You are on page 1of 10

Gawain 1-8

GAWAIN 1

Pangalan:____________________Seksyon:___________Iskor:_________Lagda ng Magulang:_______

Panuto: Magtala ng dalawang pinakapaborito mong libro o anumang uri ng akda,materyales o genre ng
panitikan na nagging pinakapaborito mo. Isulat ang mga ito at ang hinihinging impormasyon sa
talahanayan.

Unang libro Ikalawang Libro

Titulo

May-akda

Wika

Buod

Iniwasto ni:

GNG. LILIBETH A. LAPATHA


Guro sa Pagbasa at Pagsusuri

Oral Recitation: ____________


GAWAIN 2

Pangalan:____________________Seksyon:___________Iskor:_________Lagda ng Magulang:_______

Sa artikulo ni F. Sionil Jose na “Why we are Shallow”(Philippine Star, Setyembre 21, 2011), tinukoy niya na
isa sa mga dahilan kung bakit mababaw ang sensibilidad ng mga Pilipino ay dahil sa kawalan ng kultura ng
pagbabasa sa bansa. Ano ang iyong reaksiyon sa pananaw niyang ito? Para sa iyo, makatwiran bang
sabihing walang kultura ng pagbabasa ang mga Pilipino? Pangatuwiranan ang iyong sagot

Iniwasto ni:

GNG. LILIBETH A. LAPATHA


Guro sa Pagbasa at Pagsusuri

Oral Recitation: ____________


GAWAIN 5

Pangalan:____________________Seksyon:___________Iskor:_________Lagda ng Magulang:_______

Ang Bataan Nuclear Power Plant


Ang Bataan Nuclear Power Plant(BNPP) ay isang plantang nukleyar sa Morong, Bataan.
Itinayo ito sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinanf Marcos, ngunit sa kasamaang
palad, hindi ito nagamit at napakinabangan.
Noong Hulyo 1973, inanunsiyo ni Pangulong Marcos ang pagtatayo ng isang plantang
nukleyar sa Bataan sa ilalim ng kanyang programang nukleyar na nagsimula noong 1958. Ang
programa ay bilang tugon sa krisis sa langis sa Gitanang Silangan at solusyon sa pangangailangan sa
enerhiya ng bansa.
Sinimulan ang konstruksiyon ng planta noong 1976 ngunit pinatigil noong 1979 dahil
diumano, nakitaan ito ng mga eksperto mula sa Estados Unidos ng napakaraming depekto. Naging
suliranin ng ilan sa mga naging alkalde ang lokasyon ng planta na malapit sa faultline at Bundok
Pinatubo, isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas. Nang malapit nang matapos ang BNPP noong 1984,
umabot sa $2.3 bilyon ang naging gastos sa konstruksyon nito. Ang halagang ito ay inutang lamang ng
Pilipinas sa World Bank. Ang BNPP ay idinisenyo upang lumikha ng 621 megawatts ng elektrisidad,
ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi ito napagana kahit isang minuto.
Nang mapaalis sa puwesto si Pangulong Marcos noong 1986, nagpasiya ang pumalit sa
kaniyang si Pangulong Corazon Aquinon na huwag nang patakbuhin ang planta dahil sa takot na
magaya ito sa Chernobyl Disater sa Rusya. Gayundin, maraming residente ng Bataan at mga
organisasyon ang nagpakita ng matinding pagtutol dito. Kalaunan ay kinasuhan ng gobyerno ng
Pilipinas ang Westinghouse, ang kontraktor ng planta, dahil sa overpricing at panunuhol, ngunit hindi
rin ito nilitis ng gobyerno ng Estados Unidos.
hanggang sa kasalukuyan ay binabayaran pa rin ng Pilipinas, mula sa buwis ng mga
mamamayan nito, ang napakalaking utang ng bansa dahil sa BNPP. Bukod sa isyu ng overpricing at
korupsiyon ng mga kroni ni Marcos, nakapanlulumong hindi napakinabangan ng mga mamamayan ang
proyektong ito.

1. Sino ang pangulo ng Pilipinas na nagpagawa ng Bataan Nuclear Power Plant?


2. Magkano ang inutang ng Pilipinas sa World Bank upang maipagawa ito?
3. Ano-ano ang dahilan kung bakit hindi napakinabangan ang Bataan Nuclear Power Plant?
4. Bakit nagpasiya si Pangulong Corazon Aquino na huwag nang patukbuhin ang plantsa
maging sa panahon ng kaniyang administrayon.

Iniwasto ni:

GNG. LILIBETH A. LAPATHA


Guro sa Pagbasa at Pagsusuri

Oral Recitation: ____________


GAWAIN 6

Pangalan:____________________Seksyon:___________Iskor:_________Lagda ng Magulang:_______

GLOBALISASYON –ANG "BAGONG DAAN" NG PROGRESO?


