You are on page 1of 1

Mahal kong, Nanay at Tatay,

Una sa lahat, nais ko kayong pasalamatan sa lahat ng mabuting bagay na ginawa niyo
para sa akin at sa amin ng mga kapatid ko. Sa pag-aaruga at pagpapalaki sa amin, hanggang sa
patuloy na pag bigay ng mga hiling at pangangailangan namin. Maraming Salamat sa inyo nanay
at tatay. Kayo ang naging kasangga ko sa lahat. Salamat rin po pala sa malaking parte niyo sa
pagtupad sa mga pangarap ko. Dahil ramdam ko ang pagmamahal niyo at suporta sa mga
mabubuting bagay na gagawin ko. Sana patawarin niyo ako sa mga minsan kong pagsagot sa
inyo. Sa hindi ko pagsunod at pagrespeto sa inyo. Patawarin niyo rin ako sa pagiging pasaway
ko. Sana mapatawad niyo ako sa mga maling gawain na nagawa ko.

Alam ko na sa balang araw na pagtanda niyo ay mababawasan ang inyong mga lakas,
kung kaya’t nandirito kami ng mga kapatid ko na handang tumulong at alagaan kayo. Mahal ko
kayo.

Nagmamahal, inyong anak 💜

You might also like