Professional Documents
Culture Documents
LetterFILIPINO 10 INAASAHANG PAGGANAP
LetterFILIPINO 10 INAASAHANG PAGGANAP
Oktubre 4, 2023
Sa pamamagitan nina:
Marie Antonette L. Del Oeste, LPT
Academic Coordinator (7-10)
Binibining Blancia,
Isa sa mga aralin sa Filipino 10 ay ang, Mga Salitang Hudyat sa Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari kung saan
matutuhuhan ng mga mag-aaral ang mga tamang hakbang o proseso sa pagbuo ng mga bagay-bagay sa paligid
maging sa pagluluto at paglilinis ng sariling tahanan.
Kaugnay nito, ang Inaasahang Pagganap sa Unang Markahan ng mga mag-aaral sa Filipino 10 ay iikot sa nabanggit na
paksa. Sila ay magsasagawa ng “No Cook Recipe”, paghahanda ng isang pagkain gaya ng minatamis, sandwich,
inumin at iba pa na hindi na kinakailangang gamitan ng apoy sa pagsasagawa. Ang kanilang produkto sa nasabing
gawain ay kanilang ibebenta sa kapwa mag-aaral sa oras ng recess, pananghalian, at uwian. May mga alintuntunin at
batas na ihahanda sa nasabing pagbebenta upang maging matiwasay at payapa ang nasabing gawain. Ang malilikom
na pinagbentahan ng mga mag-aaral ay hahatiin sa dalawa, 30% ay ibabalik sa kanila at ang 70% ay ilalaan sa Gawaing
Pangkomunidad (Outreach Program) ng Baitang 10 sa darating na Disyembre 2023.
Humihingi rin kami ng pahintulot na gamitin ang HE Laboratory at ilang kasangkapan sa araw nang pagsasagawa ng
nasabing gawain upang mas maging epektibo at kaaya-aya ang presentasyon ng bawat pangkat mula sa Baitang 10.
Ang itinakdang petsa ng gawaing ito ay sa darating na Oktubre 11, 2023, Miyerkules sa iskedyul na klase sa Filipino 10.
Ang inyong positibong tugon sa aming hangarin ay isang malaking ambag sa magiging tagumpay ng gawaing ito.
Sumasainyo,
Kinilala ni:
Unang Markahan
Inaasahang Pagganap sa Filipino 10
“No Cook Recipe”