You are on page 1of 7

Jerome D.

Florentino

Abot Langit, Hanggang Kamatayan

Sa isang Nayon sa kabukiran ng Seirra Madre, makikita ang


pamayanang puno ng kasiyahan at kasipagan, ang mga taong nakatira
doon ay puno rin ng pag-asang makakaahon sa hirap ng buhay. Isa sa
mga pamilya nandoon ay ang pamilyang Dimagiba, si Mang Roy ang haligi
ng tahanan, si aling Nila naman ay ang ilaw ng tahanan at may mga anak
na ang pangalan ay sina Neneng, Nina at Nono.

Para sa pangarap na guminhawa ang buhay ng pamilyang


Dimagiba, nagdesisyon ang kanilang ama na lumuwas sa Maynila upang
maghanap ng mas magandang trabaho, para sa pag-aaral ng tatlong
niyang anak at para na rin sa mga gastos sa loob ng bahay. Di
nagtanggal nakahanap rin ito ng trabaho sa isang malaking restaurant,
siya ay naging tagahugas ng pinggan at tagalinis ng sahig, maayos
naman ang kanyang buhay at nagpapadala rin siya ng pera sa pamilya
buwan-buwan.

Ngunit isang matinding pagsubok ang bumalot sa kanyang buhay.


Kinulong siya dahil sa pagnanakaw at pagbebenta ng droga. Sa isang
pagkakamaling iyon gumuho ang kanyang mga pangarap, “hindi ko po
kayang gawin yan, mabuti po akong tao, kahit mahirap lang po ako pero
may dangal rin po ako” ika ni Mang Roy habang nakaposas at bitbit ng
mga pulis. Ilang linggo na siya sa kulungan at wala pa ring kusad ang
kanyang kaso, ni pamilya nga niya’y walang alam sa nangyari dahil
matagal-tagal rin itong di nagpaparamdam sa kanila, akala nito’y
naghanap nang iba o di naman ay namatay na.

Dahil nga walang perang pambayad binigyan si Mang Roy ng


gobyerno ng sariling abogado para tumulong sa kanyang kaso at lubos
ang kanyang pasasalamat na ang abogadong iyon ay kakilala niya, ang
pangalan ay si Atty. Diamante, isang malugod na kostumer ng restaurant
na pinagtatrabahuan nito. “Ay! kuya Roy bakit ka nandito?” gulat na
sinabi ni Atty. Diamante, “sir tulungan mo po ako pinagbintangan po nila
akong nagnakaw at nagbebenta ng droga” paiyak- iyak na sagot nito.
“huwag kang mag-aalala Kuya tutulungan kitang lumabas dito”. Aniya ni
Atty. Diamante.

Tatlong taon na ang lumipas ngunit wala paring hustisya para kay
Mang Roy nasa piitan parin sya, walang magawa kundi maghintay ng mga
court hearings para sa kanyang kaso, palagi itong nakadungaw sa isang
bintana na bakal sa loob ng selda, nakatingin sa kalangitan at iniisip ang
mukha ng kanyang pamilya na labis na niyang namimis. Pagkalipas ng
isang lingo Nagkaroon naman ito ng court hearing at ilang oras ay
sinimulan naman siyang tanungin, habang nagsasabi ito ng kaniyang
panig nanginginig ang kanyang paa at kinakabahan siya, sa ibang banda
nama’y matindi ang gigil ng may-ari ng Restaurant sa kaniya tumayo ito
at sumigaw na “puro kasinungalingan ang sinsabi mo huling-huli kana sa
akto”. Natapos na ang kanyang court hearing at bumalik siya sa selda
,tinanong ang sarili “ano pa ang laban ko, mahirap lang ako at walang
pinag-aralan”, ngunit pinuntahan sya ng kanyang abogado at sinabihan
na “makakalabas ka rin dito kuya, hintayin mo lang, may pag-asa tayo”.

Naging mapait ang araw, gabi, buwan at taon ni Mang Roy dahil
mismo pamilya niya ay hindi na siya hinanap at parang wala ng saysay
ang kanyang buhay, buong paghihinagpis at pagdadalamhati ang
kanyang nadarama. Ngunit isang araw sa pagpupursige ng abogado na
malaman ang tunay na nangyari. May nahanap itong ebidensya na
magpapatunay na wala talagang sala si Mang Roy, isang dalagitang
estudyante na naglahad ng kanyang nakita.

Sa huling court hearing nito, habang papasok sa loob ng silid


napasin ng lahat na mapulta ang mukha ni Mang Roy, makikita rin sa
kanyang mata na siya ay malungkot at parang wala nang pag-asa para sa
kaniya, ito narin ang huling paglilitis at huhusgahan kung may sala ba
siya o wala. “nasabi ko na ang lahat wala po akong kasalanan maniwala
man kayo o hindi” sigaw na pagsusumamo ni Mang Roy. Tinawag ang
huling testigo sa kaso isang babaeng na ang pangalan ay si Maria, ito ang
kaniyang isinalaysay;

“mga bandang 11:30 ng umaga po yon, habang ako ay nasa restaurant at


kumakain nakita ko yong binatang nasa edad 21-25 matangkad at
Moreno na dali-daling pumuslit ng mga pera sa kaha, habang ginagawa
niya po yon patuloy ko siyang minamasdan at laking gulat ko na may dala
pa siyang supot ng maliit na cellophane na ang laman ay kulay puti at
napaisip ako na parang droga o shabu po iyon ngunit nakita na niya po
ako na inoobserbahan siya at ako naman, sa sobrang kaba ay tumakbo at
naghanap po ng mga pulis, pero nahabol niya po ako at binantaan na
papatayin kung ako po ay magsusumbong sa mga ito. Kaya sa sobrang
takot ko ay umalis po ako sa lugar na iyon at di na nagpakita. Sa tulong
po ni atty. Diamante nalaman ko po na ikinulong si Mang Roy sa mga
kasalanang iyon, ako na po ang nagsasabing walang kasalan si Mang Roy
ang totoong may kasalan talaga ay walang iba kundi ang anak ng may ari
ng restaurant! oo walang iba kundi si totoy, si totoy po ang maysala, ang
anak nina maam at sir Dela Paz!”

