You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon ng CARAGA
SANGAY NG DINAGAT ISLANDS

IKALAWANG MARKAHAN SA FILIPINO 10

Pangalan: _________________________ Petsa: ______________


Taon at Pangkat _____________________ Marka: ______________

PANUTO: Pakinggan ang talumpating babasahin ng guro at tukuyin ang mga tiyak na
kasagutan.
1. Ano ang pangunahing paksa ng talumpating inyong napakinggan?
A. Mahalaga ang cellphone
B. Nakakaaliw ang cellphone
C. Pagbabawal ng cellphone sa loob ng klase
D. Di makulay ang buhay kung walang cellphone

2. Ang panukalang pagbabawal sa paggamit ng cellphone sa loob ng klase ay


nakasaad sa DepEd order no.________?
A. 99 series 2004 C. 83 series no.2003
B. 34 series 2006 D. 44 series of 2005

3. Sino ang pinagbabawalan sa paggamit nito sa loob ng klase?


A. Magulang C. Mag - aaral
B. Kapatid D. Mamamayan

4. Ano ang dahilan kung bakit nararapat ipagbawal ang cellphone sa loob ng klase?
A. Ito ay nakakasira sa kanilang kalusugan
B. Para mawalan ng libangan ang mag-aaral.
C. Nawawalan ng ganang pumasok sa paaralan
D. Ginagawang tulay ng ilan sa pangungopya at paglalaro nang online game

5. Anong genre ng panitikan ang inyong napakinggan?


A. dula C. tula
B. sanaysay D. talumpati

Para sa bilang 6-9


Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang salitang nakasalungguhit.
6. Inihampas ni Thor ang kanyang maso sa natutulog na higante.
A. Pokus sa Layon C. Pokus sa Tagaganap
B. Pokus sa Sanhi D. Pokus sa Tagatanggap

7. Nagbalik – loob si Samson sa Panginoon at nanalangin ng taimtim.


A. Pokus sa Ganapan C. Pokus sa Tagaganap
B. Pokus sa Layon D. Pokus sa Tagatanggap

8. Ang kapangyarihan niya ipinanakot sa mahihina.


A. Pokus sa Kagamitan C. Pokus sa Tagaganap
B. Pokus sa Kalaanan D. Pokus sa Tagatanggap

9. Ipinagkaloob ng tadhana ang naganap sa Leyte.


A. Pokus sa Kagamitan C. Pokus sa Sanhi
B. Pokus sa Kalaanan D. Pokus sa Tagaganap
10. Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson. Ano ang pandiwang ginamit sa
pangungusap?
A. malaman C. Samson
B. nilang D. sikreto

11. Ipinangregalo ng pamilya Lopez ang mga natipong donasyon para sa nabiktima
para sa nabiktima ng kalamidad. Ano ang nagsilbing instrumento sa kilos ng
pandiwang ipinangregalo?
A. biktima C. natipong donasyon
B. kalamidad D. pamilya Lopez

12. Ihahanap niya ng hustisya ang sinapit ng kaniyang dalaga. Anong panlapi ang
ginamit sa pandiwang ihahanap?
A. i- C. in-
B. han D. ipa-

13. Ano ang damdaming nangibabaw sa dulang Romeo at Juliet .


A. Pag -iibigan
B. Pag ibig na walang maliw
C.Nabubuhay ang tao ng dahil sap ag ibig
D.Tapat, wagas at walang kamatayang pag ibig

14. Ilahad ang dahilan kung bakit hindi maaaring magmahalan sina Romeo at Juliet .
A. Labag ito sa kanilang batas
B. Magkaaway ang bawat pamilya nila.
C. Magkasalungat ang kanilang paniniwalat tradisyon.
D. Ipinagbabawal sa kanilang kultura na magpakasal sa isang Montague.

15. Ibigay ang dahilan ng kamatayan ni Romeo.


A. Nabaril sya sa digmaan C. Nagkasakit dahil sa sakit na cancer
B. Uminom sya ng lason D. Nagbigti

Para sa bilang 16-18.


PANUTO: Basahin ang tula, suriin ang elemento nito at sagutin ang mga tanong.

Iniibig kita nang boung taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing.
Lipad ng kaluluwang ibig marating
Ang dulo ng hindi maubos—isipin.

