You are on page 1of 19

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA INTERPERSONAL NA RELASYON NG

KABATAAN NG IKA-11 BAITANG NA ESTUDYANTE NG CABIAO

NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL TAONG 2019-2020

Mga Mananaliksik:

Hashine Kaymhe Taruc

Regine Sungahid

John Kenneth Vinuya

Ezekiel Canlas

Marinel Gamboa

Rosebelle Batas
KABANATA 1

INTRODUKSYON

Kasabay ng mabilis na pag-usad ng panahon ang mabilis na pagunlad ng mundo dahil

sa teknolohiya. Tunay na di mapipigilan ang pagbabago ng mundo. Masasabi ng isa sa

mga may pinakamalaking impak sa buhay ay ang social media. Laganap ito sa ating

mundo dahil ito ang ginagamit kung gusto nating mapabilis ang pakikipagkomunikasyon

Ilan sa mga halimbawa nito ay facebook, twitter, instagram at iba pa.

Higit na maraming mas gumagamit nito ay ang mga kabataan. Hindi na maiiwasan ng

mga kabataan ang mga ito marahil ito na ang kanilang kinagawian o nakagisnan dahil

dito hindi nila napapansin o nalalaman kung ano na ang nangyayari sa ating mundo.

Maraming kabataan ang nagsasabi na hindi nila kayang mabuhay ng walang social

media. Napakadali para sa kabataan na makipagkomunikasyon dahil sa isang text o chat

ay makakausap mo na iyong nais makausap kahit na ito'y nasa malayong lugar. Ngunit

maraming negatibong dulot ang paggamit ng social media ilan dito ay ang kawalan ng

oras sa pamilya, kawalan ng oras sa pagkain. Ang Interpersonal na relasyon ay

nangyayari maging sa social media na nagdudulot kadalasan ng mga bagay na hindi natin

inaasahan mangyari.

Narito ang mga mananaliksik upang alamin kung sadyang nakakatulong nga ba o

hindi ang social media pagdating sa interpersonal na relasyon ng mga kabataan sa ibang

tao. Ito ay nagbubunga ng interpersonal na relasyon ng mga kabataan. Ang mga

mananaliksik ay handang alamin o malaman kung ano nga ba ang naidudulot ng

interpersonal na relasyon. Maaaring ito ay ikapahamak nila o ito naman ay ikabuti.


Importante na malaman natin ng mga ito sa kanila upang malaman natin ang tamang

gabay na maibibigay sa kanila. Upang maiwasan ang mga negatibong dulot nito. Kung

hindi naman ay upang malaman kung pano gamitin ng tama ang social media upang

mapaunlad ang kanilang interpersonal na relasyon at magamit ng tama ang mga

benipisyong dulot ng social media.

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Sa bawat henerasyon ang makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang

naiiambag nito sa ating lipunan at pati na rin sa ating pamumuhay sa pang araw araw.

Hindi maipagkakaila na ang mga Social Networking Sites ay isa sa maging produkto ng

makabagong panahon. Dahil sa makagabong teknolohiya ay napapabilis nito ang

pakikipagkomunikasyon ng mga tao. Ang social media ay isa sa karaniwang ginagamit

ng mga kabataan ngayon upang makipagkomunikasyon hindi lamang sa mga taong kilala

nila kundi ginagamit din nila ang social media upang makakilala pa ng ibang tao.

Karaniwan din ginagamit ang social media sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa

isang bagay. Maaaring mangyari ang interpersonal na relasyon sa pamamagitan ng

paggamit ng facebook, skype, Instagram, twitter, etc. Kapag sinabi natin na interpersonal

na relasyon ito ay tumutukoy sa pakikipag-ugnayan ng dalawa o higit pang tao. Isa ito sa

mga pangunahing sangay ng pasalitang komunikasyon. Ang simpleng pakikipag-usap sa

karaniwang tao at mag-anak ay mga halimbawa na ng komunikasyong interpersonal.

