You are on page 1of 46

NOBENA SA

Birhen ng Kapayapaan at
Mabuting Paglalakbay
Nihil Obstat:
ARTEMIO G. CASAS
Censor Librorum

Imprimatur:
JOSE N. JOVELLANOS
Vicarious Generalis
NOBENA SA
Birhen ng Kapayapaan at
Mabuting Paglalakbay
(Mapaghimala at mapagpalang Ina ng Diyos.
Sinasamba sa bayang Antipolo at patnugot ng mga
naglalakbay sa buhay na ito, ng madlang nasa kasakunaan,
at ating tagapamagitan sa ating Panginoong Hesukristo.
Itinatanghal at ipinagkakapuring pintakasi ng Misyon ng
Kapayapaan, na ipinalaganap ng samahang mga Deboto ng
Mahal na Birhen ng Julugan , Tanza, Cavite.)

ORASYON (ANGELUS)
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espritu Santo. Amen.
O Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na pinipintuho ng
sangkatauhan. Makinabang po sana kaming iyong mga
abang lingkod sa grasya mong kamahalmahalan.
Kami po ay narito sa harapan mo – humihingi ng tulong mo
at saklolo. Ipagkaloob mo po, Mahabaging Verbo ang
kapatawaran sa lahat ng tao. Siya Nawa.
Binati ng Anghel ng Panginoon si Santa Maria
-At siya ay naglihi lalang ng Espiritu Santo-
(ABA GINOONG MARIA…)
Ako ang alipin ng Panginoon
-Maganap nawa sa akin ayon sa wika mo-
(ABA GINOONG MARIA…)
At ang Salita ay nagkatawang tao
-At nakipamuhay sa atin-
(ABA GINOONG MARIA…)
Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos
-Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni
Hesukristo.-
Manalangin Tayo
Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang
aming mga kaluluwa ng iyong mahal na grasya, at
yayamang dahilan sa pamamalita ng Anghel ay makilala
naming ang pagkakatawang tao ni Hesukristong Anak mo.
Pakundangan sa mahal niyang pagpapakasakit at
pagkamatay niya sa krus ay papakinabangin mo kami ng
kaniyang pagkabuhay na maguli sa kaluwalhatian sa langit.
Alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon. Amen.
(LUWALHATI SA AMA…)
VENDITO
Vendito alabado sia santissimo sacramento del altar, de
limpia Immaculada Concepcion de Nuestra Senora ala
Birhen Maria, Madre de Dios, Senora Nuestra Concivida, si
mancha el picado original el primer, estante de siser ,
natural con siempre, Amas. Amen.
Salamat po sa inyo Panginoon naming Diyos at kami’y
isinapit mo sa mahal na hapong ito. Isapit mo rin po sa
mahal na umaga na walang sakit ang aming kaluluwa’t
katawan. Poon bigyan mo po kami ng mahabang buhay na
makapagsilbi sa Dios, sa Magulang, at sa kapwa naming
tao. Siya Nawa.
Namumuno: (3x) Ama Namin, (3x) Aba Ginoong Maria, (3x)
Luwalhati…
LAHAT: Isang Aba po Santa Mariang Hari…

PAGPUPURI
Purihin ang Diyos.
Purihin ang kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo, tao namang totoo,
gumawa at sumakop sa amin, Siya po lamang ang aming
iibigin…
Namumuno: Ave Maria Purisima (3x)
Sagot: Simpicado Concevida (3x)
MGA AWIT SA ORASYON
I. Sa Hari ng Langit, Ina ni Hesus
Tayo na’t mag-alay, magpuring lubos.
Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria
Sinta ka ng puso, Mahal kong Ina
Yaman at pag-asa, niyaring kaluluwa.
Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria

II. Araw-araw kay Maria, kami ay nagdarasal


Si Maria, aming reyna, ibig naming marangal
Kanyang tulong lagi-lagi, kami ay humihingi
Pupurihin naming siya tuwing araw at gabi.
Kung kami’y nasa panganib, kay Maria tatakbo
Tatawagin namin siya, kung malapit ang tukso
Oh Maria iyong tulungan, kaming nangabubuhay
Kami ay ipanalangin, kung kami’y mamamatay.

III. A trece ng Mayo, nanaog ang birhen


Sa Cova Da Iria, sa langit nanggaling.
Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria
Halina’t umawit at dumalangin
Maghari pag-ibig ng Ina natin.
Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria
SALVE REGINA
Salve Regina, mater misericordiae.
Vita dulcedo, et spes nostra salve.
Ad te clammamus, exsulles filii heave.
Ad te suspiramus, gementes et flentes,
In hac lacrimamum valle.
Eia Ergo, advocata nostra, illos tuos
Misericordes oculos, ad nos converte.
Et Iesum, benedictum, fructum, ventris tui
nobis, post hoc exsillium, ostende.
O Clemens, O pia, O dulcis virgo Maria.

Lahat: Salamat po sa inyo Panginoon naming Diyos, Huwag


niyo po kaming pababayaan, iligtas po ninyo kami sa lahat
ng panganib sa gabing ito. Patnubayan ninyo po kami sa
lahat ng aming mga gawa, isip, at paglalakbay hanggang
kami ay makarating sa aming patutunguhan. Kaawaan po
ninyo kami, kahabagan ang may karamdaman na nakaluhod
sa inyong harapan. Salamat po sa inyo Panginoon Naming
Diyos at dininig niyo po ang aming mga dalangin na kahit
manawari’y huwag na po sanang mawalay sa aming piling.
Siya nawa.

LAHAT: O Virgen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay,


Ina ng Divino Berbo, sa amin ay ipagkaloob mo po ang
mahal mong bendisyon.

Namumuno: Kamahal-mahalang Puso ni Jesus (3x)


Sagot: Maawa ka po sa amin (3x)
Namumuno: Kalinis-linisang Puso ni Maria (3x)
Sagot: Ipanalangin mo kami (3x)
Namumuno: Mahal na Poong San Jose
Sagot: Ipanalangin mo kami.
Namumuno: Mga Santos at Angeles ng Panginoong Diyos
Sagot: Ipanalangin ninyo kami.
Namumuno: Ave Maria Purisima (3x)
Sagot: Simpicado Concevida (3x)

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Diyos Espiritu Santo.


Amen.

