You are on page 1of 12

PAGSISIYAM SA MAHAL NA PUSO NI HESUS

PANALANGIN SA ARAW ARAW

O kaibig-ibig na Puso * ng matamis kong Hesus * na pinagsidlan ng kasantu-


santusang Trinidad * ng walang hanggang kayamanan * ng karunungan at
kabanalan; * buong awa Mong pakinggan * ang aking mga kahilingan * at
pagkalooban Mo ako, * Jesus ko, * ng isang pusong katulad sa Iyo * upang
marapat kong gantihin * ang walang kahulilip na pagmamahal na ipinamalas
Mo sa akin. * Mapagbayaran ko ang mga nakaraan kong pagkukulang, * at sa
pamamagitan ng kalinis-linisang puso ni Maria * ay matamo ko * ang hinihiling
ko sa pagsisiyam na ito, * kung tungo sa lalong kapurihan ng Diyos * at
kabutihan ng aking kaluluwa. Siya nawa.

UNANG ARAW

*(Dasalin ang Panalanging ukol sa bawat araw ng Pagsisiyam)

Kabanal-banalang Tagapamagitan ng tao, * Kristo Hesus, * na sa


pagkakabayubay Mo sa krus * at sa pagkakalagay Mo * sa pagitan ng Langit
at Lupa, * sa pagsunod mo sa mg a utos * ng Iyong Ama sa langit * ay tiniis
mo ang pinakadustang kamatayan * upang ipagkaloob sa amin * ang buhay
na walang hanggan, * at minarapat Mo * na ang isang sibat * ay magbukas sa
Puso Mo * ng isang pinto na mapapasukan * ng mga magnanasang maligtas *
sa sigwa ng kasamaang nag-uumapaw sa mundo; * mapagkumbabang
isinasamo ko po sa Inyo * na tanggapin Ninyo ang lahat ng tao * sa loob ng
Inyong Pusong kabanal-banalan, * tahanan ng kapayapaan at kalusugan, * at
doon ay ipalasap Ninyo sa amin * ang lahat ng kaaliwan * na Inyong inihanda
sa mga nagmamahal sa Inyo. Siya nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na
Puso kay Sta Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa


Iyo.
Pinuno:                      

Kabanalan

Magsikap sa pagkakawang-gawa at pagmamahal sa mga kaluluwa at gawin


ang lahat ng ito alang-alang kay Hesukristo, at pagsikapan ang pagbabalik-
loob ng isang makasalanan.

IKALAWANG ARAW

Katamis-tamisang Hesus ko, * sagisag ng kapatawaran at tagapag-bayad ng


aming pagkakasala. * Isinasakit ng loob ko, * Panginoon, * na gunam-
gunamin ang iyong maawaing puso * na naglulumo sa pagkakita * na ang
mga tao * ay niwawalang halaga ang iyong Kamahal-mahalang Dugo. *
Iwalay Mo sila, * Hesus ko, * sa kanilang mga maling landasin. * Bihagin Mo
silang lahat sa Inyong Mahal na Puso * at sa kaningasan ng pag-ibig nila sa
Iyo. * Kamuhian nawa nila ang kanilang kasamaan, * at pagbayaran ang
kanilang kahinaan, * at kalamlaman ng pag-ibig * sa pamamagitan ng
Pagmamahal sa Iyo, * pagpupuri at paglilingkod sa iyo * ng tapat sa lahat ng
araw ng kanilang buhay. * Siya nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na
Puso kay Sta Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at lagging maragdagan ang pag-ibig ko


sa Iyo.

Pinuno:                      

Kabanalan

Gumawa ng anumang pagbabayad-puri, tulad ng pagdalaw sa Santisimo


Sakramento, pagbibigay ng mabuting halimbawa at paggawa ng isang
pagpapakasakit.

IKATLONG ARAW
O Hesus ko, * tunay na taga-samba ng Kataas-taasang Kamahalan, * na
nagturo sa amin na manatili sa pananalangin * sa gitna ng mga paghihirap *
sa halamanan ng Hetsemani. * Hinihiling ko po, Panginoon, * sa
pamamagitan ng mga pakinabang* ng Inyong Kamahalmahalang Puso, * na
turuan Ninyo akong manalangin * at manatili sa pananalangin * kahit na wala
sa loob ko, * labag sa loob ko, * at mabigat sa loob ko ang manalangin. * Siya
nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,


pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na
Puso kay Sta Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa


Iyo.

Pinuno:                      

Kabanalan

Magparaan ng 15 saglit (minuto) sa pananalanging matahimik o hayag man


sa harap ng Santisimo Sakramento o anumang larawan ni hesus.