Maaaring pasalita, di-pasalita, pasulat o pakikinig ang interpersonal na komunikasyon.

Maaari na ang interpersonal na relasyon ay nangyayari sa pamamagitan ng pakikipag-


usap harap-harapan o kaya maaari ding gumamit ng social media. Ang kahulugan ng

"interpersonal" ay nagpapahiwatig hindi lamang na ang object ng relasyon ay ibang tao,

kundi pati na rin ang mutual orientation ng relasyon. Ang mga ugnayan ng interpersonal

ay naiiba sa mga uri tulad ng pakikipag-ugnayan sa sarili, saloobin sa mga bagay,

relasyon sa intergroup .Halos marami sa mga kabataan ang gumagamit ng social media

na kung saan nakaaapekto ito sa interpersonal na relasyon sa kanilang pamilya o

kaibigan. Malaki ang nagiging epekto ng social media sa ating buhay na kadalasan

nagdudulot ito ng masama o mabuti sa atin. Ang pagkakaroon ng masamang epekto mula

nito ay nakadepende sa kung paano gamitin ng mga kabataan ang social media. Hindi

lamang sa interpersonal na relasyon nakaaapekto ang social media kundi pati na rin sa

pag-uugali ng mga kabataan na kadalasan ay nagbubunga ito ng hindi maganda sa kanila.

Ang paksang ito ay nabuo dahil sa napansin at nararanasan ng mga mananaliksik ang

komunikasyong interpersonal ay nangyayari sa pagitan ng dalawa o higit pang tao. Ang

simpleng pakikipag-usap ay halimbawa nito. Ngunit bakit nga ba naaapektuhan ito ng

social media. Ang social media ay isang uri ng pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng

makabagong teknolohiya. Ang social media ay isa sa ginagamit ngayon ng mga kabataan

hindi lang sa paghahanap ng mga balita o napapanahong isyu kundi sa

pakikipagkomunikasyon sa ibang tao. Dahil sa social media ay nagagawa nito na

maiugnay ang mga tao mula sa malalayong lugar. Sa kasalukuyang panahon, sa paksang

tungkol sa social media ay mahalaga sa paghatid ng impormasyon sa mga taong

nahuhumaling sa paggamit ng social media. Marami ang taong ginugugol halos ang

kanilang oras sa pag iinternet upang pakipag-usap sa ibang tao. Nabuo ang pag-aaral na

ito sapagkat napansin ng mga mananaliksik na maraming naaapektuhan ang paggamit ng


social media na karaniwan ay hindi maganda o mabuti ang kinalalabasan. Sa pagbago ng

panahon at pagbukas ng globalisasyon, ang pagdating ng makabagong teknolohiyang

pangkomunikasyon ay nagbukas nang pintuan upang makapili ang isang indibidwal sa

mga taong maari niyang maging kasama, kaibigan at kabiyak.4 Ito rin ay mahalagang

salik sa pagkatuto. Marami ring pagbabago sa ating kapaligiran. Sa paglabas ng

kompyuter at pgkonekta nito sa internet, nabuksan din ang ibat-ibang tsanel na maari

nating magamit sa pakikipagkapwa at pakikipagpalitan ng impormasyon upang

mapanatili ang ating mga gawain at mapabilis ang proseso ng pagkatuto at pag-aaral.

Malaki ang naging impluwensiya ng social media sa modernong panahon natin ngayon.

