You are on page 1of 5

SI JUAN AT ANG MGA ALIMANGO

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. "Juan, 


pumunta ka sa palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa 
pananghalian. "Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad 
na nang hindi tanghaliin.

Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may 


tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni
Juan ang alimango at nagpasalamat sa tindera.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan 
din ang bahay nina Juan sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa
ilalim ng isang punungkahoy na may malalabay na sanga. Naisip niyang 
naghihintay sa kanya ang ina kaya't naipasya niyang paunahin nang 
pauwiin ang mga alimango. "Mauna na kayong umuwi, magpapahinga
muna ako,
ituturo ko sa inyo ang aming bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa 
ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay sa gawing 
kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo."

Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang 


magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. 
Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang 
magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang 
kumakalam ang knyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan. 
Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa
may puno ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak
pagpasok nito sa tarangkahan. "Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan
ang mga alimango?" "Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?" Nagulat ang ina 
sa sagot ni Juan. "Juan, ano ang ibig mong sabihin?" Nanay, kaninag 
umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na."

"Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga 
iyon." Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka 
siya kung bakit hindi nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na 
pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na 
may isip ay pagpapaliwanag ni Juan na mali nga ang ginawa niyang 
pagpapauwi sa mga alimango.

Subject: Re: MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang), http://fewa.super-
forum.net/t6162-mga-kwento-alamat-at-pabulang-pilipino-kwento-ni-lola-basyang
Gintong Bata Sa Puting Kalabasa
KAKATWA at kakaiba ang maliit na bahay, gawa sa kawayan, ng isang lalaki at
isang babaing nabubuhay sa mga gulay na tanim nila sa malaking bakuran.
Mabait ang mag-asawa at mabuti ang turing sa kanila ng lahat ng mga
kapitbahay. Subalit hindi sila maligaya sapagkat wala pa silang anak, bagay na
maraming taon na nilang hinangad. Ipinag-dadasal nila araw-araw na kahit babae
o lalaki, magka-anak lamang sila, subalit walang sagot ang kanilang mga
panalangin. At ngayong tumatanda na sila, nawawalan na sila ng pag-asa.

Isa sa mga tanim nila sa bakuran ay puting kalabasa na mayabong na


nagbubunga buong taon, kaya hindi sila nawawalan ng pagkain kahit kailan,
hanggang isang araw nang napansin nilang walang umuusbong na kalabasa.
Inusisa nilang maigi at inalagaan ang halaman araw-araw subalit kahit panay ang
sulpot ng malalaking dilaw na bulaklak na, pagkalanta at pagkatuyo ay dapat
sanang mapalitan ng usbong na bunga. Subalit wala kahit isang kalabasa na
lumitaw at nagsimulang magutom ang mag-asawa.

Isang umaga, pagkaraan ng mahabang panahon, napasigaw sa galak ang


asawang babae nang masipat niya ang isang maliit na usbong. Ipinasiya ng mag-
asawa na huwag kainin agad ang kalabasa, hintaying lumaki at mahinog ito
upang magkaruon sila ng mga buto na maitatanim uli sa bakuran.

Lumaking napaka-gandang puting kalabasa ang bunga subalit napakatagal


nahinog kaya, sa gutom, nagbago ang isip ng mag-asawa at pinitas ang gulay
upang kainin. Hihiwain na sana nila ang kalabasa nang narinig nila mula sa luob
ang isang tinig.

“Mag-ingat kayo at baka mahiwa ako!”

Natigilan ang mag-asawa, akala minumulto sila, subalit nagsalita uli mula sa luob
ng kalabasa.

“Buksan n’yo na, nang makalabas ako!”

Maingat nilang hiniwa at lumabas ang isang sanggol na lalaki. Nakakatayo at


nakakapag-salita na ang bata. Tuwang-tuwa ang mag-asawa, may “anak” na sila!
Agad umigib ng tubig ang asawang babae at naglatag ng banig upang paliguan
ang bagong panganak na “anak.” Tuwing buhos ng tubig sa bata, bawat patak ay
naging ginto kaya matapos ng ligo, natakpan ng ginto ang buong banig! Lalong
nalugod ang mag-asawa, may “anak” na sila, yumaman pa sila sa ginto.

