Professional Documents
Culture Documents
Suyuan Sa Tubigan PDF
Suyuan Sa Tubigan PDF
Suyuan Sa Tubigan PDF
Pineda
At wari’y isang malik-matang gumuhit sa balintataw ng aking mga mata ang mga
lihim ng dulang nangyari na sa paligid-ligid ng mga tubigang yaon: si Punso’t Ka Juana,
si …mga pasalising tagpo sa malago’t lalong makabuluhang dula ng buhay.
The more a man lives the lifes of his generation, the more likely is to die when his
generation passess away. The more a man lies with himself is sufficieny unto himselg, so
much the more likely is his desire to remain free.
-Stephen
Samakatwid, may sariling daigdig ang tula na nakikita sa pamamagitan ng kanyang mga
pahiwatig guni-guni, damdamin, alingawngaw at taginting na ang kasiyahang dulot nito
ay nadarama lamang ng mga taong nagkakapalad na makalasap niyon.
Kung papaanong pumaimbulog ang tula sa daigdig upang pagkatapos ay takasan lamang
para makapagtayo ng isang pundasyong titingalain ng sangkatauhan at tanging ang
katotohanan at kagandahan lamang sa tula ang makatutugon.
Si Monleon ang nagsabing ang tula ang siyang lumalagom sa kabilang daigdig at
iniuugnay ito sa ibang mga sining.
Sa pahayag na ito, masasabing sining ang tula at ang sining ay bunga ng ating kaisipan at
kasanayang nagbinhi, nagpunla, sumibol at inani sa daigdig na ating ginagalawan.
Ito ang pahayag ni Abadilla tungkol sa pagtaliko niya sa kumbensyonal na uri ng tula:
Totoo man ang kapaniwalaag ang sukat tugma ay sangkap ng tula, hindi naman lahat ng
akdang may sukat at tugma ay tula nang matatawag. Kadalasan, at siya namang totoo,
ang mga ito ay berso o tugma lamang sa may maseselang panlasa. Sa panulaang Tagalog,
nakahihinayang tanggapin, ang sukat at tugma ay siya nang lahat, at tanging dahilan kung
bakit sa kapamuhayan nito hanggang ngayon at kapaitan parin ang katotohanan g iyan
ang siyang nanaig.
Dahil sa pahayag na ito, maraming reaksyon at implikasyon ang nabuo sa
"panghihimagsik" na itinatag ni Abadilla. Isa na rito si Arcellana, kilalang manunulat sa
Ingles na nagpahayag nang ganito:
Ang mga tula ni AGA ay isang panghihimagsik sa panulaang Pilipino katulad ng
panghihimagsik sa panulaang Ingles ni William Carlos Williams.
Ganito naman ang pagpapakilala ni Agoncillo kay AGA:
Sa kalipunan naming mga panitikero noong bago magkadigma ay kinikilalang henyo si
Andoy. Wala pang ganong naisusulat na mga akdang maaaring makipagtagalan sa
panahon.
Maituturing ngang henyo si AGA. Henyo sa pagiging makata. Taglay niya ang mga
katangiang ayon kay del Mundo, kilalang makata, manunulat at kritiko ay nararapat
taglayin ng isang tunay na makata -- mabilis mag-isip, higit na makapangyarihan sa
pagpapahayag ng mga isipan, saloobin at damdamin, mapanlikhaa, ang galaw ng kanyang
isipan,ay kasabay ng bawat tibok ng kanyang puso, mala-Bathala’t nag-aalab ang
kanyang tumitibok na puso sa kagitingan.
Ang lahat ng mga katangiang inilahad sa itaas ay tila mga lubid na pinagdugtung-dugtong
upang magamit na sandatang makapagliligtas sa panganib na nilikha ng tradisyonal na uri
ng tula.
Mga katangiang tanging kay Abadilla lamang nauukol sapagkat si Abadilla ang
“tagapagligtas” at “sugo” ng kagandahan at katotohanan sa nakakubling mukha ng
buhay.
Makatiyak din kaya ang sino man na ang kaluluwang tinutukoy niya ay ang Pagkamulat
ni Magdalena (1964) o ang kanyang dalawang nobelang Ulap sa Bundok Buntis at
Walang Wakas?
Puso ... Budhi ... Kaluluwa. Tatlong "panloob na di matatakasang daigdig" na hinulman
sa panloob na pundasyong pisikal ng isang nilikha. Pusong tumitibok, nasasaktan ngunit
nagmamahal. Nananangis ngunit umaasam. Budhing mapanurot, marunong manlibak
ngunit ang bunga'y nakabibinging katahimikan. At kaluluwang naghahanap ng
kasadlakan.
