You are on page 1of 1

Verse 1:

Sa ilalim ng estero
Munting bata nagbabanat ng buto
Patungo sa paraisong makulay
Sa muling pagsulyap ng liwanag

Refrain:
Biktima sila ng kamusmusan
Pinagkaitan ng kalayaan
Tumago ka sa katotoohang
Ika'y kailanma'y di na kabataan

Chorus:
Hoy, hoy, hoy, atin nang tuldukan
Wakasan, hinagpis ng tupang sunod-sunuran
Hoy, hoy, hoy, atin nang tuldukan
Ibalik ang kalayaan at saya ng katawan

Verse 2:
Bawat pagpatak ng pawis
Kapalit ay pisong ninais
Patuloy na kumakayod
Hindi iniinda ang pagod

Chorus:
Hoy, hoy, hoy, atin nang tuldukan
Wakasan, hinagpis ng tupang sunod-sunuran
Hoy, hoy, hoy, atin nang tuldukan
Ibalik ang kalayaan at saya ng katawan

Verse 3:
Kusang palo, ang tanging sandata
Sa mga giyerang labanan, makikipagsapalaran
Gustuhin mo mang tumakas
Kumawala't pumiglas
Walang sapat na lakas
Kadena mo'y di makalas

You might also like