Sapat na dapat ang nakamit ng mag-asawa, subalit pagmasid nila sa ginto,


hinangad nila ang mas marami pa. Kinabukasan, pinaliguan uli ng asawang babae
ang “anak” at natakpan uli ng ginto ang banig. May sapat na silang yaman upang
magpagawa ng isang malaking bahay, subalit gusto pa nila ng higit. Kaya sa ika-
3 araw, umigib uli ng tubig na pampaligo ang asawang babae, subalit nalungkot
ang “anak,” umalis at naglaho. Kasabay, naglaho rin ang lahat ng ginto. Naiwang
nag-iisa ang mag-asawa na, tulad ng dati, ay mahirap at walang anak.

http://blogger-pinoy.blogspot.com/2009/07/gintong-bata-sa-puting-
kalabasa.html
Katutubong Panitikan Bago Dumating ang mga Kastila

1. KatutubongPanitikanBagoDumatingangmgaKastila
2. DalawangBahagingMatandangPanitikan
1. Kapanahunanngmga ALAMAT-Nagsimulasalalongkauna-
unahangpanahonngatinglahi, ayonsakayangmaabotngmgamananaliksik at
magtapossapaglipasngikalawangpandarayuhanngmgapulongitongmga Malay
sapali-palibotngtaong 1300 A.D.
2. Kapanahunanngmga EPIKO o TULANG-BAYANI-Nagsimulasapali-
palibotngmgataong 1300 A.D., at
nagtatapossapanahonngpananakopniLegazpinoongtaong 1565 A.D.

3. KaligirangPangkasaysayanngKapanahunanngmgaAlamat
1. AngmgaIta(ita, ayta, agta o baluga)
2. AngmgaIndonesyo
3. AngmgaManggugusi
4. AngmgaMai-i (Mindoro)
5. AngmgaBumbay
6. AngmgaArabe at Persya

4. MgaKatangianngKapanahunanngmga ALAMAT
1. AngmganakatirasakapuluangitonoongKapanahunanngmgaAlamat,
bagama’thinditahasang gala, ay walangpanatilihangtahanan.
2. Kung nasaisangpook ay pangkat-pangkat at sila ay may
sarilingpamahalaangksaundo o kaawayngmgakalapit-pangkat.
3. Angpanitikan noon ay saling-dila o lipat-dila, naangnagpapahayag ay
angmgaapo, nakaraniwangpunongbaranggay o pinaka-paringkanilangrelihiyon.
4. Angrelihiyon noon ay angpagsambasaaraw, punungkahoy o
anumangkalagayanngkalikasan at anglahatngmgakababalaghan ay
gawangmgamabubutinghilagyo(spirit) natinatawagnilang “anito” .

5. Binubuoangpanitikanngmgabulongnapangmahiya (incantations), kwentong-bayan


(folktale), alamat (legend).
6. Angkaramihan ay saligsapananampalataya at pamahiin.
7. May mgamananaliksiknanagsasabingangmgataongito ay
mayroongilangtulangpanrelihiyon.

6. KaligirangPangkasaysayangUkolsaKapanahunanngmga EPIKO
1. AngmgaMalay
2. ImpluwensyangKambodya
3. AngKaharianngMadyapahit
4. AngPananakopngmgaIntsik
5. AngKaharianngMalacca