BIRHEN NG MISYON NG KAPAYAPAAN AT MABUTING


PAGLALAKBAY
Ang Santo Rosaryo
Ang tanda ng + Krus ang ipagadya mo sa amin,
Panginoon naming + Diyos, sa mga kaaway namin, Sa
ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan
sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak
ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak
ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay,
inilibing.
Nanaog sa karoroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong
araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang
Makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto't maghuhukom sa
nangabubuhay at nangamamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,
Sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga
banal;
Sa kapatawaran ng mga kasalanan, Sa pagkabuhay na
mag-uli ng nangamatay na tao,
At sa buhay na walang hanggan.  Amen.
PAGSISISI
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao
namang totoo, gumawa at sumakop sa akin: pinagsisisihan
kong masakit sa tanang loob ko, ang dilang pagkakasala ko
sa iyo, Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko’t Ama ko,
iniibig kong lalo sa lahat; nagtitika akong matibay na matibay
na di na muling magkakasala sa iyo, lalayuan ko na’t
pangingilagan ang balang makababakla ng loob ko sa
masama at nakalilibat ng dating sakit ng kaluluwa ko, at
nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan
ko, umaasa akong patatawarin mo rin alang-alang sa mahal
na Pasion mo at pagkamatay mo sa Krus dahilan sa akin.
Siya nawa.
(AMA NAMIN… 3 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)

PAG-AALAY SA BAWAT MISTERYO

Ang mga Misteryo ng Tuwa


(Lunes at Sabado)
UNANG MISTERYO: Ang Pagbati ng Anghel sa Mahal na
Birhen
Panginoon, aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa iyong pagkakatawang tao. Alang-alang sa
misteryong ito at sa iyong Mahal na Ina, pagkalooban mo
kami ng kababaang-loob.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng pagbati ng Anghel sa iyong Ina at ng iyong
pagkakatawang-tao upang kami ay maging
mapagpakumbaba.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKALAWANG MISTERYO: Ang pagdalaw ng Mahal na
Birhen kay Sta. Isabel
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa pagdalaw ng iyong Ina sa kanyang pinsang
si Sta. Isabel. Alang-alang sa misteryong ito at sa iyong
Mahal na Ina ay pagkalooban mo kami ng lubos na
pagmamahal sa aming kapwa.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng pagdalaw ng iyong Ina sa kanyang pinsan upang mahalin
ko sa gawa ang aking kapwa.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
IKATLONG MISTERYO: Ang panganganak sa Nino
Jesus sa Belen
Jesus, aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa iyong pagsilang sa Belen. Alang-alang sa
misteryong ito at sa iyong Mahal na Ina, ilayo moa ng aming
puso sa mga bagay na makalupa at pagkalooban mo kami
ng pagmamahal sa mga dukha.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng iyong pagsilang upang ang aming puso ay huwag
maghangad ng kayamanang lumilipas.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
IKAAPAT NA MISTERYO: Ang paghahandog sa
sanggol na si Hesus sa Templo.
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa Pag-aalay sa iyo sa templo noong ikaw ay
isang sanggol pa lamang. Alang-alang sa misteryong ito at
sa iyong Mahal na Ina ay pagkalooban mo kami ng Banal na
karunungan at malinis na puso at kaluluwa.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng Pagaalay sa iyo sa templo o Paglilinis upang ako ay
maging tunay na marunong at malinis.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
IKALIMANG MISTERYO: Ang Pagkakita sa batang si
Jesus sa Templo
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa pagkatagpo sa iyo ng iyong Mahal na Ina sa
templo sa gitna ng mga pantas – matapos na ikaw ay
mawala. Alang-alang sa misteryong ito at sa iyong mahal na
Ina, ipagkaloob mo na kami ay magbagong buhay. Nawa’y
magbalikloob ang lahat ng mga makasalanan, ang mga
naniniwala sa maling aral, an gaming mga kapatid sa
pananampalataya na humiwalay sa amin, at ang mga hindi
naniniwala sa Diyos.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng Pagkatagpo kay Jesus sa templo upang kami ay tunay na
magbago.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
PAGHAHAIN
Aba Ginoong Maria, Birheng maluningning na walang
kapara ng palad sa lahat ng mga babae, yayamang ikaw Ina
ang nanganak, nagpasuso, at nagiwi sa nagalila sa iyo at sa
lahat, napupuno bga ang loob ng di-ugaling tuwa sa pagbati
sa iyo ni San Gabriel at pagpupuri ni Santa Isabel sampu sa
pagsamba ng sangkalangitan at ng mga pastores – pati ng
tatlong hari, sa inyong mag-ina doon sa sinilungan ng mga
hayop na gawa rin naman sa mga kamay mo. At kalungin ni
San Simeon ang Mahal na Sanggol na si Hesus at nang
Makita mo siya doon sa simbahan ng Herualem, na ginigitna
ng mga marurunong, tumatanong at sumasagot naman sa
kanila.
Magdalita ka, Ina naming maawain, at tanggapin mo
po itong Rosaryong inihahain sa limang Misteryo ng Tuwa
mo; at yayamang pintakasi ka naming, ay ipakiusap mo
kaming walang tugot sa Mahal na Anak mo, na kanyang
kawilihan, dalawin at tahanan ang mga kaluluwa naming, at
pagbiyayaan ng kaniyang mahal na grasya na ikasisipag
naming gumawa ng kabanalan, at ikasisinta pa naming
humanap sa kaniya hanggang makapiling sana namin siya
diyan sa langit.
Tunghan mo naman at ipatnugot ang ikababantog at
ikalalatag ng Kristiyanismo sa sandaigdigan, ang
ikapagbabalikloob sa Panginoong Diyos ng mga hindi
binyagan, ang ikapapawi ng mga herehiyas, ang
pagkakasundo ng mga haring Kristiyano, sampu ng
katahimikan at kapayapaan ng buong mundo at ng
kaluwalhatian ng mga kaluluwa sa Purgatoryo. Iadya mop o
kami sa mga lindol at sakuna, at sa lahat ng masama.
Amen.
+ Aba Anak ng Diyos Ama.
+ Aba Ina ng Diyos Anak.
+ Aba Esposa ng Diyos Espiritu Santo.
+ Aba Simbahang Mahal ng Santisima Trinidad.
+ Aba Kalinislinisang Birheng Mariang di-nagmana ng
kasalanang orihinal.
(AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)

