You are on page 1of 17

YAMANG KAALAMAN: Nutrisyon, Kalusugan at Paghahalaman – mga susi sa

tamang pangangalaga ng ina at sanggol

PAKSA 2: Batayang Kaalaman sa Nutrisyon ng First 1000 day

Ang layunin ng modyul na ito ay ituro sa mga magulang at tagapag-aruga ang mga batayang kaalaman
sa tamang nutrisyon at ang epekto ng kakulangan sa nutrisyon sa buhay at potensyal ng isang bata. Nais
din nitong tukuyin ang iba’t-ibang mukha ng malnutrisyon; Isalarawan ang kahalagahan ng sapat na
nutrisyon sa F1K; Tukuyin ang apat na grupo ng sustansya sa Pinggang Pinoy; at Magbigay ng mga
halimbawa ng katutubong gulay na mapagkukunan ng mga sustansya.

MGA SESYON
1. Flag Game (Simula at Huli)
2. Video Showing
3. Nutri-Puzzles
4. Pagpapalalim

MGA KAGAMITAN PARA SA MODYUL


1. Smiley-and-Sad Flags (para sa 25 katao)
2. Record Sheet
3. LCD projector
4. Laptop
5. Projection screen
6. Video ng F1K pinamagatang “WFP NNC First 1000 Days of Life (Tagalog)” mula sa Youtube ng
National Nutrition Council
7. 6 na Nutri-puzzles
8. Nakapasong katutubong gulay pangdisplay:
Madahong gulay – kulitis, lagikway, Japanese Malunggay, talinum
Butong gulay – kadyos, soybean o utaw
Lamang Ugat – ibat ibang variety ng kamote, uraro
Bungang gulay – kalabasa, talong
9. Bunga ng kadyos, utaw, uraro, iba’t ibang kamote, kalabasa, at talong (mestiza, araw-araw)
10. Meryenda na may katutubong gulay (tulad ng Champoradong may Kadyos, Veggie siomai o
Sopas ala Filpina)
11. 25 kopya ng resipe ng katutubong gulay pambigay sa mga kalahok (Annex)
12. Manila Paper na naglalaman ng Susing Kaalaman

SESSION 1: FLAG GAME


Mga Gagamitin: Record Sheet, Flags

Paano Gawin:
1) Dalawang tagapagpadaloy ang kailangan para dito. Isa ay magbabasa ng tanong at ang isa ang
magtatala ng sagot sa Record Sheet (Annex).
2) Ipamahagi ang mga flag na gagamitin.

Paksa 2: Batayang Kaalaman sa Nutrisyon Page | 1


YAMANG KAALAMAN: Nutrisyon, Kalusugan at Paghahalaman – mga susi sa
tamang pangangalaga ng ina at sanggol

3) Basahin ang instructions.


• Bibigyan ng flag ang mag kalahok na itataas depende sa kanilang sagot. Kung
sang-ayon ay itaas ang flag ng smiley face, kung hindi sang-ayon ay itaas ang flag
ng sad face.
• Babasahin ng tagapagpadaloy ang bawat tanong na uulitin nang dalawang beses.
• Itataas ng mga kalahok ang flag ng kanilang sagot pagkatapos basahin ang
tanong.
• Hindi ge-gradan ang laro kaya’t hindi dapat kabahan kung hindi alam ang sagot.
• Bibilangin ang mga sagot kada tanong kaya wag muna ibababa ang flag.
• Sasabihin ang tamang pangungusap kapag tapos nang bilangin.