7. Depinisyon : EpikoAngmgaepikong Pilipino ay:mganaratibongpinanatilingmahababase


sasinasambit o nuusalnatradisyonumiikotsamgapangyayaringmahiwaganasaanyongberso
o talatanainaawitmay tiyaknaseryosonglayuninkumakatawansamgapaniniwala, kaugalian
at mabubuting aral ng mga mamamayan Ang mga epiko Pilipino ay mas nararapat na
tawaging ethno-epic dahil sa may mga epiko na kumakatawan sabaw at pangkat etniko
at tumatalakay sa mga bayaning bawat rehiyon at tribo.
8. Bilang at Distribusyon- Umaabot sa 28 ang bilang ng mga epiko nakilala sa Pilipinas.
Karamihan sa mga natitirang epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa
nagagalaw ng makabagong prosesong pagpapaunlad ngkulturatuladngmgakatutubo at
etnikonggruposaMountain Province at sa Mindanao, sagrupongmga Muslim.
Angmangilan-ngilan ay makikitasamgamamamayangKristiyano.
9. HabaAnghabangmgaepiko ay mulasa 1000 hanggang 58000 nalinya
10. RendisyonTuladngibangmgaalamat, angmgaepiko ay inihahayagngpasalita – patula o
pakanta (saiba'tibangmgaestilo); mulasamemorya, mayroon o
walangsaliwngilangmgainstrumentongpangmusika. Ito rin ay maaaringgawinnang nag-
iisa o kayanaman ay grupongmgataonakatuladngisangchorus,
natumatakbongmaramingaraw at oras.
11. KatangiangPampanitikanAngilangkatangianngibangepiko ay:
angpaggamitngmgabansagsapagkilalasatiyaknataomgainuulitnasalita o pariralamala-
talatanapaghahati o dibisyonsamgaseryengkantakasaganaanngmgaimahe at
metaporanamakukuhasa pang-araw-arawnabuhay at kalikasan (halaman, hayop,
mgabagaysakalangitan, atbp). Angmgaepiko ay nasaanyongberso o talatangunitito ay
iba-iba at bukod-tangisabawatrehiyon at hindimaikukumparasamgaKanluraninnaepiko.
kadalasangumiikotsabayani,
kasamaangkanyangmgasagupaansamgamahihiwagangnilalang, anting-anting, at
angkanyangpaghahanapsakanyangminamahal o magulang; itorin ay
maaaringtungkolsapanliligaw o pag-aasawa.
12. Angpag-alis o paglisanngpangunahingtauhansasarilingtahanan.Pagtataglayngagimat
o anting-
antingngpangunahingtauhan.Angpaghahanapngpangunahingtauhansaisangminamahal.P
akikipaglabanngpangunahingtauhan.Patuloynapakikidigmangbayani.Pamamagitanngisan
gbathalaparamatigilanglabanan.Angpagbubunyagngbathalanaangnaglalaban ay
magkadugo.Pagkamatayngbayani.Pagkabuhaynamulingbayani.Pagbabalikngbayanisasaril
ingbayan.Pag-aasawangbayani.
13. KahalagahansakulturaAnoangipinapakitangepikongsinaunangkultura? Kung
magpopokussatatlongpunto: angpaulit-ulitnapaksa at tema,
angpagsasalarawanngmgalalakingbayani, at
angmgapangunahingbabaengkaraktersaistorya; atingmakikita kung
paanonaipapakitangepikoangkulturangisanggrupongtao.
14. AngPaulit-ulitnaPaksa o Temakatapangan at pakikipagsapalaranngbayanimga
supernatural nagawangbayanipag-ibig at romansapanliligaw – pag-aasawa –
pagbubuntis – mgayugtongbuhaykamatayan at pagkabuhaypakikipaglaban at
kagitinganngbayanikayamanan, kaharian at iba'tibangmgakasiyahan o pigingmgaritwal
at kaugalianugnayanngmagkakapamilya
15. AngLalakingBayaniSa pagbabasangmgaepiko,
agadnamakikitaangmgakatangianngisangbayani. Karamihansakanyangmgakatangian ay
maiuurisaalin man sasumusunod: pisikal, sosyal, at supernatural. Maaari ring
isamaangkanyangintelektwal at moral nakatangian.
16. AngPangunahingKarakternaBabae- Angpangunahingbabaengkarakter ay
kadalasangangbabaenginiibigngbayani o maaaririnnamangtinutukoyditoangkanyangina.
Mga Kwentong Bayan / Folktales

Ang kuwentong-bayan (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga


tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-
bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at
mga mito.

Ang kuwentong-bayan o polklor ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na
lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang
tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

Ito ay isang anyo ng panitikan na pampalipas oras at kadalasa'y ikinukwento sa mga bata upang
kapulutan ng aral. At ang kadalasang paksa ay mga bagay na nakapaninindig-balahibo tulad ng
tungkol sa mga aswang, maligno, kapre, mga sirena at nuno sa punso.

Ang kuwentong bayan ay isang maikling salaysay na nagpalipat-lipat sa salinlahi sa


pamamagitan ng mga bibig. Binubuo ito ng mga alamat at pabula. Halimbawa ng mga salaysay
nito ay tungkol sa bayani at mga kwentong tungkol sa kaugalian at tradisyon ng isang pook,
tribu, bayan o mga bansa

You might also like