You are on page 1of 3

SENIOR HIGH SCHOOL (Grade 11)

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

KOMUNIKASYON
 Ito ay isang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng
magkakambal na proseso ng pagsasalita. pakikinig at pag-unawa. Walang magaganap na
komunikasyon kung walang nagsasaiita o kung may nagsasaiita man subalit walang nakikinig.
(Pagkalinawan et. al. 2004)

 Ito ay isang prosesong dinamiko, tuluy-tuloy at nagbabago.

 Ito ay pasalita at pasulat na pagpapahayag ng iniisip at nadarama sa isang paraang mabisa at kalugud-
lugod.

 Ito ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng isang tao. Malaking panahon ang iniuukol ng tao sa
pakikipagtalastasan.

KAKAYAHAN SA PAGGAMIT NG MGA ESTRATEHIYANG PANGKOMUNIKASYON

1. Kakayahan sa paggamit ng mga berbal (pasalita)


2. Di-berbal (paralinguistics) na pamaraan

BERBAL NA ESTRATEHIYA DI BERBAL NA ESTRATEHIYA


 Paggamit ng Intonasyon  Paggamit ng mga Galaw
 Paggamit ng Hinto (Gestures)
 Paggamit ng Diin

BAKIT MAHALAGA ANG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON?

a. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyonal ng isang tao.


b. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe.
c. Pinanatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagdala at tagatanggap ng mensahe.

ANYO NG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL


a. ORAS (CHRONEMICS)
 Mahalaga ang oras. Ito ay isang bagay na kulang sa maraming tao. Ang paggamit ng
oras kung gayon ay maaaring kaakibatan ng mensahe.
b. ESPASYO (PROXEMICS)
 Maaaring may kahulugan din ang espasyong inilalagay sa pagitan ng ating sarili at ng
ibang tao.
c. KATAWAN (KINESICS)
 Maraming sinasabi ang katawan, minsan nga'y higit pa sa mga tunog na lumalabas sa
bibig. Kaya nga may tinatawag sa Ingles na body language.
d. PANDAMA (HAPTICS)
 Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe. Sa ating
Wika, may iba- iba tayong tawag sa paraan sa pagHawak sa ibang tao o bagay at bawat
paraan ay may kanya-kanyang kahulugan.
e. SIMBOLO (ICONICS)
 Sa paligid ay maraming makikitang malaking simbolo o icons na may malinaw na
mensahe.
f. KULAY
 Ang kulay ay maaari ring magpahiwatig ng damdarnin o oryentasyon.
g. PARALANGUAGE/VOCALICS
 Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita. Ang salitang oo, halimbawa,
ay maaaring mangahulugan nang pagsuko, pagsang-ayon, galit, kawalan ng interes o
paghamon, depende kung paano iyon binigkas.

1|Pahina Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
-Ito ang tawag sa abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang
interaksiyong sosyal (Hymes 1972).

I. Kakayahang Lingguwistiko/Istruktural/ Gramatikal


II. Kakayahang Sosyolingguwistiko
III. Kakayahang Pragmatiko
IV. Kakayahang Diskorsal
I. KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
-Ito ay tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang
pangungusap.
-Ito ay isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa
kaniya ng kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika.(Noam Chomsky 1965).

LINGGUWISTIKONG PAGTATANGHAL (Linguistic Performance)


-Ito ay tumutukoy sa aplikasyon ng sistema ng kaalaman sa pagsusulat o pagsasalita.
-Ito ay maaaring kapalooban ng mga interperensiya o sagabal.

Halimbawa:

Ang pagkautal ng isang tagapagsalita habang nagbibigay ng talumpati. (Hindi ito masasabing
kawalan o kakulangan sa kakayahang lingguwistiko. Maaaring ito ay dulot ng kanyang kaba na
maituturing na sagabal sa kaniyang lingguwistikong pagtatanghal.)

KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO SA WIKANG FILIPINO


Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa tuntunin ng balarilang Filipino.

A. Mga Salitang Pangnilalaman:

1. Mga Nominal
a. Pangngalan(Noun) - ito ay nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook,
katangian, pangyayari, atbp.
b. Panghalip(Pronoun) - ito ay pamalit o panghalili sa pangngalan.

2. Pandiwa (Verb) - ito ay nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng


mga salita.

3. Mga Panuring
a. Pang-uri (Adjective) - ito ay nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at
panghalip.
b. Pang-abay(Adverb) - ito ay nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at
kapwa pang-abay.

B. Mga Salitang Pangkayarian:

1. Mga Pang-ugnay
a. Pangatnig (Preposition) - ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
b. Pang-angkop (Ligature) - ito ay katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
c. Pang-ukol (Conjunction) - ito ay nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita.

2. Mga Pananda
a. Pantukoy - ito ay salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip.
b. Pangawing/Pangawil - ito ay salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri.

C. Wastong Palabaybayan o Ortograpiya ng Wikang Filipino

2|Pahina Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino
1. Pasalitang Pagbaybay
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog-Ingles ng mga titik
maliban sa Ň (enye) na tunog Espanyol. Ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa maayos na
pagkakasunod-sunod ang mga titik na bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, inisyal, akronim,
simbolong pang-agham atbp.

Pasulat Pasalita
it /ay-ti/
PANTIG pag /pi-ey-dyi/
trans /ti-ar-ey-en-es/

Pasulat Pasalita
mahal /em-ey-eyts-ey-el/
SALITA libro /el-ay-bi-ar-o/
Dagupan /kapital di-ey-dyi-yu-pi-ey-en/

Pasulat Pasalita
/kapital ti-kapital si-kapital en-
DCNHS
kapital eyts-kapital es/
AKRONIM /kapital ey-kapital es-kapital i-
ASEAN
kapital ey-kapital en/
TLE /kapital ti-kapital el-kapital i/

KAKAYAHANG GRAMATIKAL
-Ito ay kakayahang umunawa at makabuo ng mga istruktura sa wika ayon sa mga tuntunin sa gramatika.
-Ito ay tumutukoy sa kahusayan sa talasalitaan
-Ito ay tumutukoy sa tamang pagbigkas
-Ito ay tumutukoy sa Pagbaybay
-Ito ay tumutukoy sa Pagbabantas
-Ito ang Pagbuo ng mga salita
-Ito ang Pagbuo ng mga pangungusap at talata
-Mahalaga ang mga mga kahusayang ito upang makapagpahayag nang tumpak

ISTRUKTURAL NA GRAMAR
-Ito ay isang paraan ng pag-aanalisa ng wikang pasulat at pasalita .
- Ibig sabihin...nakatuon ang pagsusuri sa mga elementong nakapaloob sa isang pangungusap. Gaya ng mga
sumusunod na elemento:
• fonims
• morfims
• preys
• klaws
• part of speech
FERDINAND DE SAUSSURE
• Ama ng Istruktural Gramar
• Lumaganap noong 20th century (1930-1950)
• “individual units within spoken and written communication were largely arbitrary...”

3|Pahina Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino

You might also like