?

Civic Welfare Training Service (CWTS)

Ang CWTS o Civic Welfare Training Service ay isang aktibidad na may malaki ang
maiaambag sa kalusugan, edukasyon, kapaligiran, kaligtasan, mga nilikha at ang pag
uugali ng mga tao. Sa aktibidad na ito ipinapairal ang importansya ng pagtulong sa
kapwa o mamamayan sa pamamagitan ng mga programa at mga aktibidad na
makakatulong sa komunidad. Nagpopokus din sila sa mga programa upang
mapaganda o mapaayos ang mga kondisyon sa buhay ng mga mamamayan. Kabilang
sa mga programa dito ay ang paglilinis ng kapaligiran, dagat, pangangalaga ng
kalikasan, pagpapakain sa mga taong kapos sa pera at pagbibigay ng mga
pangunahing pangangailangan ng mamamayan tulad ng pagkain, damit, tsinelas at
mga kagamitan sa eskwelahan.

Literacy Training Service (LTS)

Ang LTS o Literacy Training Service ay nakapokus naman sa mga kabataan ng


pagtuturo ng mga pang akademiko na maaari nating gamitin sa ating pang araw araw
na pamumuhay at upang maabot ang ating mga mga pangarap sa buhay. Ito ay naayon
sa mga estudyanteng gustong maging guro. Layunin ng LTS na mahasa ang mga
kabataan upang maglingkod sa mga mag aaaral at magturo ng mga aralin di Lang sa
eskwelahan, kundi sa labas Ng paaralan at pati na rin sa mga taong nangangailangan
ng kanilang serbisyo. Kung ang CWTS ay nakapokus sa mga aktibidad at programa na
makakatulong sa mga mamamayan at iba pa, at ang LTS ay nakapokus sa pagtuturo
ng mga aralin sa mga nangangailangan.
Reserve Officers’ Training Corps *ROTC_

Ang ROTC o Reserve Officers’ Training Corps naman ay nakapokus sa paghahanda


para kaligtasan at sekyuridad ng mga mamamayan ng atng ating bansa. Layunin ng
ROTC na magbigay ng mga kaalaman at mga pagsasanay para sa mga kabataan na
maging handa para sa ipagtanggol ang ating bayan. Ang pangunahing layunin nito ay
paghahanda sa mga estudyanteng nasa kolehiyo para sa magserbisyo sa Armed Force
of the Philippines sa panahon ng pangangailangan at sila ay magsasanay upang
maging isang tagapaglingkod. Sa pamamagitan ng ROTC matutoto tayong maging
isang lider, maging isang mabuting tagasunod sa ating lider at mahahasa din ang ating
pakikiisa para sa ating bayan. Dapat tayong maging isang matapang na tao pero
disiplinado, di lang alam ang salitang desiplinado bagkus maging isang taong
desiplinado sa gawa at salita.

Ano ang Urban Farming?


Ang Urban Farming ay isang bahagi ng urban ecological system at ito ay may
mahalagang gampanan sa urban environmental management system. Una, ang isang
lumalagong lungsod ay nakakapagdulot ng maraming wastewater at mga organikong
basura. Ang Urban Farming / Gardening ay makakatulong upang malutas ang mga
naturang problema sa pamamagitan ng mga basura ay magamit para maging isang
produktibong mapagkukunan sa paghahalaman tulad ng Urban Farming.