16. Ilang bilang ang sukat ng tula?


A. 6 C. 12
B. 8 D. 14

17. Sa anong uri ng tugma ito napabilang?


A. Di-Ganap C. Talinghaga
B. Ganap D. Tugmaan

18. Tukuyin ang talinghagang napaloob sa tula.


A. Boung Taimtim C. Lipad Ng Kaluluwang Ibig Marating
B. Walang Katulad D. Maubos Isipin

19. Anong salita ang katulad sa salitang karimlan?


A. Ambon C. Makulimlim
B. Dilim D. Lahat Ng Nabanggit
20. Sa pahayag na,”Walang inang matitiis ang isang anak, Ika’y dakila at higit sa lahat.
Ang salitang dakila ay nangangahulugang_______?
A. Mahal C. Maalalahanin
B. Mapagmalaki D. Makapangyarihan

Para sa bilang 21-24.


Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit.
21. Rosas sa kagandahan si Prinsesa Sarah.
A. Pagmamalabis C. Pagtutulad
B. Pagtatao D. Pagwawangis

22. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kaniyang pagpanaw.


A. Pagpapalit- saklaw C. Pagtatao
B. Pagtawag D. Pag-uyam

23. Kasingwagas ito ng mga bayaning marunong umingos sa mga papuri.


A. Pagmamalabis C. Pagtawag
B. Pagtutulad D. Pag-uyam

24. Ang mga mata niya ay tila mga bituing nagniningging sa tuwa. Anong salita ang
nagsasaad ng pagtutulad?
A. bituin C. niya
B. mata D. tila

25. Anong damdamin ang nangibabaw sa kwentong ‘Ang Aginaldo ng mga mago’?
A. Wagas na pag ibig C. Pag—ibig na walang hanggan
B. Ang pag ibig ay pagsasakripisyo D. Walang kamatayang pag ibig

26. Aling pahayag hinggil sa pagmamahalan ang nagsasaad ng katotohanan?


A. Mapaglarong pag – ibig
B. May pag – ibig pag may tiwala
C. Ang Pag – big ay pagpapakasakit
D. Ang pag-ibig na tapat ay walang kamatayan

27. Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng matatalinghagang pahayag na


“wag kang pakalalabis sa’yong pagiging ganid dahil malalaglag din ang dahon
sa’yong kapanahunan”
A. May hangganan din ang lahat C. Matatapos din ang iyong kasakiman
B. Balatkayo lamang D. Buhay ang kinuha buhay din ang
kapalit

28. Mataras ka pa ring magsalita kahit nakaapak ka na sa lupa, di mo ba alam ikaw’y


maituturing ng isang bituing walang ningning—itoy nangangahulugang _______.
A. Dahong-Laya C. Kupasing Damit
B. Kumupas Na Ang Dating Kasikatan D. Wala Nang Silbi

Para sa bilang 29-32


Panuto: Basahin ang talata at tukuyin ang mga salitang nagpapahayag ng pangyayari at
damdamin.

Pagkatapos
Pagkatapos po ayinihatid
po ay inihatid
koko sa paaralan
sa paaralan ang kanilang
ang kanilang limang
limang taong taong
gulang gulang
na anak na
na lalaki.
anak na lalaki.
Sumunod Sumunod
po, tumutulong akopo, tumutulongatako
sa paghahanda sa paghahanda
paghahain ng tanghalianatngpaghahain nghindi
pamilya. Kung
pa po oras ng pagkain, kailangan ko pong mamili ng pagkain sa palengke at gawin ang mga utos
nila, asikasuhin ang apuyan, walisan ang bakuran, labhan ang mga damit at hugasan ang
pinagkainan at linisin ang kusina. Hinihugasan ko rin po ang mga paa ng aking among babae. Galit
na galit po siya ngayong araw na ito at sinampal po niya ako dahil sa galit. Sana’y hindi na po siya
galit bukas.
29. Sa pahayag na,” Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan ang kanilang limang
taong gulang na anak na lalaki. Ano ang salitang nagpapahayag ng pangyayari?
A. anak C. paaralan
B. inihatid D. pagkatapos po

30. Sumunod po, tumutulong ako sa paghahanda at paghahain ng tanghalian ng


pamilya. Ano ang salitang nagpapahayag ng pangyayari?
A. paghahanda C. tanghalian
B. sumunod po D. tumutulong