Mga mensahe (Tamang kasagutan) Tamang Sagot


1. Isang pagkain lang ang makapagbigay ng lahat ng sustansya na kailangan ng isang Sad
indibidwal na lampas sa 6 na buwang gulang.
Walang isang pagkain ang makakapagbigay ng lahat ng sustansya na kailangan ng isang indibidwal lampas sa 6 na
buwang gulang kung kaya’t hinihikayat na kumain ng iba’t ibang uri ng pagkain araw-araw. Mula kapanganakan
hanggang ika-6 na buwan ni baby, gatas ng ina ang isang pagkain na magbibigay ng lahat ng kailangan nyang
sustansya.
2. Kasama sa eksklusibong pagpapa-suso ng mga sanggol na 6 na buwan pababa ang Sad
pagpapa-inom ng tubig.
Tanging gatas ng ina ang binibigay sa sanggol na eksklusibong pinapa-suso mula kapanganakan hanggang ika-6
na buwan. Anumang gamot na ibibigay kay baby ay kailangang ni-reseta ng doktor. Hindi na maituturing na
eksklusibong pagpapa-suso kung binibigyan ng vitamins ang sanggol, kahit ito ay reseta ng pediatrician.
3. Ang alugbati, saluyot, talinum, at uraro ay mayaman sa folic acid na kailangan ng Smiley
nagbubuntis.
4. Nagsisimula ang unang 1,000 araw ng buhay sa kapanganakan ng sanggol. Sad
Nagsisimula ang unang 1,000 araw ng buhay sa unang araw ng pagbubuntis.

5. Nagdudulot ng pagkabansot at mapurol na isipan ang kakulangan sa nutrisyon sa unang Smiley


1,000 araw ng buhay.
6. Sobrang taas ng pangangailangan sa iron at folic acid ng buntis kaya’t kailangan kumain ng Smiley
masusustansyang pagkain at uminom ng iron-folic acid supplements.
7. Ang buto ng utaw (o soybean) at puso ng saging ay mayaman sa iron na kailangan ng mga Smiley
kababaihan.
8. Ang mga butong gulay tulad ng kadyos at soybean ay mayaman sa carbohydrates na Sad
nagbibigay enerhiya.
Ang mga butong gulay tulad ng kadyos at soybean ay mayaman sa protina para sa pagbuo ng mga kalamnan.

9. Ayon sa Pinggang Pinoy kailangan natin ng Go, Grow, at Tubig. Sad


Ayon sa Pinggang Pinoy kailangan natin ng Go, Grow, Glow, at Tubig.

10. Nakatutulong upang siguraduhing sapat, masustansya at abot-kaya ang pagkain ng Smiley
pamilya kung ito ay napag-planuhan.

Paksa 2: Batayang Kaalaman sa Nutrisyon Page | 2


YAMANG KAALAMAN: Nutrisyon, Kalusugan at Paghahalaman – mga susi sa
tamang pangangalaga ng ina at sanggol

SESSION 2: VIDEO SHOWING


Mga Gagamitin: Video, White Screen, Projector

1. Panuorin ang video tungkol sa First 1,000 days mula sa National Nutrition Council.
2. Hingin ang saloobin ng mga magulang sa pinanood na bidyo.
3. Magkaron ng diskusyon gamit ang mga gabay na katanungang ito:
• Ano ang stunting?
• Bakit mahalagang maiwasan ang stunting?
• Kailan nagsisimula ang First 1,000 days of life?
• Ano ang mga kailangan gawin upang maiwasan ang stunting?

SESSION 3: NUTRI-PUZZLE
Mga Gagamitin: 6 Puzzle (Annex)

1. Hatiin ang mga kalahok sa 6 grupo.


2. Ipamahagi ang 6 disenyo ng puzzle at bigyan sila ng 30 segundo para tandaan ang larawan.
3. Itaob at haluin ang puzzle pieces.
4. Unahan mabuo muli ang larawan.
5. Hayaan basahin ng bawat grupo ang mensahe sa kanilang puzzle. Maglaan ng 5 minuto kada puzzle
upang pag-usapan ang paksa nito. Maaring magtanong ang mga kalahok ng anumang may kinalaman sa
paksa ng puzzle na pinag-uusapan, maaari silang magbigay ng kanilang karanasan na malapit usapin at
paano nila ito nalampasan.
6. Kung may kailangan itama na maling paniniwala, pagkakataon ito ng tagapag-sanay na liwanagin ang
mga maling ideya o pagkaka-unawa. Maaari ding magbigay ng karagdagang trivia ang tagapag-sanay
gamit ang likod ng kodigo sa talking points.