Sa kabila ng napakaraming pagtutulungAN at pagsisikap na ginagawa ng iba't ibang


mga ahensya tulad ng Kagawaran ng Agrikultura, mga institusyong pang-akademikong
pamahalaan tulad ng Unibersidad ng Pilipinas sa Laguna, Cavite State University sa
Indang, Cavite, Xavier Unibersidad sa Lungsod ng Cagayan de Oro, Central Luzon
State University sa Science City ng Muñoz, Nueva Ecija, Gulayan at Bulaklakan ng
Brgy. Hoy Spirit at syempre angThe Joy of Urban Farming na pangunahing programa n
gating butihing Mayor josefina “Joy” Belmonte ; ang programa ng urban farmng ay hindi
pa lubos na lumalagabnap o naisasakatuparan kahit marami ang mga ahensiya at mga
oppisyal ng gobyerno ang naniniwala sa programang ito. Tulad nalang ng mayora ng
Quezon City na si Kagalang galang Josefina “Joy” Belmonte na taong 2010 itinatag ang
proyekto na “ The Joy of Urban Farming”. Maganda ang hangarin ng ating butihi ng
mayor ngunit hindi pa lahat ng taga lungsod ay nabababaan ng ganitong programa.
Inaanyayahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga residente ng lungsod na
suportahan ang programa ng Urban Farming ng pamahalaang lungsod sa
pamamagitan ng pagtatayo ng kanilang sariling mga hardin. Ang butihing mayor ng
lunsod ay nagkakaloob ng start-up kit, tulad ng mga gamit sa pagtatanim, mga punla at
pataba sa sinumang interesado. Ang kahirapan at seguridad sa pagkain ang
pinakamadalas na mga problema ng gobyerno upang matugunan ang programa sa
pagkain. At ito ang mayroon ang kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Mayor
Joy Belmonte. Isama na rin natin dito ang Gulayan at Bulaklakan ni Superkap Felicito
Valmocina at Konsehal Estrella “Star” Valmocina.

Ngunit hindi sapat ang inisyatibo ng ating punong lunsod para maisakatuparan ang
hangaring ito na malawakan implementasyon ng programa. Ang Quezon City
University - National Service Training Program (NSTP) ay ipinatupad ng programng
Urban Farming Program na sakop ng Civic Welfare Training Service (CWTS) para
suportahan an gating local na pamahalaan ang program ni Mayor Joy Belmonte na “
The Joy of Urban Farming” ng ating lunsod, minabuti ng Quezon City University –
National Service Training Program (NSTP) na maiakma ang CWTS na programa para
matulungan ang ating butihin mayor na ibahagi sa mga resident ng lunsod Quezon ang
programa sa pamamagitan ng mga mag-aaral ng unibersidad hanggang sa komunidad
ng lunsod.

Mga pangunahing benepisyo ng Urban Farming

• Sariwa – Nakakasiguro tayo na ang ating kakainin na gulay ay siguradong sariwa at


walang halong kemikal.

• Sustainability - Ang pagkain sa pamilihan ay isa sa mga pinakamahusay na bagay na


magagawa nating lahat at para iwas sa mga gastos sa enerhiya ng transportasyon.

• Kalidad na Pagkain - Ang ilang mga residente sa mga lungsod o kamaynilaan ay


walang kakayahan sa mataas na kalidad na pagkain, abot-kayang mga sariwang prutas
at gulay ngunit sa pamamagitan ng pagtatanim sa ating bakuran mabibigyan na natin
ng pagkakataon ang mga taga lunsod na makakain ng kalidad na mga pagkain tulay ng
gulay.

• Kalidad na Buhay - Ang Urban Gardening ay makatulong na mapalakas ang mga


komunidad, magbigay ng kamalayan ng tagumpay, mapagbigyan ang komunidad at
indibidwal ng kanilang mapagkukunan na pagkain aat pagkabuhayan.

May benepisyo pa ang mga halamang ito sa ating kalusugan:

Problema ngayon ang polusyon sa hangin. Napakaraming sakit ang


makukuha sa polusyon tulad ng hika, pulmonya, ubo, sakit sa puso at
istrok. Isang paraan para mabawasan ang polusyon ay ang pag-alaga
ng mga halaman (house plants).

