You are on page 1of 24

KABANATA 1

ANG SULIRANIN

Rasyunale ng Pag-aaral
  Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa

kasalukuyan. Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansan Pilipinas. Mas nagkaka-

intindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga Pilipino ang

kanilang saloobin at kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi tungo sa pagkakaisa ng mga

Pilipino na siyang kadahilanan ng patuloy na pagunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ang pananaliksik na ito ay patungkol epekto ng modernisasyon ng wikang filipino sa

pag-aaral ng mga Senior High School sa Unibersidad Ng Pangasinan. Ang mga mananaliksik ay

humantong sa paksang ito dahil aming napapansin na maraming kabataan o estudyante sa

panahon ngayon na ginugugol ang karamihan ng kanilang oras sa pagbababad sa mga

social networking sites. At napuna din ng mga mananaliksik na dahil sa social networking sites

na ito ay tila ba maraming bagong salita ang lumilitaw na siyang maaring nagbubunsod ng

modernisasyon ng wikang Filipino. Nais din nilang malaman kung indikasyon ba ito na patuloy

ang pagyabong ng wikang Filipino. Ngunit sa kabilang dako naman, natapunan din nila ng

pansin na tila ba unti-unting naglalaho ang ibang mga kinagisnang salita.

Kasabay ng modernisasyon at paglunsad sa mga makabagong teknolohiya, ay patuloy din

ang pag-unlad at pagbabago ng Wikang Filipino. Halimbawa na lang ay ang paggamit ng ibat-

ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at ang baybay ng wikang Filipino, ilang

halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng

mga letra na sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang salita upang mas

madaling maintindihan. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga salita na ginagamit

1
noong unang panahon upang mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa

panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita, ang pinakamababang antas ng wika na

karaniwang ginagamit ng mga kabataan. Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-

ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa

lipunan at ekonomiya.

Sa pagpipili ng paksang ito, ang mga mananaliksik ay isinaalang-alang din ang

kahalagahan ng pag-aaral na isasagawa. Sinimulan nila ito dahil naniniwala silang masasagot

ang bawat tanong na sumisibol sa kanilang isipan patungkol sa modernisasyon ng wika. Gamit

ang mga makakalap nilang datos at impormasyon ay siyang magiging batayan ng mga kasagutan

sa mga suliranin na pinag-aaralan ng mga mananaliksik sa pananaliksik na ito.

Suliranin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa epekto ng paggamit ng Facebook sa pag-

aaral ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ng Senior High School sa Unibersidad ng

Pangasinan.

I. Pangunahing Suliranin
Narito ang ilan sa mga pangunahing suliranin na sumibol sa aming isipan upang simulan

ang pananaliksik na ito.

1. Paano nakakaapekto ang modernisasyon tungo sa pag-unlad ng Wikang Filipino?

2. Epekto ba ng modernisasyon, mga makabagong teknolohiya, at social media ang

tuluyang pagkalimot sa mga lumang salita?

3. Pag-uugali o asal ng mga respondente sa paggamit ng wikang Filipino

2
II. Tiyak na Suliranin
Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring magbibigay sagot sa mga tiyak na

suliranin tungkol sa pananaliksik na ito.

1. Malaki ba ang papel na ginagampanan ng modernisasyon upang mapaunlad at

maipalaganap ang wikang Filipino?

2. Nakakatulong ba sa patuloy na pagyabong ng wikang Filipino ang mga iba’t ibang

social networking sites tulad nga Facebook, Twitter, at Instagram?

3. Ang mga bunga ba ng modernisasyon tulad ng social networking sites, text messaging,

blog at iba pa ay isa rin sa mga salik na nakakaapekto sa pagkabaon sa limot ng mga

makalumang salita?

4. Nakakaimpluwensya ba ang mga banyagang salita na siyang nagbubunsod ng

bandwagon effect sa pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino?

5. Bilang isang kabataan at mag-aaral, madalas mo bang gamitin ang wikang Filipino sa

pagpapahayag ng saloobin mo sa social media?

6. Mas mainam bang gamitin ang wikang Ingles sa paglalahad ng iyong saloobin at

opinion sa social media sites upang mapaigting ang iyong punto?

7. Gumagamit ka ba ng istilong ‘jejemon’ sa pagpapahayag ng iyong mensahe?

8. Nauunawaan ka ba ng iyong kausap sa tuwing ika’y gumagamit ng pormat na jejemon

sa paglalhad ng iyong mensahe?

9. Nakakatulong ba ang pagiging ‘conyo’ sa pananalita sa pag-unlad ng wikang

Filipino?

3
10. Bilang isang estudyante ng Senior High School, responsable at maayos mo

bang ginagamit ang wikang Filipino sa pag-aaral, pakikisalamuha, at paglalabas ng

saloobin o opinyon sa social media at maging sa realidad?