IKA-APAT NA ARAW

O Kaibig-ibig na Hesus! * Alang-alang sa maalab na ningas ng pag-ibig * na


nag-uumapaw sa Iyong Puso sa Belen, * sa huling hapunan, at sa Kalbaryo, *
buong pagmamahal kong hinihiling * na sa papagningasin ang isang titis * ng
Banal na Pag-ibig na iyan sa Puso ko * upang mag-alab ang dibdib ko * sa
pagnanasa sa Kaluwalhatian ng Diyos * at kaligtasan ng tao. * Siya nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na
Puso kay Sta Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa


Iyo.
Pinuno:                      

Kabanalan

Sikapin ang kalinisan ng kaluluwa at katawan upang tayo ay maging marapat


na dambana ng Espiritu Santo. Gumawa ng mga hibik ng pag-ibig sa Diyos.

IKA-LIMANG ARAW

O Banal na Guro ng mga kaluluwa, * Kristo Hesus, * na upang turuan kaming


gumawa at sumunod * ay minarapat Mong tumalima * ng maraming taon * kay
Jose at kay Maria * at naging ulirang manggagawa * bilang isang anluwage; *
ipagkaloob Mo sa akin; * alang-alang sa mga kapakinabangan ng Iyong
Maamong Puso, * ang biyayang matutuhan kong manalangin, gumawa at
mabuhay * ng masunurin sa aking mga pinuno * sa lahat ng kanilang ipinag-
uutos * ayon sa Iyong Banal na batas. * Siya nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na
Puso kay Sta Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa


Iyo.

Pinuno:                      

Kabanalan

Buong kapakumbabaang sundin at galangin ang inyong mga pinuno.

IKA-ANIM NA ARAW

O maamong kordero * na binagsakan ng mabalasik na patalim * ng


katarungan ng Diyos Ama dahil sa aming kasalanan! * O Hesus ko, sagisag
ng walang hanggang pag-ibig * na inihahandog araw-araw sa aming altar. *
Kaanib ng mga kapakinabangan * ng lahat ng mga banal * at aking Ina, *
bilang kabayaran ng aking mga kasalanan, * ng kalamigan at kapabayaan *
ng karamihan ng mga taong nagpapanggap * na nagmamahal at naglilingkod
sa Inyo. * Siya nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Pus
okay Sta Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa


Iyo.

Pinuno:                      

Kabanalan

Magpasalamat ng mga biyayang tinanggap at maglingkod sa Diyos ng


maluwag sa puso. Magtiis ng anuman alang-alang sa Diyos.

IKA-PITONG ARAW

O Mahal na Hari ng langit, * Kristo Hesus, * na ipinag-kanulo ng taksil na si


Hudas. * Nakiki-anib po ako, Panginoon, * sa kabababaan ng loob na Inyong
isinagawa * nang Inyong hugasan ang mga paa ng lalong imbi * sa lahat ng
tao; * at hinihiling ko po sa Inyo * na pagkalooban Ninyo po ako * ng
kababaang loob * at katamisan ng Puso * upang patawarin ko at ibigin ang
aking mga kagalit * at ang mga may masamang nasa sa akin. * Nawa ay
ibigin ko silang lahat * ng buong puso * alang-alang sa pag-ibig ko sa Inyo. *
Siya nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Pus
okay Sta Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa


Iyo.

Pinuno:                      
Kabanalan

Gumawa ng isang pagpapakababang-loob at sikapin ang pakikipagkasundo


sa mga pinagkasalanan sa pamamagitan ng paghingi ng tawad.

IKA-WALONG ARAW

O Pinakamaawaing Hesus, * na ang iyong buhay ay naging isang pagpapala


sa tao * at hindi Mo pinababayaan * ang pananalangin at pamamagitan * sa
iyong Ama sa langit * sa kanilang kapakanan. * Pakapakinggan Mo, *
Mahabaging Puso, * ang aking mga hiling * at ipagkaloob Mo sa akin ang
biyaya na makilala Ka, * ibigin at sambahin ng lahat ng tao; * at
masumpunagan nawa ng lahat * ng dumudulog sa Iyo na humihingi ng tulong,
* sa Iyong pusong maka-Ama * ang kanilang kaaliwan. Siya nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Pus
okay Sta Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa


Iyo.

Pinuno:                      

Kabanalan

Buong pusong idalangin ang kaligtasan ng mga tao at ang kapayapaan ng


mga kaluluwa sa Purgatoryo alang-alang sa mga pakikinabang ng puso ni
Hesus.

