You are on page 1of 11

MASUSING BANGHAY SA ARALIN SA SIBIKA AT KULTURA IKA 6-BAITANG

INIHAHANDA NI LYNLANIE O. BACALSO BEEd III

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralinng ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang.
a. Nasasabi ang pagkakaiba ng mga pamumuhay ng mga unang tao sa ibat-ibang panahon.
b. Nakagagawa ng isang malikhaing Gawain kung ano ang pagkakaiba ng pamumuhay ng
mga unang tao.
c. Nakahahanap ng kagandahan sa pag-alam ng mga pamumuhay noong unang panahon.
II. Paksang Aralin:
 Paksa: Pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig
 Integrasyong Asignatura: Antropolohiya
 Kagamitan: Whiteboard marker, maliit na sanga, plastic, mga dahon, bato, at mga larawan.
 Sanggunian: Cabiles, Ma. Dolores S. and Santiago, Aurora L. (2007). “Kasayasayan ng
Daigdig”. JMC Press, Inc. Lungsod Quezon.
 Pagpapahalaga: Pakiki-angkop sa kapaligiran, malikhain, mapamaraan

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

a. (Panalangin)
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (Pinangunahan ng nakatalagang estudyante
sa araw na iyon ang panalangin)

Magandang Umaga grade 6 ! Magandang umaga din po

Bago natin simulan ang lahat, pulutin ang mga kalat


na nasa ilalim ng inyong upuan. (Nagpulot ng mga kalat at umayos ng upo).

Maaari na kayong umupo.

b. (Pagtatala ng liban sa klase)


Sinu- sino ang lumiban sa klase? Wala po

Salamat at kumpleto ang lahat.

c. Balik Aral
Kahapon ay tinalakay natin ang tungkol sa mga
sinaunangtao at ang mga paniniwalang
pinagmulan nila. Ilahad mo nga sa klase ang
iyong natatandaan sa araling iyon.
(Tumawag ng isang mag-aaral) May tatlong paniniwalang pinagmulan ang tao.
Una, ang paniniwala mula sa mitolohiya tulad ng
Alamat ni Malakas at Maganda. Ikalawa naman
ay ang paniniwalang panrelihiyon kung saan si
Adan at Eba ang pinagmulan ng tao. At ang huli
ay ang paniniwala mula sa siyensya na kung saan
ang tao ay nagmula sa unggoy.

Tama ba si Dian? Opo!


Magaling!

May nais pa ba kayong idagdag? Mga katanungan


o nais linawin sa araling ating tinalakay?
Kung wala na ay tutungo na tayo sa gawain
ngayon bago natin pormal na buksan ang susunod
na aralin.

d. Pagganyak/Motibasyon
Ngayon, bago natin simulan ang ating talakayan
meron akong inihandang aktibiti na maaari
ninyong malaman kung tungkol saan ang ating
aralin ngayon. Handa na ba kayo? Opo titser!

Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. Ngayon


(Magbibilang 1,2,3)
magbilang kayo ng isa, hanggang tatlo at
pagkatapos ay igrupo na ang inyong mga sarili.

Ngayong naka grupo na kayo,


bibigyan ko ang bawat grupo ng
isang plastic bag na nag lalaman ng
iba’t ibang bagay na gagamitin ninyo
upang makagawa ng isang bahay sa loob lamang
ng 7 minuto.

Uulitin ko ang gagamitin n’yo lamang sa


paggawa ng inyong bahay ay yun lamang nasa
plastic na ibibigay ko. Malinaw na ba class? Opo titser! (At sinumulan na nilang buuin ang
kanilang bahay)

Nakatapos na ba ang lahat? Mamili ng isang


representative para ipaliwanag ang iyong
nagawang bahay at ilahad ang mga kagamitang
inyong nagamit.
Mauna na ang ang unang grupo. Ito po ang aming munting bahay nagtulong
tulong kaming lahat sa paggawa nito, nagplano
po muna kami pagkatapos ay ginawa na namin
hanggang sa huli ay nilagyan naman namin ng
disenyo. Ang ginamit namin ay mga bato, sanga
ng mga halaman at ang mga dahon nito.
Magaling, bigyan ng mahusay klap! (ginawa ng studyante)

Susunod naman na grupo.


Ito naman yung nagawa naming bahay na mula sa
mga makikinis na bato, clay at ilang matitigas na
papel.

Magaling group 2, bigyan ng brgy.klap!


