You are on page 1of 2

Buod

Ang layon ng pag-aaral na ito ay malaman ang pananaw sa mga mag-aaral na SHS sa

Guinayangan National High School sa mga salitang bulgar sa musika. Ang pananaliksik na ito ay

may mga katangiang nais sikapin na bigyan ng kasagutan:

1. Propayl ng kalahok:

1.1 Kasarian

1.2 Edad

2. Gaano kapamilyar ang mga mag-aaral sa mga kanta mula sa OPM na may bulgaridad o

bulgar na salita?

3. Gaano kadalas makarinig ang mga mag-aaral na makarinig ng mga kanta mula sa OPM

na may bulgar na salita?

4. Ano-ano ang pananaw ng mga magaraal ukol sa paggamit ng mga bulgar na salita sa

OPM?

Upang makamit ang mga sumusunod, nagsagawa ng sarbey ang mga mananaliksik sa

baitang 11 at 12 gamit ang sariling gawa na palatanungan. Ang kabuuang bilang ng respondente

ay sampu (10) na nanggaling sa paaralan ng Guinayangan National High School- SHS. Ang

isinagawang pananaliksik ay ginamitan ng kwalitatibo at kwantitatibo na pamamaraan na

umaakma sa pananaw at kaisipan ng mga respondete.

Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga pananaw ng mga baitang 11 at 12 sa Guinayangan

National High School-SHS. Ang mga datos ay inalisa gamit ang percentage formula para sa

propayl at weighted mean para sa pamilyaridad at kung gaano kadalas makarinig ng bulgar na

salita ang mga respondente.

You might also like