You are on page 1of 1

Aleksandrei Miles R.

Alibusa Hulyo 16, 2021


12001525 PANITIK (ODGE02)
GAWAIN 6: Sanaysay
Karamihan sa kabataan ay tumatangkilik sa kulturang popular. Hindi maiiwasan
ito dahil sa patuloy na paglawak at pagsakop ng teknolohiya at “social media” sa ating
bansa. Sa patuloy na pagtangkilik ng mga uso, nagkakaroon ito ng masamang dulot sa
ating buhay. Minsan nakakapagpabago ng ating tingin o perspektibo sa isang bagay.

Bilang isang indibidwal, pagbabasa ang pinaglalaanan ko ng aking oras at ang


isang paraan kung paano ko nadedebelop ang kritikal na pagiisip. Sa pagbabasa,
natutunan ko na magkaroon ng iba’t ibang perspektibo sa mga bawat bagay at sitwasyon.
Napapalawak nito ang aking pagiisip tungkol sa mga aking nakikita at nararanasan. Sa
aking personal na karanasan, lumalalim ang aking pag-iisip kapag ako ay nagbabasa ng
isang libro. Natututo ako na mag-isip nang mas malalim at dahil dito, natututo ako na
magbigay ng opinyon at kritikal na pagiisip. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng isang
akda, nadadala ako nito na basahin ang ibang mga pagsusuri mula sa ibang tao at dahil
dun, nadadagdagan ang aking kaalaman at tumatalas ang aking pag-iisip. Kapag
nakaabot ako sa punto na lumalawak ang aking perspektibo, nalalahad ko ito sa ibang
tao na kilala ko. O tinatawag kong “recommendation”. Nababahagi ko ang aking
kaalaman sa ibang tao at dahil dito, malaya kong nailalahad lahat ng aking nalaman at
mas nalalaman ko pa kung ano ang perspektibo ng ibang tao. Dahil dito, mas natututo
ako sa kritikal na pagiisip. Isang paraan lamang ito sa dami ng mga paraan para idebelop
ang kritikal na pagiisip; maisasagawa ito sa pamamagitan ng pakikisali sa mga usapan
na makakatulong sa isang indibidwal, pagiging isang mapanuri na indibidwal, lakas na
loob na makapagpahayag at marami pang iba.

Sa kabila ng pangingibabaw ng kulturang popular, kinakailangan nating maging


mapanuri sa kung ano ang ating ikokonsumo. Para sa akin, wala naming masama kung
tumangkilik sa mga nauuso mula sa kulturang popular dahil ito ay sarili nating mga
desisyon at may kalayaan tayong pumili ngunit mahalaga na alam natin kung ano ang
maidudulot nito sa ating personal na buhay. Importante lamang na mayroon tayong
tinatawag na self-awareness o kamalayan sa sarili.

You might also like