Paano papawiin ang talamak na paghihikahos ng mayorya ng populasyon ng
mundo at paano gagawing makatarungan ang distribusyon ng kayamanang likha ng
paggawa ng tao? Ang inaanunsyo ng kapitalistang mga gubyerno, kabilang ang rehimeng
Estrada, na "bagong daan" ay walang iba kundi ang "globalisasyon".
Ano ba ang "globalisasyong" ito? Ang dakilang layunin raw nito ay ang
"pagkakapatiran" ng mga bansa – ang mga mamamayan sa buong daigdig ay mamumuhay na
kunwari ay iisang komunidad na may iisang ekonomya. Masarap pakinggan ang lumang
tugtuging ito na nanggagaling sa mga bansang industriyal, pero paano raw ito
isasakatuparan?
Para maging realidad – isang pandaigdigang komunidad, isang pandaigdigang
ekonomya – kailangang baklasin raw ang mga bakod ng restriksyong pumipigil sa malayang
paggalaw ng mga kapital at kalakal sa buong mundo. Kung tatanggalin ang mga
restriksyong ito, magiging malaya ang labas-pasok ng kapital at kalakal sa bawat bansa
para "ihatid" ang progreso at prosperidad na kaparis ng sa mga bansang industriyal

Buod ng Seleksiyon
______________________ ______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________ _____________________
_________________________________

Analitikal
1.______________ ________________
________________ _______________
Primarya 2.______________ ________________
________________
1.________________ _________________
_________________ ____________
Iniwasto ni:
2.___ _________________ _________________
GNG. LILIBETH A. LAPATHA
_________ Guro sa Pagbasa at Pagsusuri

Oral Recitation: ____________

Iniwasto ni:

GNG. LILIBETH A. LAPATHA


Guro sa Pagbasa at Pagsusuri
Mapagsiyasat
1.________________ _________________
_________________ ____________
2.___ _________________ _________________
_________

Sintopikal
1.______________ ________________
________________ ________________
2.______________ ________________
________________
GAWAIN 4

Pangalan:____________________Seksyon:___________Iskor:_________Lagda ng Magulang:_______

Tukuyin kung anong antas ng pagbasa ang ipinakita sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang wastong titik
ng tamang sagot sa patlang.

a. Primarya c. Analitikal
b. Mapagsiyasat d. Sintopikal

_____1. Nakita ni Mauen na Espanyol ang teksto kung kaya hindi na niya ipinagpatuloy ang pagbabasa
_____2. Inalam ni Ana ang pangalan ng paborito niyang tauhan sa isang kwentong nabasa noong
elementarya.
_____3. Galit ang naramdaman ni Brian nang mabasa ang balita tungkol sa insidente sa
Mamasapano.
_____4. Sumangguni si Nanay sa kanyang cookbook upang mas mapasarap ang kanyang mga
lutuin.
_____5. Inunawa niya ang pinabasa ng guro upang masagutan ang pagsusulit
_____6. Gumawa si Leah ng anotasyon ng mga sanggunian bilang paghahanda sa gagawing
pananaliksik.
_____7.Natuklasan ni Jonathan sa kanyang pananaliksik na may
isang mahalagang suliranin sa paksa ang hindi pa gaanong napagtutuunan ng pag-aaral.
_____8. Iniugnay ni David ang naunawaan sa akda sa sarili niyang karanasan.
_____9. Tinanong ng guro ni Pia kung tungkol saan ang seleksiyon matapos niya itong basahin.
_____10. Sumulat si marie sa editor ng diyaryo matapos mabasa ang maling nilalaman nito.

Iniwasto ni:

GNG. LILIBETH A. LAPATHA


Guro sa Pagbasa at Pagsusuri

Oral Recitation: ____________


Gawain 7

Pangalan:____________________Seksyon:___________Iskor:_________Lagda ng Magulang:_______Petsa:______

A. Panuto: Isulat ang K kung katotohanan ang pahayag at O kung Opinyon.

______1. Si Benigno Aquino III ang nag-iisang pangulo ng Pilipinas na sumusugpo sa suliranin ng korapsyon.
______2. Sa Tingin ko ay may malaking pananagutan sa insidente sa Mamasapasano si Pangulong Aquino.
______3. Napakahusay ng pagganap ni Eugene Domingo sa pelikulang “ Babae sa Septic Tank”.
______4. Pinakagwapong artista si Piolo Pascual.
______5. Napatunayang nagnakaw ng kaban ng bayan ang dating Pangulong Joseph Estrada.
______6. Nandaya sa eleksyon noong 2004 si dating Pangulong Gloria Arroyo kaya natalo si Fernado Poe Jr.
______7. Ayon sa Saligang batas, ang pangulo ng Pilipinas ay awtomatikong magsisilbi bilang Commander-in-
chief ng PNP at AFP.
______8. Ipinakita ng mga Pilipino ang katapangan at kabayanihan nang magkaisa sila sa pagpapatalsik ng isang
diktadok.
______9. Maraming magandang babasahin sa Wattpad kahit pa sinasabi ng marami na mababaw rito.
______10. Maaaring magsulat ang kahit sini at ilathala ito sa Wattpad.

