You are on page 1of 10

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


SENIOR HIGH SCHOOL
IKALAWANG SEMESTRE
Taong Panuruan 2019-2020

Pangalan: ___________________________________________ Iskor: _____________________


Baitang at Pangkat: ____________________________________ Petsa: ____________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong/pahayag. Tukuyin at


isulat ang katumbas na letra ng pinakatamang sagot sa patlang bago ang bilang.
I. Pamimili

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong/pahayag. Tukuyin at bilugan ang
katumbas na letra ng pinakatamang sagot.

1. Ayon kay Bernales, ang pagsulat ay kapwa pisikal at mental na gawain para sa iba’t ibang
layunin. Ano ang nais ipakahulugan nito?
A. Ang pagsulat ay nangangailangan ng lakas upang makabuo ng magandang sulatin.
B. Mahirap magsulat sapagkat nangangailangan ito ng malawak na pag-iisip.
C. Ang pagsulat ay ginagamitan ng kamay, mata, at utak upang makabuo ng mahusay na sulatin.
D. Kailangang ang manunulat ay matalino at malakas upang makabuo ng mga sulatin.

2. Ang mga sumusunod ay ilan sa kahalagahan ng pagbasa maliban sa:


A. Mahalaga ang pagbasa sa isang tao upang hindi mapag-iwanan ng nagbabagong panahon.
B. Nakakukuha tayo ng mga gintong aral sa buhay sa pamamagitan ng pagbabasa
C. Ang pagbabasa ay isang psycholinguistic guessing game kung saan ang nagbabasa ay
nakabubuo muli ng isang mensahe hango sa tekstong binasa.
D. Sa tulong ng pagbabasa, nasasala at nadaragdagan ang ating marurupok at pansariling
opinyon ng mga makabagong kaisipan at matibay na katotohanan

3. Nagbigay ng isang talumpati si G. Ronald V. Bayran hinggil sa Federalismo at kanyang inilatag


ang mga dahilan at ebidensya upang higit na maging makatwiran ang kanyang ipinaglalaban.
Sa anong uri ng teksto nababatay ang talumpati ni G. Bayran?
A. Deskriptibo B.Naratibo C. Prosidyural D. Argumentatibo

4. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pahapyaw na pagbasa maliban sa:


A. Pagbasa sa kabuuang nilalaman ng aklat
B. Paghanap sa mga gusaling paupahan
C. Pagtingin sa isang paksa (topic) ng isang aklat
D. Pagbasa sa classified ads ng isang pahayagan

5. Piliin ang pahayag na nagtataglay ng katangian ng tekstong deskriptibo?


A. Ang aming paaralan ang napiling manguna sa programang paglilinis ng estero.
B. Naging napakalamlam ng kanyang mga mata simula nang mawala ang kanyang ina.
C. Ang Pilipinas ay ang bansang aking sinilangan
D. Ang lahat ay hinihikayat na maging mapanuri sa darating na eleksyon.

6. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian at kahulugan ng tekstong argumentatibo?


A. Ang tekstong argumentatibo ay pakikipagdebate sa paraang pasulat.
B. Ang tekstong argumentatibo ay naglalahad ng posisyong suportado ng mga ebidensya.
C. Layunin nitong magsalaysay ng mga pangyayari at may banghay na sinusunod.
D. Nais nitong mabago ang takbo ng isipan ng mambabasa at tanggapin ang posisyon
ng may-akda gamit ang opinyon.
7. Nais mong malaman ang naging resulta ng Board Exam ng iyong kapatid kaya’t agad kang
bumili ng Manila Bulletin upang makita kung siya ay nakapasa. Anong uri ng pagbasa
sa pahayagan ang dapat mong gawin?
A. Pahapyaw na Pagbasa o Scanning
B. Pamumunang Pagbasa o Critical Reading
C. Mabilisang Pagbasa o Skimming
D. Tahimik na Pagbasa o Silent Reading

8. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng isang tekstong impormatibo?


