You are on page 1of 2

Mga Impluwensya ng Pamahalaang Amerikano sa Pilipinas

I. LAYUNIN

A. Napahahalagahan ang mga pagbabagong panlipunan at pangkultura na


naganap sa panahon ng pamahalaang Amerikano
B. Nailalarawan ang naging epekto ng mga pagbabago sa bansa
C. Natutukoy ang mga impluwensyang kinupkop ng mga Pilipino hanggang sa
kasalukuyan

II. KAGAMITAN

Laptop (PowerPoint Presentation)

III. SANGGUNIAN

Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas ni Santiago, Aurora L., pp. 252-254

IV. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
Pagganyak
Sa pamamagitan ng mga larawan na nagpapakita ng mga produktong
gawa sa Pilipinas at Amerika, papiliin ang mga mag-aaral kung alin ang mas
nais nila. Halimbawa: Boy Bawang o Pringles

B. Panlinang na Gawain
1. Talakayin ang mga pagbabagong ginawa ng Amerika sa Pilipinas sa
usaping edukasyon, kalusugan at serbisyong pampubliko, transportasyon
at komunikasyon, at kultura.
2. Itanong ang mga sumusunod:
 Anu-ano ang mga impluwensya ng mga Amerikano na makikita
hanggang sa kasalukuyan sa mga sumusunod na aspeto:
edukasyon, transportasyon, komunikasyon, kalusugan, at kultura?
 Ano-ano ang mga positibong epekto ng pananakop ng Amerika sa
bansa?
 Ano-ano naman ang mga negatibong epekto?

C. Pangwakas na Gawain
Hanggang sa kasalukuyang panahon, kakikitaan pa rin ng colonial
mentality ang marami sa ating mga Pilipino. Gaano ito katotoo? Sa isang
papel, gumuhit ng isang larawan o halimbawang magpapakita ng ganitong
mentalidad sa kultura, edukasyon, at iba pang larangan.
D. Panglalahat
Ipaunawa sa mga mag-aaral na ang pananakop ng mga Amerikano ay
may mabubuti at di-mabubuting epekto.

V. PAGTATAYA
Pagsusulit

You might also like