B. Sumipi ng isang pahayag na nagpapakita ng Opinyon at katotohanan mula sa binasang seleksyon sa


ibaba.
1. Katotohanan:____________________________________________________

2. Opinyon: _______________________________________________________

Ang Kultura ng Malling sa Pilipinas


Laganap ang mga Mall at ang kulturang kaakibat nito sa Pilipinas. Sa kasalukuyan,
nangunguna ang SM Supermalls, na pag-aari ng SM Prime Holdings Inc., sa dami ng mga mall sa
buong bansa. Mayroon silang kabuuang 48 na mall sa Pilipinas at maging sa Tsina. Itinayo ni
Henry Sy, Sr. ang kauna-unahang Shoemart, isang tindahan ng sapatos, noong 1958 sa Maynila.
Noong 1960’s lumawak at dumami ang mga tindahang ito ng sapatos. Nagkaroon nito sa mga
sentro ng urbanisadong lungsod tulad ng Makati at Cubao. Naging ganap na department store ito
noong 1970’s kung saan nakilala bilang SM. Noong 1980’s, lalong lumawak ang saklaw ng SM.
Nagtayo na rin ang kompanya ng mga supermarket at home appliance center. Pinakaunang
itinanghal na SM Supermall ang SM City North Edsa.
Sa kasalukuyan, kahit saan ka pumunta ay may SM. Madalas pa ngang nagiging
palatandaan ng isang lugar ang SM o kaya ay ruta ng mga pampublikong sasakyan. Bahagi ng
buhay ng mga Pilipino ang mall. Lahat ng pangangailangan mula sa damit, sapatos, pagkain,
sinehan, gadget at kung anu-ano pa pa ay nasa mall nang lahat. Madalas na nagiging pasyalan ito
kahit na walang bibilhin, dahilan para mauso ang konsepto ng “window shopping” o yaong
patingin-tingin lamang pero hindi naman bibili. Sa mga panahong mainit ang panahon, mall din ang
dinarayo ng mga Pilipino upang magpalamig. Tunany ngang naging bahagi na ng kulturang Pilipino
ang malling.
Bukod sa bahagi na ito ng kultura, mahalaga ring tukuyin ang malling bilang
manipestasyon ng matinding konsumerismo ng mga Pilipino. Bilang bansang nasa nasa ikatlong
daigdig na tagatanggap ng mga yaring produkto mula sa ibang bansa,lunsaran ang mall ng pinagsama-
samang produkto ng mauunlad na bansa na hindi kayang gawin ng mga industriya ng Pilipinas.
Ginagamit ang mall upang magpakilala ng mga bagong pangangailanagn at kagustuhan sa mga
konsyumer para sa pagapatuloy sa paggalaw ng ekonomiya. Pinalalaganap ng malling ang
napakababaw na materyalismo, kun saan itinumbas ng tao ang personal na aspirasyon sa pagkamit ng
materyal na bagay.
Gawain 8

Pangalan:____________________Seksyon:___________Iskor:_________Lagda ng Magulang:_______ Petsa:______


Petsa:______
A. Panuto: Tukuyin ang sumusunod na kasanayan ay ginagawa bago, habang, o pagkatapos magbasa.
Piliin sa kahon ang wastong sagot sa bawat aytem at isulat ito sa patlang.

A. Bago Magbasa
B. Habang Nagbabasa
C. Pagkatapos Magbasa

_________1. Pagbuo ng mga biswal na imahen.


_________2. Previewing ng teksto o mabilis na pagsusuri sa genre at halaga nito sa layunin ng pagbasa.
_________3. Pagbuo ng organisasyon sa mga impormasyong nakuha sa teksto.
_________4. Muling pagbasa sa mga hindi naunawaang bahagi.
_________5. Ebalwasyon sa katumpakan at kaangkupan ng aklat.
_________6. Pagsulat ng rebyu ng isang aklat.
_________7. Pagtukoy sa kahulugan ng mga salitang hindi maunawaan sa pamamagitan ng pag-uugnay
sa iba impormasyong ibinibigay ng teksto.
_________8.Pagbubuod o paggawa ng sintesis ng isang akda.
_________9. Paghihinuha
_________10. Pagtantiya sa bilis ng pagbasa

B. Magtala ng tatlong kahalagahan ng pagbasa sa personal mong buhay. Ibahagi sa klase ang
sagot.

1. _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

You might also like