A. Ang isang tekstong impormatibo ay sumasagot sa mga tanong gaya ng sino, ano, o
paano.
B. Ang tono ng isang tekstong impormatibo ay kadalasang obhetibo.
C. Ang tekstong impormatibo ay mayaman sa impormasyon na makukuha ng mambabasa
D. Ang tekstong impormatibo ay malaman sa opinyon ng manunulat at likhang isip lamang.

9. Alin sa mga pangungusap ang hindi halimbawa ng tayutay?

1. Animo nasa alapaap ang aking pakiramdam sa hele ni inay.


2. Mabilis ang pagtakbo ng oras sa tuwing kasama kita.
3. Mahusay na manunulat ang kailangan ng ating bayan.
4. Ako ang iyong tungkod sa iyong pagtanda.

A. 1 B.2 C.3 D.4


10. Ang mababasang mga pahayag ay katangian ng tekstong argumentatibo maliban sa:
A. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
B. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talata.
C. May matibay na ebidensya para sa argumento.
D. Maraming tayutay at matatalinhagang salita sa bawat talata.

11. Ang sumusunod ay halimbawa ng pahapyaw na pagbasa maliban sa :


A. Pagbasa sa kabuuang nilalaman ng akda
B. Paghanap sa mga gusaling paupahan
C. Pagtingin sa isang paksa ng isang aklat
D. Pagbasa sa classified ads ng isang pahayagan

Para sa bilang 12-15


Anong cohesive device ang ginamit sa sumusunod na mga pangungusap?

12. Si Layra ay lumaking mabait na bata. Siya ay sumusunod sa kanyang mga magulang at aktibo sa
simbahan na kanyang kinabibilangan.
A. ay B. Siya C. mabait D. sa

13. Hindi sila nagtagumpay sa kanilang binabalak sapagkat hindi lahat ay nakiisa.
A. Hindi B. lahat C. nakiisa D. sapagkat

14. Sa Luneta kita unang nakita. Doon kita unang nakilala.


A. Luneta B. unang C. Doon D. nakilala

15. Ayon sa mga doktor, nakasasama ang paninigarilyo sa ating kalusugan. Dahil dito, marami na ang
huminto sa paggamit nito.
A. Ayon B. ang C. Dahil dito D. huminto

16. Ano ang pagkakaiba ng obhetibo sa subhetibong pamamaraan ng pagsulat ng akda?


A. Kapag obhetibo, ito ay nakabatay sa katotohanan samanatalang ang subhetibo ay nakabatay sa
mayamang imahinasyon ng manunulat.
B. Ang subhetibo ay hango sa totoong pangyayari, ang obhetibo naman ay kathang isip lamang.
C. Ang pagsulat ng akda sa subhetibong paraan ay nangangailangan ng sapat na datos o
ebidensya, samantalang ang obhetibo ay hango sa iba’t ibang reperensya.

D. Ang obhetibo ay ginagamitan ng malalalim na pananalita, samantalang ang subhetibo ay karaniwang


hango sa mga aklat na isinasepelikula.

17. Saan nagkakatulad ang tekstong impormatibo at argumentatibo?


A. Kapwa sila ginagamitan ng mga tayutay, pang-uri at pang-abay.
B. Pareho silang naglalahad ng kaalaman sa pamamagitan ng mga datos.
C. May mga panghihikayat na pananalita sa bawat talata ng dalawang teksto.
D. Ang impormatibo at argumentatibong teksto ay kapwa may layuning pumanig sa
kanilang ipinaglalaban o paniniwala.

18. “Tila ako nasa alapaap nang hagkan ng malakas na hangin.” Ito ay halimbawa ng
pangungusap na ginamitan ng ________________?
A. Cohesive device C. Tatutay
B. Subhetibong teksto D. Pang-abay

19. Alin sa sumusunod na mga kaisipan ang hindi kasama sa pagsulat ng maikling
kuwento?
A. Suliranin, Kasukdulan, Resolusyon
B. Paksa, tauhan, tagpuan
C. Panimula, tunggalian, kakalasan
D. Banghay, organisasyon, transisyon

II. PAG-UNAWA SA BINASA


Panuto: Basahin ang sumusunod na teksto at bilugan ang letra ng tamang sagot sa bawat
tanong.