Talking Points ng mga tagapag-sanay para sa bawat puzzle

Ito ay magsisilbing gabay kung may mga maling paniniwala na lumabas sa talakayan. Maaari din itong
ibigay ng tagapag-sanay bilang trivia kung wala talagang idea ang mga kalahok sa paksa ng puzzle.

Puzzle 1: Iba’t ibang mukha ng malnutrisyon

1. Bansot (Stunting)- dulot ng matagal na panahong kakulangan sa


nutrisyon, lalong-lalo na sa unang 1,000 araw ng buhay
2. Payat na payat (Wasting)- bunga ng kakulangan sa nutrisyon ng
sandaling panahon tulad ng pagkakasakit, kakulangan sa pagkain
dulot ng sigalot o trahedya
3. Natatagong gutom (Micronutrient deficiency)- kakulangan sa
bitamina o mineral, kahit tama ang timbang at tangkad, dahil ang
mga kinakain ay mataas sa enerhiya ngunit mababa sa bitamina at
mineral tulad ng mga noodles, soft drinks, at sitsirya. Tinatawag ang
pagkain ito na empty calories *nakakapagpabusog ngunit hindi
nagbibigay ng sapat na sustansya.
4. Sobra sa timbang (Overweight/ obese)- kadalasang dulot ng sobrang pagkain at kakulangan sa
pisikal na gawain

Paksa 2: Batayang Kaalaman sa Nutrisyon Page | 3


YAMANG KAALAMAN: Nutrisyon, Kalusugan at Paghahalaman – mga susi sa
tamang pangangalaga ng ina at sanggol

Puzzle 2: First 1,000 days of Life

1. Mga kaakibat na implikasyon sa intelektwal na pag-unlad at


resistensya ng isang batang nabansot:
● Halos 40% na mas maliit ang utak ng isang batang nabansot dahil sa
kakulangan sa nutrisyon noong F1K
● Sampung beses na lamang ang tsansa ng mga batang hindi nabansot
na makaligtas sa kamatayan mula sa impeksyon
● Mas mataas ng 21% ang kinikita ng mga manggagawa na hindi
nakaranas ng pagkabansot noong kabataan nila.
● Mas malaki rin ang pagkakataon na magkaroon sila ng malusog at
maalwan na pamilya sa kanilang pagtanda.

2. Mga paraan upang matiyak ang wastong nutrisyon sa Unang 1,000 na Araw ng buhay:
● Subaybayan at siguraduhing sapat ang nadaragdag na timbang sa inang nagbubuntis.
● Pagtungtong ng ika-4 na buwan (2nd trimester), dagdagan ang kinakain ng nagbubuntis.
● Ang mga kababaihang may wastong gulang para magbuntis ay dapat umiinom ng Iron-Folic acid
supplements upang maiwasan ang anemia at posibilidad ng depekto sa utak ng sanggol kung
biglaang magbuntis.
● Regular na magpa-check-up bago at pagkatapos manganak. Manganak lamang sa rehistradong
ospital o pasilidad paanakan.
● Simulan ang eksklusibong pagpapasuso sa sanggol mula sa unang oras pagkapanganak hanggang ika-
6 na buwan.
● Subaybayan ang timbang ni baby at bigyan siya ng sapat at angkop na pagkain pagtungtong ni baby
ng 6 na buwan.

Puzzle 3: Pinggang Pinoy

1. GO Foods
Mga pagkaing may taglay na carbohydrates o taba, nagbibigay
ito ng enerhiya.

Kabilang dito ang mga lamang ugat tulad ng kamoteng


orange,uraro, kamoteng kahoy, gabi, ube, tugi, mga butil tulad
ng adlay, mais, at kanin, at tinapay, at pansit. Kasama rin ang
mga pagkaing mayaman ng taba/mantika tulad ng avocado,
gata, mayonaise, mantikilya, at mantika.

2. GROW Foods
Mga pagkaing mayaman sa protina para sa kalamnan ng mga lumalaking sanggol/bata at para sa
resistensya.

Kabilang dito ang mga butong gulay tulad ng utaw at kadyos, mani, itlog, isda, karne, keso, gatas.