Kung tutuusin nawalan na nang silbi ang dating mga paraan kung paano

makipagkomunikasyon dahil sa pag usbong ng makabagong teknolohiya.Isa sa mabuting

epekto ng social media ay napapabilis nito ang pagkalap ng impormasyon at dahil din

dito mas madaling makipagkomunikasyon sa mga tao maging ito'y hindi mo kilala.Base

sa mga nakakikita at napapansin ng mga mananalisik patungkol sa paggamit ng social

media ay nagkakaroon ito ng hindi magandang gawain o nagdudulot ng masamang

epekto ito sa mga kabataan na kung tutuusin ay hindi dapat. Sa makatuwid, maraming

problema ang makikita pagdating sa interpersonal na relasyon kagaya na lamang ng

relasyon ng babae at lalaki, pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan, kawalan ng oras sa

isa't isa dahil sa paggamit ng social media, at iba pang mga salik na nakakaapekto sa

relasyon ng tao.Ang sining ng komunikasyon qy makabuo ng mga relasyon sa pgitan ng

dalawa o higit pang tao dahil sa pamamagitan ng pagkakaroon ng relasyon sa ibang tao

ay maaari kang makakuha sa kanya ng impormasyon. Sa kasalukayan halos social media

na ang ginagamit ng mga kabataan sa lahat ng bagay na gusto o kailangan nilang gawin.
Sa panahong ito may mga problema ang ugnayan sa interpersonal na relasyon ang bawat

kabataan dahil sa social media. Hindi alam ng mga kabataan na ang social media ang

nagiging dahilan kung bakit maraming tao ang nawawalan ng komunikasyon sa iba.

Kailangan ng disiplina sa pagamit ng social media maging ito'y kailangan o nais lamang

dahil hindi alam ng mga kabataan marami itong ibinibigay na hnd kanais nais na bunga

sa kanila. Ang ilan sa naaapektuhan ng social media ay ang mga sumusunod: Ang Batas

republika Bilang 10175, o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act ng 2012, ay

isang batas na tumutukoy at nagpaparusa sa cybercrime o mga krimeng nagaganap sa

pamamagitan ng internet upang pigilan at iwasan ang pagdami nito. Sa cybercrime ay

maaari ding maapektuhan ang nterpersonal na relasyon sapagkat ito ay nakakaapekto sa

dignidad ng isang tao dahil mahihirapan siyang makipagkomukasyon muli sa mga tao.

Maging sa pag-aaral ang social media ay nakakaapekto din sapagkat dahil dito nawawala

ang pokus ng estudyante sa paggawa ng mga tungkulin sa paaralan dahil mas binibigyan

nilang pansin ang pag internet o pakikipagkomunikasyon sa ibang tao kesa tapusin ang

kanilang tungkulin. Higit sa lahat ay sa kanilang pamilya. Dahil sa social media

nagkakaroon ng hindi magandang ugnayan o pagkakaunawaan ang bawat miyembro ng

pamilya. Halimbawa na lamang ang pakikipag usap na dapat ay harapan upang

magkaunawaan ng maayos ngunit dahil sa pag-usbong ng social media ay doon na

lamang nila nabaling ang kanilang atensyon at madalas ay yun na din ang kanilang

ginagamit sa pag aayos ng problema kung kaya't kadalasan ay hindin rin maganda ang

kinalalabasan nito.
Sa paghahanap ng mga iba’t ibang impormasyon na may kaugnay sa isinasagawang

pag-aaral ng mga mananaliksik ay napansin nila na halos malaki ang nagiging dulot ng

social media sa interpersonal na relasyon ng mga kabataan sa kanilang pamilya, kaibigan

at sa ibang tao. Sa pag-aaral na gagawin ng mga mananaliksik ay layunin ng mga ito ay

ang malaman kung mabuti o masama ba ang epekto na dulot ng social media sa

interpersonal na relasyon o pakikipagkomunikasyon ng mga kabataan sa kanilang kapwa.

Maaaring maging positibo o negatibo ang impak ng social media sa mga gumagamit nito.

Ilan sa mga nauusong social media na kung saan kadalasang nagaganap ang interpersonal

na relasyon ay sa Facebook, Ttwitter, Instagram, etc. Layunin ng mga mananaliksik na

mabigyang solusyon ng mga ito ang mga mambabasa na maiwasan ang maling paggamit

ng mga kabataan sa social media pagdating sa pakikipag-ugnayan sa kanilang kapwa.


PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay layuning matukoy and epekto ng social media sa

pakikipagkomunikasyon ng mga kabataan upang matukoy o malaman ang sagot sa pag-

aaral. Ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpiyang propayl ng mga respondante?

1.1 edad

1.2 kasarian

2. Ano ang dahilan kung bakit nahuhumaling ang kabataan sa social media?

3. Ano ang kinalaman ng social media sa interpersonal na relasyon ng mga respondante?

4. Anu-ano ang mga dulot ng social media pagdating sa interpersonal na relasyon?

5. Ano nga ba ang interpersonal na relasyon at paano ito nabibigyan ng impak ng social

media?
BATAYANG KONSEPTWAL

INPUT PROSESO OUTPUT

Ang pag-aaral na ito ay Inaasahan ng mga mananaliksik

tumutugon sa mga propayl ng Upang maisagawa ang sa pag-aaral na ito ay malaman

mga partisipante ng ika-11 pananaliksik sa pagkalap ng ang epekto ng social media sa

baitang ng Cabiao National impormasyon ito ay gagamitan interpersonal na relasyon nang

Senior High School: ng: ika-11 Baitang ng Cabiao

1. Edad National Senior High School.

2. Kasarian Sarbey

Kwestyuner
LAYUNIN NG PAG-AARAL

Isinasagawa ang pananaliksik na ito upang (a) maipapabatid sa mga kabataan ang

epekto ng social media sa kanilang interpersonal na buhay. Mga epektong hindi nila

binibigyang-pansin. (b) Nais malaman ng mga mananaliksik kung positibo ba o negatibo

ang paggamit ng social media. Kung positibo, anu-ano kaya ang magandang hatid nito at-

/o negatibo upang malaman ang maling epekto nito sa gumagamit ng social media (c)

alamin ang mga epekto ng social media sa relasyon ng bawat kabataan sa isa’t isa na

magbibigay tugon sa mga problemang dinaranas ng mga kabataan patungkol sa paggamit

ng social media. Nais malaman ng mga mananaliksik ang mga kinakaharap na problema

ng mga kabataan upang mabigyang kasagutan ang mga ito.

Mahalagang masagot at natupad ang mga layuning ito upang sa ganun ay maiwasan

ang mga masasamang epekto ng social media at/o tamang paggamit ng mga

magagandang benipisyong hatid ng social media sa lahat ng gumagamit nito.

Inaasahan ng mga mananaliksik na maging matagumpay ang gagawing pag-aaral

upang maipabahagi sa mga kabataang gumagamit ng lubos ng social media. Inaaasahang

makatutulong ito sa ating komunidad pagkatapos malaman ang resulta ng pag-aaral.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Malaki ang epekto ng social media sa pakikipagkomunikasyon ng mga kabataan sa

kanilang kapwa. Maaaring positibo o negatibo ang epekto nito depende sa mga taong
gumagamit. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang magiging kapaki-pakinabang sa mga

sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay makatutulong ito sa mga

mag-aaral na malaman ang tamang paggamit ng social media pagdating sa pakikipag-

ugnayan sa kanilang kapwa. paggamit sa kanilang pagaaral.

Sa pamilya. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa pamilya ng mga kabataang

gumagamit ng social media dahil bukas na ang kanilang isipan sa mga epekto ng social

media.

Sa mga mananaliksik sa hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng

karagdagang kaalaman sa mga mananaliksik sa hinaharap kung ang kanilang paksang

pipiliin ay may kaugnayan sa pag-aaral na aming isinagawa.

SAKLAW AT DELIMITASYON SA PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga kabataan ukol sa epekto ng social media sa

kanilang interpersonal na relasyon.

Ang pag-aaral ay nakatuon sa mga relasyon ng ika-11 baitang ng Cabiao National Senior

High School na may edad na 16 hanggang 20 anyos na estudyante. Limang estudyante

kada pangkat ng bawat akademikong strand ng Cabiao National Senior High School sa

kasalukuyang taon ng 2019-2020.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA


Social media- Tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila

ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang

virtual na komunidad at mga network.