Ang mga Misteryo ng Hapis


(Martes at Biyernes)
UNANG MISTERYO: Ang panalangin sa Halamanan ng
Hestsemani
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang mistryong ito
bilang papuri sa pagpapawis mo ng dugo sa halamanan ng
Hetsemani. Alang-alang sa misteryong ito at sa iyong mahal
na Ina, pagkalooban mo kami ng lubos na pagsisisi sa
aming mga kasalanan at sana’y magig lubos kaming
masunurin sa iyong banal na kalooban at kagustuhan.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng Pagpapawis ng Dugo ng Panginoon sa halamanan ng
Hetsemani upang lubos na akong magsisi at ganap na
sumunod sa iyong kagustuhan.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
IKALAWANG MISTERYO: Ang paghampas sa ating
Panginoong Hesukristo
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa pagtitiis mo ng walang awang paghampas
sa iyo. Alang-alang sa misteryong ito at sa iyong mahal na
Ina, ipagkaloob mo na aming mapigilan ang dila, tainga,
mata, sampu ng aming puso at damdamin sa mga bagay na
aming ipagkakasala.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng walang awang paghahampas upang ako’y lubos na
makapagpigil at makapagtimpi.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
IKATLONG MISTERYO: Ang pagpuputong ng koronang
tinik
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa pagtitiis mo ng hirap noong putungan ka ng
koronang tinik. Alang-alang sa misteryong ito at sa iyong
mahal na Ina, ipagkaloob mon a huwag kaming mahumaling
sa mga bagay sa mundong ito.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng pagpuputong ng koronang tinik sa Panginoon upang
huwag kong labis na pahalagahan ang mundo.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
IKAAPAT NA MISTERYO: Ang pagpapasan ng Krus
patungong Kalbaryo.
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa pagpasan mo ng Krus patungong Kalbaryo.
Alang-alang sa misteryong ito at sa iyong mahal na Ina,
pagkalooban mo kami ng pagtitimping magpasan ng aming
krus at sumunod sa iyong yapak araw-araw sa aming buhay.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng iyong pagpapasan ng Krus upang ako’y maging lubos na
matiisin at mapagtimpi.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
IKALIMANG MISTERYO: Ang pagpapako at
pagkamatay sa Krus ng Mananakop – Panginoong
Hesukristo.
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa pagtitiis na dinanas mo sa pagpapako sa
iyo sa Krus ng Kalbaryo. Alang-alang sa Misteryong ito at sa
iyong Mahal na Ina, pagkalooban mo kami ng malaking takot
sa kasalanan, at sana’y tanggapin namin ng may ngiti ang
mga pasaning krus sa buhay. Pagkalooban mo rin kami ng
banal na kamatayan, gayun din ang mga nagaagaw-buhay
sa oras na ito.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng pagpapako at pagkamatay sa Krus ng ating Panginoon
upang ako ay maging ganap na banal.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
PAGHAHAIN
Aba Ginoong Maria, Birheng wagas, napupuno ka
nga ng hapis, sindak at dalamhati sa mga kahirapan at
kasakitan ng anak mong bugtong, nalulunusan ang loob
mong maawain sa pagdakip sa kanya, at namura kang
masakit nang siya ay paghahampasin. Pinagtausan pa ang
loob mo ng Makita mo siyang nagpapasan ng krus, na
pagpapakuan sa kaniya, at naulila kang totoo sa
pagkamatay niya.
Magdalita ka, Ina naming maalam at tanggapin mo
itong Rosaryong inihahain naming sa iyo, galang at pagaala-
ala naming sa limang Misteryo ng Hapis. Yayamang
pintakasi ka namin, kami ay ipagmakaawa mong idalangin
sa Panginoong Diyos ng pananalanging maluwat, pati ng
katapangan ng loob sa pagdaralita ng anumang hirap at
kamurahang dumarating sa amin. Tuloy, Ihingi mo kami ng
malalim na pagsisisi sa mga kasalanan naming upang
siyang ikaawa ng Panginoong Diyos sa amin, at
pagkalooban kami ng mgandang kamatayan.
Tunghan mo naman at ipatnugot ang ikababantog at
ikalalatag ng Kristiyanismo sa sandaigdigan, ang
ikapagbabalikloob sa Panginoong Diyos ng mga hindi
binyagan, ang ikapapawi ng mga herehiyas, ang
pagkakasundo ng mga haring Kristiyano, sampu ng
katahimikan at kapayapaan ng buong mundo at ng
kaluwalhatian ng mga kaluluwa sa Purgatoryo. Iadya mo po
kami sa mga lindol at sakuna, at sa lahat ng masama.
Amen.
+ Aba Anak ng Diyos Ama.
+ Aba Ina ng Diyos Anak.
+ Aba Esposa ng Diyos Espiritu Santo.
+ Aba Simbahang Mahal ng Santisima Trinidad.
+ Aba Kalinislinisang Birheng Mariang di-nagmana ng

kasalanang orihinal.
(AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)

Ang mga Misteryo ng Liwanag


(Huwebes)
UNANG MISTERYO: Ang Binyag ni Kristo
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa kusang pagpapabinyag mo kay Juan upang
makiisa sa lahat ng makasalanan at akuin ang aming mga
pagkakasala at upang magkaroon ng panibagong buhay
para sa Ama. Alang-alang sa misteryong ito at sa iyong
Mahal na Ina ay pagkalooban mo kami ng dalisay na pagibig
sa iyo.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng iyong gawa, upang ang lahat ay tumanggap ng
Sakramento ng Binyag at tulungan silang buksan ang
kanilang puso sa mga handog na kaloob ng Espiritu Santo,
upang sila man ay makapagpahayag ng mabuting balita at
sumunod sa iyong dakilang kalooban at kagustuhan.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKALAWANG MISTERYO: Ang paghihimala ni Hesus sa
Kasalan sa Cana.
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa iyong paghihimala sa kasalan sa Cana.
Alang-alang sa misteryong ito at sa iyong mahal na Ina,
pagkalooban mo kami ng biyaya na maging mapagmahal sa
kapwa at lagging huingi ng tulong sa Diyos.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagSsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinung ng
iyong unang paghihimala sa Cana upang ugaliin naming
magmahal at humingi ng tulong sa Ama.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKATLONG MISTERYO: Ang pagpapahayag ng Kaharian
ng Diyos.
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang msteryong ito
bilang papuri sa pagpapahayag ng bagong kaharian ng
Diyos. Alang-alang sa misteryong ito at sa iyong mahal na
Ina ay pagkalooban mo kami ng biyaya na maging maawain,
mapagpatawad at mapagmahal.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng Pagpapahayag mo ng Kaharian ng Diyos upang kami ay
magkaroon ng malalim na debosyon sa Salita ng Diyos.
Ave Maria Purisima, Simpicado Cocevida.
IKAAPAT NA MISTERYO: Ang pagbabagong-anyo ni
Hesus
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa iyong pagbabagong-anyo. Alang-alang sa
misteryong ito at sa iyong mahal na Ina ay pagkalooban mo
kami ng biyaya ng pagibig para sa mga nagdurusa.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng iyong pagbabagong-anyo upang tanggapin ko ang mga
Sakaramento ng simbahan ng may malalim na pananalig sa
mga biyayang kaloob nito.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKALIMANG MISTERYO: Ang pagtatatag ng Eukaristiya
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa Huling Hapunan. Alang-alang sa misteryong
ito, at sa iyong Mahal na Ina ay pagkalooban mo kami ng
biyaya ng katapatan at pagiging mapagpasalamat.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng Pagtatatag ng Eukaristiya upang ibigin ko ang Santa
Misa bilang rurok ng aking pananampalataya.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.

