Professional Documents
Culture Documents
Module 3 Ap7
Module 3 Ap7
C. Tama/Mali: isulat ang T kung tama ang pahayag at HT naman kapag mali ito.
____10.Buhay ang isinakripisyo ng mga ninuno natin para makamit ang kalayaan n gating bansa.
____11. Ang pagpunit ng mga katipunero ng kanilang sedula ay hudyat ng pagsisimula ng kanilang
paghihimagsik.
____12. Mapalaya ang mga Pilipino sa mga Espanyol ang tunay na pakay ng mga Amerikano.
____13. Naging Malaya na ang mga Pilipino sa pag-alis ng mga Espanyol sa ating bansa.
____13. Mas naging malupit ang mga Hapones kaysa sa mga Espanyol at Amerikano.
____14. Nakipagtulungan ang mga Pilipino sa mga Amerikano para labanan ang mga Hapones noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
____15. Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan ayon sa itinakda ng Batas Commonwealth.
IV.PAGBUBUOD
Paghangad ng kalayaan ang naging sandata ng ating mga ninuno para lumaban sa mga
manananakop.
______________________________________________________________________________
Aralin 2: Nasyonalismo sa iba pang bahagi ng Timog-Silangang Asya
Layuning Pangkaalaman:
Mapahalagahan ang pagpupunyagi ng mga iba pang bansa sa Timog-Silangang Asya para makamit ang
kalayaan.
Gawaing Pangkaalaman: 2
I.KONSEPTO
Kilalanin ang mga bayaning nagsulong ng nasyonalismo sa kanilang bansa.
Lider Bansa Ambag
Sukarno Indonesia Tagapagtatag ng Nationalist Party of Indonesia (1926-
1931 and 1945
Kauna-unahang pangulo ng pinag-isang Indonesia
taong 1949-1966)
U Aung San Myanmar( Burma Tagapagtatag ng We Burmese association
noon) Slogan
Ho Chi Minh/Nguyen Vietnam Tagapagtatag ng Indo-Chinese Communist Party
Nasyonalismo sa Vietnam
Ang tradisyonal na pagpapahalga ng mga Pranses sa panlipunan at pampulitikal na pananaw ng pagbibigay-
halaga sa karapatang pantao at kalayaang indibidwal ang nagtanim ng damdaming nasyonalismo sa mga
Vietnamese. Ang kilusan laban sa mga Pranses ay unang nalinang sa bahaging Timog ng Vietnam kung saan
lantad ang mga Vietnamese sa impluwensyang Tsino.
Nang matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, higit na poot ang nadama ng mga Vietnamese bunga
ng mahigpit na pamamahalang pangkabuhayan ng mga Pranses sa kanilang bansa. Noong 1920 si Nguyen Ai
Quoc ay umanib sa partido komunista ng China at Russia. Siya ay nagtungo at nanirahan sa France, Russia
at China. Hindi naglaon, ay pinalitan ni Nguyen ang pangalan sa Ho Chi Minh. Kanyang itinatag ang Indo-
Chinese Communist Party taong 1930. Pinag-isa niya lahat ang mga samahang nasyonalista sa ilalim ng
League for the Independence of Vietnam.
Note: kindly make use of a separate paper for all activities. Indicate your complete name and
grade/section.
thank you!