Halimbawa:

 Facebook - Ang facebook ay isang halimabawa ng social media na libre ang

pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong

kompanya. Maaaring sumali ang mga tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod,

pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa

ibang mga tao. Maaaring magdagdag rin ng mga kaibigan at magpadala ng

mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-

alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.

 Twitter- Ang twitter ay isang online news at social networking service kung saan

ang mga user ay nagpopost at nag-iinterak gamit ang mga mensaheng tinatawag

na "tweet", na hanggang 140 karakter lamang mula 2006 hanggang 2017, nang

ito'y lumawig hanggang 280 karater. Ang mga nakarehistrong user ay maaaring

magpost ng mga tweet ngunit ang mga di-nakarehistro ay maaari lámang magbasá

ng mga ito.

 Instagram- Ang Instagram ay isang online mobile na serbisyong phot-sharing,

video-sharing na nagbibigay-pahintulot sa mga gumagamit na kumuha ng mga

larawan at bidyo, at ibahagi ang mga ito sa iba't ibang plataporma ng social

networking site, gaya ng facebook, twitter, instagram, skype, etc. Ang isang

kakaibang katangian nito ay ang pagpipirmi ng larawan sa hugis parisukat, na

kahawig ng mga imahe ng Kodak Instamatic at Polaroid, di-tulad sa 4:3 na aspect


ratio na kadalasang ginagamit ng mga teleponong may kamera. Maaari ring

maglapat ang mga gumagamit nito ng mga digital filters sa kanilang mga imahe.

Ang pinakamahabang oras para sa mga bidyo sa Instagram ay 15 segundo.

 Skype- Ang Skype ay isang pang-telekomunikasyon na produktong application

software para sa pagbibigay ng serbisyong video chat at pagtatawag galing sa mga

kompyuter, tablet, at kagamitang hinahawak sa pamamagitan ng internet.

 Interpersonal na relasyon- Ito ay ang pakikipag-ugnayan ng dalawa o higit pang

tao.

 Object- Ito ay ang mga bagay na nakikita o nahahawakan.


CHAPTER II

Rebyu ng mga kaugnay na literature at pag-aaral

Isa sa tatlong Pilipino ang gumagamit ng internet, ayon sa pinakahuling ulat ng

Internet and Mobile Marketing Association of the Philippines (IMMAP). Sa taong ito,

naitalang mahigit 38 milyong Pilipino ang gumagamit ng internet. Karamihan sa mga ito

ay kabataan nasa edad 30 pababa. Tinatayang pumalo na sa 100 milyon ang populasyon

ng bansa ngayong taon. Mas maraming Pilipino pa ang inaasahang gumamit ng internet

ngayon taon dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo nito, paliwanag ng IMMAP. Ayon pa

sa pag-aaral ng IMMAP, nitong Setyembre lamang, mahigit 22 milyong Pinoy ang

gumamit ng kanilang Facebook gamit ang kanilang mga smartphone.

Ayon kay IMMAP president Michael Palacios, kadalasan smartphone ang

ginagamit ng mga nag-iinternet. Malaking porsyento rin umano ng mga bumibili online

ay gumagamit ng smartphone. Hindi malayong mangyari iyan kung gumagamit ng

Internet ang iyong anak. “Posible nang mag-usap-usap ang mga tao sa pamamagitan ng

napakaraming paraan gamit ang Internet, kasama na rito ang mga message board, instant

messaging, at ang tinatawag na mga social networking site,” ang sabi ng magasing

Science News. Madaling natutuhan ng mga kabataan ang paggamit ng Internet. Sa

katunayan, noong 2004, halos 9 sa bawat 10 katao sa Estados Unidos na nasa edad 12

hanggang 17 ang gumagamit ng Internet, na nagagamit din naman sa halos lahat ng panig

ng daigdig.
Ayon sa mag aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas mga Senyor

Hayskul 11-1D Tourism ang pananaliksik na ito na pinamagatan na mga mabuti ay

naglayong alamin ang epekto sa pag gamit ng social media negatibo man o positibong

mga ito.

