You are on page 1of 7

Learning Area Filipino

Learning Delivery Modality Online Distance Learning Modality (Printed Module)

Paaralan AMUNGAN NHS Baitang Baitang 7


LESSON Guro RONA N. CAMAT Asignatura Filipino
EXEMPLA Petsa Markahan Ikatlong Markahn
R Oras Bilang ng Araw

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng gawaing pagakatuto na ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
 natutukoy ang mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan na ginamit sa kuwentong
binasa;
 nailalapat ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan sa pagbuo ng
pangungusap; at
nagagamit ang mga panandang anaporik at kataporik ng pangalan sa pagsulat ng talata.
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng luzon
Pagganap
C. Pinakamahalagang Nagagamit ang wastong panandang anaporik at kataporik ng pangngalan.
Kasanayan sa Pagkatuto (F7PT-IIIh-i-16)
(MELC)
II. NILALAMAN Panandang Anaporik at Kataporik ng Pangngalan
III. KAGAMITAN
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Panitikang Rehiyunal, pahina 140 - 141
Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag-
aaral
c. Mga Pahina sa Panitikang Rehiyunal, pahina
Teksbuk Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto.
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Powerpoint, audio, pictures, at google meet access.
Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction Motibasyon:
(Panimula) Mungkahing Estratehiya (MAG- BINGO TAYO!)
Gagawa ang bawat pangkat ng mga pangungusap na nagpapakita ng wastong pagpapahalaga sa
mga magulang gamit ang mga panghalip na nasa sa Bingo Card. Isa lamang ang hanay na
naglalaman ng tamang mga panghalip. Ang unang makagagawa ng mga pangungusap sa anyong
bingo ay siyang mananalo.

B I N G O

SIYA KANYA ANG IKAW AKO

RITO SILA SINA KAMI SA

ANO NIYA ITO DITO DIYAN

RIYAN NAMAN O KANILA NILA

AT DAHIL AMIN BAKIT TAYO


Gabay na Tanong:
a. Naging madali ba ang paggawa ng mga pangungusap gamit ang panghalip? Bakit?
b. Paano ninyo ginamit ang mga panghalip na ito?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin

Pokus na Tanong
Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain. Pagbibigay ng guro
ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano ginagamit ang mga panandang anaporik at kataporik?


B. Development Mungkahing Estratehiya (AWITIN MO!)
( Pagpapaunlad) Aawitin ng mga mag-aaral ang awiting may kaugnayan sa pagmamahal ng magulang sa anak na
siyang mensahe ng maikling kuwentong tinalakay.

ANAK
(Freddie Aguilar)
https://www.youtube.com/watch?v=aXEiOyi071I
Basahin ang lirika ng awiting pinakinggan.

ANAK
( Freddie Aguilar)

1. Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo at ang kamay nila ang iyong
ilaw. At ang nanay at tatay mo'y di malaman ang gagawin minamasdan pati pagtulog mo.
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay sa pagtimpla ng gatas mo. At sa umaga nama'y
kalong ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo.

2. Nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo'y naligaw ikaw ay nalulong sa masamang
bisyo. At ang una mong nilapitan ang iyong inang lumuluha at ang tanong, "anak, ba't ka
nagkaganyan".

ANALISIS
1. Pansinin ang pangungusap bilang isa. Alin ang mga panghalip na ginamit dito? Saan ito
matatagpuan? Ano ang tawag sa pagpapahayag na ang pagtukoy sa isang salita o parirala ay
sa hulihan ng pangungusap?
2. Tingnan naman ang pangungusap bilang dalawa. Alin ang mga panghalip na ginamit dito?
Saan naman ito matatagpuan?
3. Alin ang unang binanggit sa pangungusap bilang dalawa?
4. Ano ang tawag sa pagpapahayag na ang pagtukoy sa isang salita o parirala ay sa unahan ng
pangungusap?
5. Para sa iyo, alin ang higit na mainam gamitin sa pagpapahayag, ang anapora o katapora?
Bakit?
C. Engagement Panuto: Basahin at unawain ang isang maikling kuwento tungkol sa pagbibigay at pagbabahagi sa
(Pagpapalihan) kapuwa. Bigyang-pansin ang mga salitang may salungguhit na nakapaloob sa kuwento.
Recess Time
ni Veronica D. Atienza, San Guillermo NHS