Parang pinagtitiyap, si Abadilla bilang makata sa "Ako ang Daigdig" ay ang kabuuan ng
puso, budhi at kaluluwa. Pansinin ang "makata" sa saknong na ito:
ako
ang
damdaming
malaya
ako
ang larawang
buhay
ako
ang buhay
na walang hanggan.
ako
ang tula
ako
ang daigdig
ang tula
ako
ang daigdig
ang tula
ang tula
ng daigdig
Dapat lamang na mangyari ito sa dahilang hindi kalianman mabubuo ang isang
daigdig kung walang tagalikha. Katulad din ng paniniwalang hindi mabubuo ang
sangkatauhan kung wala ang Dakilang Manlilikha.
Ngunit ano nga ba ang tunay na larawan ng makata?
Ito ang ibinigay na paglalarawan ni San Juan, Jr., kilalang makata at kritiko:
Walang hugis ang mukha ng makata. Wala ring pangalan ang kanyang pagnanasa.
Alalaong bagay’y wala siyang malinaw na layunin, layuning kapaki-pakinabang na
kaugnayan ng buhay.
Ayon naman kay Ricarte isa ring kilalang makata:
Ngunit ang makata ay isang hiwagang nilalang. Ang kanyang sensibilidad na higit
kaysa karaniwan ay nakadarama sa mga sensasyong hindi magagawang damhin at
unawain ng nakararami sa madla. Buhat sa madilim na sulok ng kanyang limot na
kamalayan, pula-putakti, magugulo, ang amga anino ng nagsisipag-ahong imahen o
simbolistikong pagpapahayag lamang ang mabisang nabibigyan ng anyo.
Sa tula, ang isang katangian dapat kilalanin ay ang kapangyarihang pukawin ang
damdamin at nang unawain ng iba ang diwa. Mahalagang mabatid na sa tula, ang
damdaming ibinabandila’y patuloy buhat sa puno hanggang sa dulo; yaong tapat at tunay;
at yaong napapaloob na karunungan at naaabot ng pag-iisip. Pinatunayan ito sa saknong
na:
Ako
Ang malayang ako
Matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula
Katapatan sasarili. Ilan kayang makata ang nagtataglay ng ganitong katangian lalo’t
sa panahon ng maraming pagsubok? Tanging ang may katawan lamang ang makatutugon.
Siya lamang ang maaaring umunawa sa kanyang sarili at sa nilikha niyang daigdig.
Isang nagsasariling daigdig ang nilikha niAbadilla. Nakalantad. Naghuhumiyaw.
Daigdig na walanng hinahangad na walang hinahangad kundi ang makapag-isa upang
pag-isahin lamang ang daigdig, ang tula, at ang makata gaya ng ipinababatid ng huling
saknong:
daidig
tula
ako
Bakit putul-putol ang nga pangungusap at di ginamitan ng bantas na pambalarila ang
tulang “Ako ang Daigdig”? Si AGA na mismo ang tutugon sa katanungang ito:
Ang kayamanan ng wika ay wala sa kadahupan ng sa kanya’y gumagamit. Subukin
mong hagisan ng kahit na anong laking diyamante ang baboy sa kanyang ulo at tingnan
kung mapapnsin ng pobreng hayopang kayamang ipinarool. Gayon din ang wika sa
kamay ng naghayang kadahupan ng mga makatang Tagalog. Ang kayamanan ng wika
sapanahong ito ng mga akademiko ay nakasalalay sa nakayambang mga tuntunin ng
Balarila, at hindi sa kung ano ang salita, o lipon ng mga ito, sa pagkakagamit at
tinitibukan ng buhay o hindi.
Ito ang dahilan kung bakit mula pa kamakailan ay ipinalagay nang kahangalan ang
mga bigwas ng damdaming-isip ng ilan sa mga tula (nang mangalathala) at ngayo’y nasa
katipunan.
Dahil sa makabagong pananw na ito ni Abadilla sawika, isasiya sa mga naniniwalang
bagamat sawika at pananalita ay may pinagkaugaliang dapat igalang, kung totoong mali o
labag sa tuntunin ang tingurang ugali ay dapat pagsumikapang maiwasto, mapalitan ang
dapat baguhin sa pagdaraan ng panahon.
Makatarungan man o hindi ang ginawang “pagbabago” sa paglalantad ng wika sa
“Ako Ang Daigdig,” natupad ang pangarao ni Abadilla na maging Malaya sa paglalantad
ng likhang-sining na nilangkapan ng kagandahan at katotohanan, nagpagising sa isang
walang katuturang panaginip, at nagpamulat sa isang kamalayang tigib ng pag-asa,
paghamon at pagpupunyagi.