Kahalagahan ng Pananaliksik
Sadyang napakahalaga ng wika sa buhay ng tao, dahil susi ito sa pag-unlad,

pagkakaisa, at pagkaka-unawaan sa ating bayan. Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging

kapakipakinabang sa mga sumusunod:

1. Sa mga mag-aaral at kabataan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa

kanila upang kanilang malaman kung paano nakaaapekto sa ating wikang Filipino ang

bawat salita na lumalabas sa kanilang diwa at maging sa pananalita. Mauunawan ng mga

kabataan at mag-aaral ang mga responsableng paraan sa paggamit ng bawat salita sa

paglalabas ng saloobin nila sa social media.

2. Sa mga mamamayang Pilipino. Upang ipaalala na pahalagahan at wag ipakain sa

sistema ng modernisasyon ang kinagisnang wika at kultura ng ating bansa.

3. Sa mga susunod pang mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaari nilang

balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya na may kaugnay sa kanilang pag-aaral.

Batayang Konseptwal

Input
Nais ng mgamananaliksik
na malaman ang mga Proseso Awtput
epekto ng modernisasyon Ang mga mananaliksik ay Inaasahan ng mga
ng wikang filipino Sa mamamahagi ng mga mananaliksik sa pag-aaral
pag-aaral ng mga Senior nasabing kwestyuner sa na ito na matukoy ang
High School sa mga mag-aaral
4 na Senior mabisang pamamaraan ng
Unibersidad ng High School upang paggamit ng wikang
Pangasinan kung kaya't makakalap ng mga Filipino sa makabagong
magsasagawa ang mga impormasyon o datos panahon upang ang
mananaliksik ng wikang ito ay patuloy na
kwestyuner na kasalakuyan at mga
naglalaman na mga susunod pang
katanungan hinggil sa henerasyon.
paksang pinag-aaralan.

Pigura 1: Ang Paradimo ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng input-process-output model sa paggawa ng

paradym ng batayang konseptwal ng pag-aaral. Na kung saan ang input frame ay tumatalakay sa

paraan kung ano ang gagawin upang makakalap ng mga datos sa pag-aaral na isinasagawa. Ang

process frame ay tumatalakay sa mga hakbang na gagawin ng mga mananaliksik ukol sa

pagkalap ng mga datos. Samantalang ang output frame namanay sumasaklaw sa implikasyon ng

responsableng pamamaraan ng paggamit ng Wikang Filipino upang mapagyaman ito.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang layunin ng pag-aaral at pananaliksik na ito ay upang malaman ang epekto ng

modernisasyon ng wikang Filipino sa pag-aaral ng mga senior high school sa Unibersidad ng

Pangasinan. May mga tuntunin ng paggamit ng wika at sa pag-aaral nito ay may mga limitasyon

lang na dapat isaalanglang ang dahilan nito ay upang mapanatili ang kaayusan ng pananaliksik at

pag-aaral ukol dito.

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa nito upang malaman ang pananaw ng ilan sa

mga mag-aaral ng kursong STEM sa Unibersidad ng Pangasinan, Senior High School,

panuruan 2016-2017, patungkol sa modernisasayon ng wikang Filipino kaugnay sa pag-

aaral ng mga Senior High School. Ang bilang ng mga mag-aaral na naging bahagi ng sarbey sa

pananaliksik na ito ay ang limampung porsyento ng populasyon. Ang pagtitipon ng mga

5
impormasyon at iba pang mga kinakailangan na impormasyon ay ginawa sa Unibersidad

ng Pangasinan.

Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita


Upang mapabilis at mapadali ang pang-unawa sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na
salita ay binibigyang-katuturan:
 Conyo- isa ring uri ng salitang balbal na kung saan pinaghahalo ang wikang Filipino at

Ingles upang maging sosyal kung papakinggan.

 Facebook- ay isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-

aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya

 Jejemon- isang uri ng salitang balbal na kung saan iniiba at pinapa-iksi ang baybay ng

isang salita.

 Modernisasyon- progreso ng pag-unlad ng isang lugar o bagay

 Teknolohiya- mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na

proseso at prinsipyong maka-agham.

KABANATA 2
REBYU NG LITERATURA AT MGA PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura
Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino: Do they

Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Ika-30 ng

Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa.

Marahil ang pagkakaroon ng opisyal na wika ng isang bansa ay siyang magiging tulay tungo sa

matatag at matagumpay na ekonomiya nito. Dagdag pa rito, ayon naman kay Dr. Aurora Batnag

(Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating

6
mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng

iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi

matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang

bansa. Hindi rin kayang baguhin, palitan, at malimutan ng isang bansa ang wika nito dahil

Malaki ang naging gampanin nito noon at magpahanggang ngayon.

