Professional Documents
Culture Documents
Masusing Banghay Sa Aralin Sa Sibika at Kultura Ika 6
Masusing Banghay Sa Aralin Sa Sibika at Kultura Ika 6
I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralinng ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang.
a. Nasasabi ang pagkakaiba ng mga pamumuhay ng mga unang tao sa ibat-ibang panahon.
b. Nakagagawa ng isang malikhaing Gawain kung ano ang pagkakaiba ng pamumuhay ng
mga unang tao.
c. Nakahahanap ng kagandahan sa pag-alam ng mga pamumuhay noong unang panahon.
II. Paksang Aralin:
Paksa: Pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig
Integrasyong Asignatura: Antropolohiya
Kagamitan: Whiteboard marker, maliit na sanga, plastic, mga dahon, bato, at mga larawan.
Sanggunian: Cabiles, Ma. Dolores S. and Santiago, Aurora L. (2007). “Kasayasayan ng
Daigdig”. JMC Press, Inc. Lungsod Quezon.
Pagpapahalaga: Pakiki-angkop sa kapaligiran, malikhain, mapamaraan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
a. (Panalangin)
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (Pinangunahan ng nakatalagang estudyante
sa araw na iyon ang panalangin)
c. Balik Aral
Kahapon ay tinalakay natin ang tungkol sa mga
sinaunangtao at ang mga paniniwalang
pinagmulan nila. Ilahad mo nga sa klase ang
iyong natatandaan sa araling iyon.
(Tumawag ng isang mag-aaral) May tatlong paniniwalang pinagmulan ang tao.
Una, ang paniniwala mula sa mitolohiya tulad ng
Alamat ni Malakas at Maganda. Ikalawa naman
ay ang paniniwalang panrelihiyon kung saan si
Adan at Eba ang pinagmulan ng tao. At ang huli
ay ang paniniwala mula sa siyensya na kung saan
ang tao ay nagmula sa unggoy.
d. Pagganyak/Motibasyon
Ngayon, bago natin simulan ang ating talakayan
meron akong inihandang aktibiti na maaari
ninyong malaman kung tungkol saan ang ating
aralin ngayon. Handa na ba kayo? Opo titser!
e. Pagtatalakay
Ngayon naman matutunan natin ang isang bagong
aralin. Sa aralin nating ito, matutukoy natin ang
pagkakaiba ng pamumuhay ng mga
unang tao sa iba’t ibang panahon.
Handa na ba kayo sa bagong aralin natin ngayon? Opo titser,handa na po!
Bahay. (Tumawag ng ilang mag-aaral upang (Nagtala sa pisara ng mga ginamit nilang
magsulat sa pisara) kagamitan sa paggawa ng bahay)
-bato
-sanga ng mga halaman
-dahon
- makikinis na bato
-clay
-ilang matitigas na pape
- maliliit na pawid
-tali o pisi
-stick, mga hibla-hibla
Magaling!
Panahong Paleolitiko ang unang panahon. Anong
mayroon noong panahon ng Paleolitko? Paleolitiko tinatawag na lumang bato (old
(Tumawag ng isang estudyante). stone age) ay nagmula sa salitang Griyego na
“Paleos” na nangangahulugang bato.
Tama.
Noong unang panahon, mga 2.5 milyong taon na
ang nakararaan, dito nagsimula ang PANAHONG
PALEOLITIKO. Tinatawag din itong “panahon
ng lumang bato” (old stone age). Ito ang
pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng
sangkatauhan.
Magagaspang na bato ang kagamitan ng mga tao
Anong uri ng kagamitan ang meron sila? sa panahon ito.
(Tumawag ng isang mag-aaral)
Magaling!
Meron silang mga magagaspang na kagamitan.
Paano naman sila kumukuhang kanilang
Tama.
Sama-sama sila sa paghahanap nila ng kanilang Hindi po
makakain. Nanatili ba sila sa iisang lugar? Nanatili sila sa mga yungib at malalaking punong
Bakit? kahoy.
Magaling!
Kaya tinatawag silang nomadiko dahil sila ay
lagalag at palipalipat ng tahanan subalit
panandaliang nananatili sa mga yungib at
malalaking punong kahoy para makaiwas sa mga
mababangis na hayop at ilan pang mga panganib
na nagbabanta. Kanina sinabi niyo na
magagaspang na bato ang gamit ng mga Opo
sinaunang tao ng panahong ito, tama ba class?
Saan naman kaya nila ito ginagamit? Ginamit nila itong mga sandata para manghuli ng
(Tumawag ng isang mag-aaral). mga hayop, pamputol ng kahoy, at maging sa
pagkuha ng iba pang halaman.
Tama.
Para may magamit sila bilang sandata, ginamit
nila ang magagaspang na bato. Dito din sa
panahong ito natuklasan ng mga sinaunang tao
ang apoy. Ang sumunod po ay panahon ng neolitiko
Ano naman ang sumunod na panahon?
(tumawag ng isang studyante)
Tama.
Paano naman kaya namumuhay ang sinaunang Sa panahong ito, natutunan ng mga sinaunang tao
tao sa panahong ito? ang pagtatanim at ang mga kasangkapan nila ay
(Tumawag ng isang estudyante). yari na sa mga makikinis na bato.
Magaling!
Kung sa panahon ng paleolitiko, ang mga
sinaunang tao ay nangangalap ng pagkain at
nanghuhuli ng hayop, dito naman sa panahon ng
neolitiko natutunan ng mga sinaunang tao ang
pagtatanim at umunlad din ang kanilang mga
Nagtatanim sila ng mga butil, buto ng prutas,
kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na gulay at iba pang halaman.
bato. Ano naman kaya ang kanilang mga
itinatanim?
