You are on page 1of 11

Pagsasanay

#1

1. Sino-sino ang mga BOURGEIOSIE?


Mga nasa gitnang uri ng lipunan. Mga negosyante
at propesyonal. Halimbawa ay Doctor, Engineer,
Nurse, Teacher at Abogado.
2. Katangian ng mga BOURGEIOSIE?
- Binubuo ang Bourgeoisie ng mga artisan at
mangangalakal ngunit noong ika-17 siglo ay
binubuo na sila ng mangangalakal, banker,
shipowner, mga pangunahing mamumuhunan, at
mga negosyante
- Hindi sila nakadepende sa sistemang piyudal
- Ang kanilang kapangyarihan ay pang-ekonomiya
lamang noong ika-17 siglo
- Hindi nakatali sa mga panginoong may lupa o landlord
3. Ano ang kanilang papel sa paglakas ng Europa?
Ang mga bourgeoisie ang naging dahilan sa pagkakaroon ng transpormasyon at pagbabago sa lipunan
noon. Dahil sa kakayahan nilang makipagtransaksyon, naging sentro ng industriyalisasyon ang bansa. Ang
mga pagbabago o mga pamana ng bayan ay nagiging elemento sa muling paglakas ng Europa.
4. Ano-ano ang mahahalagang pangyayari noong ika-17,18 at 19 na siglo?
Noong ika-17 na siglo, nagging isang makapangyarihang puwersa ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila
ng mga mangangalakal, banker, shipower, at negosyante. Noong ika-18 na siglo. Pang-ekonomiya lamang
ang kapangyarihan nila. Noong ika-18 na siglo, nagging makapangyarihan at masalapi ang mga bourgeoisie
sa Western Europe. Lumaki ang impluwensiya nila sa publiko. Ginamit nila ang kanilang propesyon at
panulat upang makagawa ng reporma sa pamahalaan. Noong ika-19 na siglo, doon pa lamang sila
nagkaroon ng politikal na kapangyarihan, Nagkamit sila ng karapatang politikal, panrelihiyon, at sibil sa
pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo.
5. Paano makakatulong ang mga BOURGEOISIE sa kasalukuyan sa bansa?
Nakatulong ang mga Bourgeoisie sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagmana o pag-ambag sa atin ng
banker, pari, artisan, at iba pa. At ang mga pagbabagong isinulong nila ang nagpalakas at nagbigay ng
kapangyarihan sa kanila upang magkaroon ng transpormasyon ang lipunan at ekonomiya.

1. Ipaliwanag ang nasa larawan.


a. Sino-sino sila? -Mga bansa kung saan lumaganap ang merkantilismo
b. Sino ang “Mother country”? Ano ang kanyang ginagampaan para sa kanyang nasasakupan? -Gumagawa siya
ng manufactured goods gamit ang mga materyales na ibinibigay ng colonies, na ibebenta rin sa sakanila.
c. Sino ang mga “Colonies”? -India, Singapore, Canada
d. Ano ang ginagampanan ng mga bansang ito para sa “Mother Country”? -Sila ay nagbibigay ng raw materials
para makagawa ang mother country ng manufactured goods na ibebenta rin sa kolonya

Pagsasanay
#2 1. Ipaliwanag ang nasa larawan.
a. Sino-sino sila?
b. Sino ang “Mother country”? Ano
ang kanyang ginagampanan para sa
kanyang nasasakupan?

Pagsasanay
c. Sino ang mga “Colonies”?
d. Ano ang ginagampanan ng mga
bansang ito para sa “Mother
INDIA SINGAPORE
country”? CANADA

#3
1. Paano nakaapekto ang sistemang merkantilismo sa kaunlaran ng mga nation-state?
Malaki ang naging epekto ng merkantilismo, isang uri ng pang-ekonomiyang sistema, sa paglago ng mga
nasyon-estado, lalo na ng mga teritoryo sa Europa. Dahil sa kaisipang ito, ang kaunlaran ng isang bansa ay
nakabatay sa dami ng mga mahahalagang metal sa pagmamay-ari nito. Ito rin ang isa sa mga nagtulak
upang magpaligsahan ang mga bansa na siyang tumuloy bilang kolonyalismo.

2. Ipaliwanag ang doktrinang bullionism? Ano ang kaugnayan nito sa teorya ng merkantilismo?
Ang Merkatilismo ay isang sistema na ang pangunahing mga layunin ang politikal. Ang mga layuning ito ay
ang magkaroon ng malaking kitang magbibigay-daan upang ang hari ay makapagpagawa ng mga barko,
mapondohan ang kanyang hukbo, at magkaroon ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong
daigdig. Ang doktrina ng bullionism ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang
tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito.
Pagsasanay 1. Ano ang salik na nagpabago sa konsepto
ng monarkiya at paglakas ng
kapangyarihan ng hari?
2. Ano- anong bansa sa kasalukuyan ang

#4 pinamumunuan pa rin ng hari at reyna?


Magbigay ng halimbawa.
3. Paano nakatulong ang nation state sa
paglakas ng Europe?