PAGHAHAIN
Aba Ginoong Maria, Birhen ng kaliwanagan, na
nagbibigay sa amin ng walang kaparang pagmamahal at
paggabay. Ikaw ang birheng may anak sa Manunubos, na
walang ibang ninais kundi ang gabayan ang buong mundo.
Ikaw ang maawain at mahabaging Ina na naging tulay upang
maging alak ang tubig sa kasalan sa Kana. Ikaw ang mula
ng tuwa namin – ikaw ang intersorang nagbubulong ng
aming mga kahilingan kay Hesus sa Eukaristiya.
Pagkalooban mo kami ng biyaya na mahalin ang iyong anak
na siyang aming tanglaw dito sa bayang kahapishapis.
Magdalita ka, Ina naming mapagmahal, at tanggapin
mo ang Rosaryong hain namin, bilang paggalang sa limang
Misteryo ng Liwanag. Huwag mong ipahintulot na kami ay
mapasama at mapatungo sa maling daan, sapagkat ikaw
ang walang kaparang liwanag na tatanglaw sa amin - na
mga anak mong lahat. Pagkalooban mo rin kami ng biyaya
na mahalin ang Banal na Misa dahil dito lamang kami
makatatagpo ng kapahingahan sa mga kamay at bisig ng
Ama. O Tore ni David, O Toreng Garing, O Bahay na Ginto,
ipanalangin mo kami.
Tunghan mo naman at ipatnugot ang ikababantog at
ikalalatag ng Kristiyanismo sa sandaigdigan, ang
ikapagbabalikloob sa Panginoong Diyos ng mga hindi
binyagan, ang ikapapawi ng mga herehiyas, ang
pagkakasundo ng mga haring Kristiyano, sampu ng
katahimikan at kapayapaan ng buong mundo at ng
kaluwalhatian ng mga kaluluwa sa Purgatoryo. Iadya mo po
kami sa mga lindol at sakuna, at sa lahat ng masama.
Amen.
+ Aba Anak ng Diyos Ama.
+ Aba Ina ng Diyos Anak.
+ Aba Esposa ng Diyos Espiritu Santo.
+ Aba Simbahang Mahal ng Santisima Trinidad.
+ Aba Kalinislinisang Birheng Mariang di-nagmana ng

kasalanang orihinal.
(AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)

Ang mga Misteryo ng Luwalhati


(Miyerkules at Linggo)
UNANG MISTERYO: Ang pagkabuhay na mag-uli ng ating
Panginoong Hesukristo.
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa iyong pagkabuhay na maguli. Alang-alang
sa misteryong ito at sa iyong mahal na Ina, pagkalooban mo
kami ng matibay na pananampalataya.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng iyong pagkabuhay na mag-uli upang huwag magbago
ang aming angking katapatan sa iyo.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKALAWANG MISTERYO: Ang Pag-akyat sa langit ng ating
Panginoong Hesukristo.
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa iyong maluwalhating pagakyat sa langit.
Alang-alang sa misteryong ito at sa iyong mahal na Ina,
pagkalooban mo kami ng matibay at buhay na pag-asa,
pananalig at malaking paghahangad ng langit.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng pag-akyat sa langit ng ating Panginoong Hesukristo
upang maging karapatdapat ako sa langit.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKATLONG MISTERYO: Ang pagkapanaog ng Espiritu
Santo sa Harap ng mga Apostoles.
Diyos Espiritu Santo, aming iniaalay sa iyo ang
misteryong ito bilang papuri sa pagpanaog mo sa mga
apostoles. Alang-alang sa misteryong ito at kay Mariang
tapat mong esposa, pagkalooban mo kami ng banal na
karunungan upang makilala naming, mahalin at isagawa ang
iyong banal na aral at upang ito ay pakinabangan ng lahat.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng pagpanaog ng Espiritu Santo sa harap ng mga Apostoles
upang kami ay maging tunay na marunong sa mata ng
makapangyarihang Diyos.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKAAPAT NA MISTERYO: Ang pag-akyat sa langit ng
Mahal na Birhen, katawan at pati kaluluwa
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa pagakyat sa langit ng iyong banal na ina na
taglay ang katawan at kaluluwa. Alang-alang sa misteryong
ito at sa iyong mahal na ina, pagkalooban mo kami ng tunay
na pagmamahal sa kanya upang maging banal an gaming
buhay at kamatayan.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng Pag-akyat sa langit ni Maria upang magkaroon ako ng
tunay na pagmamahal sa kanya
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKALIMANG MISTERYO: Ang pagpuputong ng Korona sa
Mahal na Birhen bilang reyna ng Langit at Lupa.
Panginoon aming iniaalay sa iyo misteryong ito bilang
papuri sa pagpuputong ng korona sa iyong mahal na Ina sa
langit. Alang-alang sa Misteryong ito at sa iyong mahal na
Ina, pagkalooban mo kami ng tiyaga na nawa ay patuloy na
maragdagan an gaming kabanalan hanggang sa oras ng
aming kamatayan, at pagkatapos ay matamo naming ang
koronang walang-hanggan na inilalaan sa amin.
Pagkalooban mo rin ng biyaya ang lahat ng tapat sa kapwa
at lahat ng tumutulong sa amin.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami,
ipanalangin niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami.
Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga
ng Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen upang araw-
araw ay maragdagan ang aming kabanalan at pagkatapos
ay matamo namin ang koronang walang hanggan.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
Panginoon, isinasamo namin sa iyo na alang-alang sa
dalawampung misteryo ng iyong buhay, hirap, sakit, at
kamatayan, alang-alang sa iyong Mahal na Ina ay
pagbalikloobin mo ang mga makasalanan. Tulungan moa ng
mga nag-aagaw-buhay, hanguin moa ng mga kaluluwa sa
purgatoryo at marapatin mo na kaming lahat ay magkaroon
ng mabuting buhay at kamatayan, upang sa wakas, sa
tulong ng liwanag ng iyong nagniningning na kaluwalhatian
ay Makita ka namin sa harapan at makapiling ka namin
magpasawalang-hanggan. Amen.
PAGHAHAIN
Aba Ginoong Maria, Birheng kamahalmahalan,
pinagkakatipunan ng dilang kabutihan, sapagkat nasa iyo ng
dilang kamahalan, yayamang ikaw nga ang may anak kay
Jesukristo punong mula ng dilang galing. Napupuno nga ang
loob mo ng di masabing ligaya nang ipakita sa iyo ang
mahal na anak mo nang pagkabuhay niyang mag-uli, ng
pagdalaw at paggalang sa iyo ng mga Santos, na hinango
niya sa kinaroroonan ng mga yumao, sampu ng
pagbiyayaan ka ng Diyos Espiritu Santo, at ng pagpapala at
pagpapaging Hari sa iyo ng Santisima Trinidad sa lahat ng
ginagawa niya.
Magdalita ka, Hari at Panginoon namin na tanggapin
mo itong Rosaryong inihahain namin sa iyo, galang at pag-
aala-ala namin sa limang Misteryo ng Luwalhati. At
yayamang ina ka naming maawain ay idalangin mo po kami
sa Panginoong Diyos nang pakamtan niya sa amin ang
mahal na grasyang ikapagtatama ng loob naming umibig sa
kanya at masunod ang kanyang utos, upang kami ay maging
dapat pamanahan niya ng kaluwalhatian sa langit.
Tunghan mo naman at ipatnugot ang ikababantog at
ikalalatag ng Kristiyanismo sa sandaigdigan, ang
ikapagbabalikloob sa Panginoong Diyos ng mga hindi
binyagan, ang ikapapawi ng mga herehiyas, ang
pagkakasundo ng mga haring Kristiyano, sampu ng
katahimikan at kapayapaan ng buong mundo at ng
kaluwalhatian ng mga kaluluwa sa Purgatoryo. Iadya mo po
kami sa mga lindol at sakuna, at sa lahat ng masama.
Amen.
+ Aba Anak ng Diyos Ama.
+ Aba Ina ng Diyos Anak.
+ Aba Esposa ng Diyos Espiritu Santo.
+ Aba Simbahang Mahal ng Santisima Trinidad.
+ Aba Kalinislinisang Birheng Mariang di-nagmana ng