Ayon kay Bienvenido Lumbrera (2007): “Parang hininga ang wika, sa bawat sandal ng

buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa

kapwa nating gumagamit din nito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng wika

upang kamtan ang kailangan natin.” Kasabay ng araw-araw na pamumuhay ng bawat indibidwal

kabilang na ang mga pulitiko, propesyonal, at mga simpleng mamamayan ay nakakabit na sa

kanila ang paggamit ng wika sa tuwing makikisalamuha’t makikipagtalastasan upang kanilang

makamtan ang layunin sa lipunang ginagalawan. Pinapatunayan lamang nito na kapag ginamit at

pinapalaganap ang Wikang Filipino kasabay ng modernisasyon sa kasalukuyan ay

maipapalaganap din ang produkto, kultura, at iba pang ipinagmamalaki ng Pilipinas.

Hindi maipagkaka-ilang kasabay ng modernisasyon sa lipunan ay siyang pagbabago rin

ng mga nakasanayan na ng mga mamamayan, kabilang na rito ay ang wikang nakasanayan.

Ayon kay Mario I. Miclat, Ph.D., nasabi niya sa artikulong Ang Kalagayan ng Wikang Filipino

sa Panahon Ngayon, “Hindi ngayon lamang dekadang ito sumulpot ang problema ng

pambansang wika, o lingua franca, o wikang panlahat. Hindi noon lamang panahon nina Quezon

sa pamahalaang Commonwealth kalahating siglo ang nakararaan. Pinag-uusapan na iyan kahit

noong mahigit apat na raang taon na.” Isa sa mga salik na siyang nagiging dahilan ng mga

samo’t saring suliranin patungkol sa wika ay ang paglitaw ng mga makabagong salita na kung

minsan ay nagbubunsod ng hindi pagkakaintindihan ng bawat isa. Tulad na lang ng paglaganap

7
ng Jeje words, Beki language¸ at marami pang ibang nauusong salita na nagiging kadahilanan ng

mga orihinal na termino at kahulugan nito. Ang Investigative Documentaries ni Malou C.

Mangahas, isang Journalist at taga-ulat ng GMA network, na may pamagat na Jejemon and the

Filipino Language. Sa dokumentasyong ito, gumawa sila ng eksperimento kung maiintindihan

nga ba ng mga Filipino ang wikang Jejemon sa pamamagitan ng pagpapabasa sa mga ito ng

isang partikular na mensahe na nakasulat sa wikang jejemon. Ang iba, partikular na ang

matatanda, ay nahirapang basahin ang mensahe dahil sa sari-saring karakter na ginamit upang

mabuo ang salita samantalang mabilis naman itong naintindihan ng mga kabataan dahil ayon sa

kanila, ang wikang Jejemon ay uso at pamilyar na sa kanilang henerasyon. Sinubukan din nilang

alamin kung kaya ng mga kabataan ang tamang pagbabaybay sa wikang Jejemon. Dito,

nadiskubre nilang higit na binibigyang pansin ng ibang mga kabataan o mga Jejemon ang

pagiging malikhain sa pagsulat ng mga salita kaysa sa magiging kahulugan nito sa iba. Pinaalala

rin sa dokumentasyong ito na walang masama na sumabay sa uso ngunit may limitasyon din ito.

Mawawalan ng silbi ang kakaibang spelling kung iilan lamang ang nakakaunawa at

nakakalimutan na ang tamang pananalita. Ngunit sa kabilang dako naman ay higit na akma na

gamitin ang mga salita na may kinalaman sa modernong panahon at mas nauunawaan ng mas

malaking bahagi ng populasyon. Sa kasalukuyan, malaki ang kinalaman ng teknolohiya at

modernisasyon sa paglaganap at paglaho ng ilang mga salita.

Sa isang panayam ng GMA News ay inihalintulad naman ni National Artist for Literature

Virgilio Almario Ang hindi paggamit ng ilang salitang Pinoy sa pera na nawawala sa

sirkulasyon. "Hindi naman namamatay 'yon kaya lang hindi nagagamit, hindi in currency,"

paliwanag ni Almario na siyang pinuno ngayon ng Komisyon ng Wikang Filipino. "Parang

fashion lang 'yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago ang lengguwahe at hindi sumunod sa uso,

8
mamamatay (ito)," dagdag niya. Sinabi pa ni Almario na buhay ang wika kapag nakasasabay ito

at bumabagay sa tawag ng panahon.

Ayon kay Caroll (1964), ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at

tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago

sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng

mga huwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat

kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon sa librong Kasaysayan ng Wika at Pananaliksik, ang wikang Filipino ay napagtibay

bilang Wikang Pambansa noong 1987 sa Order Pangkagawaran bilang 22 sa ilalim ng Artikulo

XII Seksyon VI.

