You are on page 1of 2

Social Media, Gaano ka nga ba kaimpluwensya?

By: Jay Balasan


Buong araw, oras-oras, bawat minuto
Naka social media parin,
Di nagsasawang pindutin at gamitin,
Para san pa ang mga takdang aralin,
Kung ang oras mo'y nasa social media parin
Pag gising sa umaga, ayan ka nanaman,
Pindot doon, pindot dito, pindot diyan,
Di kapaba nagsasawa?
Kung saan saang lugar na nakakapunta,
Pero wala paring humpay sa paggamit ng social media
Kakain na, messenger muna
Matutulog na, twitter muna
Inutusan ni mama , wait muna
Pagpasok sa eskwela , facebook muna
Pag uwi ng bahay,
Like dito, add doon,
Post dito, comment doon,
Pudpod na iyong mga daliri, pero wala paring tigil
Halos lahat na ng yari sa araw mo,
Ipost doon ,share dito,
Pagnapagalitan ng guro,
Status doon, share dito
Mag aaral lang saglit ,maya muna
Sabay hawak ng Cellphone,
Click doon , chikahan dito
Buhay mo ngaba'y puros social media na?
Pero pagdating sa quiz ,pachillax chillax lang,
Pero pagdating sa paggawa ng project, next time na
Pero pagdating sa pagreview , pasulyap sulyap lang
Pero pagdating sa bahay kain muna,sabay cellphone lamang
Napagalitan na ni nanay,
Nasigawan na ni tatay,
Tambak na ng gawain,
Social Media parin
Kung may pagkakataon lang sana,
makapagsalita ang cellphone, sawa na siya,
sawa na siya, kakatingin mo,
sawa na siya, kaka gamit mo.
Di kapaba nagsasawa,
Kakatingin, kakagamit,
Kakalike, kakapost,
kakachika, kaka update,
Tanong mo sa sarili mo
Sa social media ba, hangad ay kabutihan
Sa social media ba, buhay mo'y sasaya,
Sa social media ba, kayang ibigay ang mga pagkukulang mo?

You might also like