You are on page 1of 13

Kabanata I

Ang Suliranin at ang Sanligan Nito

PAKIKIPAGNEGOSASYON ONLINE (ONLINE SHOPPING)

NG AYOSDITO, LAZADA, SULIT AT IBA PA

Panimula

Ang pakikipagnegosasyon online ay nagsimula pa noong 1900 kasabay ng

pagdating ng Internet kung saan ang transaksyon ng mga mangangalakal ay natawag ang

pansin. Ang pakikipagnegosasyon online ay nagbukas ng pinto ng oportunidad para sa

maraming negosyante. Dati, ang mga malalaking negosyo lamang ang may access sa

web. Gayunpaman, ngayon, ang puhunan ng mga indibidwal sa pagbubukas ng negosyo

gamit ang internet ay nagpapatuloy kaya’t ito ay masasabing pinakapopular na

pakikipagsapalaran sa negosyo sa lipunan.

Isa ang mga business networking sites sa usong-usong teknolohiya ngayon. Ang

mga business networking accounts na kilalang-kilala ngayon ay Ayosdito.com, Sulit.com,

Lazada.com at pati sa mga social networking site gaya ng Facebook, Instagram at Twitter ay

meron na din nagtatayo negosyo. Marami ang magagawa sa mga business networking sites

tulad ng makipagkomunikasyon, gumamit ng iba’t-ibang mga application, at

makapagsimula ng negosyo. Maaaring kumita ng pera sa paggamit lang ng online

networking o online business. Ang online business o business networking sites ay

kinagigiliwan ng lahat: maging babae man o lalaki, matanda o bata, mahirap o mayaman.
Sa pamamagitan ng mga online business site ay nagiging mas mabilis at madali ang

pagbili ng produkto subalit hindi nakakasiguro ang mga mamimili na dekalidad ang mga

produktong binebenta online. Karamihan sa mga nawiwili sa mga ito ay ang mga

estudyante.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang magbahagi ng karagdagang kaalaman sa

mga estudyante ng Pamantasan ng Silangan-Kalookan na nagbukas o magbubukas pa lang

ng sariling negosyo gamit ang internet. Nais din ng pag-aaral na ito na ibahagi ang mga

epekto ng pagtatayo ng online business sa mga estudyanteng tulad namin.

Pagpapahayag ng suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-anong Online Business ang tinatangkilik ng mga estudyanteng kolehiyo sa

Pamantasan ng Silangan Kalookan?

2. Paano nakakaapekto ang Online Business sa mga estudyante sa Pamantasan ng Silangan?

3. Anu-ano ang karaniwang tinatangkilik/binibili ng mga estudyante ng Pamantasan ng

Silangan?

4. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit tinatangkilik ng mga estudyante ang Online

Business?

5. Anong kurso ang karaniwang tumatangkilik sa Online Business?

6. Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang ng isang negosyanteng magtatayo ng isang Online

Business?

7. Bakit maraming kabataan ang tumatangkilik sa pagbubukas ng negosyo gamit ang

internet?
8. Anong mga edad ng estudyante ang karaniwang tumatangkilik sa mga produktong

Online?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang Pag-aaral na ito ay nagbibigay halaga din sa mga sumusunod:

Mag-aaral

 Upang makapagpasya kung dapat nga bang tangkilikin ang Online Business.

 Upang malaman kung maganda nga bang simula ng negosyo ang online para sa mga

estudyante.

Guro

 Upang mabatid nila ang mga suliranin at epekto ng Online Business sa mag-aaral at

makatulong sa pamamagitan ng paraan ng kanilang pagtuturo.

Negosyante/Mamamayan

 Upang malaman nila kung ang Online Business ay isa nga bang magandang uri ng negosyo.

 Upang malaman nila kung ano ang mga epekto ng Online Business.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga estudyante ng Pamantasan ng Silangan-

Kalookan na kasalukuyang nag-aaral ngayong ikalawang semestre taong pampanuruan 2013-

2014.Upang malaman kung ano nga ba ang Online Business at ang epekto nito sa mga mag-

aaral. Sasakupin lamang ng pag-aaral ang mga pananaw, opinion at damdamin ng mga mag-aaral

ng Pamantasan ng Silanagn-kalookan.

Dipinisyon ng mga katawagan

Online Business

Ang Online Business ay isang negosyo na ginagamitan ng teknolohiya o internet.

Internet

Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga
tao sa buong mundo.

Web

Ang web ay isang sistema na siyang nagpapagalaw sa Internet.

Teknolohiya

Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang
pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa
paglunas ng mga suliranin ng tao.
Negosyo

Ang negosyo ay isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang mga mangangalakal
ng kanilang pawis, pag-iisip at salapi upang kumita.

