You are on page 1of 7

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]

018
PAGSULAT NG BURADOR/ DRAFT

PAGSULAT NG BURADOR
LAYUNIN:
1. Nabibigyang kahulugan at saysay ang kahalagahan ng pagsulat
ng burador,
2. Nababatid ang mga dapat tandaan ang sa pagbuo ng pagsulat ng
burador
3. Naisa-isa ang mgaparaan sa pagkuha ng datos

PANIMULA
Sa pagbuo ng isang pananaliksik mahalaga ang mga datos na
magpapaliwanag at magbibigay ng patunay, nagiging mahusay ang pananaliksik
kung ang nagsasagawa nito ay may sapat na kaalaman at mahusay sumuri ng mga
datos na kakailangin na isang pag-aaral.

PAGSULAT NG BURADOR
Ang Burador ay ang tentatibong kabuuan ng papel, Isa ito sa unag hakbang para
sa aktuwal at mekanikal na pagsulat ng panimulang bahagi ng pananaliksik nabubuo
ang mga datos sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pag-uugnay nito. bahagi din sa
pagsulat ng unang burador ang pagbuo ng tentatibong talasanggunian.
Mahalaga ang burador dahil kailangan maisulat nang buo ang papel upang
makita kung mayroon pang kulang na datos, kailangang makabuo ng isang papel na
puwedeng rebisahin sang-ayon sa hinihingi ng nilalaman at estilo sa pagsulat
gayundin, upang makalikha ng mga ideya. Sinasalamin ng pagsulat ng mga ideya.
Sa pagbuo ng Burador kailangan isaalang-alang ang mga sumusunod:

1. Ihanda ang talaang pinagsulatan ng mahahalagang ideya o konsepto na hango sa


mga kaugnay na literatura.

Course Module
2. Isaayos ang datos na nakuha sa tagatugon na ginagamit sa paksang pinag-aaralan.
3. Suriing mabuti ang mga datos at bigyan ito ng interpretasyon.
4. Itala ang mga ideya o konseptong natuklasan sa isinasagawang pananaliksik.
5. Itala ang mga hakbang na ginagamit sa pananaliksik
6. Sundin ang ginawang balangkas sa pagsulat ng sulating pananaliksik.
7. Sa pagsulat, hayaan lamang na lumabas ang mga ideyang naiisip at huwag munang
pansinin ang kamaliang nagawa.
8. Balikan at basahin muli ang ginagawang sulating pananaliksik.Tingnan kung ano
ang dapat idagdag at ibawas dito.
9. Pagpili ng isang kawili-wiling paksa
10. Aktuwal na Pagsulat

Pagpapalawig ng Paksa

Nilimitahan ang paksa upang makabuo ng isang tiyak na pamagat ng isang


pananaliksik ngunit pinapalawig naman ito sa loob ng pananaliksik upan matalakay
ito nang komprehensibo. Sa pagpapalawig ng paksa , mahalagang isaalang-alang ang
mga sumusunod

 Pagtalakay sa historikal na kaligiran – Upang magkaroon nang malinaw at sapat


na pag-unawa ang babasa ng pananaliksik, mahalagang maibigay ang sunod-
sunod na pagkakaayos ng mga datos o pangyayari sa paksang pinili.

 Paghahambing sa mga kaugnay na paksa – Bigyang pagtalakay ang


pagpapalawig ng paksa ang mga magkatulad o kaugnay na konsepto at ang
kaiba o kasalungat nitong konsepto, ideya o katangian.

 Pagbanggit ng mga establisadong awtoridad kauganay na paksa – Panghuli


ngunit pinakamahalaga, marapat na magkaroon nang maayos na atribusyon at
paggamit o muling paglalahad ng mga pagpapaliwanag ng mga awtoridad ukol
sa isyu.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
018
PAGSULAT NG BURADOR/ DRAFT

Pagbibigay ng katuturan sa mga Salita/Terminolohiyang Ginamit

Ang pagbibigay ng katuturan o kahulugan sa mga salitang ginamit sa loob ng


pananaliksik ay higit na mahalaga upang mas maunawaan ng mambabasa ang mga
terminilohiya, maaring gamitin ang footnote o end note upang maipaliwanag ang
salita o terminolohiyang ginamit sa loob lamang ng magkatulad na pahina kung saan
ginamit ang salita/terminolohiya. Tandaan na bukod ditto ay kinakailangan ng
mayroon hiwalay na glosaryo na talaan ng mga salita at terminolohiyang ginamit sa
kabuuan ng pananaliksik.

Pagtatalata
Ang mga pangungusap sa bawat talata ay nangangailangan ng maayos at
maingat na ppagkakasunod-sunod upang maihayag ng malinaw ang diwa sa paraang
masining at mabisa.
Nakatutulong ang pagtatalata sa isang manunulat sa pagpapaliwanag at
pagpapaunlad ng isang kaisipan. Ang kaisipang ito ay ang pamaksang pangungusap na
maarng matagpuan sa loob ng isang talata, pinakabatayan ng lahat ng mga pangungusap sa
talata ang paksang pangungusap, ito ang nagbibigay giya sa mambabasa kung ano ang nais
ipahatid ng manunulat. Sa pagsulat ng isang burador mahalagang mahusay sa pagtatalata
ang mananaliksik upang maialahad niya ang mga ideya na ninanais niyang ipabatid kaugnay
sa kanyang sinaliksik.
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Isang Maayos na Talata
1. Ang bawat talata ay dapat magtaglay ng paksang pangungusap, sapagkat ito
ay nagsasabi kung ano ang ibig linawin sa talata.
2. Kailangang makatulong sa pagpapaliwanag ng paksang pangungusap ang
lahat ng pangungusap sa talata.
3. Kailangan ang maayos na pagkakaugnay-ugnay at pagkakasunod-sunod ng
mga pangungusap.
4. Iwasan ang maligoy at mahabang pangungusap.
5. Dapat tapusin ang talata sa pamamagitan ng isang mabisang pangungusap
na pangwakas.

