You are on page 1of 9

School: Quezon City University (Batasan)

Kindergarten Daily Teacher: Tommy B. Morales Week No: 1


Lesson Plan Quarter: 1 Day: 1

Content Focus: Mga Salitang-ugat

Content Standards: Naisasagawa ng mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan.

Performance Standards: Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paghanap ng maikling salitang


Most Essential Learning Competency (MELC): Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paghanap ng maikling salitang matatagpuan sa loob ng isang mahabang salita at bagong
salita mula sa salitang-ugat F2PT-Ic-e-2.1
Procedures
Content
Blocks of Time
Daily Routine

National Anthem
Prayer
Arrival Time Exercise
https://www.youtube.com/watch?v=Vldpz0FVMZw
Attendance Check
Awit ng Alpabasa
https://youtu.be/UrQLziI5vCc?si=Hh_Mm-EOWDRh5XP6
Ngayon may bago tayong pag-aaralan. Bago tayo magsimula ito ang ating pamantayan sa pakikinig.

Meeting Time 1
Paghahanda: Gawain: Basa-Salita

Bawat pasu ay may nakasulat na pantig. Babasahin natin ang mga ito ng mayroong wastong baybay.

Paglalahad:
Tanong:

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Saan malapit ang bahay ng bata sa kuwento?
4. Bakit kaya maraming tao sa simbahan tuwing araw ng Linggo?
5. Bakit naman kaya maraming tao sa munisipyo tuwing araw ng Lunes?
6. Kung ikaw si Jian, magiging aktibo ka rin bas a paglilinis ng paligid?
7. Ano kaya ang ugaling ipinakita ni Jian?

Pagsasagawa ng Gawain at Pagpoproseso ng Resulta

Ngayon mga bata, ang aralin natin ngayong araw ay tungkol sa Salitang-Ugat.

Ang Salitang-Ugat o pinagmulan ng salita ay mga salita na pwedeng dagdagan o pahabain para makabuo ng isang bagong salita.Ito rin ay
maikling salita na nagmula sa mahabang salita na nagsasaad ng buong diwa.

Lesson: https://youtu.be/k_orsbc-9gc?si=2TE9GaQIQ01lsBuB

Interactive Game: “Nasaan ang kapareha ko?”


Pagpapatibay ng Konsepto at Kasanayan

Gawain 1: Pagtukoy sa Salitang-Ugat sa tulong ng Larawan

Mga bata para mas matutuhan pa natin ang tungkol sa salitang-ugat, gamitin natin ang mga larawang ito.

May ibibigay akong mahabang salita at inyong pipiliin kung anong larawan ang nagpapakita ng salitang ugat.

Mga Salita:

maaraw kabundukan palaisdaan prutasan panglima

Gawain 2: Pangkatang Gawain

Magkakaroon tayo ng isang pangkatang gawain.


Bawat grupo ay makakatanggap ng isang answer board. Ang inyong gagawin ay basahin ang panuto at isagawa ang gawing nakasaad dito.

Bibigyan ko lamang kayo ng 3 minuto para magawa ang iyong gawain.Kapag tapos na kayo sa gawain ay pumalakpak ng tatlo, pumadyak ng
talo at sabihin ng buong sigla ang pangalan ng inyong grupo.

Ngayon ay atin munang alamin kung paano kayo magkakaroon ng puntos


Pero bago tayo magsimula, ano muna ang dapat tandaan kapag nagsasagawa ng isang pangkatang gawain? Pumunta na dito sa unahan ang mga
leader ng grupo.

Abstraction o Generalization

Ano ang salitang-ugat?

Paano mo natutukoy ang salitang-ugat?

Paglalapat o Application

Mga bata ay mayroon ako larawan. Ano kaya ang larawan?

Tama! Ito ay paaralan. Ang paaralan ba ay bahagi ng komunidad?


Ngayon, maaari nyo bang sabihin ang mga bagay na ginagawa ninyo sa paaralan?

Magbibigay ang bata ng salitang madalas gawin sa Paaralan.

Mga maaring sagot.

Nagsusulat

Nagbabasa

Nagbibilang

Mula sa salitang inyong nabanggit ay bubuo o sasabihin ninyo ang salitang-ugat o ang maikling salita na matatagpuan sa loob ng mahabang
salita.

PANUTO: Bilugan ang letra ng iyong sagot.

1. Naglalakad kayong magkakaibigan. Walang ano-ano bigla kayong hinabol ng aso. Aling salitang ugat ang maaari mong sabihin?

a. Tumakbo ka.

b. Takbo!

c. Takbo nang takbo.

2.Naghahanda ang nanay mo ng pananghalian Ninyo. Naamoy mo ang niluluto niya. Anong salitang-ugat ang mababanggit mo?

a. Sarap!

b. Amoy masarap.
c. Ang sarap-sarap.

3. Naliligo kayong magkakapatid sa dagat. Di nagtagal may nakita kang papalapit na salabay. Anong salitang-ugat ang sasabihin mo?

a. Lumangoy kayo

b. Langoy nang langoy.

c. Langoy!

4. Kasalukuyan kang kumakain nang dumating ang kaibigan mo. Paano mo siya aalukin sa gamit ang salitang-ugat lamang?

a. Kumain ka.

b. Kakain ka?

c. Kain!

5. Humanga ka sa likhang sining ng iyong kamag-aral. Anong salitang ugat ang masasabi mo?

a. Galing!

b. Ang galing-galing.

c. Napakagaling!

Takdang-Aralin: Kulayan ang bahay batay sa kulay ng salitang-ugat ng mahabang salita na katumbas nito.

umalis
paglalakbay

kaligtasan

nagsusuklay

maglinis

REFLECTION: Ang repleksyon ko sa aking pagtuturo ng isang aralin sa wika ay maaaring maging maliwanag sa mga aking tinuturuan. Nagbibigay-daan ito sa
akin na masuri kung ano ang nagtatrabaho ng maayos, kung ano ang maaaring mapabuti, at kung paano pinuhin ang aking diskarte para sa mga aralin sa
hinaharap. Nalaman ko rin na mahalaga ang pagiging bibo at masayahin kapag nagtuturo. Malalaman ko rin ang mga aspeto tulad ng mga antas ng
pakikipag-ugnayan, kalinawan ng mga paliwanag, iba't ibang aktibidad, at ang pagiging epektibo ng mga pagtataya ng kanilang kaisipan para sa susunod na
kanilang pag-aaralan. Bukod pa rito, ang pagsasalin sa feedback ng mag-aaral at ang kanilang pag-unawa sa materyal ay maaaring magbigay ng
mahahalagang insight sa mga lugar para sa paglago at pag-unlad bilang isang tagapagturo.

Prepared by: Tommy B. Morales

Kindergarten Teacher

You might also like