Ang artikulo naman ni Sara Boydon noong Agosto 10, 2014 sa Tomasino Web ay

nagpapahayag na ang wikang Filipino ay hindi lamang dapat maalala tuwing buwan ng Agosto o

tuwing may okasyon lamang dahil ito ang sumisimbolo na tayo ay mga Pilipino at nararapat

lamang na hindi natin ito makalimutan dahil lamang sa mga bakas na naiwan ng mga dayuhan sa

ating bansa.

Dapat lamang na palaging gamitin, tangkilikin, at pagyamanin ang wikang kinagisnang

upang hindi ito mawala sa sirkulasyon ng patuloy na pag-ikot ng mundo. Dahil itinatanag ang

wikang Filipino upang maging ilaw tungo sa pagkakaisa, kapayapaan, at pagkakaintindihan ng

bawat mamamayan.

Kaugnay na Pag-aaral

9
Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng ekonomiya

saisang bansa. Ito ay isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at transaksiyon ng bawat tao

saisang ekonomiya. Kung wala nito, makakaroon ng hindi pagkakaunawaan at maaring

humantong pa sa pagbagsak ng ekonomiya ng isang bansa. Masasabi na sa pamamagitan ng wika

ay umuunlad ang isang bansa sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal, at kultural.

Ayon kay Christopher Cabuhay, isang mag-aaral ng ekonomiks sa La Salle, “Kapag

walang transaksiyon, walang ekonomiya at kung isiipin natin, kung walang lipunan, walang

transaksiyon, wala tayong ekonomiya.” Ang wika umano ay isang paraan ng paggawa ng

transaksyon. Binanggit din niya na lahat ng nangyayari sa ekonomiya ay base sa kung paano mo

ito naintindihan kung kaya’t dapat ay maipahayag mo rin ng malinaw sa iba ang iyong

naintindihan tungkol doon. Dahil dito, masasabi na ang wikang pambansa ay may malaking

papel na ginagampanan sa pagpapaunlad ng ating bansa.

Ayon kay Jose Laderas Santos, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF),

malaki ang kahalagahan ng wikang pambansa sa pang-araw-araw nagawain ng bawat Pilipino.

Gawin na lamang na halimbawa ang pagbili ng isang ordinaryong Pilipino sa tindahan. Ang

ginagamit na wika sa transaksiyong ito ay Filipino. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng

pagkakaintindihan ang bawat isa at nagkakaroon ng satispaksyon sa pagitannila dahil natamo

nila ang pangangailangan ng bawat isa.

Ayon kay Bernard Macinas, komisyner ng KWF mula sa Bicol, ang bawat bansa ay may

sariling wika na ginagamit upang magsilbing daan tungo sa landas ng pagkakaisa,

pagkakaunawaan at pagmamahal. Kapag ito’y natamo, magkakaroon ng katahimikan at kaayusan

ang isang bansa. Masasabi rin na angkatiwasayan ng isang bansa ay isa ring salik sa pag-unlad

10
ng ekonomiya nito. Kapagnagkakaroon ng kaayusan ang isang bansa ay maaiwasan ang gulo at

mas mapapaunlad pa laloang kanilang ekonomiya.

Para naman kay Vilma Tacbad, komisyner ng KWF mula sa Pampangga, bagaman Ingles

ang wika ng komersyo, hindi pa rin ito ang susisa kaunlaran ng bansa. Binigyan niyang

halimbaawa ang mga bansang Japan, South Korea, Thailand, at China. Di tulad sa bansang

Pilipinas, ang mga bansang ito ay masasabing mahina sawikang Ingles. Ngunit hindi ito naging

dahilan upang paunlarin nila ang kanilang bansa. “Ang Japan ang isa sa pinakamayamang bansa

sapagkat ginagamit nila ang wikang sarili. Hindi ginamit ng Japan para umunlad ang wikang

Ingles,” ani Tacbad. Sa bansang ito na Ingles ang itinuturing na pangalawang lengguahe,

malaking bagay ang paggamit nito sa usaping pang-ekonomiya. Ngunit kung ikukumpara ang

Pilipinas sa ibang bansa, mas magkakaroon ngmalaking posibilidad na mapaunlad ang

ekonomiya sa pamamagitan ng paglinang sa kunganong sariling atin, Filipino, ang wikang

pambansa.

Sa kabilang banda, bagama’t mabilis ang pag-usbong ng makabagong mundo,

modernong teknolohiya at mga bagong paraan ng komunikasyon tulad ng text messaging at

social media, hindi maiiwasan na may mga sinaunang salita na nababaon na sa limot o

nalilipasan na ng panahon.