Ang tao ay maihalintulad sa luningning ng araw na ang dulot ayliwanag kung siya’y
sumisikat. Ito ang nais tukuyin ni Abadilla sa unang saknong ng tulang “OO, Marunong
Ka”
Oo, marunong ka,
Pagkat marami nang buhol kang nagawa
Ngunit ang hindi ko
Nakita sa iyo’y kahit pagtatakang
Makalas man lamang
Iyong mga buhol ng pagkatimawa
Muling pumaimbog sa daigdig ang “kaakuhan” ni Abadilla sa tulang ito. Ang taong
tinutukoy dito ni Abadilla ay dili’t iba kundi ang kanya na ring sarili. Pansinin ang una at
ikalawang taludtod ng ikalawang saknong ng tula.
Kay rami ng lupa’t
Dagat kang naabot sa paglalagalag
Batid ng marami na si Abadilla ay “may nunal sa talampakan.” Isang katangiang ang
kanyang maybahay na si Tinang at kaibigang si Agoncillo lamang ang makapagpapatunay.
Ani Agoncillo, kilalangmanunulat, kritiko at historyador:
Isang araw na dumalaw ako sa kanila ay sinabi sa akin ni Tinang na wala si Andoy.
“Nasaan?” ang aking usisa.
Ngumiti si Tinang. “Ku,” anya, “Alam mo na ang taong yan. Umalis nang walang
paalam. Mabubulok ‘yan sa talian ng Hapon ay hindi ko malalaman. Paano’y hindi
sinasabi sa akin kung saan tutungo.
Lagalag man o hindi ang isang tao, mahalaga ay may kapararakan ang kanyang
pagiging gala sa lipunan, sa bayan at maging sa daigdig.
Ngunit bakit nga kaya nagiging gala o lagalag ang isang tao katulad ni Abadilla? Ang
bawat nilikha ay may sariling dahilan ng kanyang paglalagalag. May mga taong
naghahangad mapag-isa. Tumakas sa magulong pwersa ng panahon- karalitaan, kawalan
ng katarungan, pang-aalipin, pangangamkam, kawalan ng hanapbuhay, pagkapoot,
pagkatakot, pangamba at higit sa lahat, paghahanap ng identidad. A, kung ang lahat
lamang sana ng mga mamamayan ay nagtatamasa ng kaligayahan at katarungan sa
larangang pangkabuhayan, panlipunan, panrelihiyon at iba pa. Kung ang bawat tao sana
ay makalilikha at makatutupad sa kanyang binuong pangarap, ideolohya, panuntunan at
adhikain, marahil ay wala nang maglalagalag. Ito rin ang nais tukuyin ni Abadilla sa
unang saknong sa kanyang tulang “Katauhang Lagalag”:
Ang layo ng kalayuan
Ay ang kalayuan ng layo mo
Sa sarili …
Paano sinuri ni Abadilla ang mga tulang isinulat ng mga makatang alagad ng sukat at
tugma? Isa ring pasaring ang ginawa niyang paglalarawan:
Ikaw’t sala iyang
Iyong tulang angkin ay patay na tuod
Ng kaalipinan mo sa mga tuntuning laging dinidiyos;
Ikaw ang ay may matang
Laging nakamalas sa iyong palibot
Ngunit ang sarili ay di makita sa pagkabusabos.
Lagi nalang bang mga pasaring ang nilalaman ng tula ni Abadilla? Lagi na lamang
bang manunumbat? Nagmamataas? Hindi. Katunayan, nagawa ring maging
mapagpakumababa ni AGA sa “Paaalam”:
Tulad ng
Marami
Ako’y isang hamak na kinapal lamang
Sa balat ng mundo.
Bagamat isang manlilikha, tumanggap din ng “pagkatalo” si AGA. Pansinin ang
huling saknong ng “Liwanag Ka”:
Liwanag ka,
ang sabi mo;
sa’yo naman ang sagot ko.,
dilim ako.
Tinanggap ni Abadilla na siya ang dilim sa paniniwalang darating ang panahon at ang
takip-silimaydarating din sa kanyang buhay. Pana-panahon ang buhay. Pana-panahon ang
kasikatan. Ito ba ang paniniwala ni Abadilla sa buhay? Tunghayan natin ang paglalarawan
niya sa buhay sa “Di Ako Makapaniwala”:
Di ako makapaniwala
Sa kagandahan ngbuhay,
Pangit na buhay ang saakin
Kaya walang hanggang buhay.