Sa panahong iyon nalaman ng mga pulis na may bintahan pala sa


restaurant na pinagtatrabahuan ni Mang Roy kaya pinuntahan nila ito at
kasabay rin non ay nawala ang 100,000 pera ni maam Dela Paz, kayat
nagsiyasat ng todo ang mga pulis, nakita nila na may droga nga sa bag
na iyon at puno ng pera at si Totoy Dela Paz pala ang tunay na gumawa
ng krimen na itinago niya pala sa bag ni Mang Roy ‘yong perang ninakaw
niya sa kanyang ina at drogang binibenta nito.

Dahil sa malakas na ebidensya ni Mang Roy napatunayan na ito ay


walang sala. Lubos ang kaligayahan na naramdaman ni Mang Roy, nasa
wakas malaya na siya sa gapos ng kasinungalingan. Ngunit habang
nasalabas ito, isang malakas na putok ng baril ang tumama sa kanyang
dibdib at dahan-dahan siyang natumba sa lupa, habang nakahiga patuloy
parin itong inaabot ang langit na nag-aasam ng pag-asang makikita ang
pamilya, ngunit sa sandaling nakamit ang kalayaan, ang hanggan ng
buhay ni Mang Roy ay dumating na at patuloy parin itong naghahangad
ng abot langit na katurungan hanggang sa huling sandali ng kanyang
buhay.

Ang Pagsusuri sa Kwento

Tauhan

Mang Roy – ang padre de pamilya ng Dimagiba, lumuwas sa Maynila at


nagtrabaho bilang tagahugas ng pinggan at tagalinis ng sahig,
inakusahang nagnakaw at nagbenta ng droga, kinulong ng 3-4 na taon,
nakalaya ngunit namatay at patuloy parin ang pag-aasam ng katarungan
kahit hanggang sa kamatayan.

Aling Nila – ang ilaw ng tahanan ng pamilyang Dimagiba.

Neneng, Nina at Nono – ang mga anak Nina aling Nila at Mang Roy

Atty. Diamante – ang abogadong tumulong kay Mang Roy upang


makalaya sa piitan.

Maria – ang naging testigo at nagpatunay na walang sala si Mang Roy sa


mga paratang sa kanya.

Maam at Sir Dela Pas – ang mga amo na pintrabahuan ni Mang Roy at
nagparatang ng mali sa kanya upang ito ay makulong.

Totoy Dela Pas – ang tunay na may sala sa lahat na nangyari sa kay
Mang Roy.

Tagpuan
Unang tagpuan – isang nayon sa Seirra Madre na kung saan nakatira
ang pamilyang Dimagiba na puno ng kasiyahan at kasipagan.

Ikalawang tagpuan – sa restaurant sa Maynila na kung saan doon


nagtrabaho si Mang Roy bilang tagahugas na pinggan at tagalinis ng
sahig.

Ikatlong tagpuan – sa kulungan kung saan puno ng pagdadalamhati,


paghihinagpis, lungkot, takot at kahirapan ang idinulot nito kay Mang
Roy.

Problema

Maraming problema ang makikitaan sa kwentong Abot Langit, Hanggang


Kamatayan. Ito ay ang mga kahirapan ng buhay, walang pantay na
pagtarato, kasinungalingan at panghuhusga ng mali dahil sa lamang sa
estado ng pamumuhay.

Punto de bista

- Nasa ikatlong panauhan ang ginamit sa pagsasalaysay ng kwentong


Abot Langit, Hanggang Kamatayan.

Estilo ng pagsasalaysay

Kronolohiya - ang paraan na ginamit sa pagkakasunod sunod ng bawat


pangyayari sa loob ng isang kwento ( A,B,C,………Z)

Pahiwatig

- Ang Abot Langit, Hanggang Kamatayan ay mahahalintulad sa tula


ni Amado V. Hernandez na may pamagat na ang isang Dipang
Langit, sapagkat pareho ito na nag-aasam ng tunay na kalayaan at
katarungan, kahit kamatayan man at ang kaluluwa ay patuloy na
naghahangad na makamit ang nais na karapatan sa buhay ng isang
tao gaya na lamang ni Mang Roy.

Simbolismo
Orasan - di natin namamalayan na sa bawat takbo ng oras ay pwede
palang magbago ang daloy ng ating buhay. Na magdudulot ng kasiyahan
o kalungkutan sa bawat nilalang tulad ng nangyari sa buhay ni Mang Roy.

Paglalapat

Teoyrang Realismo – ay isa sa ginamit upang ipakita o ilahad ang


tunay na buhay na nangyayari sa bawat tao sa mundo, makikita na si
mang Roy ay mukha ng isang taong lumalaban sa buhay, handang
makamit ang tunay na katarungan at kalayaan. Base nga sa mga
sitwasyon sa kwento talagang makikita ito na nagaganap sa realidad na
ang mga mahihirap ay kawawa lamang kung pag-uusapan ang hustisya,
pagbibintagan at ikukulong lang sa piitan.

Tema

- Ang katotohanan ay lilitaw at ang kabutihan pa rin ang mananaig.

You might also like