Napatunayan ito sa ginawang eksperimento ng GMA News sa Pandacan, Maynila, sa

mismong harapan ng bantayog ng batikang makata at manunula na si Francisco Balagtas, na

siyang nasa likod ng epikong "Florante at Laura." Ayon sa isinagawang eksperimento ng GMA

News, kung saan sinubukan nilang alamin mula sa mga kabataan ngayon at ilan sa mga

matatanda ang kahulugan ng mga lumang salita kagaya ngalimpuyok, papagayo at salakat,

wala sa mga modernong kabataan ang nakakuha ng tamang sagot o kahulugan ng mga

11
salitang ito subalit may isang matanda ang nakakuha naman ng tamang sagot. Ayon saulat na

ito, masasabi nating mahirap para sa mga kabataan ngayon ang pagpapalaganap ng

kaalaman tungkol sa wika mula sa ating kasaysayan.

Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan

at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon. Maari raw mawala ang

matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid pa rin nila ang kanilang

mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa

pamamagitan nito, ang mga sumusunod at susunod pang henerasyon ay natututo o maaaring

matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman

kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating pagkakamali.

TALASANGGUNIAN:

INTERNET

GMA Network Inc. (2009, August 31). Retrieved from GMA News Online:
http://www.gmanetwork.com/news/story/171158/news/nation/kasaysayan-ng-wikang-
filipino
Ang Kalagayan ng Filipino sa Panahon Ngayon. (2015, April 29):
http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-
disseminationscd/language-and-translation/ang-kalagayan-ng-filipino-sa-panahon-ngayon/
GMA Network Inc. (2014, August 28). Retrieved from GMA News Online:

12
http://www.gmanetwork.com/news/story/376707/news/ulatfilipino/ang-pagsabay-sa-uso-
ng-wikang-filipino
The Varsitarian. (2012, September 9). Retrieved from Varsitarian:
http://varsitarian.net/filipino/20110826/pagpapaunlad_ng_wika_nakatutulong_sa_ekono
miya

KABANATA 3
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Ang kabanata III ay patuloy na ginawa upang malaman ang disenyo ng pananaliksik,

respondent, instrument ng pananaliksik.at tritment ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ginamit ng mga mananaliksik ay sa paraang descriptive-analytic

Tatangkaing ilarawan at suriin ng mga mananaliksik ang mga Epekto ng Modernisasyon ng

Wikang Filipino sa mga estudyante ng Senior High School sa Unibersidad ng Pangasinan.

13
Respondente
  Ang mga napiling mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante na Senior

High School na kasalukuyang naka-enroll sa kursong STEM, taong panuruan 2016-2017 sa

Unibersidad ng Dagupan, lungsod Dagupan, Pangasinan. Sa kasalukuyan ay limampung

porsyento (50%) na mag-aaral ng kursong STEM Senior High School ang kanilang kinuha

bilang maging respondente sa talatanungan. Ang napiling bilang maging respondente ng

mananaliksik ay upang malaman kung paano nakakaapekto sa kanila, bilang isang mag-aaral at

kabataan, ang modernisasyon kaugnay sa pag-aaral nila ng wikang Filipino. Ang nilalaman ng

tanong ay kung paano naaapektuhan ng modernisasyon ang wikang Filipino.

Instrumento ng Pananaliksik

Ginamit ng mga mananaliksik ang sarbey-kwestyoneyr bilang pangunahing instrumento

upang maipakita ang mga datos at impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral ng mga

mananaliksik.

Tritment ng mga Datos

Ang kasangkapan na ginamit ng mga mananaliksik ay isang sariling gawa sa pagsisiyasat

ng palatanungan para sa respondent. Ibinigay ang pormula para sa komputasyon upang malaman

ng resulta ng pananaliksik. Sa pagsusuri ng mga pahayag ng epekto, mapaglarawang buod

istatistika tulad ng poryesto na ginamit, upang pag-aralan at bigyang kahulugan ang mga data na

nakalap mula sa survey at questionnaries. Ang mga mananaliksik ay ginagamit ang mga

sumusunod na tool ng istatistika;

14
1. Porsyento ng pahayag ng epekto para sa demograpikong propayl ng mga respondent ayon

sakanilang edad at kasarian

f
Pormula: P= × 100
n

P: Porsyento

f: prikwensya

n: kabuuang bilang ng mga respondente

KABANATA IV

PAGLALAHAD AT PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA DATOS

15
Laman ng kabanatang ito ang paglalahad at pagpapakahulugan sa mga datos na nakalap

hinggil sa epekto ng modernisasyon ng wikang Filipino sa pag-aaral ng mga mag-aaral na Senior

High School sa Unibersidad ng Pangasinan.

Ang mga datos na nakapaloob sa tsapter na ito ay mula sa mga sagot ng mga mag-aaral

na Senior High School sa kursong STEM.