Ito rin ang pahayag ni Abadilla sa “Kahangalan”
Buhay ang buhay
Kung angkamalayan sa kamatayan
Ay buhay.
Siya at ako
ang ngayong di na matatapos,
siya ang ako
na katuparan ng lunggati ko
sa kanyang kahinaan.
Mapupunang ang pinapaksa ng dalawang saknong na nabanggit (o ng tula na rin sa
kabuuan) ay kamunduhan. Isang maselang paksa na sa kasalukuyang panahon ay
lanataran nang pinag-uusapan, na din a sinasaalang-alang ang uri ng propesyong
kinabibilangan, gulang o sekto at lugar. Tao lang si Abadilla. May puso’t pandama. May
pagnanasa. May pangangailangan. Hindi mahalay ang pagkakagamit ng mga salita sa tula.
Buong ingat na pinili ni Abadilla ang mga tamang salitang gagamitin. May katimpian sa
burgis na pamantayan. Siya lamang ba, bilang tao ang “sinisibulan” ng ganitong
damdamin. Kalapastangan ba o hindi ang Abadilla sa huling saknong ng “Panginoon?”:
Nalalaman mo ako sa akin
katulad ng pagkakilala ko
sa katotohanang nasa iyo
at ang Magdalenang-katauhan
ay matitigan mo nang tulad
ng laging pagtitig ko sa kanya.
Ngayon,
hindi na siya ang dating mapagkait
at malaya na akong nakapapaligo
sa tubig ng kanyang ganda,
ngunit,
bigo rin ako
at malungkot na kaluluwa
ngayon.
Bukas
O Bathala,
ano kaya?
Isang bagay ang nais tukuyin ni Abadilla sa salitang bukas. Ang hinaharap ng
panulaan bilang tagapagpalaya ng damdamin sa daigdig. Bilang katugunan, inilarawan ni
Lumbera, kilalang makata at kritiko ang panulaan ilang taon makaraang sumakabilang
buhay si Abadilla. Ito ang pahayag ni Lumbera:
Ito ang panulaan sa kasalukuyan—maapoy, marahas, matungayaw sapagkat buong
tatag na nagsasakdal sa ating lipunang sinuri ng pangahas na imahinasyon at nais
pahatulan sa bayan. Hini natin ito mapagtatakpang-tainga sa pag-asang mapapaos ang
mga makata, at muli silang magbabalik sa pagnanais na parang Florante. Narito na ang
panulaang katutubo ng Bayang Malaya. Ito ang tulang tagapagpalaya.
Sa kasalukuyan, ang malayang taludturan ng pagsulat ng tula na namana kay
Abadilla ay tagapagpagunita ng buhay. Isang pagliligtas sa panitikan sa lanumoy ng mga
hidwang paniniwala, kautusan at pamamaraan ng pagsulat. Ang mga tula ni Abailla ay
isang pagpintig ng puso na nadarama sa alab ng muling pagsilang, tapat at walang halong
pagkukunwari. May paninindigan at sariling pilosopiya sa buhay. Isang kaganapan ng
mga pangako, pangarap at paniniwala. Isang bagong “daigdig” na magpapatuloy ng
pag-inog hanggang sa wakas ng panahon.
Sa Dula
Radikalismo sa Lipunang Pilipino: Manipestasyon ng Tatlong Modernong Dula sa
Eksperimentasyong Teatrikalismo
ni Pat V. Villafuerte
Mayroong prinsipe,
may mangagbubukid,
may mangmang, may pantas
Ang dula ay may dulot na kaaliwan o kung minsa’y kalungkutan. Habang binabasa o
pinapanood natin ang dula ay nakikibahagi tayo pansamantala sa mga aktor na
gumaganap habang pinipilit nating kilalanin ang ating sariling mga aktor na gumaganap
habang pinipilit nating kilalanin ang ating sariling identidad. Habang natatapos ang dula
ay unti-unting nagbabalik ang realidad sa ating sarili. Hindi kataka-takang naibabalik ng
dula ang kasalukuyan nang hindi natin namamalayan upang pagkatapos ay tuklasin ang
nagkakubling anino ng ating sarili at unawain ang lalim ng katuturan ng buhay. Ang dula
ang tagahulma ng uri ng buhay na angkop sa ating katauhan, paniniwala at mithiin.
Para mabuo ang ilang pwesa ng realidad, isang makina lamang ang dapat gamitin ang
teatro na katatagpuan ng kalayaan, katotohanan at katatagan.