1. Ang mga halaman ay nagbibigay ng oxygen at nagtatanggal ng


carbon dioxide sa paligid. Kabaligtaran ito sa tao na nangangailangan
ng oxygen at naglalabas ng carbon dioxide.
2. Ayon sa isang pagsusuri ng NASA, inaalis ng halaman ang toxins sa
ating kapaligiran. Ito ay ang mga VOCs o volatile organic compounds
na galing sa pintura, mga coating at refrigerator. Mababawasan din
ang carbon monoxide mula sa kotse.
3. Makaiiwas tayo sa trangkaso at ubo. Ayon sa pag-aaral ng
University of Agriculture sa Norway, ang pag-alaga ng halaman ay
nakababawas sa pagod, ubo, sipon at sore throats ng 30%. Ito’y dahil
sa pag-alis ng alikabok sa paligid.
4. Natural humidifier ang mga halaman. Pinapataas nito ang humidity
(o tubig) sa hangin dahil hinihigop ng ugat ng halaman ang tubig at
nag-e-evaporate mula sa dahon. Kapag mataas ang humidity, mas hindi
tayo tatamaan ng mga impeksyon.
5. Kapag may alaga kang halaman, ika’y magiging mas masaya at mas
positibo ang pananaw sa buhay.
6. Natuklasan sa pagsusuri na mas gumaganda ang trabaho ng mga
empleyado sa opisina kapag may nakikitang halaman sa paligid.
7. Mas gaganda at hihimbing ang iyong tulog.
8. Ang halaman sa loob at labas ng bahay natin ang ating panlaban sa
init ng panahon at global warming. Ang temperatura sa ilalim ng puno
ay mas mababa ng 1 degree kumpara sa ibang lugar.

Kahalagahan

Budget mo sa gulay ang magsisilbing saving

Biodegradable materials bilang Compost materials

Magtanim gamit ang mga non biodegradable material (bote, gulong styro)

Gumawa ng planting medium (kaserola

Tip : Maging matiyaga sa pagaalaga sa mga panananim

Urban Farming in Quezon City

2010 launched the Joy of Urban Farming Program, pet program of Mayor Joy Belmonte

1998 Gulayan at Bulaklakan Program of Superkap Chito Valmocina at Coun. Star


Valmocina

Urban Farming in Taguig City

2014 October launched it Urban Farm Project (Hydroponics) Marlon Manguiat


Ano nga ba ang Hydroponics?
Sa ginawang pag-aaral na isinagawa ni Dr. Primitivo Jose Santos at Eure-ka Teresa
Ocampo ng Institute of Plant Breeding (IPB), sa University of the Philippines Los Baños
(UPLB), natuklasan nila na nag mga gulay gaya ng lettuce, sweet pepper, celery, at
cucumber at maaring matagumpay na mapatubo gamit ang simpleng hy-droponics
system na ang tawag ay SNAP hydroponics.

Ang hydroponics ay napatunayan na maraming mga pakinabang sa paghahardin ng


lupa. Ang rate ng paglago sa isang hydroponic plant ay 30-50 porsyento na mas mabilis
kaysa sa isang lupa. Ang hydroponics ay isang subset ng hydroculture, ang paraan ng
paglaki ng mga halaman nang walang lupa, gamit ang mga solusyon sa nutrisyon ng
mineral sa isang tubig.

Ang hydroponics ay isa sa mga makabagong paraan ng pagtatanim na ginagamit sa


agrikultura sa kasalukuyang panahon. Ang makabagong teknolohiya na ito ay
nagsisilbing bagong paraan upang magamit natin ang ating tubig at mga makabagong
kagamitan upang mapataas ang produksyon ng mga produktong pang agrikultura
upang mapanatili na-tin ang masaganang hinaharap.

Hydroponics ay bahagi ng hydrocul-ture, na siyang pamamaraan ng pag-tatanim ng


hindi gumagamit ng lupa bagkos tubig na may mga sapat na nutri-ents gaya ng sa
natural na lupa. Ang mga halaman ay maaring lumaki basta ang kanilang ugat ay naka
expose o nakababad sa isang mineral o mineral solution, o maaring ang mga ugat ay
sinusuportahan ng isang “inert medi-um”, gaya ng perlite or gravel. Ang mga nutrients
sa hydroponics ay maaring mangagling sa ibat ibang mga sources; ito ay maaring ng
galing ngunit hindi limitado sa mga product gaya ng mga fish waste, dumi ng mga pato,
o nor-mal nutrients.

Ang mga susunod ay ang anim (6) na dahilan kung bakit mainam na mag tanim sa
pamamagitan ng hydroponics.

1. Nakatitipid sa Espasyo
Ang paghahalaman sapamamagitan ng hydroponics ay nakakatulong na makatipid ng
espasyo kumpara sa paghahalaman gamit ang traditional na paraan ng pagtatanim o
gamit ang natural na lupa. Madalas ang ugat ng hal-aman ay nangangailangan ng
malawak na es-pasyo upang makakuha ng sapat na nutrients, ngunit dahil sa
hydroponics, ang ugat ng hala-man ay nakababad nalamang sa isang oxygen-ated
nutrient solution.