Ayon saming pagsisiyasat sa mga mabuti at hindi mabuting epekto ng social sa

media sa kabataan sa henerasyon ngayon ay maraming estudyante ay may nasabi sa hindi

mabuting epekto ng social media na nakadudulot ng pagbaba ng grado sa kanilang pag

aaral, kakulangan sa oras para sa pamilya at maaring mapalapit sa masamang gawain ang

mga estudyante. Marami rin nagsasabi na marami din naitutulong social media lalo na

pakikipagkomunikasyon, dahil napapadali nito ang pag-uusap ng dalawang tao na

magkalayo tulad ng mga ofw na nakakausap ang kanilang pamilya gamit ang social

media.

Ayon kay Tamayo, 2012 (Mga salik na nakakaapekto sa relasyon ng anak sa

magulang at mga epekto nito sa pakikipag-ugnayan sa pamilya) ang relasyon ng bawat

miyembro ng iisang pamilya ay napakahalaga sapagkat ito ang pundasyon ng lahat ng

dakilang bansa. Nakatutulong ito sa paghubog ng pagkatao ng bawat miyembro ng

pamilya. May mga katangiang kailangan sa pagkakaroon ng matatag na pamilya. Una,

ang may pananagutan sa bawat miyembro at pagpapakita ng pagpapahalaga sa isact isa.

Ikalawa, ang pagkakaroon ng mabuting komunikasyon at pagsasama-sama n g pamilya.

Mahalaga ang mga nasabing katangian dahil ito ang nagbubuklod at nagpapatibay sa

relasyon ng bawat miyembro ng pamilya.

Ayon sa pag-aaral nina Rajeev at Jobibal, 2015 (Epekto ng social media sites sa

relasyon ng mga Grade 11 Accountacy, Business and Administration sa kanilang


pamilya) na ang sosyal midya ay nagkakaroon ng masamang epekto sa kabataan na kung

saan ay nabibigyan ang mga kabataan na sumagot pabalik sa magulang o makipag-

negotiate patungkol sa curfews at safety issues. Maaaring magdulot ito ng pagkasira ng

relasyon ng mag-aaral sa kaniyang pamilya dahil sa pagsagot ng pabalik sa mga

magulang.

Ayon sa pag-aaral nina Siddiqui at Singh (2016), making oras ang iginugugol ng

mga tao sa social media na nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang atensiyon o

pansin sa isang particular na gawain. Ang ilang panlipunang relasyon, katulad ng pamilya

ay humihina sa patuloy na paggugol ng oras ng mga tao na makipag-ugnayan sa iba pang

tao.

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Ma. Fe Gannaban PhD (2013), ang social

media o social networking sites ay isa sa mga dulog-teknolohikal na magagamit ng mga

guro sa pagtuturo sa kanilang mga estudyante. Maaring magbigay ito ng oportunidad sa

mga guro upang komonekta sa kaniyang mga mag aaral.

Batay naman sa mga pagaaral ni Fionamae Abainza (2014), ang social media

katulad ng facebook ay isang daan na maaaring makapagdulot ng maganda sa mga

kabataan. Isa na dito ay ang maaring magkaroon ng malayong ugnayan ang bawat tao

para magkaroon ng komunikasyon dahiul sa paggamit nito. Isa ring dulot ng mga social

media ayon sa mga pag aaral ay ang pagpapadali nito sa pangangalap ng mga

impormasyon.