Isinagawa ang bahaging ito ng pag-aaral upang sagutin ang mga sumusunod na mga tiyak

na suliranin:

1. Malaki ba ang papel na ginagampanan ng modernisasyon upang mapaunlad at

maipalaganap ang wikang Filipino?

2. Nakakatulong ba sa patuloy na pagyabong ng wikang Filipino ang mga iba’t ibang social

networking sites tulad nga Facebook, Twitter, at Instagram?

3. Ang mga bunga ba ng modernisasyon tulad ng social networking sites, text messaging,

blog at iba pa ay isa rin sa mga salik na nakakaapekto sa pagkabaon sa limot ng mga

makalumang salita?

4. Nakakaimpluwensya ba ang mga banyagang salita na siyang nagbubunsod ng

bandwagon effect sa pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino?

5. Bilang isang kabataan at mag-aaral, madalas mo bang gamitin ang wikang Filipino sa

pagpapahayag ng saloobin mo sa social media?

6. Mas mainam bang gamitin ang wikang Ingles sa paglalahad ng iyong saloobin at opinion

sa social media sites upang mapaigting ang iyong punto?

7. Gumagamit ka ba ng istilong ‘jejemon’ sa pagpapahayag ng iyong mensahe?

16
8. Nauunawaan ka ba ng iyong kausap sa tuwing ika’y gumagamit ng pormat na jejemon sa

paglalhad ng iyong mensahe?

9. Nakakatulong ba ang pagiging ‘conyo’ sa pananalita sa pag-unlad ng wikang

Filipino?

10. Bilang isang estudyante ng Senior High School, responsable at maayos mo bang

ginagamit ang wikang Filipino sa pag-aaral, pakikisalamuha, at paglalabas ng saloobin o opinyon

sa social media at maging sa realidad?

TALAHANAYAN 1

Propayl Prekwensiya %
Edad
1. 15 taong gulang 2 0.5
2. 16 taong gulang 152 38.87
3. 17 taong gulang 218 55.75
4. 18 taong gulang 17 4.35
5. 19 taong gulang 2 0.5
Kasarian
1. Babae 182 46.5
2. Lalaki 209 53.5
Kurso
STEM 391 100
Grado/Baitang
Grade 11 391 100
Kabuuang bilang ng mga 391 100
respondent
PROPAYL NG MGA RESPONDENTE

Batay sa unang talahanayan sa may itaas, mayroong 200 na kabuuang bilang ng mga

respondente ang sumagot sa talatanungan. 0.05% sa kanila ay may edad na labing limang taong

gulang (15 taong gulang), 38.87% ay may edad na labing-anim na taong gulang (16 taong

gulang), 55.75% ay nasa labing pitong taong gulang (17 taong gulang), 4.35% ay may edad na

labing walong taong gulang (18 taong gulang), at 0.5% ay may edad labing siyam na taong

17
gulang (19 taong gulang). Kaugnay nito, ayon sa teybol ang mga respondent ay kasalukuyang

naka-enroll sa kursong STEM at baitang 11 (Grade 11) na.

Talahanayan 2

RESULTA NG ISINAGAWANG SARBEY

PERCENTAGE
OO HINDI
1. Malaki ba ang papel na ginagampanan ng modernisasyon upang 72.6 27.4%
mapaunlad at maipalaganap ang wikang Filipino? %
2. Nakakatulong ba sa patuloy na pagyabong ng wikang Filipino ang 66.8 33.2%
mga iba’t ibang social networking sites tulad nga Facebook, Twitter, %
at Instagram?
3. Ang mga bunga ba ng modernisasyon tulad ng social networking 69.6 30.4%
sites, text messaging, blog at iba pa ay isa rin sa mga salik na %
nakakaapekto sa pagkabaon sa limot ng mga makalumang salita?
4. Nakakaimpluwensya ba ang mga banyagang salita na siyang 66.2 33.8%
nagbubunsod ng bandwagon effect sa pag-unlad at pagbabago ng %
wikang Filipino?
5. Mas mainam bang gamitin ang wikang Ingles sa paglalahad ng 59.3 40.7%
iyong saloobin at opinion sa social media sites upang mapaigting %
ang iyong punto?
6. Bilang isang kabataan at mag-aaral, madalas mo bang gamitin ang 52.7 47.3%
wikang Filipino sa pagpapahayag ng saloobin mo sa social %
media?
7. Gumagamit ka ba ng istilong ‘jejemon’ sa pagpapahayag ng iyong 43.2 56.8%
mensahe? %
8. Nauunawaan ka ba ng iyong kausap sa tuwing ika’y gumagamit ng 45.5 54.5%
pormat na jejemon sa paglalahad ng iyong mensahe? %
9. Nakakatulong ba ang pagiging ‘conyo’ sa pananalita sa pag- 46.5 53.5%
unlad ng wikang Filipino? %
10. Bilang isang estudyante ng Senior High School, responsable at 67.5 32.5%
maayos mo bang ginagamit ang wikang Filipino sa pag-aaral, %
pakikisalamuha, at paglalabas ng saloobin o opinyon sa social media
at maging sa realidad?

