You are on page 1of 2

May taong hindi narunong sununod sa utos. Palaging ang gusto lamang niya ang kanyang sinusunod.

Kaya, madalas nagkakaroon ng problemaang ganitong uri ng tao.

Isang umaga, nag-uusap ang mga katulong sa bukid ni Ka Tonyo ...

"Kalabaw, halik. Maligo tayo sa ilog. Maini,e," yaya ni Baka.

Pero tumanggi si Kalabaw. "Ayoko. Di ba't tagubilin sa atin ni KaTonyo na hwag tayong aalis dito?"

"Naku, hwag mong pansinin ang kanyang tagubilin. Masarap yatang maligo ngayon. Tayo na."

"Baka tayo hanapin. Tiyak na mapapahamak tayo," umiiling na wika ni Kalabaw.

Nagkamot ng ulo si Baka. Wari'y naiinis na nagpumilit."Pambihira naman. Saglit lang tayo."

"Sige na nga," ani Kalabaw bagamat nasa isip ang takot sa kanyang amo.

Humayo ang magkaibigan sa malayo-layo ring ilog. Mabilis silang nag-alis ng kanilang damit. Isinabit nila
sa sanga ng puno.

"Ang sarap maligo! Malamig ang tubig," patawa-tawang wika ni Kalabaw.

"Sabi ko sa iyo,e. Masarap maligo. Ang sarap ding lumangoy," kantyaw ni Baka.

Nawili ang dalawa sa paliligo. Lingid sa kanila, malaon na silang hinahanap ni Ka Tonyo. Hindi sila
natagpuan ng magsasaka sa palayan. Kaya, pumunta siya sa malayu-layong ilog.

Noon nama'y natanaw na ni Baka ang dumarating na magsasaka.

"Kalabaw, hayun na si Ka Tonyo. Mukhang galit na galit," puna ni Baka.

"Naku, may dala siyang pamalo! Tiyak na papaluin niya tayo," nanginginig na tugon ni Kalabaw.

"Dali! Takbo na tayo!" pasigaw na yaya ni Baka.

Agad-agad hinablot ni Baka ang isang damit sa sanga ng puno. Madali itong nagbihis at kumaripas ng
takbo. Ngunit may napansin si Kalabaw.

"Hoy! Damit ko iyan. Maluwag iyan sa iyo. Masikip ito sa akin,"ani Kalabaw.

"Sa iyo na ang damit ko. Palit na muna tayo. Hayan na sa ating likod si Ka Tonyo. Tumakbo ka na!" wika
ni Baka.

Gayon na lamang ang galit ni Kalabaw kay Baka.

"Pahamak ka. Hindi ako makatakbo nang matulin," himutok ni Kalabaw.

Dahil di makatakbo nang matulin, inabutan si Kalabaw ng galit na galit na magsasaka. Pinalo siya nang
pinalo.
"Sinabi ko namang babalik din ako agad kaya hwag na hwag kayong aalis. Bakit hindi ninyo ako sinunod?
Kung saan-saan ko kayo hinanap!" ang galit na wika ni Ka Tonyo.

Mula noon, hindi na nagkapalitan ng damit si Kalabaw at si Baka. Nanatili nang masikip ang damit ni
Kalabaw. Maluwag naman ang damit ni Baka.

You might also like