IKA-SIYAM NA ARAW

O Kabanal-banalang Hesus, * na nagmahal ng labis sa tao at minarapat


ipahayag sa amin * ang Inyong Pusong Kaibig-ibig * na naliligiran ng
koronang tinik, * napaimbabawan ng isang krus, * at pinaglagusan ng isang
sibat * upang makilala namin ang dalisay Mong Pag-ibig. * Ipagkaloob Mo sa
akin, * Hesus ko, * ang biyayang samantalahin ko * ang kayamanang iyan * at
sa Kaniya at dahil sa Kaniya ay ibigin, * sambahin at purihin kita *
magpasawalang-hanggan. * Siya nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Pus
okay Sta Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa


Iyo.

Pinuno:                      

Kabanalan

Sikaping mapalaganap ang pamimintuho sa Mahal na Puso ni hesus at akitin


ang sinuman upang maanib sa Apostolado ng Panalangin.

HULING PANALANGIN ARAW ARAW SA AMANG WALANG


HANGGAN

O Ama ng kaawaan * at Diyos ng kaaliwan! * Kahi’t dukha at di marapat dahil


sa aking mga kasalanan, * ay nangahas po akong lumagay * sa harap ng
Inyong kamahalan * upang ihain sa Inyo ang pusong banal * ng Inyong mahal
na Anak, * na sa Kaniya at dahil sa Kaniya, * ay iniibig at sinasamba po Kita *
sa ngalan ng sa Inyo ay hindi nagmamahal * at hindi sumasamba* bilang
isang Ama at isang Diyos; * sa kaniya at dahil sa Kaniya * ay nais kong
magbayad-puri sa mga pag-alipusta, * paglait at kalapastanganan ng tao * sa
Santisimo Sacramento ng Alatar; * Sa Kaniya at dahil sa Kaniya * ay nais
kong pagbayaran sa Inyong kamahalan * ang lahat ng pagkakautang ng lahat
ng tao; * sa Kaniya at dahil sa Kaniya * ay inihahain ko ang lahat ng
kapakinabangan * ng mga banal * at ng mga kaluluwang tinubos * ng
Kamahal-mahalang dugo ni Hesus. * Huwag Ninyong itulot, * Amang kaibig-
ibig, * na mapahamak kailanman * ang kahit isang kaluluwa * sa mga
tumatawag at dumudulog sa Inyo * sa pamamagitan ng Mahal na Puso * ng
Kaibig-ibig Ninyong Anak. * Sa Kanyang pamamagitan ay hinihiling ko sa
Inyo, * Diyos ko, *  ang pagbabalik-loob ng mga kulang sa pananampalataya,
* ang pagkabawas ng bilang ng mga di nananalig, * ang kaligtasan ng mga
makasalanan, * ang pananatili ng mga banal, * ang kasaganaan ng Iglesya
Katolika, * ang kapayapaan at pagkakasundo ng mga bayang Kristiyano, * at
ang kabanalan ng lahat ng tao. * Inihahain ko rin sa Inyong kamahalan * na
nakapaibabaw sa Puso * ng inyong Bugtong na Anak ang Inyong mga alipin *
at ang mga adhikain ng aking puso. *

(Dito ay banggitin ang mga taong nais na idalangin sa Kamahal-mahalang Puso ni


Hesus at tuloy hilingin ang mga biyayang nais makamtan sa pagsisiyam na ito.)

Hinihiling ko po sa Inyo, * Diyos ko, * na pagkalooban Ninyo kaming lahat * ng


isang pusong maamo * at mababang-loob * at sa lahat ng bagay * ay tulad ng
kay Hesus; * puspusin Ninyo kami, * Panginoon, * ng inyong Banal na diwa; *
panatilihin Ninyo kami sa Inyong piling * at pagkaloob sa akin ang hinihiling ko
sa inyo * sa pagsisiyam na ito * kung tungo sa lalong kapurihan ng Diyos * at
kabutihan ng aking kaluluwa. * Siya nawa.

LITANYA SA KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Pinuno:            Panginoon, maawa ka sa amin.

Bayan:             Panginoon, maawa ka sa amin.

Pinuno:            Kristo, maawa ka sa amin.

Bayan:             Kristo, maawa ka sa amin.

Pinuno:            Panginoon, maawa ka sa amin.

Bayan:             Panginoon, maawa ka sa amin.

Pinuno:            Kristo pakinggan mo kami.

Bayan:             Kristo pakinggan mo kami.

Pinuno:            Kristo pakapakinggan mo kami.


Bayan:             Kristo pakapakinggan mo kami.

