You are on page 1of 1

Sucesos de las Islas Filipinas

Narrator: Magandang hapon mga kapatid naming manonood. Ngayon ay matutuklasan natin ang ibat
ibang perspektibo ni Antonio Morga at ni Dr. Jose Rizal

Narrator: Si Antonio de Morga Sanchez ay ipinanganak sa Seville noong 1559. Nakapagtapos siya ng
“Canon Law” sa University of Salamanca (1574-1578). Nagturo siya sa Osuna ngunit bumalik din agad sa
Salamanca upang mag-aral ng Civil Law. Ipinadala siya sa Maynila bilang isang lieutenant governor
noong 1593at dahil sa kaniyang pagiging mapanuri at mapagtuklas, sumulat siya ng isang libro na
pinamagatang Sucesos de las Islas Filipinas, base sa kaniyang obserbasyon, dokumentadong pananaliksik
at personal na obserbasyon at naiprenta ang libro noong 1609 sa Mexico.

Ang aklat na ito ay naglalaman ng walong kabanata tungkol sa mga pangyayari at kasaysayan sa
Pilipinas. Sinasabing ang aklat na ito ay hindi lang basta aklat kundi ito ay ang unang aklat na
nagpapatungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang unang pitong kabanata ay pangunahin ng naglalaman
tungkol sa pangyayari sa pulitika sa kolonya ng 11 na gobernador sa Pilipinas mula kay Miguel Lopez de
Legaspi. Ang ikawalong kabanata ang pinaka-kapanapanabik dahil inilarawan dito ang mga indio noong
panahon ng Kastila.

Narrator: Ang tiyuhin ni Dr. Jose Rizal na si Jose Alberto ay mahilig pag-aralan ang kasaysayan kung
kaya’t bago umalis si Rizal papuntang London ay isinabi niya na basahin at hanapin niya ang Sucesos de
las Islas Filipinas at itama ang mga maling pananaw ukol sa mga Pilipino. Kasama sa anotasyon ni Rizal
ang pagbibigay liwanag sa detalye ng libro, ang hindi pagsang-ayon ni Morga, at pati na rin ang mga
konpirmasyon sa mga parte ng kasaysayan. (Pwedeng acting narin)

Narrator: Narito ang mga ilan sa mga halimbawa

Morga’s view: (Ang mga Pilipino ay kumakain ng mga maaalat na isa na nabubulok na at may mabahong
amoy)

Rizal’s view: (Gaya ng ibang mga nasyon, ang mga Espanyol ay ayaw sa mga bagay na kung saan ay hindi
sila sanay at ang isda na tinutukoy ni Morga ay hindi masarap kapag ito’y nagsimula ng mabulok. Ang
isdang ito ay ang bagoong at lahat ng nakatikim at nakakain nito ay alam na ito ay hindi bulok)

Morga’s view: (Ang Pilipinas ay nakanib sa pagiging Kristyanong Relihiyon o Roman Catholic)

Rizal’s view: (Marami pang tribu na hindi kristyano lalo na sag awing Mindanao)

You might also like