Hindi lamang iisang


beses ko siyang nakitang umalis
sa silid-aralan sa tuwing tutunog
ang bell na hudyat ng recess time.
Palaging ginagawa iyon ni Jun.
Sa tuwing ililibot ko ang aking
paningin sa loob ng aming silid-
aralan pagpatak ng oras na iyon,
masasayang mukha ang aking
nakikita. Maging ako ay
nakararamdam ng tuwa sapagkat
nagkakaroon kami ng saglit na
pahinga mula sa aming mga
aralin. Iyon din ay ilang sandali
ng kasiyahan dahil mabubusog na
naman ang aming mga tiyan ng
mga baon naming pagkain. Ang
oras na iyon ay napupuno ng
kanilang malalakas na tawanan at kuwentohan kasabay ng bawat subo at nguya sa mga baong pagkain ng
aking mga kamag-aral. Halos kaming lahat ay masaya maliban lamang kay Jun.
Si Jun ang pinakatahimik sa aming klase. Halos hindi siya umiimik. Payat ang kaniyang
pangangatawan at lagi na lamang siyang matamlay. Ang maiilap niyang mga mata ay agad niyang
iniiwas sa sinomang mapapatingin sa kaniya at bakas sa mga ito ang kalungkutan. Taliwas sa
masasayang mukha na aking nakikita tuwing recess time, ang kay Jun ay malungkot. Tila ba hindi siya
masaya sa tuwing kakain na ng masasarap na pagkain kasabay ng masasayang kuwentohan at tawanan.
Kapag tumunog na ang bell ay agad siyang tatayo mula sa kaniyang upuan at lalabas ng aming
silid-aralan. Pagkalipas ng recess time ay babalik siya sa aming silid-aralan at uupong muli nang tahimik
sa kaniyang upuan.
Hindi ko man sinasadya ay napuna ko ang paulit-ulit na gawaing iyon ni Jun. Naisip ko tuloy na
baka ayaw niya kaming kasabay sa pagkain. Siguro ay naiingayan si Jun sa amin kaya sa tuwing tutunog
ang bell ay mas pinipili niyang lumabas ng silid-aralan. Sa hardin ng aming paaralan ay pinalilipas niya
ang recess time at marahil ay doon din niya inuubos ang kaniyang baon.
Dala na rin ng labis na pagtataka, isang araw ay palihim ko siyang sinundan paglabas niya sa
silid-aralan. Mabilis kong dinampot ang aking baonan at binitbit ko ito habang dahan-dahan ko siyang
sinusundan papunta sa hardin. Habang ako ay nagkukubli sa mga halaman upang hindi niya ako
mapansin, nasaksihan ko ang pagbukas niya sa lalagyan ng kaniyang pagkain. Dahan-dahan niya itong
binuksan at nakita ko na wala naman itong laman. Nakaramdam ako ng lungkot mula sa aking
kinatatayuan sa nasaksihan kong iyon. Lalo pa akong nalungkot nang makita kong mula sa kaniyang
kinauupuan ay tumayo si Jun at nagtungo sa gripo malapit sa hardin. Ilang beses siyang uminom ng
malinis na tubig na mula sa gripo at palagay ko ay pilit niyang binubusog ang sarili sa pamamagitan nito.
Matinding habag ang
naramdaman ko para kay Jun ng
mga sandaling iyon. Iyon pala
ang dahilan ng paglabas niya
tuwing sasapit ang recess time.
Wala siyang baong pagkain.
Sinulyapan ko ang dala kong
baonan at dahan-dahan akong
naglakad patungo sa
kinaroroonan niya. Bakas sa
kaniyang mukha ang pagkagulat
sa aking presensiya ngunit agad
akong ngumiti kay Jun sabay
abot ng pagkain mula sa aking
baonan. Sa kauna-unahang
pagkakataon ay nakita ko ang
saya sa kaniyang mukha habang
nagpipigil ng kaniyang mga luha. Masaya naming pinagsaluhan ang aking baon bagaman nararamdaman
kong nahihiya pa rin siya sa akin.
Nakapagtataka, ngunit tila higit na mas naging malinamnam ang aking pagkain ng mga
sandaling iyon gayong may mga pagkakataong nananawa na ako sa lasa ng mga ito. Hindi ko rin mawari
kung bakit higit na mas busog ang pakiramdam ng aking puso kaysa sa aking tiyan nang mga oras na
iyon.

Mga Gabay na Tanong


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa sagutang papel.