Isa sa walong magkakapatid si Rona na dahil sa kahirapan ay nanuluyan sa kanyang tiyahin sa Metro
Manila. Labing-tatlong taong gulang lamang siya noon ngunit ipinasa na sa kanya ang halos lahat ng mga
gawaing bahay: paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagsasaing, paglalaba, pamamalantsa, pamamalengke at
kung anu-ano pa.

Lima ang anak ng tiyahin, isang babae at apat na lalaki na animo’y senyorita at senyorito mula nang
pumisan sa kanila si Rona. Ang panganay na si Evelyn, gayong dalawampung taong gulang na, ay
nagpapahilod pa ng kili-kili at likod tuwing maliligo. Pati sarili nitong underwear ay si Rona pa ang
naglalaba. Ang tatlong lalaki naman, maliban sa isa, ay gayon na lamang kung mag-utos, laging pasigaw o
pagalit. Kapag naglilinis ng sahig si Rona ay di man lamang mag-alis ng sapatos ang mga pinsan kapag
dumarating. Animo’y nang-iinis pa na dadaan sa harapan ng nakaluhod at nakayukong si Rona na nagpapahid
ng floor wax. Kadalasan ay pabalibag pang ihahagis ang pantalong de maong kay Rona at pasigaw na “O,
labhan mo ‘yan! Pag natuyo, plantsahin mo ha?!!

Bakasyon noon.

Halos araw-araw ay ganyan ang gawain ni Rona: linis, saing, laba, plantsa. Ang bibigat pa mandin ng mga
pantalong de maong ng mga pinsan. Ginawa siyang taga-laba ng mga ito.

Si Rona ay hindi itinuring na kamag-anak. Kapag may mga dumadalaw na kaibigan ang mga pinsan, atsay
o katulong ang pakilala sa kanya.

Sa hapag kainan, si Rona ang tagasilbi. Hindi siya isinasabay sa pagkain, laging huli, gayong mahaba
naman ang mesang kainan. Kung ano ang matira ay iyon lang ang makakain niya. Apat na beses sa isang
linggo ay tinapang isda ang ulam nila. Ulo lamang ng tinapa ang pwedeng kainin ni Rona. Iyon ang laging
itinitira sa kanya ng tiyahin.

Sa murang katawan ni Rona, ang hirap ng trabaho at salat na pagkain sa piling ng tiyahin ay hindi niya
inalintana. Siya ay alilang-kanin. Ang mahalaga’y patuloy siyang nakapag-aaral sa Pasig High School. Lagi
niyang nilalakad pauwi ang Pasig at Pateros na halos ay apat na kilometro ang layo.

Wala siyang pocket-money, walang snack, laging nagugutuman. Pagdating ng bahay, kahit pagod at gutom,
kailangan niya munang maghugas ng mga kaldero’t pinggan na nakatambak sa lababo bago siya makakakain.
Kadalasan, matutulog na lang siya ay pasigaw pa siyang uutusan ng mga pinsan.

“Hoy, plantsahin mo muna yung maong! ‘yung polo!”

Dalawang taon nahirahan at nanilbihan si Rona sa tiyahin. Nang makatapos ng high school ay kinuha siya ng
kapatid at dinala sa Cebu City. Nagpatuloy ng pag-aaral si Rona, naging academic scholar at nagtapos ng
edukasyon nang may karangalan – Magna cum laude. Muli siyang nag-aral tatlong kurso ang natapos niya at
naging Doctor of Education. Nakapag-asawa siya ng isang abogado.

Ngayon ay isa nang matagumpay na educator at businesswoman si Rona. Isa na siyang milyonarya at
maligaya sa piling ng tatlong anak at mapagmahal na kabiyak.

