You are on page 1of 1

Maling edukasyon sa Kolehiyo ni Jorge Bocobo

Isa kayang posibilidad na sa halip na maging tunay na edukasyonang itinuturo sa kolehiyo ay maling
edukasyon? Ang sagot ko dito ay “oo.”Isa itong kabalintunaan, subalit hindi maitatatwang
katotohanan.Naniniwala tayong lahat sa kahalagahan ng edukasyon sa unibersidad,kung kaya’t tayo ay
nag-aaral sa mga unibersidad. Datapwat, katulad ngmga paraan upang mapaunlad ang pamumuhay,
magagamit angedukasyon upang magtayo, maggupo, magturo o manlinlang. Nagkaroon ako ng
pagkakataong suriin ang mga kalakaran atkaisipan sa loob ng sampung taon ng paglilingkod sa
Unibersidad ngPilipinas. Karamihan sa mga estudyante ay nakatupad sa inaatas sakanilang tungkulin sa
ilang aspekto ng unibersidad. Subalit malungkotaminin na ang kilos at pag-iisip ng maraming estudyante
ay nagbibigay-daan sa pagkabansot ng isipan, sa pagkatuyo ng puso at sa pagkitil sakaluluwa.
Tatalakayin ko ang tatlong paraan ng maling edukasyon nabinabayaran ng mga estudyante ng mataas na
matrikula at di-mabilang nasakripisyo.

Una, nariyan ang di rasyunal na pagsamba sa pahina. “Ano angsinasabi ng aklat?” ang
pinakamahalagang tanong sa isip ng mgaestudyante tuwing kakaharapin nila ang mga suliranin na
kinakailangangngamitan ng pangangatwiran. Maraming estudyante ang halos mabaliw sapaghagilap ng
impormasyon hanggang sa maging kasintaas ang mga itong bundok at ang isip ay madaganan ng datos.
Wala nang ginawa angestudyante kundi ang mag-isip kung papaano dadami ang impormasyonghawak
nila; Sa ganoon, nawawala ang kanilang kakayahang mag-isip samalinaw at makapangyarihang paraan.
Nakalulungkot makinig sa kanilangpagtatalo at talakayan Sapagkat dahop sila sa katutubong sigla ng
malinawna pangangatwiran, puno ang kanilang talakayan ng walang kawawaangargumento sa halip ng
malusog na pangangatwiran at wastong pag-iisip. Sa gayon, isinusuko ng mga estudyante ang kanilang
kakanyahan sa mga aklat na nagbibigay-daan sa pagkawala ng kanilang iwing karapatan - ang mag isip
para sa kanilang sarili at kung nagtangka silang gumawa ng sariling pasya, Ipinapakita nila ang kanilang
pagiging pedantiko. Mananatiling mapanlinlang ang edukasyon hangang hindi nalilinang ng mga
ustudyante ang kakayahan nilang mangatwiran sa isang tama ang pansariling paraan.

Ihambing ang mga ustudyanteng mahilig sa pakuntinting sa kaalaman tulad na lamang ng mga Juan
Dela Cruz sa baryo.... matalim ang kanyang pag unawa, mahusay ang kanyang pagpasya, matalino ang
kanyang kuro-kuro. Pasaring ng wiwikain niya sa "matatalinong pilosopo : lumabis ang karunungan mo."

Pangalawa, ginawang pangunahing layunin ng maraming estudyante ang pagiging mahusay na


prupesyonal

You might also like