You are on page 1of 5

Manes, Maningas, Martinez, Monfort

FILI 12 MM
Pangkatang Gawain

I. SOSYOLOHIKAL
1. Kapag ang salitang “Labaw” ay inilalagay sa umpisa ng isang pangalan o ginagamit
upang ilarawan ang isang tao, ang ibig sabihin nito ay ang taong tinutukoy ay angat sa
lipunan. Ito ay dahil ang salitang “Labaw” ay nagmumula sa Bisaya, at
nangunguhulugang “higher-up” (mula sa Binisaya.com) o mas-mataas. Samakatuwid,
ipinapaalam sa atin ng epiko na ang pangunahing tauhan, si Labaw Donggon, ay
marangya. Ito ay makikita sa kanyang mga pananamit at kayamanan na nahahanap sa
Barugbugan Umbaw, tulad ng :

20 “ang barong may burda


Na sa katawan ko
30 pambalot na magara
At iyong sayang maluwag

Ganyan ang bihis ni Labaw Donggon
Siya’y naramtan ng pilak
Siya’y nabalot ng ginto.

40 Bagkus sa bangsang banyaga

Ang putong na si Saramingku
may palawit na pilak”

Ang titulong ito ay nakikita sa buong epiko, sapagkat ang kwento ay umiikot sa buhay
ni Labaw Donggon.

2. Makikita na may mga antas ang lipunan ng epiko, dahil sa pagkakaroon ng mga
uripon. Batay sa ibinigay na salin ng epiko, ang uripon ay maarin isalin na “alipin”.
Samakatuwid, masasabi na may mga taong bahagi ng masmababang antas ng
lipunan. Ito ay makikita sa mga susunod na talata ng epiko.:

100 “Ako ngayo’y wala nang anak


Nag-iisa’t kasama’y mga uripon
Mga bisig ay piliput
Baluktot ang mga daliri.”

1
II. KOSMOLOHIKAL
1. Noong ipinanganak si Labaw Donggon, matapos magsagawa ng seremonya si
Bungot-Banwa, binuksan nila ang bintana sa hilagang bahagi ng kwarto at nang
makapasok ang malamig na hangin, ang mga sanggol ay naging matipunong mga
lalaki. Ipinapakita rito ang pinanggalingan ng mga katangian ni Labaw Donggon na
hindi sumasang-ayon sa kinagawiang proseso na pagmana sa magulang.

“​Ito si Labaw Donggon


Pagkasilang na pagkasilang
Nabigla ang sanlibutan

Kagyat na nagbinata
Naging matipunong binata”

2. Makikita ang paniniwala at paggamit ng gayuma. Ang mga gayuma ay mga mahikal
na sangkap o katangian na tumutulong sa mga kakayahan nina Buyung Barunungan,
Labaw Donggon at Buyung Saragnayan. Ito ay makikita sa mga susunod na talata.:

1300 “Bakit ko binayaang ikaw ay matalo


Madaig ng isang higit ang gayuma?

Anak ko, ako’y kinulang sa gayuma
Kinapos ako sa lakas na mahiwaga”

1250 “Upang ito’y di masumpungan.


Datapwat di ito nakatagal
Sa galing ng gayuma
Ni Datu Barunungan.”

Gumagamit din ang mga tauhan ng mga gayumang o ​ya m ​ ahikal na kagamitan tulad
ng bolang kristal. Ito ay ginamit upang mahanap ang mga iba’t ibang tauhan tulad
nina Malituang Yawa at Labaw Donggon. Makikita ito sa mga susunod na talata.:

630 “Iyong masdang mabuti


Silipin mong maigi
Sa bolang kristal
Sa mabisang gayuma
Nang aking makilala ang dalga
Matunton agad ang pinakaiingatang dilag.”

1260 “Sumilip si Barunungan


Naghanap ng palatandaan

2
Sa mahiwagang kagamitan
Tinitingnan ang kristal na bola
Sinuri ang gayuma at nakita
Soon si Labaw Donggon,
Ang likid nababalot ng bundok.”

Gumamit din si Labaw Donggon ng gayumang sasakyan na tinatawag ng


mahiwagang bangka upang makarating kay Malitung Yawa Sinagmaling Diwata na
nakatira sa pook ng katanghaliang Araw. Ito ay makikita sa mga susunod na talata.:

650 “Kalagin sa pagkakatali


Ang may gayumang sasakyan matulin
Ang mahiwagang bangka.”

III. KULTURAL
1. Ipinapakita sa linyang "​Ah, siya'ng aking liligawan"​ mula sa teksto ang ideya ng
panliligaw upang pagpapakita ng interes ng isang lalaki sa kanyang iniirog. Ito ay
kadalasan sa paraan kung saan naipapakita ng manliligaw sa magulang ng sinusuyo
ang kaniyang kakayahan na buhayin at paligayahin ang kaniyang liniligawan. Ang
panliligaw rin ay karaniwang isang imbitasyon ng manliligaw tungo sa pagpapakasal
na siya ring nakasaad sa teksto sa linyang “​Siya’ng aking pakakasalan”​

2. Kaugnay nito, makikita sa linyang “​Sasangguni muna sa nakatatanda,


Makikipag-usap sa magulang​” ang repesto na ipinapakita nila sa nakatatanda.
Sinasalmin nito ang kaugalian ng kanilang mataas na pagtingin sa kanilang mga
magulang. Hindi basta-basta ang paggawa ng malalaking desisyon sa kanilang buhay
at kailangang may pag-apruba mula sa kanilang magulang bago magpatuloy sa
pagsasagawa.