Ayon kay Chris Borgan, sa librong Social Media and Social Networking Starting

Points (2010), For you, itcs mostly a question of whether you have the community in
place and are looking for a targeted place within your platform to offer them tools and

resources to connect and cross- communicate. Who turns their online property into a

social network around their magazinecs points of interest instead of rehash of their

magazine. Sinasabi sa artikulo nito ang pagkilala sa mga social networking site bilang isa

makabagong paraan na maaring makatulong upang magkaroon ng koneksyon sa ibact

ibang komunidad sa ibact ibang lugar. Ito rin ay masasabi upang isang mabilang paraan

upang makipaguganayan sa mga tao at makakuha ng isang mabuting malilikuman na

impormasyon. Mapapakita sa pag-aaral na ito kung paano nababago ng mga social

networking sites ang paraan ng pamumuhay ng isang komunidad sapagkta sa

pamamagitan ng mga social networking sites, pinapakita na mas napapadali ang

pamamaraan at proseso nito. At dahil sa dahilan na ito kaya napapabilis ang paraan na

ito.

Ayon kay Miel Torres ng Tanauan Institute Inc. na may kursong Business

Administration, sa kasalukuyang panahon, sino pa ba ang hindi nakakaalam ng isa pa sa

mgasikat na imbensyon, ang computer. Bagay na nagpadali ng buhay ng mgamag-aral

nakatulad ko. Ayon nga sa mga nakatatanda, kung dati raw ay aabutin ka ng mag-hapon

sa library ng paaralan upang hanapin ang kahulugan ng mga leksyon, ngayon ay nariyan

sa bawat kanto ng Metro Manila hindi lang sa lugar ng mga urban maging sa rural ang

mga “Internet café”.) Sa isang pindot lang, nasa harap mo na agad ang hinahanap mo.

Maliban pa sa sobrang bilis na proseso na paghahanap ng leksyon, nariyanpa ang printer

upang solusyonan ang problema sa matagal na pagsusulat ngmga takdangaralin. Click

lang ng click ay makukuha mo na ang isang mabilis naproseso nagpaggawa. Kung isang

matalinong indibidwal nga naman ang gagamit ng teknolohiya, siguradong malayo ang
mararating ng ating bansa. Malaki ang maitutulong nito upang umunlad at patuloy na

mapadali ang proseso ng modernisasyon na siyang magdadala sa bawat tao sa tiyak na

tagumpay. Ayon kay DepEd. Asst. Secretary Teresita Inciong, kinakailangan na

pagsabihan lang ng mga guro ang kanilang mga estudyante na patayin o itago ang

cellphones ng mga ito habang nasa klase para makaiwas sa anumang reklamo mula sa

mga magulang laban sa kanila

Ayon kay Deanna Zandt sa librong Share This: How you will Change the World with

Social Media (2010), The difference between old ways of communicating and what’s

happening on the internet now is the digitization of our relationships and networks. Social

networks are not a new phenomenon people have belonged to numerous networks since

the beginning of humanity. Think of your own social spheres, which may include work

friends, family members, and neighbors. Now picture them just as isolated from one

another in our minds, but also as overlapping at some points, and connected in public

through you. We’re sharing information about ourselves and our networks online, which

leads to more connections with other people and other networks.


Kabanata III

Disenyo at metodo ng pananaliksik

Disenyo ng pnanaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong sarbey, ito ay isang paraan na

may kinalaman sa taktika na ginagamit upang makakuha ng impormasyon na siyang

gagamitin ng mananaliksik sa pag-aaral tungkol sa kamalayan ng mga kabataan sa

paggamit ng social media.

Lokal ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na gagawin ng mga mananaliksik ay binubuo 45 na mag-aaral na nasa

Ika-11 baitang ng Cabiao National Senior High School.

Taktika sa pagkuha ng datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling technique sa pangangalap

ng mga respondante na kung saan ang mga kalahok ay pinili base sa kanilang pangkat.

Kinakailangan na ang mga respondante ay nasa Ika-11 baitang na estudyante sa taon na

2019-2020 sa paaralan ng Cabiao National Senior High School.

You might also like