(Tumawag ng isang estudyante)
Magaling!
Hindi lamang pagtatanim, natuto din sila mag-
alaga ng hayopn akung saan ito ay nagsisilbing
malaking tulong sa kanilang mga gawain at hindi
lang nila ito hinuhuli at kakainin bagkus
inaalagaan pa. Nakagawa din sila ng palayok mula sa luwad na
Ano pa? Ano pa ang nagagawa nila ng panahong ginagamit nila para lutuan at imbakan ng pagkain.
ito?
(Tumawag ng isang estudyante)
Tama.
Isang halimbawa ng neolitikong pamayanan ay
ang “Catal Huyuk” na matatagpuan sa Anatolia
Turkey.
Ang mga batong gamit nila ay mas makinis,
makintab at higit sa lahat ay may disenyo. Bawat
disenyo ay ayon sa kani-kanilang gamit sa
pangangaso at gawaing bahay.
Panahon ng Metal
Ano naman ang huling panahon ng pamumuhay
ng sinaunang tao?
(Tumawag ng isang estudyante)
Tama.
Panahon ng metal. Ito ay nahahati sa tatlo, ano-
ano ang mga ito? Panahon ng Tanso, Panahon ng Bronse, at
Panahon ng Bakal
Opo!
(Tumawag na isang estudyante)
Tama ba si janeth?
Anong meron sa panahon ng tanso?
Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa
tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa
kagamitang yari sa bato at nalinang ng mabuti
ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitag
yari sa bato. Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagawa mula
sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo,
Ano naman ang nangyari noong panahon ng punyal, martilyo, pana, at sibat.
Bronse?
(tumawag ng isang studyante)
Magaling!
At sa panahon ng bakal ay natuklasan ang bakal
ng mg Hittite, isang pangkat ng Indio-Europeo na
nanirahan sa kanlurang Asya. Ito ang huling
yugto ng pamumuhay ng sinaunang tao at
hanggang ngayon makikita ito sa kasalukuyang
panahon. Napag-aralan natin sa araw na ito na may tatlong
yugto o panahon ang pamumuhay ng mga
f. Paglalahat sinaunang tao. Ito ay ang panahong paleolitiko,
Sinong makakapagbuod ng napag-aralan natin sa neolitiko at metal. Ang panahong paleolitiko o
araw na ito? tinatawag ding lumang bato ay nagmula sa
(Tumawag ng estudyante) katagang paleos o matanda at lithos o bato. Ang
mga sinaunang tao sa panahong ito ay mga
nomadiko dahil nangangalap sila ng kanilang
pagkain at naghuhuli sila ng maiilap na hayop.
Ginagamit nila ang mga magagaspang na bato sa
paghuli ng hayop. Ang panahong neolitiko naman
ay tinatawag na panahon ng bagong bato. Dito,
ang mga sinaunang tao ay pumipirmi na sa
kanilang mga tirahan at nag-aalaga na rin sila ng
mga hayop. Makikinis na bato naman ang
ginagamit ng mga sinaunang tao ditto. Nagkaroon
na rin ng
g. Paglalapat
Papangkatin ko kayo sa tatlong pangkat. Ang bawat
ay inaatasang gumawa ng “Jingle” tungkol sa paksa
natin ngayon. Ang unang pangkat ay inaatasan sa
panahong Paleotiko, pangalawang pangkat ay sa
panahong Neolitiko at pangatlong pangkat ay sa
panahon ng Metal. Ang bawat grupo ay bibigyan ng 5
minuto sa presentasyon.
Ang presentasyon ay bibigyan ng marka ayon sa
nakatalang kriterya sa ibaba:
h. Pagpapahalaga
Anong kabutihan o kagandahan ang napag- Napag-alaman kong sa bawat pagdaan ng
alaman mo o nakita sa bawat pamumuhay ng mga panahon, nagkaroon ng malaking pagbabago sa
sinaunang tao? pamumuhay ng mga sinaunang tao lalo na sa mga
kagamitan nila na ginagamit nila sa pagkuha ng
kanilang mga pagkain.
Wala na po.
IV. Ebalwasyon :
1. Ano ang tatlong yugto o panahon ng 3. Sila ay mga nomadikong tao o naglalagalag
pamumuhay ng mga sinaunang tao? upang kumuha ng kanilang pagkain at manghuli
2. Anong klaseng kagamitan ang ginagamit ng ng mga hayop.
mga sinaunang tao noong panahon ng Paleolitiko 4. Noong panahon ng paleolitiko, ang
o Lumang bato? pamumuhay ng mga sinaunag tao ay mangalap ng
3. Paano mamuhay ang mga sinaunang tao noong pagkain at manghuli ng mga hayop habang noong
panahon ng paleolitiko? panahon naman ng neolitiko, ang mga sinaunang
4. Anong pinagkaiba ng pamumuhay ng mga
sinaunang tao ng panahon ng paleolitiko sa tao ay natutong pumirmi sa kanilang lugar at
panahon ng neolitiko? natuto silang magtanim at mag-alaga ng hayop.
5. Ginamit ng mga sinaunang tao ang mga
5. Saan ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal sa paggawa ng iba’t ibang
materyales na metal?
kagamitan at armas tulad ng espada, palakol,
kutsilyo, punyal, martilyo, pana at sibat.
V. Takdang Aralin :
Panuto:
Sa isang buong papel, gumawa ng maikling
sanaysay tungkol sa pamumuhay ng mga unang
tao sa daigdig ayon sa inyong pagkakaintindi sa
naging aralin natin.
Ipasa bukas!