You are on page 1of 2

Division of Cebu Province

TOMINJAO NATIONAL HIGH SCHOOL


Tominjao, Daanbantayan, Cebu
S.Y. 2019-2020
IKAAPAT NA MARKAHANG PASULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

PANGALAN:___________________________ TAON & PANGKAT:______________________


I.TAMA O MALI
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay totoo tungkol sa sekswalidad, pambubulas, agwat
teknolokohiya at immigrasyon at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.
_____1. Ang sekswalidad ay ang pisikal o bayolohikal na kakanyahan ng isang tao.
_____2. Ang pagkababae o pagkalalaki na malayang pinili ay hindi mo taglay lang o katangian.
_____3. May kamalayan at kalayaan ang sekswalidad sa tao.
_____4. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng minamahal.
_____5. Ang paaralan na dating dinadaloyan ng karunungan ay nababahiran na ng karahasan.
_____6. Ang dahilan ng pambubulas ng isang tao ay maaring maugat sa pamamaraan ng pagpapalaki ng
kaniyang mga magulang.
_____7. Ang pambubulas ay wakang epekto sa taong gumagawa nito.
_____8. Ang isang mambubulas ay may pagkiling sa mga gawaing masama at nakasasakit.
_____9. Ang generation nangangahulugan ng pagkakaiba sa pagitan ng mga nakababata at nakatatandang
henerasyon.
_____10. Ang subsidiary moral right ay isang espesyal na karapatang moral.
_____11. Hindi maipagkakailang isang malaking rebolusyon teknolohikal ang nangyayari ngayon sa daigdig.
_____12. Ang migrasyon ay ang pagiging dayuhan ng mga tao sa isang bansa.
_____13. Ang pangangalakal ng Tsina sa ating bansa ang naitala na pinakaunang migrasyon sa ating bansa.
_____14. Ang migrasyon ay may malaking impluwensya sa mga kabataan.
_____15. Mahalaga na maisabuhay ang mga angkop at konkretong paraan ng pagiging handa sa mga epekto
ng migrasyon sa pamilyang Pilipino.
II. MULTIPLE CHOICE
A. Panuto: Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa sagutang papel.
____1. Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaralan maliban sa:
a. Pambubulas b. Pandaraya c. Fraternity d. Gang
____2. Ang sumusunod ay mga sanhi ng pambubulas sa paaralan maliban sa:
a. Pagkakaranas ng karahasan sa tahanan b. Paghahanap ng mapagkatuwaan
c. Pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal d. Pagkakaroon ng mababang marka sa klase
____3. Ano ang nararapat na tugon ng mga may kinauukulan ng paaralan sa pambubulas?
a. Hindi iintindihin dahil natural lamang sa mga kabataan ang kalikutan.
b. Pagalitan ang nambubulas pagkatapos ay pabalikin sa klase.
c. Suspindihin ang gumagawa ng pambubulas sa paaralan.
d. Humanap ng pangmatagalan at mabisang paraan sa pagsupil sa karahasan sa paaralan.
____4. Maiwasan at masupil ng mga mag-aaral ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng
a. Pagsunod sa payo ng mga magulang b. Paggalang sa awtoridad ng paaralan
c. Pag-aaral nang mabuti d. Pagmamahal sa sarili at sa kapwa at paggalang sa buhay
____5. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin ang mga karahasan sa
paaralan?
a. Upang makatuon sa pag-aaral
b. Upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan
c. Upang mabawasan ang pagliban o paghinto sa pag-aral
d. Upang wala ng suliranin ang mga magulang at ang awtoridad ng paaralan
____6. Isang moral na hamon sa bawat tao ang pagbubuo ng sekswalidad at pagkatao upang maging ganap
ang pagkababae o pagkalalaki.
a. Hindi moral ang taong hindi buo ang sekswalidad at pagkatao.
b. Ang lalaki ay dapat na lalaki sa sekswalidad at pagkatao, ganoon din naman ang babae.
c. Maaaring hindi magtugma ang sekswalidad at pagkatao ng tao.
d. Mahalagang behikulo ng pagpapakatao ang sekswalidad.

B. Panuto: Suriin ang mga larawan sa Hanay A. Hanapin sa Hanay B ang mga katangian ng tunay na
pagmamahal na tumutukoy sa bawat larawan sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
Hanay B
a.Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng minamahal.
b. Ang pagmamahal ay isang birtud.
c. Ang pagmamahal ay mapagbuklod.
d. May kamalayan at kalayaan ang sekswalidad sa tao. Ito ay bunga ng pagpili, may tuon, at nag-uugat sa
pagmamahal.
e. Ang pagmamahal ay mapanlikha.

III. KOMPLETUHIN ANG GRAPHIC ORGANIZER (10 puntos)


Panuto: Punan ang graphic organizer ng tamang impormasyon na matatagpuan sa kahon.
AGWAT TEKNOLOHIKAL DIGITAL NATIVES GENERATION Z BABY BOOMERS
DIGITAL IMMIGRANTS GENERATION Y SILENT GENERATION GENERATION X

III. PAGGUHIT NG OPINYON


Panuto: Gumuhit ng symbol tungkol sa mga paksa at ipaliwanag
IMIGRASYON PARA SA PAMILYA ANG BANSA AT IMIGRASYON HALAGA NG TEKNOLOHIKA

Inihanda ni:

RONETTE S. LATO

Guro

You might also like