Sino ang mag-aakalang ang dating inapi ay isa nang matagumpay, at respetadong tao sa mataas na lipunan?
Ang mga pinsan nasa kanya ay nang-api ay walang natapos na pinag-aralan, ganoon pa rin ang buhay hindi
umasenso. Ang iba ay nakapag-asawa ng mga hirap din ang buhay.

Halaw mula sa: pinoycollection.com.ang-inapi

20. Ano ang dahilan ng pakikitira ni Rona sa kanyang tiyahin sa Metro Manila.
A. Hindi siya kayang pag-aralin ng pamilya dahil sa kahirapan.
B. Nais ni Rona na kumita ng malaking halaga kaya nagtrabaho sa Manila.
C. Walo silang magkakapatid kaya pinaampon siya ng mga magulang sa tiyahin.
D. Kailangan niyang makaipon ng pera para sa walong kapatid

21. “Sa murang katawan ni Rona, ang hirap ng trabaho at salat na pagkain sa piling ng tiyahin ay
hindi niya inalintana. Siya ay alilang-kanin. Ang mahalaga’y patuloy siyang nakapag-aaral sa Pasig High
School. Lagi niyang nilalakad pauwi ang Pasig at Pateros na halos ay apat na kilometro ang layo.” Ang
mga salitang may salungguhit ay halimbawa ng______?
A. Tayutay
B. Cohesive devices
C. Pang-abay
D. Pang-uri

22. Ano ang kahulugan ng katagang “siya ay alilang-kanin”?


A. Sunud-sunuran sa mga amo
B. Pagkain lamang ang bayad sa pagtatrabaho
C. Nakikitira nang walang bayad
D. Inaalipin at hindi pinakakain

23. Ang nabasang kuwento ay halimbawa ng anong uri ng teksto?


A. Impormatibo C. Naratibo
B. Nanghihikayat o Persuweysiv D. Argumentatibo

24. Ano ang pangunahing mensahe na makukuha mula sa kuwentong nabasa?


A. Higit na mahalaga ang mabuting kalooban kaysa yaman
B. Ang bawat tao ay may angking kakayahan na kung pagsusumikapan ay maaring maging
mahusay sa larangang ito.
C. Huwag maging matapobre. Hindi sa dami ng yaman nasusukat ang halaga ng isang tao.
D. Maging matiyaga at sikaping makapagtapos ng pag-aaral anuman ang kalagayan sa buhay.
25. Alin sa mga sumusunod na kasabihan ang nangibabaw
sa kuwento?
A. Hindi sa dami ng yaman nasusukat ang halaga ng isang tao.
B. Ang mabuting bata ay karangalan ng magulang.
C. Hindi hadlang ang kahirapan upang maabot ang pangarap sa buhay.
D. Walang alipin kung walang magpapaalipin.

Mag-isip Ka, Binata


Ikaw ay isang ganap na binata na… malakas, makisig, matatag, maginoo. Ikaw, tulad ng iyong ama ay
magiging haligi ng iyong tahanan.
Huwaran mo ang iyong ama. Siya ang utak na namamatnugot sa inyong tahanan. Ang iyong ina naman
ang siyang katuwang ng iyong ama upang mabuo at lumigaya ang buong pamilya.
Ikaw ang galamay ng iyong mga magulang. Ikaw ang pag-asa nila sa kanilang katandaan. Ikaw ang
dahilan ng kanilang pagpapakasakit. Kaya’t dapat mong gantihan ng kabutihan ang paghihirap nila.
Ngayong nag-aaral ka pa ay maaari kang tumulong sa ano pa mang paraan. Ngunit ang higit nilang
inaasahan sa iyo ay ang pagtatapos mo ng pag-aaral sapagkat ito ay para sa iyong kinabukasan na
magiging daan din upang ikaw ay maging matatag at handa sa pagtanggap sa pananagutan. Kaya dapat
mong ibigin at igalang ang iyong mga magulang. Tungkulin mo na paglingkuran sila nang buong lugod at
kasiyahan. Huwag mo silang biguin sa pangarap nila sa iyo.

