You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

“GURO TURO SA HIMPAPAWID” Grade level & Subject: Grade 11/12


(Script)
Radio Teachers: Doren John M.
Radio Station: Radyo Uno Bernasol
Date: October 18, 2021 Radio Host/Anchor: Jayron Bermejo
=========================================================================
=

III. RBI Proper (Teacher-Broadcaster outline)—Direct Teaching PAGBASA AT


PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK (25 mins)

(Greetings, Quarter and Module/Week no.)


Magandang hapon mga giniiliw naming mga mag-aaral na nakatutok. Isang
panibagong leksyon na naman ang ating tatalakayin sa asignaturang Pagbasa at
Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik. Nasa unang kwarter tayo, modyul
8 ng ikawalong linggo.
Ang paksa natin ngayon ay ang TEKSTONG PROSIDYURAL: ALAMIN ANG MGA
HAKBANG. Muling paalala, gamitin ang modyul 8 ninyo sa paksang ito. Excited na ako.
Tara! Simulan na natin!

(Objectives)
Sa araw na ito, kayo ay inaasahang:
1. Natatalakay ang proseso sa paghahanda ng tekstong prosidyural;
2. Naipaliliwanag ang mga uri ng prosidyural;
3. Nakasusuri ng isang tekstong prosidyural;
4. Nakapagsasagawa ng mga hakbang sa isang tekstong prosidiyural.

(Discuss the content/lesson here. You may also provide examples to elaborate the
discussion)

Maiksing pagganyak:
Parang nakakagutom naman ang buong maghapon ko ngayong araw. Naalala ko
tuloy magluto. Naiisip kong lutuin ang Adobong Manok. Marunong din ba kayong
magluto nito?

Narito ang hakbang sa pagluto:

Una
Initin ang pan at igisa ang garlic at onion.

Pangalawa
Ilagay ang manok igisa ito sa garlic at onion.

Pangatlo
Ibuhos ang suka, tayo at tubig. Lagyan ng bay dahoon ng laurel, paminta at pampalasa.
(kung may patatas ka ilagay na rin ito para mapakuloan) Pakuloan ito ng 10 minuto
hanggang sa maluto ang manok at patatas.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

Pang apat

ilagay ang asukal at paghaluin ito nang maayos. Pakuloan ng limang minuto at tikman
pag okay ka na sa lasa nito, pwede mo nang patayin ang init ng kalan o stove. hanguin
ang adobo at ilipat sa lalagyan.

Alam mo ba na ang hakbang sa pagluluto na binaggit ko ay nabibilang sa tekstong


prosidyural? Halina’t ating alamin ang kahulugan ng tekstong ito at kung anu-ano ang
uri nito!

May mga gawain tayong ginagawa na kailangan ng gabay para maisagawa


ng maayos. Kung walang mga hakbang, maaring maging masama ang kalabasan
ng ating mga proyektong gagawin. Dito papasok ang tinatawag nating “Tekstong
Prosidyural”. Halina’t alamin ang gamit ng tekstong prosidyural at matutong
gumawa ng sarili mong prosidyur!

Ano ang Tekstong Prosidyural?


Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng
impormasyon kung paano isagawa ang isang bagay o gawain. Sa tekstong ito,
pinapakita ang mga impormasyon sa “Chronological” na paraan o mayroong
sinusunod na pagkakasunod-sunod. Ang layunin ng tekstong prosidyural ay
magbigay ng panuto sa pambabasa para maisagawa ng maayos ang isang gawain.

Nilalaman
Iba’t ibang uri ng Tekstong Prosidyural

Paraan ng pagluluto (Recipes) – Pinaka karaniwang uri ng Tekstong Prosidyural.


Ito ay nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto. Sa paraan ng
pagluluto, kailangan ay malinaw ang pagkakagawa ng mga pangungusap at
maaring ito ay magpakita rin ng mga larawan.

Panuto (Instructions) – Ito ay naggagabay sa mga mambabasa kng paano


maisagawa o likhain ang isang bagay.

Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) – Nagbibigay sa mga manlalaro ng

Gabay na dapat nilang sundin.