Negosyante

Negosyante ang tawag sa taong nagbebenta ng iba’t-ibang produkto.

Negosasyon

Ang alternatibong termino ay kalakalan.


Kabanata II

Kaugnay na Literatura at Pag – aaral

Kaugnay na Literatura

Lokal:

Ayon kay Steven Solomon sa aklat na Small Business idinepensa niya na “ In poor

developing countries small project are much better than big project “.

Isa ang Pilipinas sa mga papaunlad na bansa, at npagtanto na marami na ang nag bebenta

gamit ang internet. Gamit ang social networking site nakakapag tayo sila ng Online business na

maari magbenta ng mga kakaiba at pangkaraniwang bagay na ginagamit ng tao. Ito ang paraan

nila upang mapaunlad ang kanilang negosyo pati ang ekonomiya ng bansa. Kahit sino ay

pwedeng magnegosyo nito mapalalaki o babae, mayaman o mahirap, bata o matanda. Isa rin

itong magnadang gawin pag wala kang mahanap na trabaho, at maliit lang na puhunan ang

kinakailangan.

Banyaga:
Ayon kay Brian Adams, studymode.com “Trust is probably the single most important

factor in running an Online Business. Although the volume of the use their credit cards due to

many scams, frauds and other-fly-by high operations plaguing the internet.

Mahirap magtiwala sa isang tao lalo na kung tungkol sa pera ang pinaguusapan. Isa sa

mga dahilan kung bakit mahirap magtiwala ay dahil sa kahirapan. Sa mga kalagayan ng Online

Business kinakailangan makuha ang tiwala ng mamimili upang makabenta ng kanilang produkto.

Hindi lang sa kalidad at presyo ng produkto ang batayan ng mga mamimili kundi pati na rin ang

estado at itsura ng business site ng may-ari nito.

Ayon din kay Chris Brogan (chrisbrogan.com) Oraganizations have a lot to consider once

they decide they want to jump into a social networking and social media. There are many

opportunities to slide off the trails, or worse to let the effort fall into disarray.

Sa ating henerasyon, ang Internet ay isang malaking tulong sa ating lahat. Napapadali at

napapabilis nito ang ating mga gawain. Katulad ng pakikipagkomunikasyon sa ating minamahal

sa buhay na nasa malayong lugar at pagbebenta ng mga gamit. Ngunit kasabay din nito ang

paglabas ng mga mapanlinlang at mapagsamantalang mamamayan. Kung kaya’t dapat suriin

natin at magingat tayong mabuti.

Kaugnay na pagaaral

Lokal:

Isinaad ni Feliciano Fajardo sa aklat na “Peak performance can be obtain through careful

placement, sufficient & necessary information opportunities for participation, and high standard

of performance”
Hinahanap ng mamimili ang dekalidad na produkto. Masasabi rito na kailangan ng mainam

na pakikipagnegosasyon upang mabili ang produktong binibenta sa online. Ayon rin sa pag-

aaral, mas marami ang maaring bumili ng isang bagay sa online. Ayon rin sa pag-aaral, mas

marami ang maaring bumili ng isang bagay online kung ito ay naiprisinta ng ayos at naayon sa

araw o okasyon.

Ayon namn kay Adam, Z.R, (papercamp.com), “The major different type of e-commerce

(B2B) Business to Business, (B2) Business-to-consumer, (B26) Business to Government, (C2)

Consumer to Consumer and M-commerce while is mobile commerce”

Pinakamadali ang Online Business sites dahil marami ng mapag-pipiliang sites, produkto,

tatak at presyo ang mahahanap dito. Katulad sa kataga ng isa sa mga sikat ng Online Business na

sulit.com na “Hanap, Usap, Deal” masasabi rito na kahit na nasa bahay o nasang lugar ka man ay

maari kang makabili at kikita naman ang nagbebenta.

Banyaga:

Ayon kay Mckinsey, “More objects are becoming embaded w/ sensors and gaining the ability

to communicate. The resulting information networks promise to create new business models,

improve business process, and reduce costs and risks” .

Para naman sa ginagawang pananaliksik ni Mckinsey, dahil sa Online Business sites,

nagkaroon ng bagong paraan ang mga supplier upang kumita ng pera, pinababa rin nito ang

presyo at pinalawak ang kapakanan ng mga bumibili, mas napadali na ngayon ng teknolohiya

ang buhay ng mga tao.