3. GLOW Foods
Mga pagkaing mayaman sa bitamina, mineral, at hibla. Kaylangan ito sa mga proseso sa katawan
tulad ng paglalabas ng enerhiya mula sa ating mga kinain, pagdevelop ng utak at ibang organs.

Paksa 2: Batayang Kaalaman sa Nutrisyon Page | 4


YAMANG KAALAMAN: Nutrisyon, Kalusugan at Paghahalaman – mga susi sa
tamang pangangalaga ng ina at sanggol

Kabilang dito lahat ng prutas at gulay. Ang mga madadahon at bungang katutubong gulay tulad ng
talinum, kulitis, japanese malunggay, lagikway, talong, at kalabasa.

4. TUBIG
Isa sa pinakamalaking bahagi ng katawan ng tao. Kaya’t kailangan ng 10 baso o higit pang malinis at
purong tubig kada araw, lalo na ang mga nagpapasuso.

Puzzle 4: Sapat na nutrisyon para sa nagdadalaga at buntis

Nutrisyon para sa nagdadalaga


1. Malaki ang pangangailangan sa sustansya ng mga nagdadalaga
dahil sa mga pisikal at hormonal na pagbabago at buwanang
pagkawala ng dugo sa menstruation.
2. Kumain ng sapat at masustansya, at panatilihin ang tamang
timbang bilang paghahanda sa posibilidad ng pagbubuntis.
3. Uminom ng Iron-Folic Acid supplements upang maiwasan ang
anemia, at mga posibleng depekto sa utak ng sanggol kung sakaling
mabuntis. Ang pangangailangan sa iron ng mga nagdadalaga ay
hindi matutustusan ng regular na diyeta.
4. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa Zinc, tulad ng isda at utaw (o
soybeans), dahil kailangan ito ng katawan para sa reproductive health.
5. Kumain rin ng mga pagkaing mayaman sa Iron, Folic Acid at Iodine upang maiwasan ang anemia
(maputlang dugo) at mapaghandaan ang posibilidad ng pagbubuntis. Ipamigay ang mga resipe ng
katutubong gulay sa puntong ito (Annex).

Iron Alugbati, kulitis, talinum, lagikway, saluyot, binahian, utaw, bulaklak ng saging, atay,
pula ng itlog, dilis, shellfish

Folic acid Alugbati, gabi, uraro, malunggay, saluyot, sitao, talinum, bawang, dahon ng
bago/lumbay, atay

Zinc Isda, gatas, karne, mani, gabi, mga butong gulay tulad ng bataw, utaw, butong kalabasa

Nutrisyon habang Nagbubuntis


1. Dagdagan ang kinakain pagtungtong ng ika-2 trimester.
2. Ipagpatuloy ang pag-inom ng Iron-Folic Acid supplements at kumain ng mga pagkaing mayaman sa
Calcium, Iodine at Bitamina A upang maiwasan ang mga depekto sa sanggol tulad ng hindi
pagsasara ng gulugod at matang manok.
3. Tiyaking sapat ang natatamong karagdagang timbang habang nagbubuntis:

Kalagayang pang-nutrisyon bago magbuntis Rekomendang karagdagang timbang sa buong pagbubuntis

Underweight (BMI< 19.8) 12.5-18.0 kg

Normal Weight (BMI 19.8 - 26.0) 11.5-16.0 kg

Overweight (BMI 26.0 -29.0) 7.0-11.5 kg

Obese (BMI > 29.0) hindi bababa sa 6.8 kg

Paksa 2: Batayang Kaalaman sa Nutrisyon Page | 5


YAMANG KAALAMAN: Nutrisyon, Kalusugan at Paghahalaman – mga susi sa
tamang pangangalaga ng ina at sanggol

Puzzle 5: Sapat na Nutrisyon para sa Nagpapasusong


Ina

● Dagdagan ang kinakain ayon sa rekomendang dami sa


Pinggang Pinoy.
● Uminom ng 10 o higit pang baso ng puro at malinis na
tubig para sa pagpapa-gatas.
● Ipagpatuloy ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa:

