You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

State Universities and Colleges


GUIMARAS STATE COLLEGE
Mc Lain, Buenavista, Guimaras

BANGHAY ARALIN
ARALING-PANLIPUNAN 10
Mga Kontemporaryong Isyu
I. LAYUNIN

A. Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at


pandaigdigang isyung pang-ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong
pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.
B. Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang-
ekonomiyang nakakaapekto sa kanilang pamumuhay.
C. Nasusuri ang dahilan, dimensiyon at epekto ng globalisasyon.
D. Natutukoy ang dahilan, dimensiyon at epekto ng globalisasyon.

II. NILALAMAN

A. PAKSA: Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo


B. PANAHON: Isa’t kalahating oras
C. KAGAMITAN: Box na naglalaman ng mga konsepto sa paksang tinalakay, larawan,
poster, balita, editorial cartooning, awit, speaker, task cards
D. PINAGKUHANAN: Mga pahina sa Kagamitang Mag-aaral, pahina 156-181, Modyul sa
Araling Panlipunan 10 (Marieta P. Bas-ilen), www.google.com/images
E. PAGPAPAHALAGA: Pagkamakabayan

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
a) Pagganyak:

“Guess the Logo”


Ipakita ang logo ng ibat-ibang mga kompanya dito sa Pilipinas at ibang-ibang bansa sa buong
daigdig. Ipahula sa mga mag-aaral kung anong kompanya ang kinakatawan ng mga logo na ito.

Images retrieved from: google.com/images


Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Mc Lain, Buenavista, Guimaras

B. PAGLINANG NG GAWAIN
a) Talakayan

Pamprosesong tanong hinggil sa naunang gawain:


 Sa iyong palagay, bakit sumikat ang mga produkto/serbisyong ito?
 Ano kaya sa palagay ninyo ang kaugnayan nito sa paksang globalisasyon?
b) Gawain
1. Activity
PANGKATANG GAWAIN
PANUTO:
Hatiin ang mga mag-aaral sa 4 na pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng
lider at taga-ulat. Bigyan ang bawat pangkat ng task card na susuriin na may
kinalaman sa konsepto ng globalisasyon. Bigyan sila ng 10 minuto para gawin
ito at pagkatapos iulat sa klase.

Rubrics sa Pagtataya ng Pangkatang Gawain


Nilalaman/Kaangkupan sa Paksa----------------------------15 puntos
Kooperasyon ng mga kasapi----------------------------------- 5 puntos
KABUUAN --------------------------------------------------------------20 puntos

2. Analysis

Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa gawain ano ang globalisasyon?
2. Anu-ano ang mga dahilan ng globalisasyon?
3. Anu-ano ang epekto ng globalisasyon?
4. Paano binago ng globalisayon ang pang-araw-araw na pamumuhay
mo bilang isang indibidwal?
3. Abstraction
Malayang talakayan at pagbibigay ng karagdagang impormasyon hinggil
sa konsepto ng globalisasyon.

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
a.) Paglalahat
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Mc Lain, Buenavista, Guimaras

 Suriin ang inyong barangay sa kasalukuyan. Anu-anong mga pagbabago


ang inyong nakikita? Masasabi mo ba na ito ay bunga ng globalisasyon?
Ipaliwanag.
b.) Pagpapahalaga

 Sa inyong palagay, nakakabuti ba o nakakasama sa ating bansa ang


epekto ng globalisasyon?

IV. EBALWASYON

I. Masaya ka ba?
Panuto:
Isulat ang T kung ang pangungusap ay TAMA at M naman kung ang
pangungsap ay MALI.

______1. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga


tao, bagay, impormasyon at produkto sa ibat-ibang direksiyon na nararanasan sa
ibat-ibang panig ng daigdig.
______2. Hindi naapektuhan ng globalisasyon ang Pilipinas dahil hanggang sa
kasalukuyan hindi pa rin umuunlad ito.
______3. Naging sentro ng globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng
mga produkto at serbisyo.
______4. Ang globalisasyong politikal ay nakasagabal sa pag-unlad ng bansa dahil sa
pansariling interes lamang ang iniisip ng mga namumuno sa ating bansa.
______5. Ang pagdami ng mga produkto at serbisyong pagpipilian ng mga mamimili
na nagtulak sa pagkaroon ng kompetisyon sa pamilihan ay isa lamang sa mga epekto
ng pag-usbong ng mga TNCs at MNCs sa bansa.

II. Pumili Ka!


Panuto:
Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa mga dahilan,
dimensiyon at epekto ng globalisasyon. Punan ang patlang sa pamamagitan ng
pagpili ng angkop na salita sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Multinational at transnational corporations


suliranin OFW
Taal o nakaugat sa bawat isa integrasyon
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Mc Lain, Buenavista, Guimaras

1. Malaki ang implikasyon ng pag-usbong ng ____________ sa isang bansa. Ito ay nakakalikha


ng trabaho at nakapagbibigay ng dagdag na kita sa mga mamamayan nito.
2. Ang globalisasyon ay ______________. Ito paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay.
3. Isa ring manipestasyon ay ang pagdami ng mga __________ o manggagawang nangibang-
bayan upang magtrabaho o maghanapbuhay.
4. Sa kabila ng positibong naidudulot ng globalisasyon, kaakibat nito ay __________ may
kinalaman sa pagtangkilik ng idea na mula sa ibang bansa.
5. Ang globalisasyon ay tinitingnan bilang pangmalawakang ________ ng ibat-ibang prosesong
pandaigdig

IV.TAKDANG ARALIN

Alamin ang dahilan at epekto ng Globalisasyon .

Inihanda ni:

SHANE DAPHNIE G. SEGOVIA


Student

Iniwasto ni:

Gng. CAREL JIMENEZ GARMAY


Professor

You might also like