Sintesis

Ayon sa mga artikulo na nabasa at napagalaman ng mga mananaliksik maraming tulong ang

naiidulot ng teknolohiya sa pangaraw-araw na buhay. Katulad na lamang ng napiling paksa ng

mga mananaliksik na Online Business. Nasasaad sa artiko ng studymode.com na sa tamang

kasaysayan ng komersyo sa pagbebenta ay malaki na ang naiambag ng teknolohiya sa katunayan,

ang teknolohiya ang isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pagbili at pagbebenta ay

nagiging madali, mabilis at mabisa. Kung kaya naman napakaraming mga tao ang sumasangguni

sa teknolohiya para sa kanilang pamimili. Ayon rin sa artikulong inilabas ng Fortune Magazine

ang Facebook ay ang numero unong social network ngayon sa buong mundo. Kung kaya’t

ginagamit ito na mga malalaking kompanya para dito ilagay ang kanilang advertisement at para

mas madaling malaman ng mga mamimili ang tungkol sa kanilang mga produkto hindi lamang

ang mga kompanya ang nakikinabang sa ganitong pamamaraan dahil maging ang mga

ordinaryong tao ay ginagamit ang Facebook upang magbenta ng ilang kagamitan sa

pamamagitan ng pag popost ng kanilang nais na ibenta na produkto. Ang JDNS company ay isa

sa mga kumpanyang gumagamit ng online business site dahil ayon sa kanila ginagawa ang

system na ito para sa kumpanya upang magkaroon ng mahusay na paraan at upang mahawakan

ang transakyon, particular ang pag order na sistema. Gamit ang ipinanukalang sistema, ang isang

customer ay maaring umorder ng produkto ng kumpanya ano mang oras. Kahit saan dagdag pa

dito ay nakaka tulong pa ito na mapabuti ang kahusayan ng kumpanya sa mga tuntunin ng

paghawak ng transaksyon, particular ang kanilang sistema sa pag order. Bukod dito, dahil ang

system ay sa pamamagitan ng online at sa pamamagitan ng SMS, ang prospektib na mga

customer ng kumpanya ay tumaas. Kaya ang sistema ay maaring mag ambag sa pag taas ng

benta ng kanilang mga produkto. Napag tanto ng mga mananaliksik na lumipas na ang maraming
dekada at tuluyan na ding binago ang panahon ang mundo pati na rin ang saloobin ng kaluluwa

ng tao sadyang tayo ang walang kapagurang galuganin ang mga bawat sa posebilidad upang

maabot ang pinakamataas na antas ng pamumuhay. Isinilang ang teknolohiya ayon sa

pagkahayok natin sa pagbabago.

Sanggunian:

Studymode.com

Papercamp.com

Social media and social networking starting

Fortune magazine

Mckinsey quarterly

Small business

Cooperatives
Kabanata III

Metodolohiya

Disenyo Ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib na
pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang
pananaw ng mga estudyante ng Pamantasan ng Silangan-Caloocan na bumibili ng produkto
online.

Setting Ng Pag-aaral
Isinagawa ang pananaliksik na ito sa loob ng Pamantasan ng Silangan Caloocan Campus
dahil maraming mag-aaral ang tumatangkilik at bumibili sa mga produkto online.

Mga Respondents
Ang mga piniling respondents sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng iba’t-ibang
departamento sa Pamantasan ng Silangan-Calooca mula una hanggang apat na taon ng
kasalukuyang semester taong panuruan 2012 – 2013. Sa unang taon ay mayroong 25
respondents, sa ikalawang taon ay mayroong 25 respondents. Sa ikatlong taon ay mayroong 25
respondents at para sa ikaapat na taon ay mayroon ding 25 respondents. Sa kabuuan ay
nakahanap ng 100 respondents ang mga mananaliksik.

Instrumentong Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng sarbey, kwestyuner upang
malaman ang pananaw ng mga mag-aaral sa Pamantasan ng Silangan Caloocan Campus.
Upang lalong mapagbuti ang pag-aaral ay minabuti ng mga mananaliksik na mangalap ng
impormasyon sa iba’t – ibang hanguan sa aklatan tulad ng mga libro, journal, pahayagan at iba
pa.
Tritment Ng Mga Datos
Dahil ang pamamaraang pananaliksik na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi
isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri ay walang ginawang pagtatangka upang
masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika. Tanging pagtatally
at pagkuha ng porsyento lamang ang kianakailangang gawin ng mananaliksik. Ang paraang
ginamit ng mananaliksik sa pagkokompyut ng porsyento sa pag-aaral na ito ay ang mga
sumusunod:

Ang Online Business at ang epekto nito sa mga estudyante ng Pamantasan ng


Silangan Kalookan kampus

Isang pamanahon na iniharap sa mga daluguro ng mga Filipino bilang isang


katuparan sa kahilingan ng kursong Filipino 112.
Ipinasa nina:
Armas, Charlene A.
Sioson, Iris P.
Merin, Rachel M.
Madarang, Gladez Mar S.
Sajulga, Dianne Lae S.
Villaluna, Monique L.

You might also like