Calcium

Mga halimbawa: Dilis, maliliit o tinuyong isda na kinakain ng buo, utaw (ginisa o ginawang tokwa at
ibang produktong soy), munggo, paayap, bataw, tapilan, patani, kadyos, sigarilyas, mga madahong
gulay tulad ng dahon ng gabi, kulitis, alugbati, japanese malunggay, dahon ng katuray, lagikway, at
saluyot

Iodine

Mga halimbawa: Iodized salt, dilis, kuhol, mga lamang-dagat tulad ng isda at damong-dagat (seaweed),
at mga gulay na tumubo malapit sa karagatan.

Bitamina A

Mga halimbawa: alugbati, kulitis, talinum, lagikway, saluyot, at binahian na maaaring ilagay sa burger
patty, scrambled egg, sinabawan o ginisang gulay, kamote orange, kalabasa, papaya, mangang hinog,
carrots, atay, pula ng itlog, alimango, talangka

Protina

Mga halimbawa: Itlog, gatas, isda, karne at butong gulay

Puzzle 6: Sa unang 6 na buwan, eksklusibong gatas ng ina


lamang ang kailangan ni baby

Mga maaaring kahinatnan ng hindi eksklusibong pagpapa-suso


hanggang 6 na buwan:
1. Diarrhea at allergy
2. Hadlang sa pisikal na paglaki at intelekwal na pag-unlad ni
baby
3. Pagbaba ng supply ng gatas ni nanay dahil sa hindi regular
na pagsuso ni baby
4. Sobrang timbang, kanser, diyabetes, at sakit sa puso sa
pagtanda ni baby
5. Peligro ng sobrang timbang, diyabetes, kanser (sa suso, obaryo o matres), at sakit sa puso ni
nanay
Paksa 2: Batayang Kaalaman sa Nutrisyon Page | 6
YAMANG KAALAMAN: Nutrisyon, Kalusugan at Paghahalaman – mga susi sa
tamang pangangalaga ng ina at sanggol

Paano makakatulong si Tatay?


1. Tumulong sa ibang gawaing bahay upang magkaroon ng sapat na pahinga si nanay
2. Padighayin si baby pagkatapos kumain
3. Asikasuhin si baby sa kayang ibang pangangailangan (Ligo, Linis, Laro)

Pasusuhin ang sanggol tuwing siya ay nagugutom.


Ang pag-iyak ay huling hudyat na gutom na si baby. Bantayan ang mga maagang senyales na gutom na
siya upang maiwasan ang mas mahirap na pagpapa-suso ng umiiyak na sanggol:
1. Lumalapit sa dibdib ni nanay at hinahanap ang utong
2. Paglabas ng dila
3. Hindi mapakali at pagbukas-sara ng palad

Mga tamang sagot sa mga maling pamahiin sa eksklusibong pagpapa-suso:

1. Kailangan paghiwalayin ang ina at sanggol upang hayaang magpahinga ang ina pagkatapos
manganak. MALI!
Kailangan mapa-suso ng ina ang sanggol sa unang oras pagka-panganak upang masimulan gumana
ang bituka ni baby at makuha nya ang masustansyang kolostrum. Kolostrum ang unang gatas ni
nanay, karaniwang madilaw at malapot, na nagtataglay ng maraming antibodies panlaban sa sakit at
impeksyon.

2. Normal na masakit ang magpa-suso. MALI!


Hindi normal na sumakit ng higit sa ilang araw ang pagpapasuso. Maaring mali ang posisyon o hakab
ni baby. Maaaring kumonsulta sa mga Barangay Nutrition Scholar, Barangay Heath Worker, Midwife
o Doctor para matulungang alamin ang ugat ng pananakit sa dibdib.