Manwal – Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at


patakbuhin ang isang bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay may kuryente
tulad ng computers, machines at appliances.

Mga eksperimento – Sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa


natin alam. Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya naman
kailangang maisulat ito sa madaling intindihin na wika para matiyak ang
kaligtasan ng magsasagawa ng gawain.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

Pagbibigay ng direksyon – Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon


para makarating sa nais na destinasyon ang ating ginagabayan.
Apat na pangunahing Bahagi ng Tekstong Prosidyural
Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi, at ito ay
ang mga sumusunod:

Layunin – Ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain. Tinutukoy rin nito
ang dapat maging resulta ng susunding prosidyur. Ang layunin ay laging
sumasagot sa tanong na “Paano”.

Mga Kagamitan / Sangkap – Dito papasok ang mga kagamitan dapat gamitin para
maisakatuparan ang gawain. Sa recipe, kailangan mong ilista ang lahat ng sangkap
upang maihanda ng mambabasa ang kanilang ilalahok sa iluluto.

Hakbang(steps)/ Metodo(method) – Ang serye o pagkakasunod-sunod ng


prosidyur.

Konklusyon / Ebalwasyon – Sa tekstong prosidyural, ang konklusyon ay


nagbibigay ng gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila
maisasakatuparang mabuti ang isang prosidyur.

Ang karaniwang pagkakaayos/pagkakabuo ng tekstong prosidyural;


Pamagat – ang nagbibigay ng ediya sa mga mambabasa kung anong bagay ang
gagawin o isasakatuparan
Seksyon – Ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga ang seksyon
upang hindi magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.
Sub-heading – Kung mayroon nang seksyon, dapat ito ay binibigyan din ng
pamagat na magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur.

Mga larawan o Visuals – Mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay na
mahirap ipaintindi gamit lamang ang mga salita.
Mga dapat isaalang sa pagbuo ng tekstong prosidyural

• Ilarawan ng malinaw ang mga dapat isakatuparan. Magbigay ng


detalyadong deskriptyon.
• Gumamit ng tiyak na wika at mga salita
• Ilista ang lahat ng gagamitin
• Ang tekstong prosidyural ay laging nakasulat sa ikatlong panauhan (third
person point of view)
Tandaan:
Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng
impormasyon kung paano isagawa ang isang bagay o gawain. Ang layunin ng
tekstong prosidyural ay magbigay ng panuto sa pambabasa para maisagawa ng
maayos ang isang gawain.

(Explain the procedure/s on how TO DO the activities included in the modules. You
may give a sample answer IF NEEDED for students to be guided)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

Ngayon makikita sa inyong pahina 6-7 ng module ang GAWAING PAG-UNAWA sa


Paano gumawa ng blog

Basahin ito nang maigi at saguting ang mga katanungan sa pahina 6-7.

Sagutin din ang GAWAING BAHAY sa pahina 11.

Bago iyan, basahin muna ninyo ang teksto tungkol sa tamang paraan ng pag-gamit
ng social media at sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Tiyaking maging prosidyural sa
pagsagot.

Sa susunod na linggo ay abangan ninyo ang kapanapanabik pang talakayan


tungkol sa mga uri ng teksto at marami pang mga halimbawa sa Turo-Guro sa Radyo.

Ako ang inyong guro sa kahanginan, Teacher Doren na nagsasabing makinig,


matuto at lumikha. TANDAAN NA ANG KARUNUNGAN AY KAPANGYARIHAN! KAY SIKAPING
MATUTO, KAHIT SA RADYO. Hanggang sa muli, paalam!

IV. OUTRO
At dito nagtatapos ang ating talakayang pang edukasyon, sa muli kami po
ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtutok at pakikinig sa ating segment.
Patuloy parin kayong mag-abang sa mga susunod na araw para sa mga diskusyong
pang-edukasyon! Mula dito sa _____________(radio station), ako po si
_______________(radio host) na nagsasabing “Sa Koronadal, bawat gradweyt angat
sa kaalaman, kakayahan at kabuhayan.” Dahil sa DepEd, “Una sa lahat, ay bata!”
Hanggang sa muli!

You might also like