Ngayon, ang huling pangkat. Halos lahat ng materyales ay aming nagamit at
napag-isipan din naming maayos kung paano
namin ito gagamitin. Kung titingnan ang mga
nagamit namin ay malilit na pawid, mga sanga,
tali, o pisi, stick at mga hibla-hibla. Dahil narin sa
mga materyales na ito ay naging matibay ang
aming bahay.
Magaling ikatlong pangkat, bigyan naman ng
wow klap!
Ayan, nakita n’yo na mayroong iba’t ibang bahay
ang mga nagawa gamit ang mga materyales na
aking binigay sa bawat grupo. Natuwa ako sa
mga nagawa n’yo, nagamit n’yo nang maayos
ang mga materyales na ibinigay ko sa inyo. Dahil
d’yan palakpakan nyo ang inyong mga sarili.

e. Pagtatalakay
Ngayon naman matutunan natin ang isang bagong
aralin. Sa aralin nating ito, matutukoy natin ang
pagkakaiba ng pamumuhay ng mga
unang tao sa iba’t ibang panahon.
Handa na ba kayo sa bagong aralin natin ngayon? Opo titser,handa na po!

Sa ginawang aktibiti, itala n’yo nga sa pisara ang


mga ginamit na materyales sa paggawa ninyo ng

Bahay. (Tumawag ng ilang mag-aaral upang (Nagtala sa pisara ng mga ginamit nilang
magsulat sa pisara) kagamitan sa paggawa ng bahay)
-bato
-sanga ng mga halaman
-dahon
- makikinis na bato
-clay
-ilang matitigas na pape
- maliliit na pawid
-tali o pisi
-stick, mga hibla-hibla

Anong mapapansin nyo sa mga nakatalang


materyales sa pisara?
(Tumawag ng isang mag-aaral) Lahat ng mga nakatala ay madaling makita at
makuha sa ating paligid.
Tama ba? Opo!
Tama! Lahat ng mga bagay na iyan ay makukuha
natin sa ating paligid. Sa tingin n’yo, kung
nabubuhay kayo noong sinaunang panahon,
magagamit niyo rin ba ang mga materyales na
iyan? Bakit? Opo. Dahil ang mga materyales na iyan ay
mayroon na noong unang panahon.

Paano kung iyan lang ang mga gamit na mayroon


kayo? Walang mga gadgets na mayroon kayo
ngayon. Mabubuhay kaya kayo?
Bakit oo? Bakit hindi?
(Tumawag ng isang mag-aaral) Hindi po kami mabubuhay kasi po wala kaming
Salamat. Bakit naman oo? gadgets na kailangan namin.
(Tumawag muli) Opo, mabubuhay po dahil noong unang panahon
hindi naman po kinakailangan ang mga gadgets
para mabuhay sila halimbawa na lang ang
pagkuha nila ng pagkain, manghuhuli sila ng
hayop gamit ang sibat upang may makain sila.
Salamat sa inyong mga opinyon.
Kung nakagawa kayo ng bahay mula sa mga
materyales na binigay lang sa inyo, ganun din ang
mga sinaunang tao. Ginamit nila ang mga
makikita nila sa kanilang paligid na posible
nilang magamit.

Mayroon akong mga pinag gupit na mga larawan


dito at inyo itong buuin.
 Unang Gawain:
 Unang Gawain:

Ang pamumuhay ng sinanunag tao ay nahahati sa


tatlong panahon. Magbigay ng isa. Panahong Paleolitiko
(Tumawag ng mag-aaral) Panahong Neolitko
Magaling. Ano pa? Panahong Metal
Mahusay,at ang huli?

Magaling!
Panahong Paleolitiko ang unang panahon. Anong
mayroon noong panahon ng Paleolitko? Paleolitiko tinatawag na lumang bato (old
(Tumawag ng isang estudyante). stone age) ay nagmula sa salitang Griyego na
“Paleos” na nangangahulugang bato.
Tama.
Noong unang panahon, mga 2.5 milyong taon na
ang nakararaan, dito nagsimula ang PANAHONG
PALEOLITIKO. Tinatawag din itong “panahon
ng lumang bato” (old stone age). Ito ang
pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng
sangkatauhan.
Magagaspang na bato ang kagamitan ng mga tao
Anong uri ng kagamitan ang meron sila? sa panahon ito.
(Tumawag ng isang mag-aaral)
Magaling!
Meron silang mga magagaspang na kagamitan.
Paano naman sila kumukuhang kanilang

Pagkain? Pulo-pulotong sila sa paghahanap ng mga


(tumawag ng mag-aaral) pagkaing kinakalap nila mula sa kapaligiran
maging sa paghuli ng mga galang hayop.

Tama.
Sama-sama sila sa paghahanap nila ng kanilang Hindi po
makakain. Nanatili ba sila sa iisang lugar? Nanatili sila sa mga yungib at malalaking punong
Bakit? kahoy.