3. Tanging matatabang na pagkain lamang ang maaaring kainin ng mga nagpapasusong ina dahil
ang maaanghang at matapang na lasa ay sumasama sa gatas ni nanay. MALI!
Maaaring kumain ng kahit anong uri ng pagkain ang mga nagpapagatas na ina, maliban sa alak at
mga pagkain na may caffeine (tulad ng kape at soft drinks). Naipapasa ang ilang porsyento ng alak o
caffeine na nasa dugo ni nanay sa kanyang gatas. Kalahati lamang ng kakayahan ng katawan ng
isang matanda ang kakayanan ni baby alisin ang alkohol sa kanyang katawan, at may mga sanggol na
sensitibo sa caffeine.

4. Hindi dapat magpa-suso kapag may sakit si nanay. MALI!


Ang gatas ng ina ay may antibodies na nagbibigay ng pinakamahusay na proteksyon sa sanggol laban
sa mga sakit at impeksyon. Gayun paman, mahalaga pa ring maghugas ng kamay, iwasan ang pag-
ubo at pagbahing malapit sa sanggol.

5. Hindi maaaring magpa-suso kung hindi pa nakakaligo si nanay. MALI!


Hindi kinakailangang hugasan ang mga nipples bago magpasuso. Mayroong "mabuting bakterya"
ang nipples ni nanay na nakakatulong sa pagpapalakas ng resistensya ni baby. Maaaring banlawan
ng maligamgam na tubig ang nipples upang matulungan ang sensitibong balat laban sa pag-susugat.

6. Maaaring painumin ng tubig ang sanggol na eksklusibong pinapa-suso sa unang 6 na buwan.


MALI!
Tanging gatas ng ina lamang ang ibinibigay sa sanggol na eksklusibong pinapa-suso hanggang sa 5
buwan at ika-29 na araw. (Ang gamot ay maaaring ibigay kung reseta ng doktor). Bigyan si baby ng
karampatang dagdag na pagkain sa ika-6 na buwan.

Paksa 2: Batayang Kaalaman sa Nutrisyon Page | 7


YAMANG KAALAMAN: Nutrisyon, Kalusugan at Paghahalaman – mga susi sa
tamang pangangalaga ng ina at sanggol

7. Hindi sapat ang gatas ng ina na maliit ang dibdib. MALI!


Walang kinalaman ang laki ng dibdib sa gatas na kayang ibigay ni nanay. Natural na maunti ang
lumabas na gatas sa mga unang araw dahil maliit pa rin ang bituka ni baby. Ang larawan sa ibaba ay
pinapakita ang unti-unting paglaki ng bituka ni baby.

Larawan 1. Unti-unting paglaki ng bituka ni baby na tugma sa dami ng gatas na naibibigay ni nanay.

Puzzle # Mga Dapat Bigyang Diin sa Kada Paksa


Puzzle 1: Iba’t ibang mukha ng Ang pagiging overweight o sobra sa timbang ay isa ding uri ng
malnutrisyon malnutrisyon.
Puzzle 2: First 1,000 days of Life Ang F1K ay nagsisimula sa unang araw ng pagbubuntis, kaya’t
dalaga pa lang ay dapat sapat na ang nutrisyon kahit hindi pa
nagbubuntis.
Maaring hindi tama ang paglaki ng batang napalampas ang
period ng F1K.
Puzzle 3: Pinggang Pinoy Balanse dapat na nakukuha ang carbohydrates, protina,
bitamina, at mineral mula sa iba’t ibang pagkain. Kaya’t
kailangan ang variety.
Huwag kakalimutan ang tubig sa bawat pagkain.
Puzzle 4: Sapat na nutrisyon para sa Ang iron, folic acid, at zinc ay importante sa nagdadalaga at
nagdadalaga at buntis buntis. Ang karagdagang pagkain ng buntis ay nagsisimula sa
ikalawang trimester pa.
Puzzle 5: Sapat na Nutrisyon para sa Ang calcium, iodine, vitamin A, at protina ay importante sa
Nagpapasusong Ina nagpapasusong ina.
Puzzle 6: Sa unang 6 na buwan, Sa unang 6 na buwan, eksklusibong gatas ng ina lamang ang
eksklusibong gatas ng ina lamang ang kailangan ni baby.
kailangan ni baby

Paksa 2: Batayang Kaalaman sa Nutrisyon Page | 8


YAMANG KAALAMAN: Nutrisyon, Kalusugan at Paghahalaman – mga susi sa
tamang pangangalaga ng ina at sanggol

SESSION 4: PAGPAPALALIM

Isa sa bawat grupo ay magbibigay ng isang pinaka-importanteng natutunan sa sesyon na ito at paano
mo ito isasabuhay sa pang-araw-araw na gawain.