2. Ang Hydroponics ay Nakatitipid sa Tubig


Kakaunting porsyento lamang ng tubig ang nagagamit ng halaman na nakatanim sa
hydroponics. Nangyayari ito sa pamamagitan ng pag re-recycle ng mga nutrients at ng
tubig gamit ang tinatawag na recirculating nutrient reservoir na halos lahat ng disenyo
ng hydroponics ay gumagamit nito. Sa ganitong paraan nagagamit lamang ng halaman
ang tubig na kanyang kina-kailangan. At dahil nakatakip ang mismong disenyo ng
hydroponics napipigilan ang pagkatuyo ng tubig at maaring makatipid ng higit 90% ng
tubig na ginagamit o magagamit kapag ikaw ay nagtanim gamit ang tradisyunal na
paghahalaman.

3. Hindi na Kinakailangang Magtangal ng Damo


Dahil ang hydroponics ay hindi nangangailangan ng lupa, wala ng kailangang tanggalin
na damo o mga ligaw na halaman. Samadaling salita, kung walang lupa, wala ring
damo. At hindi mo na kailangan na mag tang-gal ng damo at ligaw na halaman.

4. Kakaunti o Halos Walang Peste at Sakit ang Halaman


Walang Lupa = Wala ring mga Peste
Halos nababawasan ang mga sakit at mga peste na maaring makuha ng isang halaman
dahil hindi ito nakatanim sa lupa. Karamihan sa mga sakit na nakukuha ng halaman ay
nanggagaling sa lupa, at halos lahat ng uri ng mga peste ay nakadepende sa lupa.
Sama-katuwid, kung walang lupa ay walaring mga peste at sakit na maaring
makaapekto sa halaman.

5. Nakatitipid sa Oras
Sa pagtatanim sa papamagitan ng hydroponics, natitipid ang oras sa pagtatangal ng
damo at ligaw na halaman, pag control ng mga pes-te, at pagdidilig, at higit sa lahat
mas napapabilis ang paglaki ng hala-man. Kung ikaw ay nagpapatubo ng halaman sa
laba o saiyong baku-ran, kailangan mong ma-maximize ang panahon at oras bago
matapos ang panahon na kung saan tumutub ang iyong halaman.
Nagkakaroon ka ng pagkakataon upang maobserbahan ang iyong halaman at
matutunan ang kanilang paraan ng paglaki upang mas mapabuti mo at maimprove ang
paglaki ng iyong tanim. Halimbawa, ang isang lettuce ay karaniwang lumalaki sa loob
ng dalawang buwan bago i harvest, samantalang sa hydroponics magagawa mo
lamang ito sa loob ng isang buwan. Mas marami ka ng oras upang matutunan ang mga
bagay-bagay tungkol sa iyong halaman sa napakaiksing panahon lamang.

6. Nagkakaroon Ka ng Sapat na Pagkontrol


Lahat ng mga nabanggit ay mga dahilan kung bakit mas mainam ang pagtatanim sa
pamamagitan ng hydroponics, ang mga ito ay tumutukoy sa isang napakahalagang
kakayahan na maaring taglayin ng isang nagtatanim, ang “pagkontrol”. Ang nagtatanim
ay syang may kontrol sa kung anong uri ng kapaligiran ang meron pa-ra sa halaman. At
nasa kanya rin ang pagdedesisyon kung ano ang tamang kombinasyong nutrients na
kailangan ng halaman,