Sanggunian:
Maunawaing Pagbasa at Akademikong Pagsulat bi Rolando Bernales

26. Anong uri ng teksto ang isinasaad ng unang talata?


A. Impormatibo B. Persweysiv C. Naratibo D. Deskriptibo

27. Ang mga salitang nakapahilis sa unang talata ay anong uri ng pananalita?
A. Pang-abay B. Pang-uri C. Pandiwa D. Panghalip

28. Ano ang nais ipahiwatig ng katagang “Siya ang utak na namamatnugot sa inyong tahanan” na
makikita sa ikalawang talata?
A. Ang ama ang dapat laging masunod
B. Ang ama ang nangunguna sa paggawa ng desisyon sa pamilya
C. Dapat tularan ng anak sa lahat ng bagay ang ama ng tahanan.
D. Ang ama lamang ang dapat sundin sa lahat ng bagay.

29. Ang katagang may salungguhit sa huling talata ay palatandaan na ang teksto ay ____?
A. Deskriptibo B. Naratibo C. Impormatibo D. Persweysiv

30. Batay sa kabuuan ng teksto, ano ang nais ipabatid ng manunulat sa mambabasa?
A. Maging responsableng anak
B. Maging matulungin sa magulang
C. Mag-aral mabuti
D. Sumunod lagi sa magulang

Malubha na ang suliranin sa polusyon. Ayon sa pagsusuri ng mga dalubhasa, sa Maynila, mahigit na
walong daan (800) tonelada ang karaniwang dami ng duming nahahalo sa hanging nalalanghap natin.
Nanggagaling ang mga ito sa usok ng mga sasakyan at pabrika. Dahil dito napipinsala ang kalusugan ng
maraming mamamayan at sila’y nagkakasakit.
Ayon sa pagsusuri ng National Pollution Control Commission (NPCC), nanganganib na ang Pasig
River, Tullahan River, San Juan River, at Laguna de Bay. Kapansin-pansin kasi ang maraming mga dumi
at basurang lumulutang at nangag-ipon sa mga nasabing anyong tubig.
Idinagdag pa ng NPCC na ang dahilan ng polusyon sa tubig ay ang mga tumatapong langis mula sa
mga barkong dumadaong sa ating mga dalampasigan at pabrikang nakatayo sa gilid ng mga ilog. Dahil
ditto ang mga tubig ay bumabaho at nagiging kulay itim. Unti-unti na ring nalalason at nauubos ang mga
isda.
Kung tutuusin, ang polusyon ay likha ng tao. Tao ang may gawa nito, kaya’t tayo rin ang may
tungkuling labanan ito. Ang polusyon ay isang panganib sa ating buhay. Magpapatalo ba tayo sa panganib
na ito na tayo rin ang may likha?
Sanggunian:
Maunawaing Pagbasa at Akademikong Pagsulat ni Rolando A. Bernales

31. Anong uri ng teksto ang nabasa?


A. Naratibo B. Deskriptibo C. Persweysiv D. Impormatibo

32. Anong suliranin ang makikita sa unang talata?


A. Polusyon sa tubig C. Duming nilikha ng pabrika
B. Polusyon sa hangin D. Pangingitim ng ilog

33. Anong katangian ang taglay ng teksto upang maniwala ang mambabasa hinggil sa isyu?
A. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng teksto.
B. Nagpakita ng batayan o datos tulad ng pag-aaral na tumatalakay sa isyu
C. Gumamit ng mga salitang naglalarawan hinggil sa paksa.
D. Nagpabatid sa mambabasa na ang Maynila ay nangungunang lugar na may suliranin sa
polusyon.

34. Ano ang nais ipabatid ng huling talata sa mambabasa hinggil sa lumalalang polusyon sa bansa?
A. Ang tao ang may kagagawan kaya may polusyon.
B. Kailangang maagapan ang pagkalason at pagkaubos ng isda.
C. Tamad ang mga mamamayan sa Maynila pagdating sa paglilinis ng paligid.
D.Sa ating sarili mismo magsisimula ang pagsugpo sa polusyon.

