You are on page 1of 1

ESP: MODYUL 14 MGA KARAHASAN SA PAARALAN

MGA EPEKTO NG PAMBUBULAS


1. Labis na pagkabalisa, kalungkutan, suliranin sa pagtulog,mababang tiwala sa sarili, sakit ng ulo at
tiyan at pangkalahatang tension
2. Madalas na kakaunti o walang kaibigan
3. Posibilidad na sila mismo ay maging marahas
Mga pamamaraan upang maiwasan ang Karahasan sa Paaralan
Apat na Antas
1. Lipunan – nakatuon sa sosyal at kultural na pagbabago dito upang mabawasan ang karahasan saan
man ito nagaganap
2. Paaralan – pagkakaroon ng sistema sa loob ng klase at sapat na pamamatnubay ng mga guro sa mga
mag-aaral
3. Pamilya – pagpapalakas ng ugnayan
4. Indibidwal – pagmamahal sa sarili; Kaalaman sa sarili at paggalang sa sarili
Kahalagahan ng Paggalang at Pagmamahal sa Kapwa
 Ang paggalang sa kapwa ay kailangan upang maging ganap ang pagmamahal na inilalaan.
 Ang pagmamahal sa kapwa ay nangangahulugan din ng pag-unawa sa kaniya.
 Ang pagmamahal sa kapwa ay may kaakibat na katarungan.
GANG
Pagsasamahan ng tatlo o higit pang indibidwal
Gumagamit ng pangkatang pagkakakilanlan (group identity) upang makalikha ng takot o intimidation
Madalas ay ginagamit ang isa o higit pa sa sumusunod:
- Iisang pangalan o pagkakakilanlan
-islogan
-simbolo
-Tattoo
- Kulay ng damit
-ayos ng buhok
-senyales ng kamay
ANO ANG LAYUNIN NG GANG?
Makilahok o sumali sa masasamang gawain at gumamit ng karahasan o intimidation
IBA PANG KATANGIAN NG GANG?
-May sinusunod na mga panuntunan para sa pagsama o paglahok
-Nagkikita ng regular ang mga miyembro
-Nagbibigay ng proteksyong pisikal sa mga miyembro
-Mayroon silang “teritoryo”
GANG
 Karamihan sa miyembro ng gang ay nadadala ang pagiging marahas hanggang sa kanilang pagtanda,
mas madalas na labas masok sa kulungan kung humaba man ang kanilang buhay.
 Karamihan sa mga miyembro ng gang ay humihinto sa pag-aaral o di kaya naman ay natatanggal sa
paaralan.
 Ang mga miyembro ng gang ay mas madalas na nasa kalye. At kung minsan ay humahawak ng mga
armas na nakakasakit at nakakamatay.
FRATERNITY
Ang fraternity naman ay isang panlipunan o akademikong organisasyon o samahan na ginagamit ang
alphabetong Griyego na batayan sa kanilang mga pangalan. Ito ay isang kapatiran na pinag-isa ng
layuning mapalago ang aspektong intelektwal, pisikal, at sosyal ng mga kasapi.

You might also like