You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon III – Gitnang Luzon
MEYCAUAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Camalig, Meycauayan City, Bulacan

Ika-9 ng Marso, 2020

Bb. ROSALINA G. SANTOS, EdD


Punong Guro IV
Meycauayan National High School
Camalig, City of Meycauayan, Bulacan

Bb. Santos:

Pagbati!

Alinsunod sa DepEd Order No. 42 Series of 2014 na pinamagatang “Constitution and By Laws
of the Supreme Student Government in Elementary and Secondary Schools” at DepEd order No.
11 Series of 2016 na tumatalakay sa “Additional Guidelines on the Constitution and By Laws of
the Supreme Student Government in Elementary and Secondary Schools”, ang Supreme Student
Government (SSG), isang organisasyong naglalayong malinang ang kakayahan ng bawat mag-
aaral sa pamumuno, ay nais magsagawa ng eleksyon para sa hihiraningin manunungkulan para sa
akademikong taon 2020-2021. Kaugnay nito, ang organisasyon ay sumusunod sa nakatakdang
mandato ng Kagawaran ng Edukasyon na siyang nakaangkla sa core-values nito: Maka-Diyos,
Maka-Tao, Maka-Kalikasan at Maka-Bansa. Upang ito ay maisakatuparan, ang SSG ay
nagpapanukala ng gawain para sa piling mag-aaral mula sa paaralan upang makibahagi sa
aktibidad na tinatawag na “Organic Soap Making”.

Ito ay one-day seminar workshop na tatagal ng 3 hanggang 4 na oras ayon sa proseso at sangkap
na kinakailangan sa nasabing gawain. Ang buong pamunuan ng SSG ay umaasa sa inyong
positibong pagtugon. Pagpapala!

Lubos na gumagalang,

MARJORIE ORBASIDO
Pangalawang Pangulo ng SSG

Binigyang pansin ni:

BRYAN R. CAPANGPANGAN FERNANDO A. SIMBILLO


Gurong Tagapayo ng SSG Ulo ng Departamento ng Araling Panlipunan

Nilagdaan nina:

FERNAND KEVIN A. DUMALAY BENITA P. ESPE


Katuwang na Punong-guro II – SHS Katuwang na Punong-guro II – JHS

Pinagtibay ni:

ROSALINA G. SANTOS, EdD


Punong-guro IV

MNHS | S u p r e m e S t u d e n t G o v e r n m e n t
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon III – Gitnang Luzon
MEYCAUAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Camalig, Meycauayan City, Bulacan

Tentatibong Daloy ng Gawain


Ang kalahok ng gawain ay tig-15 magmumula sa JHS at SHS ng paaralan kung saan ang
kabuuan nito ay 30. Pook na Pagdarausan ng gawain ay sa Meycauayan National High School at
ang buong pamunuan ng SSG ang magiging katuwang ng trainor na mangungu na sa pagtuturo
sa paggawa ng sabon. Hahatiin sa limang grupo na binubuo ng anim na miyembro kada pangkat.

ORAS GAWAIN DETALYE


Pangungunahan ni Wilka
(Pangulo ng SSG) at si
Panalangin at pag-awit ng
10:00-10:10 Maureen Reyes (Kinatawan
Lupang Hinirang
sa Baitang 10) ang kukumpas
sa pambansang awit
Pakikilala ng tagapagdaloy ng
programa ang mga key
Pagpapakilala sa gawain at sa speaker at idaraos ang
10:10-10:30
mga bisita ng programa pambungad na pananalita na
pangungunahan ng mga key
speaker
Sisimulan na dito ang
10:30 -12:00 Paggawa ng sabon akdibidad na pangungunahan
ng trainor/key speaker
12:00-12:30 Tanghalian
12:30-2:00 Paggawa ng sabon Pagpapatuloy sa aktibidad
Ipakakikita rito ang mga
nagawang produkto at
magkakaroon ng kaunting
Presentasyon ng nagawang
talkback at repleksyon sa
2:00-2:30 produkto at pagwakas na
programa. Pangwakas na
seremonya
pananalita ay pangungunahan
ng trainor sa paggawa ng
sabon.
*wakas*

Tagapagdaloy ng Programa:

MARJORIE ORBASIDO
Pangalawang Pangulo ng SSG

MNHS | S u p r e m e S t u d e n t G o v e r n m e n t

You might also like