kasalanang orihinal.
(AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
LETANIA
Panginoon, maawa ka sa amin. 
Kristo, maawa ka sa amin. 
Panginoon, maawa ka sa amin. 
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, paka-pakinggan mo kami. 

Diyos Ama sa langit, Maawa ka sa amin. 


Diyos Anak na tumubos sa sanglibutan, 
Diyos Espiritu Santo, 
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos, 

Santa Maria, ipanalangin mo kami. 


Santang Ina ng Diyos, 
Santang Birhen ng mga Birhen, 
Ina ng Kristo, 
Ina ng grasya ng Diyos, 
Inang kasakdal-sakdalan, 
Inang walang malay sa kahalayan,
Inang 'di malapitan ng masama,
Inang kalinis-linisan,
Inang ipinaglihi na walang kasalanan,
Inang kaibig-ibig,
Inang kataka-taka,
Ina ng mabuting kahatulan,
Ina ng may gawa sa lahat,
Ina ng mapag-adya,
Birheng kapaham-pahaman,
Birheng dapat igalang,
Birheng dapat ipagbantog,
Birheng makapangyayari,
Birheng maawain,
Birheng matibay na loob sa magaling,
Salamin ng katuwiran,
Luklukan ng karungunan,
Mula ng tuwa namin,
Sisidlan ng kabanalan,
Sisidlan ng bunyi at bantog,
Sisidlan ng bukod-tanging katimtimann Rosang bulaklak ng
'di mapuspos ng bait sa tao ang halaga,
Torre in David,
Torre na garing,
Bahay na ginto,
Kaban ng tipan,
Pinto sa langit,
Talang maliwanag,
Mapagpagaling sa mga maysakit,
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan,
Mapang-aliw sa nangagdadalamhati,
Mapag-ampon sa mga kristiyano,
Reyna ng mga anghel,
Reyna ng mga patriarka,
Reyna ng mga propeta,
Reyna ng mga apostol,
Reyna ng mga martir,
Reyna ng mga confesor,
Reyna ng mga Birhen,
Reyna ng lahat ng mga santo,
Reynang ipinaglihi na 'di nagmana ng salang orihinal,
Reynang iniakyat sa langit,
Reyna ng kasantu-santosang Rosaryo,
Reyna ng kapayapaan. 

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng


sanlibutan. Patawarin mo po kami, Panginoon. 

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng


sandaigdigan. Paka-pakinggan mo po kami, Panginoon. 
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng
santinakpang langit. Maawa ka sa amin. 

Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.


 
-Nang kami ay maging dapat makinabang ng mga
pangako ni Hesukristong Panginoon.

Manalangin Tayo
Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang aming mga
kaluluwa ng Iyong mahal na grasya, at yayamang dahilan sa
pananalita ng anghel, ay nakilala namin ang pagkakatawang
tao in Hesukristong Anak Mo. Pakundangan sa mahal
Niyang pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus, ay
papakinabangin Mo kami ng Kanyang pagkabuhay na mag-
uli sa kaluwalhatian sa langit. Alang-alang kay Hesukristo
ring Panginoon namin. Siya Nawa.

PANALANGIN KAY SAN JOSE

Sa iyo po maluwalhating San Jose, nagsasakdal kami


sa aming mga kahirapan, at pagkatapos na
maipagmakaawa naman namin ang tulong ng Kabanal-
banalan mong Esposa, ay ipinagmamakaawa naman namin
sa iyo ang iyong pagaampon sa amin. Alang-alang po doon
sa santong pagibig mo sa walang bahid dungis na Birheng
Mariang Ina ng Diyos, na iyo pong esposa, at dahil sa
pagibig mo at pagyakap sa Sanggol na Jesus ay
mapakumbabang nagmamakaawa kami sa iyo, na tunghan
mo po ng mga matang mahabagin kaming lahat – na dahil
sa dugo ni Jesukristo ay naging mga Kristiyano, at sa iyong
kapangyarihan at saklolo, nawa ay tulungan mo po kami sa
aming mga pangangailangan.
Ampunin mo po, O Lubhang masikap na
tagpagkalinga ng Sagrada Familia, Ampunin mo po ang
hirang na lahi ni Jesukristo, ilayo mo po sa amin ang lahat
ng dungis kamalian at ng kasalanan. Mahabag ka, magmula
diyan sa langit, at tumulong sa amin, kalakas-lakasang
tagapag-adya namin dito sa aming pakikilaban sa impiyerno.
At katulad noong iligtas mo ang Anak ng Diyos sa lubhang
dakilang kapanganibang ikapapatid ng buhay, ngayon ay
ipagtanggol mo po ang Santa Iglesya ng Diyos sa mga
kasukaban at daya ng kaniyang mga kaaway at sa lahat ng
mga karalitaan, at ang bawat isa sa amin ay iyong
ipagtanggol ng lagi mong pagsaklolo, nang sa iyong
halimbawa at tulong ay magkaroon kami ng isang banal na
pamumuhay at isang santong kamatayan. At makamtan
nawa namin sa langit ang walang hanggang kaluwalhatian.