Bilang 1-3; Tumatalakay tungkol sa epekto ng modernisasyon sa Wikang Filipino

18
Bilang 4-5; Tumatalakay tungkol sa impluwensya ng kultura ng ibang bansa sa Wikang

Filipino

Bilang 6-10; Tumatalakay tungkol sa asal ng mga mag-aaral na SHS-STEM sa paggamit

ng wikang Filipino

Ipinapakita ng teybol 2 ang naging resulta ng isinagawang sarbey sa mga mag-aaral ng

kursong STEM. Sa bilang 1-3 ay mahihinuhang positibo ang pananaw ng mga respondente sa

epekto ng modernisasyon sa Wikang Filipino. Sa kadahilanang, mas mataas na porseyento ang

sumagot ng Oo sa mga tanong na bilang 1-3.

Ang bilang 4-5 ay tumatalakay sa impluwensya ng kultura ng ibang bansa sa Wikang

Filipino. Ayon sa datos na nakalap, ang nasabing bilang ay may positibong sagot na Oo dahil sa

nakakuha ang pang-apat na bilang ng 66.2% at ang bilang na pang lima naman ay nakakuha ng

59.3%. Kung ikukumpara ito sa bahagdan na ankuha sa mga sumagot ng hindi ay higit na mas

mataaas ang sumagot ng Oo. Nangagahulugan na positibo ang epekto nito sa pagpapa-unlad ng

wikang Filipino.

Ayon sa bahagdan sa tanong na bilang pang-anim mayroon itong 52.7%, makikitang

maraming kabataan at mag-aaral ang madalas magpahayag ng saloobin sa social media gamit

ang wikang Filipino bilang midyum na lenggwahe. Ang bahagdan naman na nakuha sa mga

bilang na pito (56.8%), walo (25.5%), at siyam (53.5%) ay nagpapakahulugan na karamihan ng

mga respondente ay hindi tinatangkilik at ginagamit ang istilo ng jejemon at conyo na pananalita

o paglalahad ng saloobin at opinion. Ayon din sa nakalap na datos hindi umano nagkaka-

unawaan ang bawat isa kung jejemon at conyo ang istilong ginagamit.

19
Ang horizontal bar graph sa ibaba ay ipinapakita ang datos na nakalap sa

isinagawang sarbey.

Unang tanong

Pangalawang tanong

Pangatlong tanong

Pang-apat na tanong

Panglimang tanong

Pang-anim na tanong

Pangpitong tanong

Pangwalong tanong

Pangsiyam na tanong

10
0 10 20 30 40 50 60 70 80

OO HINDI

Ang graph sa itaas ay naglalarawan ng mga datos na nakalap ng mga

mananliksik. Ang kulay na kahel ay tumutukoy sa bahagdan ng sumagot na OO, samantalang

ang kulay na asul ay tumutukoy sa bahagdan ng sumagot ng HINDI.

20
Kabanata V

Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay ay naglalaman ng lagom sa natukoy na pananaliksik, mga

konklusyong nagawa at rekomendasyong maaring makatulong sa mga mambabasa

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa PHINMA-University of Pangasinan, Arellano

Street, Dagupan City, Pangasinan na may kabuoang bilang na 391 respondente ng Departamento

ng Senior High School. Descriptive-Analytic Method ang pamamaraan na ginamit sa

pananaliksik na ito. Ang ginamit na talatanungan sa pananaliksik na ito ay sumasagot lamang ng

oo at hindi.

Ang pananaliksik na ito ay patungkol Epekto Ng Modernisasyon Ng Wikang Filipino

Sa Pag-Aaral Ng Mga Senior High School Sa Unibersidad Ng Pangasinan. Ang mga

mananaliksik ay humantong sa paksang ito dahil aming napapansin na maraming kabataan o

estudyante sa panahon ngayon na ginugugol ang karamihan ng kanilang oras sa

pagbababad sa mga social networking sites. At napuna din ng mga mananaliksik na dahil sa

social networking sites na ito ay tila ba maraming bagong salita ang lumilitaw na siyang maaring

nagbubunsod ng modernisasyon ng wikang Filipino. Nais din nilang malaman kung indikasyon

ba ito na patuloy ang pagyabong ng wikang Filipino. Ngunit sa kabilang dako naman, natapunan

din nila ng pansin na tila ba unti-unting naglalaho ang ibang mga kinagisnang salita.

Nais naming mahanap ang mga kasagutan sa mga tanong na ito:

21
1. Malaki ba ang papel na ginagampanan ng modernisasyon upang mapaunlad at

maipalaganap ang wikang Filipino?