1. Ano ang katotohanang natuklasan ng nagsasalaysay tungkol sa palaging paglabas ni Jun tuwing
sasapit ang recess time?
2. Anong damdamin ang namayani sa iyo matapos mong basahin ang kuwento?
3. Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa ilang pangungusap sa kuwento. Ano-ano ang tawag sa
mga ito?
4. Alin sa mga pangungusap na may sinalungguhitang salita ang ginamitan ng pangngalan sa unahan at
panghalip sa hulihan bilang panghalili rito? Alin naman ang ginamitan ng panghalip sa unahan at
pangngalan sa hulihan?
5. Naiwasan ba ang pag-uulit ng pangngalan sa tulong ng mga panghalip sa loob ng kuwento?
Patunayan ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________________
Panandang Anaporik at Kataporik ng Pangngalan

Ang mga pangngalan ay may mga pananda na ginagamit sa pangungusap upang ang mga ito ay
hindi na muling babanggitin sa pangungusap. Ito ay mga salita na nakakawing sa mga salita, parirala o
sugnay.
Maiiwasan ang pag-uulit sa pangngalan kung gagamit ng mga panghalip tulad ng siya, sila,
niya, tayo, kanila, kaniya at iba pa bilang panghalili sa ngalan ng tao. Ginagamit naman ang mga
pananda o panghalip na ito, iyon, dito, rito, doon, roon at iba pa bilang pananda o panghalili sa ngalan ng
bagay, lugar, hayop o pangyayari.

1. Anaporik o Anapora - Ang panghalip ay nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang
binanggit sa unahan ng teksto o pahayag.

Mga Halimbawa:
a. Si Jun ang pinakatahimik sa aming klase. Halos hindi siya umiimik.
b. Sa hardin ng aming paaralan ay pinalilipas niya ang recess time at marahil ay doon din niya
inuubos ang kaniyang baon.

2. Kataporik o Katapora - Panghalip na ginagamit sa unahan ng teksto o pahayag bilang pananda sa


pinalitang pangngalan sa hulihan ng teksto o pahayag.

Mga Halimbawa:
a. Hindi lamang iisang beses ko siyang nakitang umalis sa aming silid-aralan sa tuwing tutunog ang
bell na hudyat ng recess time. Palaging ginagawa iyon ni Jun.
b. Ang oras na iyon ay napupuno ng kanilang malalakas na tawanan at kuwentohan kasabay ng
bawat subo at nguya sa mga baong pagkain ng aking mga kamag-aral.

Narito ang iba pang halimbawa at paliwanag upang higit mong maunawaan ang mga panandang anaporik
at kataporik ng pangngalan:

 Anaporik
Mga Halimbawa:
1. Nakamamangha ang lungsod ng Maynila dahil maraming nagtataasang
gusali na makikita roon.

Paliwanag:
Sa pangungusap na ito, dalawa ang mga salitang tumutukoy sa ngalan ng lugar, ang
pangngalang Maynila at panghalip na roon. Nauuna ang pangngalang Maynila sa
panghalip na roon na humalili rito kaya ang pahayag ay nasa anyong anaporik.

2. Si Gabriela Silang ay tinaguriang ‘Unang Babaeng Martir’ dahil sa


katapangan at kagitingang ipinamalas niya para sa bansa.

Paliwanag:
Sa pangungusap na ito, dalawa ang mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, ang
pangngalang Gabriela Silang at panghalip na niya. Nauuna ang pangngalang Gabriela
Silang sa panghalip na niya na humalili rito kaya ang pahayag ay nasa anyong anaporik.

 Kataporik
Mga Halimbawa:
1. Hindi matatawaran ang kanilang sakripisyo sa panahon ng pandemya kaya naman,
itinuturing na bagong bayani ang mga doktor at nars.

Paliwanag:
Sa pangungusap na ito, dalawa ang mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, ang
panghalip na kanila at pangngalang doktor at nars. Nauuna ang panghalip na kanila na
humalili sa pangngalang doktor at nars kaya ang pahayag ay nasa anyong kataporik.

2. Dahil sa magagandang lugar at tanawin na matatagpuan dito, dinarayo


ng mga turista ang lalawigan ng Zambales.

Paliwanag:
Sa pangungusap na ito, dalawa ang mga salitang tumutukoy sa ngalan ng lugar, ang
panghalip na dito at pangngalang Zambales. Nauuna ang panghalip na dito na humalili sa
pangngalang Zambales kaya ang pahayag ay nasa anyong kataporik.

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Itala sa talahanayan ang iba pang pangungusap mula sa binasang kuwentong ‘Recess Time’ na
ginamitan ng mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan. Salungguhitan ang panghalip na
ginamit at ang pinalitang pangngalan. Pagkatapos ay lagyan ng tsek ( ) ang kolum kung ang pananda ay
anaporik o kataporik. Gawing gabay ang halimbawang ibinigay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pangungusap mula sa Kuwento Anaporik Kataporik