(ABA PO SANTA MARIANG HARI…)

Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.


Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espritu Santo. Amen.

Pagsisiyam sa Birhen ng Kapayapaan at Mabuting


Paglalakbay
Ang Tanda ng Santa Krus
Ang tanda ng + Krus ang ipagadya mo sa amin,
Panginoon naming + Diyos, sa mga kaaway namin, Sa
ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Ang Pagsisisi
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao
namang totoo, gumawa at sumakop sa akin: pinagsisisihan
kong masakit sa tanang loob ko, ang dilang pagkakasala ko
sa iyo, Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko’t Ama ko,
iniibig kong lalo sa lahat; nagtitika akong matibay na matibay
na di na muling magkakasala sa iyo, lalayuan ko na’t
pangingilagan ang balang makababakla ng loob ko sa
masama at nakalilibat ng dating sakit ng kaluluwa ko, at
nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan
ko, umaasa akong patatawarin mo rin alang-alang sa mahal
na Pasion mo at pagkamatay mo sa Krus dahilan sa akin.
Siya nawa.

Makaitlong dadasalin itong


Aba Po Santa
Mariang Hari

Aba po Santa Mariang Hari, Ina ng awa! Ikaw ang


kabuhayan at katamisan! Aba pinanaligan ka namin! Ikaw
nga ang tinatawag namin ng pumapanaw na taong Anak ni
Eba. Ikaw nga ang pinagbubuntuhang hininga namin sa
aming pagtangis dito sa lupang, bayang kahapis hapis. Ay
aba pinatakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mata mong
maawain at saka kung matapos yaring pagpanaw mo sa
amin ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus, Santa
Maria, Ina ng Diyos maawi’t maalam at matamis na Birhen.
Kami ay ipanalangin mo nang mapatuloy sa amin ang mga
pangako ni Hesukristo. Siya nawa.
PAMBUNGAD NA PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW
Lumalapit ako sa Iyong harapan, O Panginoon upang
ihandog sa Iyo sa pamamagitan ng Banal na Birhen lahat ng
aking nasa, pagasa, at Gawain sa Iyo lalong higit na
karangalan at sa kapurihan ng Iyong mahal na Ina. Hinihiling
ko na tanggapin Ninyo ang alay na pagsamba, bilang
pasasalamat at sa pagpapatawad ng lahat ng aking mga
kasalanan.
Totoong nalulungkot ako dahil sa malaking
pagkakasalang nagawa ko, sapagka’t nasaktan ko ang
Iyong damdamin ng kabutihan at kailangan suklian ko ng
tapat na pagmamahal. Pinapangako ko na hindi na muling
magkakasala. Kupkupin Ninyo ako at nawa’y manatiling lagi
sa Iyong pagkakandili.

PAGPUPUGAY SA MAHAL NA BIRHEN


O Pinaka-Banal na Birhen, pinili na pinakaganap na
Ina ng ating Panginoong Jesukristo, Ako’y nagagalak sa
marangal na handog na ipinagkaloob sa iyo bilang
tagapagkupkop at kaaliwan simula ng siya ay isilang
hanggang sa kamatayan niya sa Kalbaryo.
O Magiliw na Ina, ipagkaloob mo rin sa akin ang
tanging subaybay sa buo kong buhay, lalung-lalo na sa
pangangailangang pangkaluluwa. Pinamalas mo na ang
iyong pagmamahal sa mga kaluluwang umiibig at laging
tumatawag sa iyo sa oras ng aming pangangailangan at
kagipitan. Sa pamamagitan ng Iyong mahal na imahen at sa
ilalim ng taguring Birhen ng Kapayapaan at Mabuting
Paglalakbay, ay nagiwan ka ng maraming himalang
kabutihan – kapuwa pangkatawan at kaluluwa.
Muli akong luluhog sa iyo, na ipakita sa akin, ako na
makasalanan mong anak, ang iyong pagkakandili at awa na
kamtan ko ang hinihiling ko sa novenang ito. Amen.
PANALANGIN SA ARAW-ARAW NG PAGSISIYAM
Oh! Birheng kalinislinisan ng Kapayapaan at
mabuting paglalayag, yayamang sumasa iyo po itong
dalawang dakilang pamagat na kadangaldangalan, ipakilala
mo po sa akin ang nauukol na lalong malaking kapurihan at
kaluwalhatian ng Diyos, igawad mo po sa akin ang
kapayapaan na di maibibigay ng sino man, kapayapaang
lubos at siyang ipinagbilin ng kamahalmahalan mo pong
Anak sa kaniyang mga alagad, kapayapaang lubos at
sadyang ipinagbilin ng kaibigibig mong Anak sa kaniyang
mga disipulos, na ipagpatawad ko sa aking mga kaaway ang
madlang masamang nagawa nila sa akin na isinta ko naman
sa kapuwa ko tao ng sintang Kristiano, igawad mo po sa
aking puso at kaluluwa ang kapayapaang totoo, na huwag
bagang lumaban ang nais ng katawan sa katuwiran at ang
katuwiran ay huwag lumaban sa Diyos.
At yayamang kaming naglalakad at nangingibang
bayan dito sa bayang kahapis hapis, pangunahan mo po ako
sa landas na binabagtas ko sa kadiliman at madlang
kapanganibang nakaligid sa akin, at matutuhan ko ang
kabulusang landas ng pagsasa Langit sa pagtalima at
pagsunod sa utos ng Diyos, ituro mo po at dalhin sa
kagalingan ang anomang aking gagawin at iisipin, ilayo mo
po ako sa mga silo ng dimonyo, at ng sa iyo pong tulong at
saklolo ay makamtan ko sa oras ng kamatayan ang pagpasa
maluwalhating daratnan sa paglalayag ko sa aking
pangingibang bayan, magparating man saan doon sa
kaluwalhatian, ng iyo pong karikitdikitang luklukan at
kamahalmahalan mo pong anak. Siya nawa.

(Dito pagtitibayin ang pananalig at hingin sa Kabanal-


banalang Birhen ang biyaya at tulong na ninanasa, ng tayo
ay kahabagan ay dasalin ang mataimtim na panalangin ni
San Agustin, na nagdudulot ng tunay na kaaliwan sa ating
mga kalumbayan at kahirapan.)