SNAP HYDROPONICS

a. Paghahanda ng punla
a. Sowing Tray – Isang plastic tray na may mga butas sa ilallim
b. Growing media – maaring isa sa mga ito, coco coir dust , fined sand or
charcoaled rice hull
c. Seeds o buto na itatanim
d. Snap solution
Paraan
a. Lagyan ng growing media o coocoir and sowing tray mga isang inches
ang kapal
b. Ilagay ang mga seeds sa sowing tray na may coco coir
c. Takpan ng kaunting coco coir
d. Siguraduhin na naiinitan ang inyong punla ng 4 hanggang 6.
e. Diligan araw araw at hasahan ang 3 hanggang 5 araw ng pag germinate
ng seeds.
f. Kinakailangan na nasisikatan ng araw ang punla mula 7 hanggang ika -14
na araw bago ilipat sa growing cups o sa styro cup.
b. Paghahanda ng seedling plugs o styro cups
a. Mga gamit sa paghahanda
a. Styrofoam cups (8 oz.)
b. Saw, cutter o kaya gunting
c. Growing media(coco coir)
d. Punla
e. Kapirasong kawayan o BBQ stick
b. Paghahanda ng seedling plugs o styro cups
i. Ihanda ang styro cups, hiwaan ng 4 hanggang 6 na may sukat na 2
inches
ii. Lagyan ng coco coir ang styro foam na mya sukat na 1 inch.
iii. Diligan o basahin ng konti ang coco coir
iv. Ilipat ang punla sa Styro foam na may coco coir. 1 punla kada
isang styro foam.
v. Maging marahan sa pagdilig ng punla.
c. Paghahanda ng Styro Box

Gamit sa paghahanda ng Styro box

a. Styrofoaam boxes
b. Lata na gagamitin sa pangbilog
c. Polyethylene plastic bag 20” x 30”, 0.003 mm thick

Paghahanda ng seedling plugs o styro cups

1. Ihanda lahat ng kagamitan


2. Gumamit ng lata sa pangbilog at butasan ng 8 sa cover side ng Styro
box gamit ang lata
3. Lagyan ng Polyethylene plastic bag 20” x 30”, 0.003 mm thick para hindi
tumulo ang tubig
4. Gamitin ang plastic tape para takpan lahat ng butas

1. Para sa magandang bunga ng halaman ilagay ang snap hydroponics kung


saan may sikat ng araw sa umaga.
2. Lagyan ng 10 litro na inimbak na tubig.
3. Lagyan ng 25 ml ng Snap A sa styro box o 2 takip ng bottle at pakatapos ay
haluin ng maigi.
4. Lagyan ng 25 ml ng Snap B sa styro box o 2 takip ng bottle at pakatapos ay
haluin ng maigi.
5. Ibalik ang cover ng styro box at ilagay ang seedling plugs o styro box.
6. Siguraduhin na aabot ng tubig ang ilalim ng styro cup.
7. Obserbahan ang styro box kung may tumutulo.
Paggamit ng organikong pataba
Ang paggamit ng organikong pataba ay ang ligtas na paraan ng pagtatanim. Dito
nasisigurado natin na ang ating mga kinakain ay walang halong kemikal na
nakakamatay sa ating lahat. Masisisgurado nating lahat na ligtas kainin ang bawat
aanihin na halamang gulay para sa ating pamilya. Kinakailangan lamang na buruhin
ang mga sangkap at matapos ang isang buwan na pagkaburo ng lahat ng sankap
maaari na itong ihalo sa lupang tatamnan. Ang mga organismong ito ang magsisilbing
katulong sa natural na pataba ng inyong lupa. Sa makatuwid ang organic farming ay
isang natural na paraan ng pagtatanim at kasalukuyan pang dumarami ang mga
proseso at paraan ng paggamit nito. Patuloy rin ang pagdami ng mga mamamayang
nahihikayat gumamit ng paraang ito. Bukod sa marami itong magandang bunga sa
kapaligiran tulad ng kalinisan ng hangin at tubig, ligtas din ang ating kalusugan. Bilang
paraan ng paglutas ng pagkukulang sa pagkain, ito ay isang mura at ligtas na
alternatibong nakapagbibigay ng dagdag na kabuhayan sa mga mamamayan. Halina at
mag organic farming, mas masaya dito!

PAGGAWA NG KATAS NG BURONG PRUTAS

FERMENTED FRUIT JUICE (FFJ)

Ang Katas ng Burong Prutas (KBP) o Fermented Fruit juice (FFJ) ay katas mula sa
binurong prutas na mayaman sa bitamina, enzymes at hormones. Pinakamainam nag
awing katas ng burong prutas ang mga hinog na prutas na mayaman sa potassium
tulad ng saging(pati blat nito), mangga, papaya, avocado at magulang na kalabasa.