Susing Kaalaman:

1. Kumain ng iba’t-ibang uri ng pagkain.

2. Ang sapat na nutrisyon, lalo na sa unang 1,000 araw ng buhay, ay susi upang maging malusog,
matalino at produktibo ang ating mga kabataan.

3. Ang F1K ay nagsisimula sa unang araw ng pagbubuntis kung kaya mahalagang kumakain ng sapat at
masustansya ang mga kababaihang may hustong gulang upang magbuntis.

4. Eksklusibong pagpapasuso ng gatas ng ina ang tanging kailangan ng mga sanggol sa unang 6 na
buwan.

5. Karagdagan sa gatas ng ina,bigyan ng angkop na pagkain ang mga sanggol na 6 na buwan pataas.

6. Ang alugbati, saluyot, talinum, at gabi ay mayaman sa folic acid na kailangan ng nagbubuntis at ng
sanggol.

7. Ang mga berde at madahong gulay, buto ng utaw (o soybean) at puso ng saging ay mayaman sa iron
na kailangan ng mga kababaihan.

8. Sobrang taas ng pangangailangan sa iron at folic acid ng buntis kaya kailangan uminom ng iron-folic
acid supplements karagdagan sa pagkain ng masusustansyang pagkain.

9. Nakatutulong upang siguraduhing sapat, masustansya at abot-kaya ang pagkain ng pamilya ang
pagpameal planning.
Takdang gawain para sa susunod na Paksa (3).

Bawat kalahok ay magdadala ng isang lalagyan para sa container gardening, at malinis na plastic bottle
para lalagyan ng fertilizer.

Paksa 2: Batayang Kaalaman sa Nutrisyon Page | 9


MODULE 2: Batayang Kaalaman sa Nutrisyon ng First 1000 Days_______
Barangay: __________________________________________________

Record Sheet ng Tagapag-sanay:

PRE-TEST POST-TEST
Mensahe: TAMA MALI TAMA MALI
(Smiley) (Sad) (Smiley) (Sad)
1. Isang pagkain lang ang makapagbigay ng lahat ng sustansya na kailangan ng isang indibidwal na
lampas sa 6 na buwang gulang.
2. Kasama sa eksklusibong pagpapa-suso ng mga sanggol na 6 na buwan pababa ang pagpapa-
inom ng tubig.
3. Ang alugbati, saluyot, talinum, at uraro ay mayaman sa folic acid na kailangan ng nagbubuntis.
4. Nagsisimula ang unang 1,000 araw ng buhay sa kapanganakan ng sanggol.
5. Nagdudulot ng pagkabansot at mapurol na isipan ang kakulangan sa nutrisyon sa unang 1,000
araw ng buhay.
6. Sobrang taas ng pangangailangan sa iron at folic acid ng buntis kaya kailangan kumain ng
masusustansyang pagkain at uminom ng iron-folic acid supplements.
7. Ang buto ng utaw (o soybean) at puso ng saging ay mayaman sa iron na kailangan ng mga
kababaihan.
8. Ang mga butong gulay tulad ng kadyos at soybean ay mayaman sa carbohydrates na nagbibigay
enerhiya.
9. Ayon sa Pinggang Pinoy kailangan natin ng Go, Grow, at Tubig.
10. Nakatutulong upang siguraduhing sapat, masustansya at abot-kaya ang pagkain ng pamilya
kung ito ay napag-planuhan.

YAMANG KAALAMAN: Nutrisyon, Kalusugan at Paghahalaman – mga susi sa tamang pangangalaga ng ina at sanggol

You might also like