You are on page 1of 4

Halimbawa ng Tekstong Argumentatibo

Paksa: Pagpapatupad ng Programang K-12 bilang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Pabor sa K-12

Dapat lamang na ipatupad ang programang K-12 dahil ang Pilipinas na lang ang tanging bansa sa Asya na
10 taon lamang ang taon ng pag-aaral ng basic education; magkakaroon ng pagkakataon ang mahihirap
na pumili kung magpapatuloy sa kolehiyo o magsisimula nang magtrabaho matapos sumailalim sa K-12
kung sakaling wala na silang pera upang tumuloy sa pag-aaral; at kahit pa hindi sila nakapag-aral ng
kolehiyo, magagawaran pa rin sila ng sertipiko ng kuwalipikasyon upang makahanap ng trabaho na
kikilalanin maging sa ibang bansa.

Hindi Pabor sa K-12

Sa kabila ng pagiging praktikal ng programang K-12, hindi pa rin ito dapat ipatupad dahil kulang ang
pamahalaan sa paghahanda. Walang ginanap na pag-aaral kung magiging mabisa ba ito para sa mga
Pilipinong mag-aaral; basta-basta lamang itong ipinatupad kung kaya kulang sa pagsasanay ang mga
guro  para sa idadagdag na dalawang taon sa pag-aaral, na patuloy na magdudulot ng hindi kaaya-ayang
kalagayan sa mga mag-aaral habang nag-aaral; at ang dalawang taon kung saan magkakaroon ng
pagbabago para sa pagpasok ng Grade 11 at 12 ay magdudulot ng kawalan o kakulangan ng mga mag-
eenrol sa mga pamantasan na magtutulak sa mga ito na magtanggal ng mga empleyado lalo na ang mga
guro at kawani.

Ano ang Tekstong Argumentatibo?

- ito ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw patungkol sa isang mahalaga o


maselang isyu.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kahulugan ng tekstong argumentatibo, maaaring i-click ang
link na ito: brainly.ph/question/468072

Layunin ng Tekstong Argumentatibo

1. Layunin nitong mahikayat ang mga mambabasang tanggapin ang mga argumentong inilalahad sa
pamamagitan ng mga pangangatwiran.

2. Layunin nitong mahikayat ang mga mambabasang tanggapin ang mga argumentong inilalahad sa
pamamagitan ng mga pangangatwiran.

Mga Bahagi ng Tekstong Argumentatibo

1. Panimula

Ang panimula ay kailangang maging mapanghikayat sa paraang mahusay na mailalahad ang


pangkalahatang paksang tatalakayin at ang proposisyon.

2. Katawan

Lahat ng argumento ukol sa inihaing proposisyon ay kailangang organisadong maihanay sa katawan ng


tekstong argumentatibo.

Mahalagang may malawak na kaalaman ang manunulat ukol sa isyung tinatalakay, nang sa gayon ay
magtaglay ng bigat ang mga pangangatwiran.

3. Konklusyon

Sa bahaging ito, inilalatag ng sumulat ang kabuuan niyang pananaw ukol sa kaniyang proposisyon.

Kinakailangang matibay ang konklusyong binuo batay sa mga patunay na nabanggit sa katawan ng
teksto.
Mga Paraan ng Pangangatwiran

1. Pagsusuri

Ang paraang ito ay iniisa-isa ang mga bahagi ng paksa upang ang mga ito ay masuri nang husto.

2. Pagtukoy sa mga Sanhi

Inuugat ang mga naging sanhi ng mga pangyayari.

3. Pagbuod

Sinisimulan sa maliit na patunay tungo sa paglalahat.

Maaaring gawin sa pamamagitan ng pagtutulad, pagtukoy sa mga sanhi ng pangyayari, at mga patunay.

4. Pasaklaw

Sinisimulan sa pangkalahatang katuwiran o kaalaman at iisa-isahin ang mga mahahalagang punto.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pangangatwiran, maaaring i-click ang link na ito: Ang
dalawang uri ng ebidensyang magagamit sa pangangatwiran ayon kay Constantino at Zafra
brainly.ph/question/1869204

Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo

1. Mahalaga at napapanahong paksa.

2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.

3. Malinaw at lohikal na transisyon sa mga bahagi ng teksto.


4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensya ng argumento.

5. Matibay na ebidensya para sa argumento.

Halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong argumentatibo:

Tesis

Posisyong Papel

Papel na Pananaliksik

Editoryal

Petisyon

Para sa karagdagang mga halimbawa ng tekstong argumentatibo, maaaring i-click ang link na ito:
brainly.ph/question/1206245

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/494107#readmore

You might also like