Magaling!
Kaya tinatawag silang nomadiko dahil sila ay
lagalag at palipalipat ng tahanan subalit
panandaliang nananatili sa mga yungib at
malalaking punong kahoy para makaiwas sa mga
mababangis na hayop at ilan pang mga panganib
na nagbabanta. Kanina sinabi niyo na
magagaspang na bato ang gamit ng mga Opo
sinaunang tao ng panahong ito, tama ba class?
Saan naman kaya nila ito ginagamit? Ginamit nila itong mga sandata para manghuli ng
(Tumawag ng isang mag-aaral). mga hayop, pamputol ng kahoy, at maging sa
pagkuha ng iba pang halaman.

Tama.
Para may magamit sila bilang sandata, ginamit
nila ang magagaspang na bato. Dito din sa
panahong ito natuklasan ng mga sinaunang tao
ang apoy. Ang sumunod po ay panahon ng neolitiko
Ano naman ang sumunod na panahon?
(tumawag ng isang studyante)

Tama.
Paano naman kaya namumuhay ang sinaunang Sa panahong ito, natutunan ng mga sinaunang tao
tao sa panahong ito? ang pagtatanim at ang mga kasangkapan nila ay
(Tumawag ng isang estudyante). yari na sa mga makikinis na bato.

Magaling!
Kung sa panahon ng paleolitiko, ang mga
sinaunang tao ay nangangalap ng pagkain at
nanghuhuli ng hayop, dito naman sa panahon ng
neolitiko natutunan ng mga sinaunang tao ang
pagtatanim at umunlad din ang kanilang mga
Nagtatanim sila ng mga butil, buto ng prutas,
kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na gulay at iba pang halaman.
bato. Ano naman kaya ang kanilang mga
itinatanim?
(Tumawag ng isang estudyante)

Magaling!
Hindi lamang pagtatanim, natuto din sila mag-
alaga ng hayopn akung saan ito ay nagsisilbing
malaking tulong sa kanilang mga gawain at hindi
lang nila ito hinuhuli at kakainin bagkus
inaalagaan pa. Nakagawa din sila ng palayok mula sa luwad na
Ano pa? Ano pa ang nagagawa nila ng panahong ginagamit nila para lutuan at imbakan ng pagkain.
ito?
(Tumawag ng isang estudyante)

Tama. Opo. Naging pirmihan na rin nila ang kanilang


Sa panahong ito ba, nanatili na sila sa kanilang mga tahanan, nakapagtatag sila ng mga
lugar? pamayanan at dumating din sila sa puntong
(Tumawag ng isang estudyante). nagkaroon sila ng pinuno at pamahalaan.

Tama.
Isang halimbawa ng neolitikong pamayanan ay
ang “Catal Huyuk” na matatagpuan sa Anatolia
Turkey.
Ang mga batong gamit nila ay mas makinis,
makintab at higit sa lahat ay may disenyo. Bawat
disenyo ay ayon sa kani-kanilang gamit sa
pangangaso at gawaing bahay.
Panahon ng Metal
Ano naman ang huling panahon ng pamumuhay
ng sinaunang tao?
(Tumawag ng isang estudyante)
Tama.
Panahon ng metal. Ito ay nahahati sa tatlo, ano-
ano ang mga ito? Panahon ng Tanso, Panahon ng Bronse, at
Panahon ng Bakal
Opo!
(Tumawag na isang estudyante)
Tama ba si janeth?
Anong meron sa panahon ng tanso?
Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa
tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa
kagamitang yari sa bato at nalinang ng mabuti
ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitag
yari sa bato. Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagawa mula
sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo,
Ano naman ang nangyari noong panahon ng punyal, martilyo, pana, at sibat.
Bronse?
(tumawag ng isang studyante)

Magaling!
At sa panahon ng bakal ay natuklasan ang bakal
ng mg Hittite, isang pangkat ng Indio-Europeo na
nanirahan sa kanlurang Asya. Ito ang huling
yugto ng pamumuhay ng sinaunang tao at
hanggang ngayon makikita ito sa kasalukuyang
panahon. Napag-aralan natin sa araw na ito na may tatlong
yugto o panahon ang pamumuhay ng mga
f. Paglalahat sinaunang tao. Ito ay ang panahong paleolitiko,
Sinong makakapagbuod ng napag-aralan natin sa neolitiko at metal. Ang panahong paleolitiko o
araw na ito? tinatawag ding lumang bato ay nagmula sa
(Tumawag ng estudyante) katagang paleos o matanda at lithos o bato. Ang
mga sinaunang tao sa panahong ito ay mga
nomadiko dahil nangangalap sila ng kanilang
pagkain at naghuhuli sila ng maiilap na hayop.
Ginagamit nila ang mga magagaspang na bato sa
paghuli ng hayop. Ang panahong neolitiko naman
ay tinatawag na panahon ng bagong bato. Dito,
ang mga sinaunang tao ay pumipirmi na sa
kanilang mga tirahan at nag-aalaga na rin sila ng
mga hayop. Makikinis na bato naman ang
ginagamit ng mga sinaunang tao ditto. Nagkaroon
na rin ng