3. Binanggit sa unang bahagi ng epiko ang linyang “​Ang magilas na damit. Huwag sa
kailalaiman​” na nagpapakita ng kanilang pagka-pamahiin. Ipinaliwanag sa ​footnotes
na tinutukoy nito ang ritwal na sinusunod sa pagpili ng mahiwagang damit, upang
huwag mawala ang ‘di-pangkaraniwang kapangyarihan. Ito ay dumaraan din sa pang
kosmolohikol na depenisyon dahil sa mga pamahiing nabubuo kaugnay ang mga
diyos at diyosa, ngunit, mas kapansin-pansin ang pang-kultural na elemento nito dahil
iba-iba ang mga nagiging pamahiin depende sa kultura na pinaroroonan nito

IV. EKONOMIKO

1. ​Pagminina
40 "Ganyan ang bihis ni Labaw Donggon

3
Siya'y naramtan ng p​ ilak
Siya'y nabalot ng ​ginto
...
May p​ alawit na pilak"​

940 “Ganyan ang gayak ni Baranugun


Balit ng ​pilak
Bihis ng ​ginto​.”

Makikita ang ekonomikong gawain ng pagmimina dahil sa paggamit ng mga alahas ni


Labaw Donggon at ni Baranugun. Ipinapahiwatig nito na ang mga katutubo noon ay
gumagamit na ng mga nasabing hiyas bilang “status symbol” o simpleng palamuti
kapag magpapakilala sa mga importanteng tao. Sa kaso ni Labaw Donggon,
nagsusuot siya ng mga ito kapag magpapakilala siya sa mga babaeng nais niyang
ligawan.

2. ​Pagpapanday/Pagyayari ng mga Armas


950 "...Pakikuha, pakikuha
May lason kong ​pana

At ang b​ alaraw​ kong likaw-likaw
matalim at mahaba”

1320 "...Ang bakal na r​ ehas​ gibain mo


Sa dagat ikalat mo

Makikita ang ekonomikong gawain ng pagpapanday o pagyayari ng mga armas dahil


sa paglikha ng mga sandata tulad ng panang may lason, balaraw, at pati na rin ng
kadenang bakal upang gamitin laban sa mga kaaway. Maari rin gamitin ang mga ito
sa pangangaso ng mga hayop kung kinakailangan.

3. ​Agrikultura at Pangingisda
120 “Mistulang lumulutang na ​hikay
Di mapakaling puting b​ alanak​”

130 "Mga binti'y walang bahid


Tulad ng saha ng ​punong saging
Mga hita'y simputi ng ​balanak
Tila balat ng biniyak na ​kawayan.​ .."

4
320 "...Tayo na't kumain
...Inihain ang a​ ligi ng hikay
Idinulot ang i​ tlog ng balanak​"
Makikita ang ekonomikong gawain ng agrikultura at pangingisda dahil sa
paghahalintulad ni Labaw Dunggon sa saha ng saging, kawayan, at balanak (uri ng
isda) sa mga bahagi ng katawan ng magagandang babae. Maliban pa rito, makikita
ang paghahain ng mga "sea food" gaya ng ​hikay (hipon) sa handa. Ito ay sa marahil
madalas nanirahan ang mga katutubo noon sa tabi ng mga ilog ("​Halawod"​ ),
pampang, o dalampasigan.

V. POLITIKAL
1. Makikita sa epiko na ang mga may kapangyarihan ay ang mga tauhang malapit sa
kalikasan dahil kinukuha nila ang kanilang lakas dito. Sa kaso ni Buyung Saragnayan,
namumuhay siya sa pamamagitan ng isang baboy at hindi sa kanyang sariling
katawan. Makikita ang kanyang malakas na koneksyon sa kalikasan sa ganitong
paraan kaya’t mas mahirap siyang patayin.

740 “Isang diwata ng langit


Isang bayani sa udtohanon”

2. Maliban sa pagiging malapit sa kalikasan, ang kapangyarihan ay maipapatunay din sa


antas sa lipunan na ang itsura ang pinagbabasihan. Binihisan ng magarbong damit at
mga ginto at pilak si Labaw Donggon dahil kinakailangang maging mataas ang tingin
ng ibang mga tauhan sa kanya at kailangan niyang ipakita na siya ay karespe-respeto
sa pamamagitan ng ganitong pananamit.

30 “Ganyang ang bihis ni Labaw Donggon


Siya’y naramtan ng pilak
Siya’y nabalot ng ginto”

You might also like