Ang realismo sa dula ay lagi nang may puwang sa teatro, lalo’t kung ang inilalantad ay
ang makatotohanag pangyayari sa buhay ng bawat nilikha. sa kabilang dako, ang
realismo sa teatro ay nangangahulugan ng pagsasanay sa tanghalan ng paglikha ng mga
ilusyon ng realidad ng buhay.
Sa tuwing mababanggit ang realismo sa dula, lalo’t ang nasasangkot ay ang kamalayang
sosyal, tatlong mandudula sa dekadang ito ang walang takot na lumantad sa
umaampuyong tawag ng kadakilaan; Jose Javier Reyes, Bienvenido Noriega Jr., at
Renato Villanueva. Tatlong bagong lakas na tagapagpalaganap ng konspto ng demokrasya
sa larangan ng pagsulat at tagapaglahati ng ideolohiya ng demokratikog radikalisasyon sa
repormang pansining, ang modernong dula, tatlong bagong punlang kumikilala sa
mabungang ugnayan ng panitikan ng manunulat at ng lipunan upang patuloy na
magkakulay ang nabuong istruktura ng imahinasyon, damdamin at realidad.
sahangarin mailuklok ang modernong dula sa pedestal ng mapaghamong lipunan at sa
mithiing malinaw na salalayan ng realidad sa buhay Pilipino, tatlong dula ang nagging
pragmentasyong nakapekto sa estado ng literaturs sa bansa na siyang naghubad sa
nakamaskarang mukha ng mapagbalatkayong lipunan: ang Lamat ni Jose Reyes, ang
Kulay Rosas naMura ang isang Pangarap ni Bienvenido Noriega Jr., Nana ni renato
Villanueva.
Promosyon. Ugat ng mga iringan at diskriminasyon. Kay Pacita, ang lahat ng pagsisiskap
ay dapat magkaroon ng kapalit, maging ang mga ito’y nakapagpapababa sa moral ng
propeson.
Si Charito, na dahil sa karupukan ay nakagagawa ng ninagas upang magsimulang
magliyab ang mitsa ng poot:
Chariot:Hayaan mo, Pacita, the moment I get into that office you shall see some changes.
Some very radical changes.
Ang repormistang si Rafael na hasa ang diwa sa bagong kalakaran ng edukasyon ngunit
nagawang igupo ng dating tawag ng paghamon.
Rafael: Kailangang ho natin ang mga mambubulabog nang matauhan ang napakaraming
tumango na lamang sa bawat gugustuhin ng mga nakataas.
Cecil: Yes, hoy, Jakosalem, I have enough problems. Trenta anyos na ako at wala pang
lumiligaw sa akin na natitipuhan ko. Malapit nang masira 'yong joint ng aking kotse.
Nasunog na ang Harrison Plaza. Bakit pa ako makikialam sa problema ng iba?
Pepe: All of my college life naman si Father Rector ang nagpaplano para sa akin... pati
ang course na dapat kong kunin sa Graduate School... Saan dapat mag-aral ... Sense of
tradition 'yon.
Mike: At saka... tiningnan na lang ninyo ang administrasyon. Suppression 'yon, mga
kasama. Nabasa na ba ninyo ang papers? Bawal na ngayon ang administrative censorship
ng student publication. Pero bakit hindi pa ma-abolish ang Board Review?
Sina Ariston, Pacita, Charito, Rafael, Cecil, Pepe at Mike. Mga makinang
kinasangkapan ni Reyes upang palitawin ang eksistensyalismo sa dula na
pinamumugaran ng radikal na kaisipan na may motibong realismo.
Teaching is the noblest profession. Hindi lamang iilang tanyag na edukador ang
nakapagsabi nito. Ngunit para kanino at hanggang kailan amg pagdakila? Sa kabila ng
pag-iwas ng guro na mahulog sa komunoy ng kahirapan, at sa harap ng katotohanang
may mga guro pa ring pinanday ng radikal na isipan matapos makahikayat ng ilang
"propeta ng lansangan" ay may mga bagong Kristo pa rinh humaharap sa tunggaliang ito
alang-alang sa propesyong kanilang sinumpaan. Tulad ni Ariston:
Ariston: Ang pagtuturo ay hindi trabaho lamang, mga kasama. Ito ay isang bokasyon...
pagsasakripisyo!
Naging epektibo ang pagkakamit ni Reyes kay Ariston bilang bagong Moses na
tagahatid ng konseptong magtatakda ng repormang darakilain ng ilang "limot na
bayaning sugo ng karunungan."
Ngunit ano mang uri ng bayani, kilala o di kilala, limot o tanyag ay may mga lamat ding
konseptong magtatakda ng repormang darakilain ng ilang "limot na bayaninh sugo ng
karunungan."
