You are on page 1of 6

KASAYSAYAN NG ALPABETO

SANSKRIT/O 
- ang paraan ng pagsulat na ito ay isang uri ng paraang abiguda na gumagamit ng katinig-patinig na kombinasyon. Kung
kaya’t mapapansin na ang pinakapayak na anyo nito ay mayroon lamang tunog sa hulihan na /a/. Nilalagyan lamang ng
kudlit sa itaas upang makalikha ng tunog na nagtatapos sa /e/ at /i/ at sa ibaba naman inilalagay upang makalikha ng
tunog na /o/ at /u/.

Wikang klasiko (classic) ng India; ginagamit sa mga relihiyon at pananaliksik sa agham


Sinasabing pinagmulan ng alibata

ALIFBATA 0 ALIBATA (BAYBAYIN)


- isang paraan ng pagsulat na ginagamit bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay kahalintulad sa sistema o paraan ng
pagsulat ng mga taong Java na tinatawag na kayi. Ang paraan ng pagsulat na ito ay pinaniniwalaang ginagamit na noong
14 na siglo hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ang salitang baybayin ay nangangahulugang ispeling o
pagbaybay.

Katutubong sistema ng pagsulat/alpabeto ng iba’t ibang pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas mula 1000-1200 hanggang
1800.

BAYBAYIN hango sa salitang “baybay” (to spell)


ALIBATA hango sa “alif bata” (2 unang titik sa Arabic: “alif” at “bet”)
May kaunting pagkakaiba ang bawat alibata para sa bawat partikular na wika (iba ang sa Tagalog, iba ang sa Bisaya atbp.)

Di matiyak ng mga eksperto


Sa Celebes (matandang paraan ng pagsulat ng mga Javanese)
Sa India (mula sa mga paraan ng pagsulat ng iba’t ibang lugar sa India: Sanskrit; Brahmi; Assam etc.)

ABECEDARIO
- ito ay binubuo ng 29 na letra at hango sa Romanong paraan ng pagbigkas at pagsulat.

Alpabetong Kastila; mula sa Alpabetong Romano


Isinusulat ang mga titik gaya ng sa alpabetong Romano
Itinuro sa piling mga mag-aaral (sa mga klaseng tinatawag na caton, kadalasan sa mga kumbento atbp.)
Ayaw turuan ng mga Kastila sa Pilipinas ang mga indio dahil alam nilang matatalino ang mga ito at kapag tinuruan ng
wikang Espanyol ay maiintindihan ang ginagawang panloloko sa kanila
Pilipinas lang ang dating kolonya ng Espanya na di natutong magsalita ng Espanyol (maliban sa mga intelektwal na nasa
alta sociedad at gitnang uri/middle class)

ABAKADA
- mula kay Lope K. Santos (1940)
- binubuo ng 20 letra
- lima (5) ang patinig (a, e, i, o, u)
- labinglima (15) ang katinig (b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, o, w, y)

Alpabetong batay sa wikang Tagalog; binuo ni Lope K. Santos at naisapubliko sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa
(1940):
a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y 

ALPABETONG PILIPINO (1976)


- binubuo ng 31 titik
- ang dating abakada na binubuo ng dalawampung (20) titik ay nadagdagan ng labing-isa (11) pang titik mula sa
abecedario. Ang mga naidagdag na titik ay: c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x at z

ALPABETONG FILIPINO (1987)


- binubuo ng 28 titik: lima (5) ang patinig at dalampu’t tatlo (23) naman ang katinig. Ang paraan ng pagbigkas ay batay sa
Ingles.

KASINKAHULUGAN:
1. Kakawin –
2. Mangimbulo – inggit
3. Walang-silbi – walang saysay
4. Sapantaha – hinala
5. Hungkag – walang laman

KASALUNGAT:

1. Hadlang – hayaan
2. Walang latoy – may lasa
3. Tandisan – hindi tiyak
4. Rumaragasang –
5. Alwan – pagdurusa

Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wika


 
Ding Dong
- bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran aymay sariling tunog na
siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog angnagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng
kampana, relo, tren, at iba pa.
Halimbawa
: tunog ng eroplano; tunog ng doorbell; tunog ng basong nag uumpugan 
Bow Wow
– kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman angpinagmulan ay ginagad ng tao.
Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa.
Halimbawa: tunog ng ahas; tunog ng tubig na dumadaloy 
 
Pooh Pooh
– tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ringnagbibigay ng kahulugan. Dito
ang tunog mula sa mga tao.
Hlimbawa: lahat ng tunog na sa tao nanggaling 
 
Kahariang Ehipto
– Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyangnatutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig.
Natutunan kahit walang nagtuturo.Unconsciously learning the language.
Halimbawa: Wika ng mga aeta - wlang nagturo sa kanila; ngunit may sistema sila ng  pagsasalita.
Charles Darwin
– Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na“On the Origin of Language”,
sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao paramabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha
ng iba’t ibang wika. Wika natutunantungkol sa mga pakikipagsapalaran.
Halimbawa: tsaa – nakuha sa pakikipagsalimuot sa mga tsina.Kobyertos – nakuha sa
pakikipagsapalaran sa mga Espanyol.
Genesis 11: 1-9
–Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible.
Wikang Aramean
– Believes that all languages originated from their language,Aramean or Aramaic. Syria. May
paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sadaigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean.
Sila ang mga sinaunang taong nanirahansa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic
ang kanilang wika. 
TEORYANG YO-HE-HO
. pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikhang taong magkatuwang o nagtutulungan
sa kanilang gawain. Ito ay ay unangnasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon.
Halimbawa: Haha o tawa ; Pag galit ng isang tao

BALARILA
 Ang nang ay ginagamit bilang pinagsamang na at na.

a. Aalis ka nang hindi nagpapaalam? (Aalis ka na na hindi nagpapaalam?)


b. Gawin mo nang hindi nagrereklamo. (Gawin mo na na hindi nagrereklamo.)
c. Ang uniporme ay itiniklop nang hindi pa pinaplantsa. (Ang uniporme ay itiniklop na na hindi pa
pinaplantsa.)

Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na pagkakataon ay automatic na ng ang dapat gamitin.

MgaHalimbawa:
Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ng mga Hernandez.
Si Benedict ang kumuha ng halabas kanina.
Binilisan ng bata ang paglalakad sapagkat siya ay natatakot.
Si Marlon pinag-uusapan ng kaniyang mga kaibigan dahil sa kabahuan niya.

Kung at Kong
KUNG
Bilang pangatnig na panubali sa hugnayang pangungusap
Halimbawa:
Mayaman na sana si Tiyo Juan kung naging matalino lamang sana siya sa paghawak ng pera.
KONG
Galing sa panghalip na panaong ko at inaangkupan ng ng.
Halimbawa:
Nais kong pasalamatan ang lahat ng dumalo sa pagdiriwang ng aking kaarawan.

Wastong gamit ng Rin, Raw, Daw at Din

RIN at RAW
  Ang mga katagang rinat raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig naw  aty.
         Tayo ay kasamarinsa mga inanyayahan.
         Ikawrawang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan.
         Sasakay rawsiya sa unang bus na daraan.

DIN at DAW
  Angdinatdaway ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa wat y.
         Takotdinsiyang magsinungaling kagaya mo.
         Masakit dawang ulo ni Marlon kaya hindi siya nakapasok sa klase.
         Malakas dinang patahian nila katulad ng patahian ninyo.

Wastong paggamit ng kung ‘di, kung di at kundi

         Ang kung'di ( if not) ay pinaikling kung hindi.


         Ang kungdi ay di dapat gamitin. Walang salitang ganito.
         Ang kundi ay kolokyalismo ng kung'di.
         Kung'di ka sana mapagmataas ay kaibigan mo pa rin si Louela.
         Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado lamang.

Ano ang diptonggo?


Ang diptonggo ay tunog na nabubuo sa pagsasama ng alinman sa limang patinig (a,e,i,o,u) at ng
titik w o y.

* Ang patinig ay alinman sa limang titik na a, e, i, o, at u.

Halimbawa:
Ang salitang aliw (a-liw) ay may diptonggo. Ang diptonggo dito ay ang tunog na /iw/ dahil ang
tunog na ito ay nasa pantig na liw.

Ang salitang sampay ay may diptonggo na /ay/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na pay.

Walang diptonggo sa mga salita na may mga titik aw, ay, ey, iw, iy, iy, oy, o, uy kapag
nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (a-li-wa-las).
Ang salitang sampayan ay walang diptonggo dahil ang magkasunod na titik a at y ay nahihiwalay
sa pagpapantig ng salita (sam-pa-yan).

WASTONG GAMIT NG BANTAS

1. TULDOK (.) - Ang tuldok ay ginagamit na pananda:

A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.


Halimbawa:
Igalang natin ang Pambansang Awit.

2. PANANONG (?) - Ginagamit ang pananong:

A. Sa pangungusap na patanong.
Halimbawa:
Ano ang pangalan mo?
Sasama ka ba?

3. PADAMDAM (!) - Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala
o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.

Halimbawa:
Mabuhay ang Pangulo!

4. PAGGAMIT NG KUWIT (,) - Ginagamit din ang kuwit sa paghihiwalay ng isang sinipi

A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang


magkakauri.

Halimbawa:
Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy.

5. PAGGAMIT NG KUDLIT(‘) - Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas:

Halimbawa:
Siya’t ikaw ay may dalang pagkain.

6. PAGGAMIT NG GITLING(-) - Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na
pagkakataon:

A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:
araw-araw isa-isa apat-apat

7. TUTULDOK( : ) - ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na


paliwanag.

A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.

Halimbawa:
Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids,
Sampaguita, Santan at iba pa.

8. TUTULDOK - KUWIT( ; ) - Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad


sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig

A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating


panimula ng liham pangalakal.

Halimbawa:
Ginoo;
Bb;

9. PANIPI (“ ”) - Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita

A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang


tuwirang sipi.

Halimbawa:
“Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.

10. PANAKLONG ( () ) - Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang
hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na
ito.

A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.

Halimbawa:
Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.

11. TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS (…) - nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang


karug-tong ng nais sabihin.

A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag.


Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay
may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa mga salitang nawawala
ay sa hulihan ng pangungusap.

Halimbawa:
Pinagtibay ng Pangulong Arroy …

MGA BAHAGI NG PANANALITA

Mayroong sampung bahagi ng pananalita sa Filipino. Ito ang pangngalan, panghalip, pandiwa,
pangatnig, pang-ukol, pang-angkop, pang-uri, pang-abay, pantukoy at pangawil o pangawing.

1. Pangngalan - (noun) mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito sa
pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp.
Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae

2. Panghalip - (pronoun) paghalili sa pangngalan.


Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya.

3. Pandiwa - (verb) bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos.


Halimbawa: sayaw, tuwa, talon.

4. Pangatnig - (conjunction) ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap.
Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samantala atbp.

5. Pang-ukol - (preposition) ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos.

6. Pang-angkop - (ligature) bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda pakinggan


ang pagkakasabi ng pangungusap.
Halimbawa: na, ng, g. magandang bata.

7. Pang-uri (adjective) - naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip.


Halimbawa: Magandang bata.

8. Pang-abay - (adverb) naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay


9. Pantukoy - (article o determiner ) tinutukoy ang relasyon ng paksa at panag-uri sa
pangungusap

10. Pangawing - (linker) nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

You might also like