35. Sa kabuuan, tungkol saan ang tekstong nabasa?


A. Sa maruming ilog sa Maynila
B. Suliranin sa polusyon
C. Tungkulin ng NPCC
D. Ang tungkulin natin sa polusyon

III. PAGTUKOY SA URI NG TEKSTO


Panuto: Tukuyin kung anong uri ng teksto ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na halimbawa. Ilagay
ang letra ng tamang sagot sa patlang. Maaaring maulit ang iyong sagot.

A. Impormatibo C. Deskriptibo E. Persweysiv


B. Naratibo D. Argumentatibo F. Prosidyural

_______________36. “Sa Rejoice Shampoo gaganda at kikintab ang iyong buhok. Sa murang halaga
parang nagpa-rebond ka na! Kaya’t ano pang hinihintay mo? Bili na!”

_______________37. Ang chemotherapy ay isang paraan ng paggagamot na gumagamit ng matatapang


na kemikal para mabigyang-lunas ang mga sakit tulad ng kanser. Ang pagsusuka, pagkalagas ng buhok,
pagkakaroon mga pasa, at kawalan ng gana s apagkain ay ilan lamang sa mga pangkaraniwang epekto ng
chemotherapy.

_______________38. Narito ang mga hakbang sa pag-aaplay ng lisensya sa pagmamaneho:


1. Pumunta sa costumer service center at kumuha ng application form.
2. Ipasa sa evaluation center ang nakompletong application form…….
_______________39. “Noong unang panahon mayroong mag-asawang nakatira sa paanan ng bundok.
Sila ay biniyayaan ng tatlong anak…..”

_______________40. Sa paglibot ko sa Hannah’s Beach Resort sa Pagudpud, Ilocos Norte, natunghayan


ko ang malalaking estatwa ng giraffe at paborito kong karakter sa laro na clash of clans na gawa sa
bato.Namangha rin ako sa hugis palayok na swimming pool kaya’t ako’y masayang lumangoy dito.
Mayroon din mahabang hanging bridge kung saan malalasap mo ang sariwang hanging sasampal sa iyong
pisngi mula sa nagtatayugang mga punong kahoy. Hindi ko namalayan ang pagtakbo ng oras dahil sa
masayang kapaligiran ng resort na ito.

_______________41. Nasasaad sa Section 2 ng Republic Act No. 10631 o mas kilala sa tawag na “The
Animal Welfare Act of 1998” na labag sa batas na maltratuhin ang mga hayop at hindi bigyan ng sapat na
pagkalinga. Ang sinumang lumabag ay maparurusahan ng isa hanggang dalawang taong
pagkakabilanggo.

______________42. Halina’t tayo’y magtulong-tulong sa paglilinis ng ating kapaligiran. Huwag natin


hayaang mahuli ang lahat bago pa tayo kumilos.

______________43. Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masiyahin at matalino rin
siya. Ano pa’t masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o
tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-
iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin.

______________44. Abot kayang presyo ng gamot ay matutupad na. Scholar sa mga kabataan ay
sasagutin niya. Huwag kalilimutang isulat sa balota si May Galling para sa senado. Mabait, maaasahan,
malalapitan! MAY GALLING for Senator!

______________45. Ang kanyang pakikitungo ay nagbago na; naging malamig, sinlamig ng niyebe sa
lugar kung saan kam unang nagkakilala.

______________46. Gamitin natin ang social media sa tamang paraan. Ipakita natin na tayo’y disiplinado
sap ag-iral ng makabagong teknolohiya at hindi makapananakit ng damdamin ng iba.

______________47. Nanginginig na ang kayang mga pasmadong daliri. Tila giniginaw ang mga kamay
na umaakay sa iyo noong mga unang araw ng iyong pagtuntong sa eskwela. Mga kamay na pinagkukunan
mo ng isang libo’t isang lakas upang mabuhay…

______________48. Ang sinumang lalabag sa Social Media Regulation Act of 2014 o cyber bullying ay
maaaring mabilanggo mula anim hanggang labindalawang taon at magmulta ng 30,000 hanggang 50,000
pesos.