31. Galit na galit po siya ngayong araw na ito at sinampal po niya ako dahil sa galit. Sa
anong pagpapahayag ang salitang nakasalungguhit?
A. nagpapahayag ng damdamin C. pagsasalaysay ng kaisipan
B. nagpapahayag ng pangyayari D. pagsasalaysay ng pangyayari

32. Sana’y hindi na po siya galit bukas. Sa anong pagpapahayag ang salitang
nakasalungguhit?
A. nagpapahayag ng damdamin C. pagsasalaysay ng kaisipan
B. nagpapahayag ng pangyayari D. pagsasalaysay ng pangyayari

33. Alin ang di—makatotohanang pangyayari sa kwentong “Ang aginaldo ng mga


Mago”.
A. Masaya ang pasko pag may matatanggap
B. Ang aginaldo ay ibinibigay lamang tuwing pasko.
C. Pagpapalitan nila ng mga aginaldo tuwing pasko
D. Ibinenta ang mahahalagang bagay para may pambili ng aginaldo.

34. Tukuyin naman ang makatotohanang pangyayari sa kwento.


A. Ang pasko ay pagpapatawad
B. Lahat ay pantay pantay ,mahirap man o mayaman.
C. Kapag ang paskkoy sumapit lahat dapat magmahalan
D. Kahit di pasko dapat magmahalan,magbigayan at magpatawad

35. Ang tawag sa pandiwa kapag ang paksa o simuno ay nagpapakilala ng sanhi o
dahilan ng kilos.
A. Pokus sa Kagamitan C. Pokus sa Sanhi
B. Pokus sa Layon D. Pokus sa Tagaganap

36. Sa pangungusap na, Ikinalungkot ko ang mga pangyayari sa buhay ng ilan sa aking
mga mag-aaral. Ano ang ipinokus ng pandiwang ikinalungkot?
A. buhay C. mag-aaaral
B. ilan D. ang mga pangyayari sa buhay
37. Pinagkunan na niyang minsan ng mga halamang-ugat si Aling Loring. Ano ang
ipinokus ng ng pandiwang pinagkunan?
A. Aling Loring C. minsan
B. halamang-gamot D. niya

Para sa bilang 38-39


Suriin ang salitang ginamit na nagsasaad ng pagtutuol at pagsang-ayon

TunayTunay na nahuli
na nahuli ng nobela
ng nobela angatingay
ang ingay at kalaswaan
kalaswaan ngTalagang
ng Maynila. Maynila.tugma
Talagang tugma ang
ang pagsasalarawan
nito sa mga lugar, pangyayari at tauhang mapupuntahan, mararanasan at makikilala nina Julio at
Ligaya. Ibinibigay nito sa mambabasa ang isang makatotohanang buhay sa Lungsod ng mga pangarap
at kasawian.
38. “Tunay na nahuli ng nobela ang ingay at kalaswaan ng Maynila”. Tukuyin ang
salitang nagsasaad ng pagsang-ayon.
A. ingay C. nahuli
B. kalaswaan D. tunay

39. Talagang tugma ang pagsasalarawan nito sa mga lugar, pangyayari at tauhang
mapupuntahan, mararanasan at makikilala nina Julio at Ligaya. Anong salita ang
nagsasaad ng pagsang-ayon?
A. mararanasan C. pagsasalarawan
B. mapupuntahan D. talagang

Para sa bilang 40-42


Panuto: Basahin ang nasabing balita at tukuyin ang tamang sagot .

STATE OF CALAMITY IDINEKLARA SA GUIMARAS DAHIL SA DENGUE

Isinailalim na sa state of calamity ang Guimaras martes ng hapon dahil sa


patuloy na pagdami ng kaso ng dengue. Una nang idineklara ni Guimaras Gov.Samuel
Gumarin ang Dengue outbreak sa lalawigan noong hulyo 12.
Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and management Council (PDRRMC)
umakyat na sa 893 ang kaso ng dengue sa probinsya, tumaas ito ng 1,440 % kumpara
sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Apat na ang namatay sa lalawigan
dahil sa dengue simula enero 1 hanngang hulyo 20.