Kahalagahan ng katas ng Burong Prutas:


 PInapataas nito ang mga elementong kailangan ng halaman sa pamamagitan ng
mga dahon at ugat nito.
 Pinapatamis ang bunga ng halaman
 Tumutulong sa halaman sa pagsipsip ng mga sustansya sa lupa
 Pinoprotektahan ang mga halaman sa mga sakit at peste
 Pinapadali ang paghinog ng prutas
 Puedeng ipainom sa mga alagang hayop upang makatulong sa digestion.

MGA KAILANGAN NA MATERYALES

 Lalagyan(earthen jar or food grade plastic container or bottle)


 Malinis na papel
 Tali\Molases
 Hinog na prutas na mataas sa potassuin

PARRAAN NG PAGGAWA NG KATAS NG BURONG PRUTAS:

1. Gayatin ng maliliit ang 1 kilong hinog na prutas. Huwag isama ang balat at buto
ng prutas maliban sa saging. Maaring gamiting ang saging, mangga, papaya at
avocado. Ang magulang na alaasa ay maari ring gamitin.
2. Ilagay ang ginayat na prutas sa loob ng tapayan at halluan ng 1 kilong molasses.
3. Takpan ng malinis na papel at talian ito. Ilagay sa malamig at malilim na lugar.
Buruin sa loob ng 7 araw. Lagyan ng petsa kung kailan ginawa upang
magkaroon ng tanda o malaman kung kailan puedeng ng magamit ang binurong
prutas.
4. Gamiting ang mga sabaw pang-ispray o pandilig sa halaman. Maari rin itong
inumin ng tao. Maaakuha ng mahigit kumulang 2.5 litro ng katas ng binuring
prutas o fermented fruit juice sa 1:1 ratio na itong ginawa.

Paggamit ng FFJ

 Ihalo ang 2 kutsarang FFJ o 20 ml sa 1 litrong tubig o 2 lata ng sardinas sa


bawat 16 litrong tubig,.
 Idilig o isprey sa halaman sa umaga o dakong hapon sa panahon ng
pamumulaklak at pamumunga. Maglagay minsan isang lingo o minsan bawat
dalawang lingo simula pamumulaklak hanggang pamumunga.
 Dagdagan ng aparehas na ratio ng IMO ang tinimplang FFJ at gamiting itong
pang-isprey sa mga punong kahot sa panahon ng pamumunga upang tumamis
ang bunga nito.
 Maari rin itong gamitin para sa mga alagang hayop. Ihalo ang 1 kutsarang FPJ
sa inuming tubig ng inaalagaang hayop, lalo na sa panahon na may
karamdaman ang mga ito upang mas mabilis ang paggaling mula sa
karamdaman at pagod.

PAGGAWA NG FISH AMINO ACID


PAGGAWA NG FISH AMINO ACID
1. Maaring makauha ng gagamiting materyales sa palengke tulad ng asang ng
isda.
2. Gayatin ang asang ng isda ng maliliit para medaling makkuha ang katas nito.
3. Ilagay ang 3 kilo ng ginayat na asang ng isda sa palanggana, lagyan ng
molasses of pulang asukal (nognog), haluin mabuti gamit ang kahoy .
Siguraduhin na ang asang ng isda at molasses magkahalo na para madali
makuha ang katas.
4. Ilagay ang pinaghalong asang ng isada at molasses sa isang babasaging
garapon o sa isang gallon at lagyan ng takip, maaring damit o dyaryo ang
gamitin sa pagtakip at talian ng mabuti.
5. Sa takip o lalagyan, sulatan ng petsa kung kailan ginawa at kung kailan
inaasahang araw o petsa na maaari na itong magamit.
6. Ilagay sa malamig at malilim na lugar, siguruhin na walang mga insekto tulad ng
ipis para hindi makontaminado. Hayaan ng 4 na lingo bago gamitin.

GAMIT NG NG FISH AMINO ACID

 Ang Katas ng Burong Fish Amino Acid ay katas mula sa binurong prutas
na mayaman sa sa Nitrogen. Isang kutsara kada 1 litro ng tubig.