Ngunit ano mang uri ng bayani, kilala o di kilala, limot o tanyag ay may mga lamat
ding dapat takpan. Ibinabando ni Reyes ang karakterisasyon ng guro bilang
"diyus-diyosan" lamang ng sariling likhang-templo.
Charito: Oo nga, I think somebody should talk to Cecil Perez. I do not think it is propee
for a professor- babae pa naman- to join her students playinh bridge in the canteen.
Naninigarilyo pa sa campus. Nakadedemenos ng moralidad ng faculty members.
A, hanggang ngayon hindi pa rin makaiwas ang mga guro sa makasalanang apoy ng
panlilibak, ng pamumuna... ng hatol! Intriga. Parunggitan. Inggit. Mga sanga-sangang
kasalanang nakapaligid sa sistemang edukasyon.
Rafael: Hindi lang naman sa university nahahasa ang utak ng tao, Mike.
Pacita: Oo. Bata ni Dean Evangelista. Si Dean Evangelista ang nag-pirate sa kanya
mula sa U.P.
Ang buhay ng tao ay walang tigil sa pakikibaka. Sa pakikipagtunggalian. Habang
kinikilala ng tao ang edukasyon bilang serbisyong panghumanidad, at habang ang
kaalamang pang-intelektwal ay patuloy na nakikipagtagisan ng pwersa laban sa lipunang
Pilipino ay patuloy na tutuklas ng kapalaran at kaparaanan tungo sa pagbabagong-bihis
ng nabubulok na anyo ng lipunan.
Ang relasyong publiko ay ang kabuuan ng lahat ng mga impresyong gawa ng
institusyon at ng ilang taong may kaugnay rito. Ito'y isang gawaing nagpapabuti sa
relasyon ng organismo o ng isang indibidwal sa publiko. Ito'y maituturing ding isang
sining sapagkat sa pamamagitan nito ay nagagawang makisalamuha ng tao sa
nakararaming bilang ng mga mamamayan. Punahin ang pagpapakilala ni Cecil sa
kanyang mga estudyante upang ipangalandakan lamang na siya ay may itinatagong
relasyong publiko:
Cecil: Okey. I treat my students like they're my friends. That's why nga I want to be
called CECIL. That's the only name I'll answer to. Excuse me. Ayaw kong matawag na
"Ma'm" o kaya ay "Miss". Hindi pa naman gano'n kalaki ang difference ng ating ages, eh.
Cecil: Huwag mo 'kong pausukan ng mga principles mo, ha? Kilala mo rin naman
ang mga katulad mong napaka-socially conscious. Mga nationalist na manibalang!
Nasa loob ang pagka-radikal ni Cecil. Pinalaya niya ang kanyang sarili mula sa bulag
na rehimetasyon ng sistemang byurukrasya upang bigyang-daan ang sariling prinsipyong
magpapabago sa kanyang totalidad.
Herman: sense of humor ang mga 'yon. Si Dr. dela Cruz ay napaka-straight. Pati yata
panty no'n made of tingga.
Ang dulang Kulay Rosas na Mura ang Isang Pangarap ni Bienvenido Noriega Jr. ay
umiinog sa kahirapan, bilang pwersa ng kasalanang magagawa ng isang indibidwal.
Bagamat hindi tinalakay ni Noriega sa dula ang ilang eksistensya ng pagnanakaw,
katiwalain, ekstorsyon, pagpatay, pagkidnap at iba pang elementong magiging bunga ng
kahirapan, demoralisasyon ng pwersang pangmoral ang buong ingat na inilarawan ng
tatlumpu't tatlong gulang na mandudula. Ang dula, na nagsimula't nagwakas sa isang
lamang barung-barong sa Maynila ay malayung-malayo sa pananaw ng isang nagsusuri
sa maalwang buhay ng taga-lungsod. Magugunita tuloy ang favelas sa Rio de Janeiro, ang
villas misera sa Buenas Aires, ang barriadas sa Lima at ang iba pang lugar-iskwater sa
daigdig.
Ang lipunan ay kongglomerasyon ng iba't ibang karakter- ang maganda't pangit, ang
malakas at ang mahina ang matalino at ang mangmang, ang gahaman at ang mapagbigay,
at iba pa. Ipinangangalandakan ng lipunan na dapat malupig ng kabutihan ang kasamaan,
ngunit bakit umiiral ang karahasan at nagagapi ng kasamaan ang kabutihan?
Salus populi suprema est lex. Ang kapakanan ng mga to ang pundametal na batas.
