Professional Documents
Culture Documents
El Fili Quiz
El Fili Quiz
2. Ang nagpahayag na “panukalang yankee” ang sinabi ni Simoun na paghuhukay ng isang bago
at tuwid na ilog ay si-
A. Don Custudio B. Donya Victorina C. Ben Zayb D. Padre Salvi
3. Sa mga sakay ng Bapor Tabo, ang nagpahayag na “nakakaduda ang mga panukalang
binalutan ng matataas na salita” ay si-
A. Padre Salvi B. Don Custudio C. Ben Zayb D. Padre Camorra
4. Ang nagpahayag ng linyang “ang katandaan ng mga magulang ay parang masasamang ibon
na naghahatid sa atin ng mga pinsala” na sinabi diumano ni Horacio ay si-
A. Padre Sibyla B. Padre Florentino C. Kapitan Tiyago D. Kapitan Basilio.
5. Ayon kay Simoun, ang nagsabi na ang kulang sa lakas ang mga tao sa bayang ito dahil
nasobrahan sa ininom na tubig ay si-
A. Padre Salvi B. Padre Irene C. Padre Camorra D. Padre Sibyla
9. Kung susuriin ang pangunahing pagkakatulad sa pagitan nina Jose Rizal, Simoun, Padre
Florentino, Donya Geronima at Julio Madiaga ay mangingibabaw
ang pagkakaroon nila ng-
A. pananalig sa rebolusyon B. pag-ibig na hindi nagtagumpay
C. marubdob na pag-ibig sa bayan D. kaapihan sa kamay ng mga prayle
11. Bilang mag-aaral sa ikaapat na taon na magkokolehiyo sa isang taon kung makatugon sa
pamantayan ng SVDPC, makabuluhan pa ring mapag-aralan
ang mga kabanata ng El Filibusterismo upang-
A. gawing inspirasyon ang mga makabuluhang aral na nakapaloob sa nobela upang maging
matagumpay at tanyag sa hinaharap
B. makakuha ng presentableng marka sa Filipino IV upang maging madali ang pagpasok sa
napiling kolehiyo at unibersidad na papasukan
C. patalasin ang isipan sa marahas na buhay at lohikal na maaksyunan ang mga suliraning dapat
harapin bahagi ng pagtatangkang paunlarin ang lipunan
D. masuri kung gaano katalino si Rizal at nagawa niyang isulat ang repleksyon ng lipunan noong
panahon ng mga Kastila na umiiral pa rin sa kasalukuyan.
13. Ang tauhang si Placido Penitente ay ginamit ni Jose Rizal bilang simbolismo ng-
A. karaniwang tao na inabuso ng mga Guardia Civil B. lider ng marahas na pag-
aaklas laban sa pamahalaan
C. kabataang biktima ng bulok na sistema ng edukasyon D. mapagsamantalang
panginoong maylupang kasabwat ng mga prayle
14. Sa kabanatang may pamagat na Mga Pandaraya ang mga pandarayang tinutukoy ay ang-
A. hindi makatotohanang palabas ni Mr Leeds na napalilitaw niyang kapani-paniwala sa mata ng
mga manonood
B. kunwaring tapat na pag-ibig ni Paulita Gomez kay Isagani samantalang ang napupusuan niya
ay si Juanito Pelaez
C. pagsisinungaling ni Simoun nang sabihin niyang ang Kapitan heneral ang may plano ng pag-
aaklas laban sa mga prayle
D. panlilinlang ng mga prayle sa mga mangmang na Katoliko sa pangangako ng buhay na
walang hanggang kapalit ng indulgencia
15. Batay sa politikal at sosyolohikal na pagsusuri sa pagkato ni Dr. Jose Rizal, hindi niya
binigyang katuparan ang mga plano ni Simoun sa nobela sapagkat-
A. plano niyang maglingkod sa Espanya bilang manggagamot na ipadadala sa Cuba
B. nangangamba siyang sapitin din niya ang sinapit ni Crisostomo Ibarra sa nobela
C. pinangangatawanan niya ang hindi niya pananalig sa armadong pamamaraan ng pagbabago
D. naniniwala si Rizal na tanging sa pag-aaklas lamang mapapalaya ang Pilipinas sa kamay ng
mga Kastila
17. Batay kay Ben Zayb, hindi naging katanggap-tanggap ang kasabihang mabuti na ang
masamang kilala kaysa mabuting kikilalanin pa bilang patungkol sa-
A. alamat ng malapad na batao B. alamat ni Donya Geronima
C. kamatayan ni Crisostomo Ibarra D. milagro ni San Nicolas at ang buwaya