1. Ano ang salik na nagpabago sa konsepto ng monarkiya at paglakas ng kapangyarihan ng hari?


1.    Ang pagkakatatag ng pambansang monarkiya o national monarchy.
2.    Ang kawalan sentralisadong pamahalaan sa panahon ng piyudalismo.
3.    Ang pag-usbong ng mga burgesya.
4.    At ang unti-unting paglipat ng tiwala ng mamamayan sa hari at pagbabayad ng buwis dito kapalit ng
proteksyon.

2. Ano-anong bansa sa kasalukuyan ang pinamumunuan pa rin ng hari at reyna? Magbigay ng halimbawa
Sa kasalukuyan, ang bansa  tulad ng United Kingdom sa  Europa ay pinamumunuan ng isang Reyna (Queen
Elizabeth). Sa Asya naman, ang mga bansang Nepal at Thailand ay pinamumunuan ng hari.
Pinamumunuan din ng mga hari ang mga bansang Spain at Monacco.

3. Paano nakatulong ang nation state sa paglakas ng Europe?


Pinaniniwalaang isa sa mga elemento na nakatulong sa paglakas ng Europe ay ang mga nation-state. Sa
pagkakatatag ng nation state, ay naitatag din ang mga sentralisadong pamahalaan na dahilan sa paglakas
ng Europe. Sa paglakas nito ay nakabuo ang Europe ng mga bagong institusyong pampolitika, panlipunan
at pang ekonomiya na nagbigay-daan sa pagpapalawak ng impluwensya nito. Ang pagkabuo at paglakas ng
nation-state o nasyonalismong ekonomiko, kung saan kaya ng bansang tustusan ang sarili nitong
pangangailangan ay nakatulong din sa paglakas ng Europe.
Dahil ninais ng mga bourgeoisie na palayain ang sarili mula
sa anino ng piyudalismo, sa pakikialam ng monarkiya sa
personal na kalayaan, at sa karapatan sa kalakalan at
pagmamay-ari.
1. Ano ang naging papel ng Simbahan sa paglakas ng Europe?
Ang simbahan ang nagpapalaganap ng relihiyon at paniniwala ng Europe kaya ginamit nila ito upang
mapalakas ang kanilang bansa. Ang kapangyarihan ng simbahan ay lumakas na siyang nagsilbing
proteksyon ng mga mamamayan.Ang simbahan din ang tumayong tagapangalaga ng kalinangan sa
Europe noong panahon ng Medieval. Sa paglakas ng simbahan ay siya ding pag lakas ng Europe dahil sa
naibalik muli ang kaayusan, nanumbalik ang siglang pangkalakalan, umusbong ang mga lungsod at hindi
nagtagal ay naging nation state ang Europe.

2. Bakit mahalaga ang impluwensiya ng Simbahan sa paglakas ng Europe?


Dahil ang pagpapalaganap ng kanilang relihiyon ang naging sandata nila upang manakop ng ibang bansa

3. Paano nakatulong ang simbahan sa paglakas ng Europe at transpormasyon ng daigdig?


Ang isa sa mga layunin ng pananakop ng mga kanluranin ay ang mapalaganap ang kristiyanismo. Nang
manakop ang Europe,kakambal nito ang pagpapakilala sa kristiyanismo kung saan ang mga tao ay naging
bukas sa makabagong paniniwala. Kasabay ng paglaganap ng kristiyanismo ang pagkakaroon ng
pagbabago sa buhay ng mga Asyano na naging simula ng transpormasyon ng paniniwala sa buong mundo.

4. Malaki pa rin ba ang impluwensiya ng simbahan sa kasalukuyan? Patunayan.


Opo dahil ito ang nagtakda sa atin na magkaroon ng pamantayan tulad ng pag-uugali, at moralidad. At
mahalaga ito dahil nakasama ito sa utos ng ating Diyos na huwag kalimutan ang Sabbath day. Dito rin tayo
nananalangin at nagsisi sa ating mga nagawa at sambahin at pag-aralan ang banal na utos.
Bilang isang mag aaral, paano mo pahahalagahan ang iyong baon?
Gagamitin ko lamang ito sa aking mga pangangailangan at hindi ko ito gagastusin sa mga luho. Maari ko
itong gawing ipon para may pagkukuhanan ako kung sakaling nagkaroon ako ng problema sa hinaharap.

*Kung ikaw ay isang propesyonal, paano mo pahahalagahan ang iyong sweldo?


Hindi ko ito gagastusin ng basta basta. Maaring ideposit ko ito sa aking bank account upang hindi ko ito
magastos lahat at maipon ko ito para sa aking mga pangangailangan.

*Kung ikaw naman ay isang negosyante, paano mo pahahalagahan ang iyong kapangyarihan?
Gagamitin ko lamang ito sa mabuting paraan. At hindi ako gagawa ng illegal na gawain o negosyo.
Pahahalagahan ko ang aking kapangyarihan sa pamamagitan ng pag-tulong at pag-impluwensiya sa mga
taong gusto ring mag negosyo.

You might also like