Maisasakatuparan kaya ang batas na ito sa lipunang nakikisabay sa maharot na indak ng
magulong sibilisasyon? Bagamat makatutulong ang teknolohiya, syensya at industrya sa
pagbuo ng maunlad na lipunan, hindi pa handa ang ilang milyong Pilipino dahil sakmal
pa ang tao ng karalitaan. Ang sabi nga ni Aling Sela sa kanyang anak na si Muriel:
Aling Sela: Masusukay mong muli ang tatag ng iyong binti. Masasayaran mo ang
mamamalas mo. Mararating mo ang dumarating sa isip mo. Ngunit- ngunit saang
kabutihan ka ngayon dadalhin ng mga paa mo? Sa hirap ng buhay nati'y hindi ka rin
makakaangat.
Isang pragmatista si Noriega Jr. kung ang pagbabatayan ay ang mga konseptong
nakapaloob sa dula. Bilang pramatista pinaniniwalaan ni Noriega ang supremong
katapusan ng lahat ng tao: ang realisasyong pansarili. Ang isang indibidwal na
nakakikilala ng kanyang sarili at ang kanyang lipunan ay pananaw ng isang pragmatista.
Dumanas ng hirap sa buhay si Aling Sela upang patunayan lamang na kayang itindig ng
kanyang mga paa ang pananagutang iniwang kanyang nasirang asawa. Nakatatak sa puso
ni Aling Sela ang katatagan. Ang sariling kaganapan:
Aling Sela: Kailangan pa bang hanapan mo ng katwiran ang tadhana? Nang mamatay
ba ang iyong ama’y nagtitili ako kung bakit ako ang kanyang napili? Hindi, Muriel.
Sinikap kong saluhin, pigilin ang iba pang unos na darating.
Ang personalidad ay pag-aayos o kumpigurasyon ng mga katangian ng isang
indibidwal. Ang teorya na daynamikong personalidad ang teoryang nais ipalarawan ni
Noriega kay Muriel. Ang teoryang ito ay nauukol sa manipestasyon ng personalidad sa
kapaligirang pisikal at sosyal lalo na kung dumating ang tunggaliang nasa loob ng ating
sarili. May namumuong poot si Muriel sa kanyang sarili at sa kanyang kapaligiran.
Patuloy niyang pinahihina ang kanayang kalooban sa pamamagitan ng paulit-ulit na
pagsasabi ng –
Muriel: (Mahina) Nais ko nang mamatay … Nais ko nang mamatay… (Maiiyak,
matindi)
Kamatayan ba ang tanging kunas sa ating suliranin? Ito ba ang makalulutas sa lahat
ng kabiguang dumarating sa ating buhay? Sa panahong tigib tayo ng pagdaramdam, sa
pagkakataong biktima tayo ng ating sariling karupukan ay iisa lamang ang taong unang
makauunawa satin… ang inang pinagkakautangan natin ng buhay.
Aling Sela: Maganda ka, Anak. Huwag mong sayangin ang iyong mga palad. May
puhunan kang umakyat, guminhawa, lumayo sa kahirapang ito. May pag-asa ka.
Samantalang kami'y wala nang puhunan, walang pag-asa kundi ikaw.
Moralista man o hindi, pakiwari ni Noriega ay lantad siya sa mga baryasyong sosyal
at relatibong kultural bilang iskolar ng tao at ng lipunan. Ang balyu ay mekanismonh
sosyal na pumipigil sa buhay ng tao. Sa dula, inilarawan ni Noriega si Tinay bilanh
marupok na porselanang madaling madurog. Pusong babae man pala'y nagiging radikal
din ang damdamin. Pinagbigyan ni Tinay ang kahilingan ng ina upang pagkatapos ay-
Tinay: Namumuhi ako sa Inay, Lando. Wala siyang pagpapahalaga sa akin. Hindi
niya ako mahal.
Aling Sela: Hindi ko siya pinabayaang umalis, Lando. Tinulungan ko lang siyang
magpasya. Pinatibay ko ang kanyang loob. Matibay na ang kanyang loob.
Ang kahinaan sa dula ni Noriega ay ang paggamit kina Muriel at Lando bilang mga
instrumento lamang. Maaaring an kabuuan ng dula ay nakasentro lamang kina Aling Sela
at Tinay, ngunit damang-dama ng bumabasa ang nais pairalin ni Noriega sa kanyang dula:
gawing kaawa-awa sa paningin ng lipunan ang mga kapintasan at ilantad ang
paglilimpiya-bota bilang mabilis na paraan ng pagkita ng salapi. Punahin ang sagot ni
Lando sa kanyang ina nang tanungin ng huli kung magkano ang kanyang kinita:
Lando: Anim na piso, 'Nay. Tatlong piso sa diyaryo at tatlo rin sa sigarilyo. Kaya
lang, nagasta ko ho 'yong piso sa pagkain. Ginutom ho kasi ako kaninang tanghalian.