______________49. Ang paggamit ng plastic ay tila hindi alintana ng mga tao sa lipunan… Hindi ako
sumasang-ayon sa paggamit nito. Bagama’t nakatutulong sa mga mamimili upang mapaglagyan ng mga
produktong inangkat, makasisira naman ito sa kapaligiran.

______________50. Simula sa aking pagkabata, mga lolo at lola ko na ang namulatan kong nag-aalaga sa
akin. Sabi ng aking lolo, sanggol pa lamang ako nang maghiwalay ang aking mga magulang. Ang aking
nanay ay namasukang kasambahay sa ibang bansa. Ang aking tatay naman ay may sarili na daw
pamilya… Lumaki akong salat sa kalinga ng tunay na magulang. Buti na lamang at nariyan palagi ang
aking lolo at lola…
Inihanda Nina: LADYLYN C. AVES
MA. LOURDES E. LEONARDO
GLORY JOY C. AGNES
CRISTINA L. ABOBO
(Mga Guro ng Bongabon Senior High School)

Sinuri Nina: JONNIE A. PAYOYO (Dalubguro, Talavera Senior High School)


DIANA B. LUCERO (Ulongguro, Bongabon National High School)

Konsultant: REYNALDO S. REYES (Tagamasid Pansangay sa Filipino)

SUSI NG KASAGUTAN

1. C
2. C
3. D
4. A
5. B
6. C
7. A
8. D
9. C
10. D
11. A
12. B
13. D
14. C
15. C
16. A
17. B
18. C
19. D
20. A
21. B
22. B
23. C
24. D
25. C
26. D
27. B
28. B
29. D
30. A
31. D
32. B
33. B
34. D
35. B
36. E
37. A
38. F
39. B
40. C
41. A
42. E
43. C
44. E
45. C
46. E
47. C
48. A
49. D
50. B

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
SENIOR HIGH SCHOOL
IKALAWANG SEMESTRE
Taong Panuruan 2019-2020

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Kasanayang Pampagkatuto Bilang % Bilang Pag-unawa Paglalapat Pag-susuri Pagtatay


ng oras ng a
Aytem
Natutukoy ang paksang
tinalakay sa iba’t ibang 20,33, 5, 23,32,
tekstong binasa. (F11PB- 4.8 12 6 35
IIIa-98)
Natutukoy ang kahulugan at
katangian ng mahahalagang 24.8 62 31 6,8,10, 7,11,22 3,16,26, 29, 4,9,17
salitang ginamit ng iba’t 27,28 31,36,37,38
ibang uri ng tekstong binasa. 39,40,41,42
(F11PT-IIIa-88) 43,44,45,46
47,48,49,50

Nagagamit/Natutukoy ang
cohesive device sa mga 4 10 5 12,13,14,15 21
tekstong nabasa. (F11WG-
IIIc-90)
Naipaliliwanag ang mga
kaisipang nakapaloob sa 3.2 8 4 1,2 18,19
tekstong binasa. (F11PS-IIIf-
92)

Naiuugnay ang mga


kaisipang nakapaloob sa 3.2 8 4 24, 25, 30 34
tekstong binasa sa sarili,
pamilya, komunidad, at
bansa. (F11PB-IIId-99)

Kabuuan 40 100 50

Inihanda Nina: LADYLYN C. AVES


MA. LOURDES E. LEONARDO
GLORY JOY C. AGNES
CRISTINA L. ABOBO
(Mga Guro ng Bongabon Senior High School)

Sinuri Nina: JONNIE A. PAYOYO (Dalubguro, Talavera Senior High School)


DIANA B. LUCERO (Ulongguro, Bongabon National High School)

Konsultant: REYNALDO S. REYES (Tagamasid Pansangay sa Filipino)

You might also like