KAHALAGAHAN NG PAGPRODUCE NG FISH AMINO ACID

 Ang materyales ay madaling mahanap dahil itinatapon lang ito sa


palengkee kaya puedeng hingin at makukuha ng libre.
 Hindi magastos ang paggawa dahil libre ang materyales.
 Laging available kahit kailan na kailanganin sa paggawa.
 Ang proseso ng paggawa ay madaling gawin.

KAHALAGAHAN NG PAGGAMIT NG FISH AMINO ACID

 Ang Fish Amino Acid ay safe na gamitin at hindi delikado sa kalusugan.


 Murang pagkukunan ng nitrogen para sa ating mga halaman at para sa soil
microorganisms.
 Patuloy na nakakapagbigay ng nutrient sa mga halaman kahit sa kaunti lang ang
ilagay.
PAGAMIT NG ORGANIKONG PAMATAY PESTE
PAGGAWA NG FISH AMINO ACID

Mga materyales

1. 1 litro ng plastic bottle


2. 15 piraso ng sili
3. Detergent powder

Paraan ng paggawa:

 Maghanda ng 15 piraso ng sili, gayatin ito ng maliliit.


 Kumuha ng malinis na 1 litro plastic bottle at lagyan ng tubig.
 Lagyan ng 1 kutsarang detergent powder ang isang litro na plastic bottle.
 Ilagay din ang tinadtad na 15 piraso na sili sa isang litro na plastic bottle.
 Haluin mabuti at ibabad ng isang araw o mahigit pa.
 Pagkatapos ng isang araw na pagkababad ng pinaghalong sili at detergent
powder puede na aitong gamitin na pang isprey sa halaman.
 Gamitin ito kada 3 araw lamang.
PAG-GAWA NG COMPOST PARA ORGANIKONG PATABA

Composting ay pagsasama-sama ng mga nabubulok na basura katulad ng dumi ng


hayop, dahon,balat ng prutas, damo at iba pa. Ito ay maaaring gawin sa bakanteng lote.

Basket composting- ito pagsasamasama rin ng mga nabubulok na basura. Ginagawa


kung walang bakanteng lote na maaaring paggawan ng compost pit.

Mga paraan ng paggawa ng compost bin

1. Humanap ng medyo mataas na lugar, tuyo, patag, at malayu-layo sa bahay o


anumang anyong tubig.
2. Gumawa ng hukay sa isang lugar na ang lapad ay dalawang metro, ang haba limang
metro, at ang lalim ay isang metro. Diinan at patagin ang loob ng hukay. Hayaan itong
nakalantad sa araw upang huwag pamahayan ng mikrobyo.
• 3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang nabubulok at mga
pinagbalatan ng gulay at prutas. Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng hukay hanggang
umabot ng 30 sentimetro ang taas.
• 4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok, at baka hanggang
umabot ng 15 sentimetro ang kapal. Patungan naman ang ikalawang patong
ng lupa, abo, o apog.
• 5. Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak hanggang mapuno ang hukay. Panatilihing
tuwid at patayo ang mga kanto ng hukay sa pamamagitan ng paglalagay ng ilang
pirasong patpat at kawayan
• 6. Diligin ang ibabaw ng hukay upang pumatag. Panatilihing mamasamasa.
Kung tag-ulan naman, takpan ito ng ilang dahon ng saging sa ibabaw upang hindi
malunod sa tubig.
• 7.Tusukan ang compost pit ng ilang pirasong kawayan na inalisan ng buko at
binutasan sa gilid. Makakatulong ito upang mahanginan ang compost at nang madaling
mabulok kaagad ang basura.
• 8. Pagkalipas ng tatlong linggo, bunutin ang pasingawang kawayan at haluin ang
tambak. Ipailalim ang kalat na nasa ibabaw upang maging pantay-pantay ang
pagkakabulok ng kalat. Pagkaraan ng dalawang buwan o mahigit, ayon sa
uri ng basurang ginamit, maaari ng gamitin na abono ang laman ng compost pit

Ito ang mga paraan sa paggawa ng basket composting.

1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May isang
metro ang lalim.
2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatungpatong na tuyong dahon, dayami,
pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop, at lupa tulad din ng compost pit
hanggang mapuno ang lalagyan.
3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok
kaagad ang basura.
4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito
pamahayan ng langaw at iba pang peste.
5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan para
magsama ang lupa at ang nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.

You might also like