PANALANGIN NI SAN AGUSTIN SA MAHAL NA


BIRHEN
Alalahanin Mo po, Birheng maawaing totoo, na kailan
man hanggang sa ngayon ay wala pa isa mang lumapit sa
iyo na napasaklolo, o humingi ng tulong na di mo
kinaawaan. Kaya sa pananalig kong ito, ay lumapit ako sa
kamahalan mo. Birhen ng mga Birhenes at Ina ko,
dumudulog ako sa harap mo po, at wala nga akong ibang
alay, kung di mga karaingan at panalangin. Huwag mo pong
walang bahala ang mga hibik ko, bagkus ipakita mo po ang
iyong pagkamaawaing loob, at malaking nais sa pakikinig at
pagtitingin sa akin at sa madali mo pong pagkakaloob ng
mga hinihingi ko. Siya nawa.
UNANG ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Angheles na nagiingat
sa mga tao, tulungan mo po ako sa aking kahirapan,
ipagsanggalang mo po ako sa madlang kapanganibang
nakaliligid sa akin, tulungan mo po ako, lalong-lalo na sa
pagtatangan ng kalinisan na matulad nawa sa kalinisan ng
mga Angheles na iyo pong kinalulugdan, na nababatbatan
ng hiyas ng kabaitan at ng makaharap ako doon sa
pagpipiging sa Langit ng Korderong kalinis-linisan, at
mangyari naman na ako’y manatili sa buhay na ito sa grasya
at kamtan ko doon sa kabilang buhay ang buong
kaluwalhatian, at ang ninanasa hinihingi dito sa pagsisiyam,
kung mamarapatin sa kapurihan at kaluwalhatian ng Diyos.
Siya nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang
tatlong Aba Ginoong Maria.)

IKALAWANG ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Arkangheles, na may
katungkulang magmalasakit sa kapurihan ng Diyos, at
kagalingan ng tao, isinasamo ko po sa iyo, alang-alang sa
mga karapatan nitong mararangal na Espiritu, na hingin mo
po sa Diyos ang kagalingang walang katapusan ng aking
kaluluwa, na siya lamang dapat pagpilitan ng tao, at siya rin
naman ang kinawiwilihan ng mahal mo pong Anak, na
dahilan dito ay hindi niya ipinagkakait at ipinagkaloob ang
kaniyang kamahalmahalang dugo, at gayon din naman
igawad mo po sa akin ang biyayang hinihingi ko sa
pagsisiyam na ito, kung baga ukol sa kapurihan ng Diyos, at
kagalingan ng kaluluwa ko. Siya Nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang
tatlong Aba Ginoong Maria.)

IKATLONG ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Principados, na
nangangailangan ng ikagagaling ng mga tao sa pagtuturo,
pagtatanglaw, at paguutos sa kanila, isinasamo ko po sa iyo
na alang-alang sa kabanalan nitong marangal na Espiritu, ay
turuan mo po at ilawan ang kaluluwa ko, ng matutong
magkamit ng kaluwalhatiang naging dahilan, na ikinapal sa
kaniya, at tulungan naman ako ng iyo pong kapangyarihan
at kaawaan, ng dito sa kinalalagyan ko, ay magpilit akong
umilaw, magturo at makatulong sa kaginhawahan ng
kaluluwa, at kagalingan ng kapuwa ko tao, at gayon din
naman igawad mo po sa akin ang ninanasa ko at hinihiling
sa pagsisiyam na ito, kung baga ukol sa kapurihan ng Diyos,
at kagalingan ng kaluluwa ko. Siya Nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang
tatlong Aba Ginoong Maria.)

IKAAPAT NA ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Patestades, na may
kapangyarihang tunay sa mga dimonyo. Isinasamo ko po iyo
na ako ay abutan mo ng ligaya ng Diyos na mailaban ko sa
masasamang espiritu, at huwag akong mahulog sa kanilang
mga tukso at paraya, kundi bagkus sila ay talunin ko: at
gayon din naman igawad mo po sa akin ang ninanasa ko at
hinihingi sa pagsisiyam na ito, kung baga ukol sa kapurihan
ng Diyos, at kagalingan ng kaluluwa ko. Siya nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang
tatlong Aba Ginoong Maria.)

IKALIMANG ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Virtudes, na
pinahihintulutan ng Diyos na gumawa ng mga himala:
yayamang namamahay sa iyo, ay lalo ang kapangyarihang
ito ay isinasamo ko sa inyong ako ay ipagadya sa mga
kaluluwa, tulungan mo po ako ng hindi ako mahikayat ng
mga kasalanan at masasamang hibo ng katawan, talunin ko
nawang lahat, at ako ay magpilit tumulad sa kababaan ng
iyo pong loob, at iba pang kabanalan; at gayon din naman
isinasamo ko po na igawad mo po sa akin ang aking
ninanasa at hinihingi dito sa pagsisiyam na ito, kung baga
ukol sa kapurihan ng Diyos, at kagalingan ng kaluluwa ko.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang
tatlong Aba Ginoong Maria.)
IKAANIM NA ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Dominaciones, na
nangunguna sa lahat ng mga Angheles na alagad ng Diyos;
ipinagmamakaamo ko po sa Iyo, alang-alang sa mararangal
na Espiritu ay iyo pong papangyarihin sa akin ang mataas
na munukala ng kataastaasang Diyos, at ang lahat na
paraang ipagkamit ko ng kaluwalhatian, kahi’t hindi
nababagay sa katawan ko, at igawad mo po sa akin ang
lubos na pagalinsunod sa kalooban ng Diyos, sampo ng
hinihingi ko at ninanasa sa pagsisiyam na ito, kung baga
ukol sa kaniyang kapurihan, at kagalingan ng kaluluwa ko.
Siya nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang
tatlong Aba Ginoong Maria.)

IKAPITONG ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Tronos, na nililikmuan
ng Diyos, yayamang Ikaw po ang lalong minamahal na
tronong luklukan ng kaniyang Kamahalan, na siyam na
buwang nalagak sa tiyan mong kalinislinisan, at gayon din
naman sa iyo pong mga kamay ng Siya ay sanggol pa: hingi
mo, Poon, sa kasantusantusan Mong Anak, na ako ay
kaniyang pagkalooban ng tunay niyang biyaya; at ng
pahingahan ng kaniyang pag-ibig; at gayon din naman
kaniyang ipagkaloob, ang hinihingi ko sa pagsisiyam na ito
kung baga ukol sa kapurihan ng Diyos, at kagalingan ng
kaluluwa ko. Siya nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang
tatlong Aba Ginoong Maria.)
IKAWALONG ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Querobines, na punung-
puno ng kataastaasang karunungan: isinasamo ko sa iyo na
hingi mo po sa kabanalbanalan Mong Anak na igawad sa
akin ang totoong karunungang ikakilala ko ng masama at at
magaling, ng pabayaan ko ang kasamaan, at matutuhan
kong yakapin ng kagalingan, ng tumimo sa puso ko ang
totoong takot sa Diyos, na pinagmumulan ng lahat na
karunungan, at matuto akong manguna sa iba ng pagtupad
sa utos ng Diyos: at gayon din naman igawad mo po sa akin
ang ninanasa ko at hinihingi dito sa pagsisiyam na ito kung
baga at ukol sa kapurihan ng Diyos at kagalingan ng
kaluluwa ko. Siya nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang
tatlong Aba Ginoong Maria.)
IKASIYAM NA ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Serafines, na sumisinta
at umiibig sa Diyos ng totoong maalab na sinta: isinasamo
ko po sa iyo, na igawad sa akin ang tunay at parating sinta
sa kabanalbanalan Mo pong Anak, ng walang kapanatilihan,
at ihingi mo lamang ang aking puso sa mga bagay na
makapagdadala sa akin sa pagkamit ng kayamanang
walang katapusan at gayon din naman ipagkaloob Mo po
ang ninanasa ko at hinihingi dito sa pagsisiyam na ito, kung
baga ukol sa kapurihan ng Diyos, at kagalingan nang
kaluluwa ko. Siya nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang
tatlong Aba Ginoong Maria.)