Course Module
Kailangan sa Isang Talata
A. Kaisahan. Isang mabuting sangkap sa pagbuo ng isang talata ang kaisahan,
ang magkakaugnay –ugnay na diwang ipinapahayag.
B. Kakipilan. Ito ay ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap
na nagpapalinaw sa kanilang pagkakaugnay.
C. Diin. Ang layunin ay ang pagbibigay sa diwa ng talata.
Uri ng Talata
1. Pasimulang Talata
Ang Talatang nagtataglay ng paksa at layunin sa pakikipagkomunikasyon.
Dito nakasalalay kung ano ang isasalaysay,ipaliliwanag, ilalarawan at
pangangatwiranan ng mananaliksik.

2. Talatang-ganap
Dito nakatuon ang pagpapunlad o pagsusulong sa pangunahing diwang
nais mabatid tungkol sa paksa na siya ring dami ng talatang ganap.

3. Talatang paglilipat-diwa
Binubuod dito ang diw ng mga sinundang seksyon ngn isang sulatin. Ito rin
ang nag-uugnay ng magkasunod na sulatin.
4. Talatang Pabuod
Dito nakatuon ang paglalagom ng mahahalagang pahayag ng layunin ng
mananaliksik.
5. Malayang Talata
Ito ang talatang nagtataglay ng isang paksa o ideya lamang. Kadalasan
itong ginagamit sa pagsulat ng pangulong tudling at mga patalastas.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
018
PAGSULAT NG BURADOR/ DRAFT

Pagsulat ng ikalawang Burador

Sa ikalawang pagsulat ng burador, kailangan masunod ang mga naging


pagwawasto mula sa unang burador, ang paglilimita sa ilang maling gamit sa
gramatika ay dapat naisaayos na, kung sakaling nagkaroon ng pagbabago sa
pagkakasunod-sunod o sa balangkas ng pagtalakay, marapat lamang na naisagawa
ang mga kinakailangang pagwawasto.

 Panimulang Pagsusuri sa nilalaman – Sa gawaing ito marapat lamang na bigyang


pnasin ang kawastuhan ng mga detalye at mga datos, tulad ng pangalan ng
kinapanayam, kaangkupan ng taong kinapanayam sa isasagawang saliksik, wasto ba
ang petsa, taon at araw,sapat baa ng saklaw at limitasyon ng isinagawang pag-aaral.
Naibigay ba ng wasto ang mga depinisyon at katangian ng mga konseptong nabanggit,
ang ito ay ilan lamang sa mga dapat na bigyan muli ng pansin sa pagbuo ng ikawalang
burador.

 Paggamit ng karagdagan o pagbabawas ng mga ginamit na Sanggunian – Bukod sa


mga taong kinapanayam at mga aklat na pinagkunan ng mga datos at ilang mga
dokumentasyong isinagawa, maaring ding gamitin ang ilan sa mga nailathalang
babasahin, at ilang mga bagong tuklas na pag-aaral. Makatutulong din ang
pagkakaroon ng una at ikalawang pangkat ng sanggunian. dapat na maging mapanuri
ang mananaliksik kung alin sa mga sanggunian ang maaring idagdag o alisin na
lamang. kailangan maiklasipika kung alin ang pangunahing sanggunian at ang
sekondaryang sanggunian.

 Muling Pagsusuri gamit ang Wika at Gramatika – sa prosesong ito kailangan na


maging matalino ang mananaliksik sa pagwawsto ng gamit ng mga salita, sa wika
kailangan bigyang pansin ang wastong baybay ng mga salita, paggamit ng mga
bantas, mas mainam kung gagawing gabay ng mananaliksik ang umiiral na
patakarang pang wika, lalo pa kung ang pananaliksik ay nasusulat sa Wikang Filipino.

Course Module
Paghahambing ng Una at Ikalawang Burador

Unang Burador Ikalawang Burador

1. Mga pagkukulang sa Nilalaman  Napunan na ba ang mga


pagkukulang at kamalian sa
nilalaman
2. Mga pagkakamali sa Wika  Naiwasto na baa ng mga
pagkakamali sa wika at
gramatika
3.Mga pagkakamali sa format  Nasunod na ba ng
estandardisadong pormat ng
pananaliksik
 Nailagay o naidagdag na ba
ng kinakailangang
4. Mga pagkukulang sa Sanggunian pangunahin at sekondaryang
sanggunian
 nasunod na ba ang mga
mungkahing pagbabago ng
5. Mga pagbabago sa balangkas editor sa balangkas ng unang
burador.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
018
PAGSULAT NG BURADOR/ DRAFT

References
Pacay, Wilmor L III (2016), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang tekto tungo
sa Pananaliksik, JFS Publishing Services, Inc.

Mendoza, Zenaida, Ph.D, Romero, Marcela L. (2007) Pagbasa at Pagsulat: Sa


Iba’t Ibang Disiplina Antas Tersarya, Rex Book Store Inc.

Tanawan-Sunga Dolores, et., al (2013) Lundayan: Pagbasa at Pagsulat tungo sa


Pananaliksik, Olympia Publishing House Taytay, Rizal

Online Supplementary Reading Materials


http://study-everything.blogspot.com/2014/06/ang-proseso-ng-pagsulat.html

Online Instructional Materials


https://www.powtoon.com/online-presentation/cNCSsdDO13Q/ang-unang-
burador/?mode=Movie
https://www.youtube.com/watch?v=hdZKvpZsznE

Course Module

You might also like