You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V (Bikol)
Divisyon ng albay
HILAGANG DISTRITO NG OAS
OAS, ALBAY

PANDISTRITONG MEMORANDUM
Blg. __, s. 2021

Tanggapan ng Tagapamanihala ng Distrito

Sa mga: Pandistritong Koordineytor sa Filipino


Punong-guro ng mga Paaralan sa Elementarya
Pampaaralang Koordineytor sa Filipino

Mula kay: SUZETTE V. VILLANUEVA


Tagamasid Pampurok ng Hilagang Distrito ng Oas

Paksa: Pandistritong Oryentasyon para sa mga Tagapagdaloy at Punong-guro ng Pagsasanay


Sa Pagtuturong Panliterasi

Petsa: Marso 9, 2021

1. Bilang pagtugon sa mga napagkasunduang gawain sa idinaos na online na Panrehiyunal na


Oryentasyon para sa mga Tagapagdaloy ng Pagsasanay sa Pagtuturong Panliterasi noong Pebrero 8-10, 2021,
ang mga Koordineytor ng Paaralang Elementarya ng Hilagang Distrito ng Oas sa pamamatnubay ng
Tagamasid Pampurok (PSDS) ay magsasagawa ng Pandistritong Oryentasyon ng mga Tagapagdaloy at Punong-
Guro ng Pagsasanay sa Pagtuturong Panliterasi sa Marso 12 , 2021.

2. Layunin nito na mabigyan ng Oryentasyon sa mga kagamitang pampagsasanay ang mga Tagapagdaloy
na magsisilbing LAC Leaders sa kani-kanilang paaralan na kakatawan ng mga pampaaralang koordineytor
bilang paghahanda sa isasagawang pampaaralang pagsasanay sa pamamagitan ng LAC Sessions.

3. Ang Gawain ay dadaluhan ng Pandistritong koordineytor na dumalo sa panrehiyung pagsasanay,


Tagamasid Pampurok(PSDS) at mga Pampaaralang Koordineytor ng Oas North District. Ang Platform na
Gagamitin sa pagsasagawa ng naturang Oryentasyon ay Face to Face na gaganapin sa Saban Elementary
School sa ganap na ika 7:00 ng umaga.

4. Itinatagubilin sa mga kalahok na sumunod sat tuntuning pangkalusugan at kaligtasan na itinakda ng


Inter-Agency Task Force-Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa pagdalo, paglahok at pagsasagawa ng
gawain.

5. Ang anumang gastusin sa pagdaraos ng gawain ay manggagaling sa pondong local (MOOE) at iba pang
mapagkukunan na isasailalim sa nakagawiang pagtutuos at pag-aawdit.

6. Kalakip nito ang programa ng mga gawain at ang mga tagapagdaloy sa bawat gawain.

7. Hinihiling ang malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito

ORAS Gawain
8:00- 8:30 Pagtanggap ng mga kalahok
8:30- 9:00 Panimulang Programa
 Pambansang Awit
 Panalangin
 Pagpapakilala ng mga Kalahok
 Mensahe
 Oryentasyon ng mga Gawain
9:00 – 3:30 Pagsasagawa (Session Proper)
9:00-9:20 Sesyon 1 Ang Kalikasan ng Pagbasa(Nature of Reading)
9:20- 9:35 Health Break
9:35- 10:00 Sesyon 2 Pagtuturo ng Pasalitang -Wika tungkol sa Paglinang ng
Komunikatibong Kasanayan

10:00 – 10:20 Sesyon 3 Kamlayaang Ponolohikal: Pundasyon sa Panimulang


Pagbasa
10:20-10:45 Sesyon 4 Paglinang sa Tatas: Tungo sa Malayang Pagbasa
10:45-11:10 Sesyon 5 Pagpapayaman ng Talasalitaan

11:10 – 11:35 Sesyon 6 Pagtuturo ng Pagbasa nang may


Pang-unawa

11:35- 12:00 Sesyon 7 Pamimili ng Angkop na Teksto sa


Pagbasa

11:30 – 11:45 Sesyon 8 Pagtuturo ng


Hinuha

11:45 – 12:00 Sesyon 9 Pagtuturo ng Pagtukoy ng Tono at


Damdamin ng Teksto

12:00-1:00
NOON BREAK

1:00- 1:25 Sesyon 10 Pagtuturo ng Pagtukoy ng


Detalye ng Teksto

1:25 – 1: 50 Sesyon 11 Pagtuturo sa Pagtukoy ng Tono


at Damdamin ng Teksto

1:50- 2:15 Sesyon 12 Pagtuturo ng Pagtukoy ng


Sanhi at Bunga

2:15- 2:40 Sesyon 13 Pagkakasunud-sunod ng mga


Pangyayari

2: 40- 3:05 Sesyon 14 Pagtuturo ng Pagtukoy ng


Katotohanan at Opinyon

3:05- 3:30 Sesyon 15 Pagtuturo ng Pagwawakas at


Pagbubuod
3:30-4:00 Pampinid na Palatuntunan

You might also like