KAPURIHAN SA BIRHEN NG ANTIPOLO


Ang lugod sa kalangitan
Bukal sa pusong timtiman;
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Ang Simbahan Mo pong ito,
bunga ng pagsamba sa iyo,
at aliw ng madlang tao,
na sa Iyo po ay dumadalo;
Ikaw ang aming saklolo,
na panglaban sa dimonyo.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Ang mga alagad ni Kristo
sa lahat na biyaya mo,
nakikilalang totoo
ang awa Mo ay natamo
balang taong nasok dito,
ng tanang mga Kristiyano;
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Alin kundi ang tulong Mo
sa kay Jacinto Bernardo
sa kamatayang totoo
nagsanggala’t sumaklolo
ay natanyag na totoo
ang buo Mong milagro.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Gayon mang pito ang sugat
na sa kamatayan ay dapat,
siya ay tunay nakailag
sa madlang dalita’t hirap;
Ikaw ngani ang naggawad
ng kaniyang naging lunas,
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Ganap ng dalawang daan
dipang kaniyang dinaanan,
sa Silangang karagatan
ng gabing siya ay sugatan:
gayon ang kanyang isipan
na wala ngang pagkukulang.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Isang bata sa angono
sa ilog napadapiyo,
di nalunod di naano
sa awang iyong saklolo:
na nahayag na totoo,
sa maraming mga tao.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Isang Dominico naman
na may lagnat sa katawan
sa laki Mo pong kaawaan
nagmisa kinabukasan:
dito’y pinangigilalasan
dakilang kapangyarihan.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Isa namang malapit na
sa hukay pagtawag niya
sa awa Mo po ay sumigla,
at nakabangon pagdaka;
marami ang nakakita
nitong gawa Mong maganda.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Mga bulag sampong pilay,
at mga lumpong lupaypay,
pagkatanaw, pagkasilay;
sa mukha Mo nagtagumpay;
tayo ay magsamang Magsaysay
niyong sa Birhen, Kaawaan.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Kahit malayong totoo
ang bundok ng Antipolo,
sasalunga rin ang tao
pagdalaw lamang sa Iyo:
kaya kaawaan Mo
silang lahat nanagano.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Inihahandog po naming ang isang Aba po Santa Mariang
Hari para po sa ikahahango ng mga kaluluwa sa purgatoryo.
(ABA PO SANTA MARIANG HARI…)
Pagkalooban po ninyo sila ng kapayapaang walang
hanggan. Bigyan po ninyo sila ng liwanag at ilaw na walang
katapusan. At mapanatag nawa sila sa kapayapaan.

PAGHAHANDOG NG STO. ROSARIO AT NOBENA


Sa inyo mahal naming Inang Birhen, buong puso po
naming iniaalay itong (lima o dalawampung misteryo) ng
kasanto-santusan mong Rosario at nobena pong ito para sa
inyong walang hanggang kaluwalhatian, kapurihan, at
karangalan po ninyo Mahal na Ina, at bilang pasasalamat sa
lahat ng mga biyaya at tulong at pagpapala na
ipinagkakaloob po ninyo sa amin sa bawat sandali ng aming
buhay, at pinatutungkol din po naming sa ikapagkakaloob ng
aming mga kahilingan kung ito po ay sa ikaluluwalhati at sa
ikabubuti ng aming mga kaluluwa: pagkalooban mo rin po
kami, mahal naming Ina – ng kapayapaan ng aming
kalooban, kapayapaan ng mga tahanan dito sa aming
nayong PAG-ASA, ng aming Bansang Pilipinas, at ng buong
sandaigdigan. Siya Nawa.

Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida. (3 ulit)

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

AWIT SA ROSARIO CANTADA


Venid fieles hijos de Dios al sagrario
Canta del Rosario las glorias simpar
Del Santo Rosario la Reina adorada
Hoy nuestra sagrada sen suenia de Paz
Hoy nuestra sagrada sen suenia de Paz
Virgen Divino Divino Sagrario
Virgen Divino Divino Sagrario
Nuestras glorias cantaremos
Los misterios del Rosario
Los misterios del Rosario.
HAIL MARY
The Angel Gabriel announced to Mary
She will be God’s Mother you’ll see
And she was conceived by the Holy Spirit
Born of the Virgin Mary.
II. REFRAIN:
Hail Mary, Mother of God
Lady in Blue, I love you
Hail Mary, Mother of God
Mary is my mother too.
Each Day I say a little prayer to Mary.
Everywhere, her medal, I wear
Her Son on the cross, who is Christ our brother
Said Behold thy Mother.
(Repeat Refrain)
PAGPAPAALAM
(Awitin)
Jesus, Maria’t Jose, kami po’y paalam.
Paalam na muna at kayo’y iiwan sa aming pag-alis.
Ang nasa ay makamtan,
Ang Bendisyon ninyong hinihintay-hintay.
(Uliting muli)
At kung sa bagay ay tantong masakit,
sa puso ng tanan – Ang dito ay pag-alis
Kaya aming poon, Jesus, Maria’t Jose,
Kayo’y nalilimbag sa ubod ng dibdib.
(Ulitin ang unang bahagi)
AMA NAMIN
Ama namin, sumasa-langit Ka. Sambahin ang ngalan
Mo. Mapasa amin ang Kaharian Mo. Sundin ang loob Mo
dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng
aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo kami ng
aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa mga
nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa
tukso, at iadya Mo kami sa dilang masama. Amen.
ABA GINOONG MARIA
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,ang
Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa
babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si
Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming
makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.
LUWALHATI
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara
nang sa unang-una ngayon at magpakailanman,
magpasawalang-hanggan. Siya Nawa.

You might also like