You are on page 1of 1

Joice Marjonelle Q.

dela Cruz Filipino sa Piling Larangan


Grade 12 – Socrates Pebrero 2018

REAKSYON SA “MARS SHARING GROUP: BRAIN AEROBICS”

Ipinakita sa palabas na “Mars” ang iba’t-ibang mga pagsasanay at

ehersisyo para sa utak na makatutulong na mapabuti ang kondisyon ng nito at

maiwasan ang pagkawala ng memorya sa tulong ni Dr. Richtofen. Nagsimula ang

psychologist sa pagbibigay ng impormasyon ukol sa cognitive stimulation

therapy na isinasagawa o ibinibigay sa mga taong dumaranas ng pagkawala ng

memorya. Nagpagawa ng mga pagsasanay ang doktor sa mga host ng palabas.

Kanilang nalaman ang kalagayan ng pagtakbo ng kanilang mga isip at utak

matapos gawin ang mga ehersisyo.

Hindi ko alam na mayroon pa lang ganoon na ehersisyo o therapy para sa

utak hanggang sa napanood ko ang palabas na ito. Noon, ang alam ko lamang

na mga pagsasanay para sa pag-iisip ay ang paglaro ng puzzles at iba pang

mind games. Makakatulong ng malaki ang mga impormasyon na inilahad sa

palabas sa mga tao, lalo na sa mga dumaranas ng memory loss, Alzheimer’s, at

iba pa.

Nais kong masubukan ang ganoong klase ng ehersisyo para sa utak.

Nakakaengganyo itong gawin sa aking opiniyon. Bilang isang tao na mabilis

makalimot nang dahil sa hindi ko pa alam na dahilan, gusto ko na mapabuti ang

kalagayan ng aking memorya. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, tiyak na

gagawin ko ang therapy na ito.

You might also like