40. Ano ang nais ipahayag ng nasabing balita?


A. Ang Guimaras ay lugar na delikado.
B. Ang lalawigan ng Guimaras ay nakababahala
C. Umakyat na sa 893 ang kaso ng dengue sa probinsysa.
D. Nasa state of calamity ang Guimaras dahil sa pagdami ng kaso ng Dengue

41. .Alin sa sumusunod ang kaisipang nais ipabatid ng artikulo?


A Maging maingat sa pamamahay C.Lalong tumaas ang kaso ng dengue
B.Dengue sugpuin,kalinisan panatilihin D.Iwasan ang dengue

42 Bilang mamamahayag papano mo maisisiwalat ang impormasyong iyong nakalap?


A.Hahanap ng lunas na makakalutas
B.Laging alerto 24 oras
C.Ipagbigay alam sa mamamayan upang mapaghandaan
D. lahat ng nabanggit

Para sa bilang 43-47


Suriin kung anong pagpapalawak ng pangungusap ang ginamit sa pangungusap.
43. Sa pangungusap na, “Si Rodrigo Duterte pala ang pangulo ng Pilipinas.”Aling salita
ang nagsasaad ng ingklitik?
A. pala C. Pilipinas
B. pangulo D. Rodrigo Duterte

44. Nagkaroon ng pagtitipon sa plasa kahapon. Anong pagpapalawak ang salitang


nakasalungguhit?
A. Ingklitik C. Panghalip
B. Pang-abay D. Simuno
45. Si Pangulong Duterte ay nagtalumpati sa palasyo. Anong komplemento ang salitang
sinasalungguhitan?
A. Ganapan C. Tagaganap
B. Layon D. Tagatanggap

46. Ang paksa ng pangungusap ay nagpapahayag ng lugar.


A. Atribusyon C. Pang-abay
B. Pandiwa D. Pariralang Lokatibo

47. “Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral”. Aling parirala ang
nagpapahayag ng pagmamay-ari?
A. ang talumpati C. maayos ang talumpati
B. maayos na maayos D. ng aking mag-aaral

Para sa bilang 48-50


PANUTO: Basahin ang isang editoryal at sagutin ang mga tanong.

Kamakailan lang umugong ang balitang nararapat bang alisin ang facebook sa
pilipinas sa kadahilanang marami ng di magandang naidulot nito sap ag unlad ng
bansa tulad ng paninira sa pamahalan,fake accnts, cyber sex at marami pang iba.
Sa kabilang panig di maikakaila ang magandang dulot ng facebook sa buhay
natin. Ika nga kung may positibo meron ding negatibo. At tunay ngang magkaakibat
talaga ang dalawa. Subalit sa dami ng maitutulong ng facebook,isang tanong ang
nanatili pa rin. Facebook ay dapat bang ibasura o ipagpatuloy pa.

48.. Ang tekstong binasa ay may layuning:


A .Maglahad ng impormasyon C. Magbigay ng babala
B. Maglaan ng panahon D. Mapanuri

49. Anong kaisipan ang nakapaloob sa binasang editorial?


A. Matalinong pagpapasya C. Maingat na desisyon
B. Mapagmatyag D. Lahat ng nabanngit

50. Anong opinyon ang nais hingiin ng nasabing editorial?


A. Gamitin ng tama ang facebook.
B. Disiplina ang kailangan tungo sa ikauunlad ng bayan
C. Matalinong pagpapasiya sa paggamit ng clphn.
D. Ang facebook ay gagamitin lamang kung kinakailangan.

Inihanda nina:

LILIBETH O. ZONIO JULIA L. JUMAWAN


SST-I SST-III

Binigyang-pansin:

MILDRED C. ABARICO, Ph.D.


EPS-Filipino
Para sa bilang 1-5

TALUMPATING babasahin ng guro.

Tila nabunutan ng tinik ang bawat guro sa panukalang pagbabawal ng cellphone sa loob ng
klase na nakasaad sa DepEd order no.83 series of 2003.

Sa kadahilanang mapanganib ito sa kanilang kalusugan higit sa lahat ito ang ginagawang tulay
ng ilan sa pangungopya at paglalaro ng online game at at iba pang mga immoral na gawain.

Pinahihintulutan lamang ang paggamit nito kung kinakailangan sa kanilang asignatura.

You might also like