2. Nakakatulong ba sa patuloy na pagyabong ng wikang Filipino ang mga iba’t ibang

social networking sites tulad nga Facebook, Twitter, at Instagram?

3. Ang mga bunga ba ng modernisasyon tulad ng social networking sites, text messaging,

blog at iba pa ay isa rin sa mga salik na nakakaapekto sa pagkabaon sa limot ng mga

makalumang salita?

4. Nakakaimpluwensya ba ang mga banyagang salita na siyang nagbubunsod ng

bandwagon effect sa pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino?

5. Bilang isang kabataan at mag-aaral, madalas mo bang gamitin ang wikang Filipino sa

pagpapahayag ng saloobin mo sa social media?

6. Mas mainam bang gamitin ang wikang Ingles sa paglalahad ng iyong saloobin at

opinion sa social media sites upang mapaigting ang iyong punto?

7. Gumagamit ka ba ng istilong ‘jejemon’ sa pagpapahayag ng iyong mensahe?

8. Nauunawaan ka ba ng iyong kausap sa tuwing ika’y gumagamit ng pormat na jejemon

sa paglalhad ng iyong mensahe?

9. Nakakatulong ba ang pagiging ‘conyo’ sa pananalita sa pag-unlad ng wikang

Filipino?

10. Bilang isang estudyante ng Senior High School, responsable at maayos mo bang

ginagamit ang wikang Filipino sa pag-aaral, pakikisalamuha, at paglalabas ng saloobin o opinyon

sa social media at maging sa realidad?

22
Konklusyon

Batay sa mga inilahad ng mga mananaliksik na mga datos, pumasok sa kanilang isipan

ang ilang konklusyon. Sa isinagawang sarbey nagbigay daan ito upang mabigyang kasagutan ang

mga nabanggit na tiyak na suliranin. Ang kasagutang ito ay ang mga sumusunod;

1. Malaki ang papel na ginagampanan ng modernisasyon upang mapaunlad at maipalaganap

ang wikang Filipino.

2. Nakakatulong ang mga iba’t ibang social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, at

Instagram sa pagyabong ng wikang Filipino.

3. Bagamat ang ilang mga bunga ng modernisasyon din tulad ng social networking sites,

text messaging, blog at iba pa ay isa rin sa mga salik na nakakaapekto ng pagkabaon sa

limot ng mga kinagisnang salita.

4. Ang bandwagon effect na dulot ng mga banyagang salita at kultura ay napag-alaman na

nakakaimpluwensya rin sa pag-unlad at pag-babago ng wikang Filipino.

5. Marami ang nagsabi at naniniwalang mas mainam gamitin ang wikang Ingles sa

paglalahad ng kanilang opinion sa social networking sites upang mapaigting ang kanilang

punto.

6. Ngunit bilang isang kabataan madalas parin nilang ginagamit ang wikang Filipino sa

pagpapahayag ng saloobin sa social media.

7. Ayon sa datos na nakalap, mas marami ang hindi gumagamit ng istilong jejemon sa

pagpapahayag ng kanilang mensahe.

23
8. Marami ang naniniwalang hindi nagkakaunawaan ang dalawang tao sa tuwing sila’y

gumagamit ng pormat na jejemon sa paglalahad ng kanilang mensahe.

9. Hindi rin nakakatulong ang pagiging conyo o paghahalo ng wikang Ingles at Filipino

upang maging sosyal kung pakikinggan, sap ag-unald ng wikang Filipino.

10. Malaking bahagdan din ng mga respondente na bilang isang Senior High School ay

responsible at maayos nilang ginagamit ang wikang Filipino sa pag-aaral,

pakikisalamuha, at paglalabas ng saloobin o opinion sa social media at maging sa

realidad.

Rekomendasyon

Nais naming iparating sa aming mambabasa ang nahanap naming kasagutan sa mga

tanong na amng hinanap. Pumasok sa aming isipan na hindi masama ang makiuso at makisabay

sa mga moderno at pasok sa bangang salita na karamihan ay ginagamit ng kabataan ngayon gaya

ng pagiging conyo at pagsalita ng Jejemon, ngunit kailangan natin gamitin ito sa tamang

panahon at sa tamang oras sa tamang tao na bagay sa antas at prinsipyo. Kailangan parin nating

pagyamanin ang ating tradisyunal at nasyonal na wika upang sa gayo’y hindi tayo makalimot at

maging dayuhan sa ating sariling bayan. Sa aming mambabasa, nirerekomenda namin ang mas

makabubuti para sa ating lahat, na ang wikang pagyamanin natin ay ang wikang pinagkakilanlan

ng ating lahi, wikang ating kayang ipagmalaki sa buong mundo, wikang sumisimbolo ng ating

sarili, wikang ating kinalakhan, ang wikang Filipino.

24

You might also like