Halimbawa:
Si Jun ang pinakatahimik sa aming klase. Halos hindi
siya umiimik.
1.
2.
3.
4.
5.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Tukuyin kung ang panandang ginamit sa pangungusap sa bawat bilang ay Anaporik o
Kataporik. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_______________ 1. Nangungulila man sa kanilang mga pamilya ay patuloy pa rin ang
pagpapakasakit ng mga Overseas Filipino Workers sa ibang bansa.
_______________ 2. Nagkamit ng karangalan si Sally dahil matataas ang kaniyang mga grado sa
lahat ng asignatura.
_______________ 3. Ang Araw ng Kalayaan ay dapat na pahalagahan sapagkat patuloy itong
nagpapaalala sa ginawang pagpapakasakit ng mga bayani upang makamit ang
ating kalayaan.
_______________ 4. Walang katulad ang ganda ng lugar na ito kaya patuloy na dinarayo ng mga
turista ang Palawan.
_______________ 5. Tanyag ang lalawigan ng Zambales dahil sa mga produktong mabibili rito
tulad ng matatamis na mangga.
_______________ 6. Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan kaya nararapat lamang na maging
mabuting impluwensiya ang mga nakatatanda para sa kanila.
_______________ 7. Patuloy siyang nagsusumikap sapagkat nais ni Joy na mabigyan ng
maginhawang buhay ang pamilya.
_______________ 8. Hinahangaan tayo sa buong mundo sapagkat kilala ang mga Pilipino sa
pagiging masipag at pagkakaroon ng kakaibang talento.
_______________ 9. Ang ating mga magulang ang nag-aruga sa atin kaya dapat ay alagaan natin
sila sa kanilang pagtanda.
_______________ 10. Dapat nating ingatan ang kalikasan sapagkat ang ating ikinabubuhay ay
nagmumula rito.

Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Gumamit ng wastong panandang anaporik o kataporik ng pangngalan upang mabuo ang
pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Masayang ipinagdiriwang ang okasyong __________________ saan mang panig ng mundo dahil
ang Bagong Taon ay simbolo ng panibagong buhay at pag-asa.
2. Hindi alintana ng mga magulang ang hirap sa paghahanapbuhay masiguro lamang ang magandang
kinabukasan para sa __________________ mga anak.
3. Maagang pumalaot ang mangingisda upang makahuli __________________ ng maraming isda.
4. Maraming pumapasyal sa Luneta Park sapagkat nais nilang makita ang bantayog ni Dr. Jose P.
Rizal na nakatayo __________________.
5. Dapat __________________ parangalan at kilalanin dahil hindi matatawaran ang pagpapakasakit
ng mga bagong bayani ng ating bayan.
6. Hindi __________________ magpapatalo sa mga hamon ng buhay sapagkat ang mga Pilipino ay
matapang na humaharap sa anomang pagsubok.
7. Nagsusumikap si Mark sa pag-aaral nang sa gayon ay matupad ang lahat ng __________________
minimithi sa buhay.
8. Ang mga hayop ay dapat na inaalagaan at hindi pinagmamalupitan sapagkat __________________
ay may buhay din tulad ng tao.
9. Hindi malilihis ang landas ng mga kabataang marunong makinig sa payo ng __________________
mga magulang.
10. Payapa at simple ang buhay sa probinsiya kaya naman marami ang nais na manirahan
__________________.
Pagsusulit
Panuto: Sumulat ng isang talata na nagsasalaysay ng iyong sariling karanasang may kaugnayan sa
pagbibigay o pagbabahagi sa kapuwa tulad ng iyong nabasa sa kuwentong ‘Recess Time’. Gumamit ng
mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan at salungguhitan ang mga ito. Isulat ang talata sa
iyong papel.

Pamantayan sa Pagsulat at Pagmamarka sa Talata


1. Wasto ang gamit ng mga panandang anaporik at
10 puntos
kataporik ng pangngalan.
2. May simula, gitna at wakas. 4 puntos
3. May kaugnayan sa paksa ang nilalaman. 4 puntos
4. Malinis ang gawain. 2 puntos
Kabuoan: 20 puntos
D. Assimilation Mungkahing Gawain: SULAT NG PASASALAMAT
(Paglalapat) Sa sandalling ito, ipagpalagay mo na ikaw si Jun at nais mong magpasalamat sa kabutinhan ipinakita s
aiyo ng isa mong kaklase. Sumulat ka ng isang maikling liham pasasalamat para sa inyong kamag-aral,
gamit ang mga panandang anapora at katapora.
V. PAGNINILAY Panuto: Ilahad mo ang iyong mga natutuhan tungkol sa gamit ng mga panandang anaporik at kataporik
ng pangngalan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ano ang
kahalagahan ng
paggamit ng mga Sagot:
panandang anaporik
at kataporik ng
pangngalan?

Paano nakatutulong
ang paggamit ng mga
panandang anaporik
at kataporik ng
pangngalan sa
pagkukuwento o
pagsasalaysay?

ARMANDO A. MORA
Principal I

You might also like