Amang Walang Hanggan, Diyos ng Sangkalangitan *(Maawa ka sa amin)

Anak na tumubos sa mundo, Diyos na totoo, *

Diyos Espiritu Santo, *

Santa Trinidad na iisang Diyos, *

Puso ni Hesus, Anak ng Amang Walang Hanggan, *

Puso ni Hesus, na nilalang ng Espiritu Santo sa tiyan ng isang Birhen, *

Puso ni Hesus, Anak ng Amang Walang Hanggan, *

Puso ni Hesus, na nalangkap na lubos sa verbo ng Diyos, *

Puso ni Hesus, na walang hanggan ang Kamahalan, *

Puso ni Hesus, Banal na Templo ng Diyos, *

Puso ni Hesus, Tabernakulo ng Kataasang Diyos, *

Puso ni Hesus, Bahay ng Diyos at Pinto ng langit, *

Puso ni Hesus, maalab na hurno ng pag-ibig, *

Puso ni Hesus, balong malalim ng lahat ng Kabanalan, *

Puso ni Hesus, na Karapat-dapatan sa lahat ng Pagpupuri, *

Puso ni Hesus, na Pinagkakapisanan ng Dilang kayamanan ng karunungan at


kaalaman, *

Puso ni Hesus, na tinatahanan ng buong Pagka-Diyos, *

Puso ni Hesus, na lubhang kinalulugdan ng Ama, *


Puso ni Hesus, na sa Iyong kasaganaan ay nakikinabang kaming lahat, *

Puso ni Hesus, na pinagnaisan ng mga burol na walang hanggan, *

Puso ni Hesus, na matiisin at lubhang maawain, *

Puso ni Hesus, Kayamanan ng tanang tumatawag sa Iyo, *

Puso ni Hesus, Bukal ng kabuhayan at kabanalan, *

Puso ni Hesus, Panglubag ng galit ng Diyos dahil sa aming kasalanan, *

Puso ni Hesus, na tigib ng karuwahaginan, *

Puso ni Hesus, na nagkawindang-windang dahil sa aming mga kasalanan, *

Puso ni Hesus, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, *

Puso ni Hesus, na Pinaglagusan ng isang sibat, *

Puso ni Hesus, Batis ng dilang kaaliwan, *

Puso ni Hesus, buhay at pagkabuhay naming magmuli, *

Puso ni Hesus, handog dahil sa aming kasalanan, *

Puso ni Hesus, Kagalingan ng mga nananalig sa Iyo, *

Puso ni Hesus, Pag-asa ng lahat ng namamatay sa Iyong grasiya, *

Puso ni Hesus, Ligaya ng lahat ng mga santos, *

Pinuno:            Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan,

Bayan:             Patawarin Mo po Kami, Panginoon namin.

Pinuno:            Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan,


Bayan:             Pakapakinggan mo po kami, Panginoon namin.

Pinuno:            Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng


santinakpang,

Bayan:             Kaawaan mo po kami, Panginoon namin.

Pinuno:            Hesus, maamo at mababang loob.

Bayan:             Gawin Mo na ang Puso namin ay matulad sa Puso Mo.

PANALANGIN

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, * lingapin Mo po * ang puso ng


Iyong lubhang masintahing Anak * at ang mga pagpupuri at kabayarang
inihain sa iyo * sa ngalan ng mga makasalanan, * at ipagkaloob mong
malumanay * ang kapatawaran sa mga nagmamakaawa sa Iyo * sa ngalan
din ni Hesukristong Anak Mo, * na kasama Mong nabubuhay at naghahari *
sa kasamahan ng Diyos Espiritu Santo, * magpasawalang hanggan. * Siya
nawa.

PAGBABAYAD-PURI

Purihin ang Diyos

Purihin ang Kanyang Santong ngalan

Purihin si hesukristo, Diyos na totoo at tao namin totoo

Purihin ang Ngalan ni Hesus

Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Puso

Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalng Dugo

Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa Altar


Purihin ang Espiritu Santo ang Mang-aaliw

Purihin ang dakilang Ina ng Diyos na si Maria Santisima

Purihin ang Santa at di narungisang paglilihi sa Kaniya

Purihin nawa ang maluwalhating pag-aakyat sa kanya sa Langit

Purihin ang Ngalan ni Maria, Birhen at Ina

Purihin si San Jose na kanyang kalinis-linisang esposo

Purihin ang Diyos sa Kanyang mga anghel at Kanyang mga santo

Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo, kapara ng sa unang-una


ngayon at magpakailanman at magpasa walang hanggan. Siya nawa. (3 ulit)

You might also like