pamayanan at pamahalaan sa panahong ito,


halimbawa na lang ang Catal Huyuk na
matatagpuan sa Anatolia Turkey. Ang huling
yugto ay ang panahon ng metal kung saan ito’y
nahahati pa sa tatlong panahon. Ito ay ang
panahon ng tanso, panahon ng bronse, at panahon
ng bakal. Ang mga metal na materyales ay
ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang kagamitan at
armas tulad ng epada, punyal, martilyo, sibat, at
iba pa.

(ginawa ng mga studyante)

Mahusay, bigyan ng mahusay clap.

g. Paglalapat
Papangkatin ko kayo sa tatlong pangkat. Ang bawat
ay inaatasang gumawa ng “Jingle” tungkol sa paksa
natin ngayon. Ang unang pangkat ay inaatasan sa
panahong Paleotiko, pangalawang pangkat ay sa
panahong Neolitiko at pangatlong pangkat ay sa
panahon ng Metal. Ang bawat grupo ay bibigyan ng 5
minuto sa presentasyon.
Ang presentasyon ay bibigyan ng marka ayon sa
nakatalang kriterya sa ibaba:

kategorya 5 puntos 3 puntos


liriko Ang liriko ay Ang liriko ay
maganda, may kulang
angkop sa na
konsepto na impormasyon
ibinigay. sa
(ginawa ng mga mag-aaral)
konseptong
ibinigay.
Boses Buo at Medyo
malakas ang mahina ang
boses, boses at di
naririnig ng gaanong
maayos at Maiintindihan
naiintindihan ang
ang binibigkas.
binibigkas.

h. Pagpapahalaga
Anong kabutihan o kagandahan ang napag- Napag-alaman kong sa bawat pagdaan ng
alaman mo o nakita sa bawat pamumuhay ng mga panahon, nagkaroon ng malaking pagbabago sa
sinaunang tao? pamumuhay ng mga sinaunang tao lalo na sa mga
kagamitan nila na ginagamit nila sa pagkuha ng
kanilang mga pagkain.

Wala na po.

May katanungan pa ba klase tungkol sa ating Opo titser!


aralin? Nais bigyang linaw?

Gusto niyo ba ng laro?


Okay mag laro tayo ng “Pinoy Henyo” bawat Opo.
salita na inyong mahuhulaan ay may 10 puntos sa Opo.
loob ng dalawang minuto lamang.
Nagkakaintindihan ba tayo?
Handa na ba kayo?

Kung gayon naintindihan niyo na ang ating aralin


sa araw na ito kaya alam kong handa na kayo sa
inihanda kong maiksing pagsusulit.

IV. Ebalwasyon :

Panuto : Mga Sagot:

Kumuha ng isang-kapat na papel at


lagyan ng bilang 1-5. Sagutin ang mga 1. Panahong Paleolitiko, Panahon Neolitiko, at
sumusunod na mga tanong. Panahon ng Metal.
2. Mga magagaspang na bato.

1. Ano ang tatlong yugto o panahon ng 3. Sila ay mga nomadikong tao o naglalagalag
pamumuhay ng mga sinaunang tao? upang kumuha ng kanilang pagkain at manghuli
2. Anong klaseng kagamitan ang ginagamit ng ng mga hayop.
mga sinaunang tao noong panahon ng Paleolitiko 4. Noong panahon ng paleolitiko, ang
o Lumang bato? pamumuhay ng mga sinaunag tao ay mangalap ng
3. Paano mamuhay ang mga sinaunang tao noong pagkain at manghuli ng mga hayop habang noong
panahon ng paleolitiko? panahon naman ng neolitiko, ang mga sinaunang
4. Anong pinagkaiba ng pamumuhay ng mga
sinaunang tao ng panahon ng paleolitiko sa tao ay natutong pumirmi sa kanilang lugar at
panahon ng neolitiko? natuto silang magtanim at mag-alaga ng hayop.
5. Ginamit ng mga sinaunang tao ang mga
5. Saan ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal sa paggawa ng iba’t ibang
materyales na metal?
kagamitan at armas tulad ng espada, palakol,
kutsilyo, punyal, martilyo, pana at sibat.

V. Takdang Aralin :
Panuto:
Sa isang buong papel, gumawa ng maikling
sanaysay tungkol sa pamumuhay ng mga unang
tao sa daigdig ayon sa inyong pagkakaintindi sa
naging aralin natin.

Ipasa bukas!

You might also like