Sa kabuuan, ang dulang Kulay Rosas na Mura ang Isang Pangarap ay repleksyon ng
isang modernong dula ng hindi nalulumang paksa. Isang makabuluhag behikulo sa
teatrong nagpapahalaga sa mga simulain ng isang mahusay at may uring pagtatanfhal.
Nagwagi ng tanging gantimpala sa timpalak pampanitikan sa Palanca, hindi kataka-taka
kung ang dulang ito'y naitanghal na sa Phil-Am Life Auditorium sa direksyom ng
mandudulang bukas ang isipan sa realidad ng buhay.... si Bienvenido Noriega Jr.
Isang bata ang nagbalitang ginulpi si Rodrigo. Narinig ito ni Mang Beloy ay nagpilit
bumangon ngunit maagap na napigilan ni Nana Rosing. Ipinagkaila ni Nana Rosing sa
asawa ang pagkakabugbog sa anak.
Hindi miminsang naging lamang ng mga dyaryo ang ilang mga iskwater na gumamit
ng dahas habang ginigiba ang kanilang barung-barogn ng mga awtoridad. Narito ang
isang halimbawa:
Sumiklab kahapon ang gulo sa squatter colony ng Barangay Tatalon, Quezon City, at
isang teenager ang namatay at tatlong iba pa, kabilang ang isang 12- year old girl.
Umulan ng mga bato at lumipad ang mga pana nang umpisahan ng demolition team
ng National Housing Authority ang paggiba sa squatters' shanties ng Bolanos, Street
Tatalon.
Nana Rosing: Mura pa ang bigas noon. Ngayon, kumikita ka na'y mamamatay ka pa
ring dilat ang mata.
Nana Rosing: Kung sa bagay, ano ba naman ang ayaw nating maiwan dito sa Baryo
Paraiso?
Nana Ason: Ilang balutang damit.
Pacing: Tatatlong dipang bahay.
Sendang: Kusinilyang di magningas.
Nana Ason: Talagang ang hirap ng buhay rito.
Pacing: Ang mga bata laging gutom.
Nana Rosing: Mga matatandang walang pag-asa.
Sendang: Mga pangarap na di matupad.
Malupit ang lipunan. Tao sa tao. Lakas sa lakas. Pangkaraniwan nang tanawin sa
lugar-iskwater.
Ruben: ... Nilapitan ako ni Mang Masong saka binigwasan sa sikmura. Sino raw ba
ang ipinagmalaki natin? Hinabol ako ng barkada niya. Buti nakatakbo ako.
Bata: Nana Rosing, si Rodrigo! Ginulpi sa labanan!
Pasidhi nang pasidhi ang damdaming api. Ang katarungan ay hindi maipagkaloob sa
kanila. Halos wala nang mabanaagan kahit kaunti mang pag-asa ang nakararaming dukha
sa ating lipunan. Sa ganitong sitwasyon, buong tatag na sinalubong ni Villanueva ang
panganib sa pamamagitan ng paggamit ng lakas sa mga salitang punung-puno ng
hinagpis, pangamba at takot.
Ngunit hindi lahat ng oras ay mapupusok ang mga salita't pangungusap ng ginamit ni
Villanueva. Sa dula ay gumamit ng awit si Villanueva upang paghiwalayin ang
kapusukan. Sa bahaging ito ay pinapanaig ni Villanueva ang romantisismong
makapagpapayapa sa mga nadidimlang isipan:
Tumutugon sa panahon at sa mga isyung pambansa ang tatlong dulang sinuri. Bawat
isang mandudula ay gumamit ng makabagong konsepto sa pagsulat ng dula sa paraang
panteatro. Bagamat ang bawat isa'y kinakitaan ng mga suliraning sosyal at radikal sa
paghanap ng solusyon sa mga suliraning ito, ang mga dulang sinuri ay nag-iwan ng sulo
upang habang buhay na magbigay-liwanag sa landas na taing tinatahak. Sulong walang
pagkapawi ang ningas na taglay upang magsilbing tagapagsubaybay ng umiiral na
sistema ng ating lipunan.
Gising ng Lamat ang ating isipan. Binuhay ng Kulay Rosas na Mura ang Isang
Pangarap ang ating damdamin. Inalalayan ng Nana ang ating kilos. Diwa puso... lakas.
Sama-samang magbubuklod sa lipunan nating may sariling tatak ng pagkakilanlan... ang
lipunang Pilipino!