You are on page 1of 1

Tapia, Maysie Angily, C.

GED0108 Retorika at Panitikan ng Pilipinas

Formative Assessment 2

August 29, 2020

Ang pagtanggal sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay isang maling desisyon. Hindi dapat ito
tanggalin dahil madaming maaapektuhan at hindi lahat sa atin ay may tiyak na kaalaman tungkol
sa wikang Filipino at ang mga diyalekto nito.

Mas kailangan nating aralin pa ang wikang Filipino dahil ito ay ating wika sa ating bansa.
Karamihan sa atin ay hindi alam ang pinag kaiba ng ibang mga salita at madami din sa atin ang
may hindi alam sa mga malalalim na salita. Kung tatanggalin ang asignaturang Filipino sa
kolehiyo magkukulang lalo ang ating kaalaman sa sarili nating wika. Ang tamang pag gamit ng
ibang salita ay kailangan pa nating pag-aralan. Ang ating mga bayani ay nakipaglaban para sa
ating wika dapat natin itong suportahan at bigyan pa ng pansin ang wikang Filipino. Huwag natin
sayangin ang pinaglaban ng ating mga bayani, dapat pa nating paunlarin ang wikang Filipino at
ito ay wag alisin.

Ang iba’t ibang wika sa Pilipinas ay dapat gamitin sa pang araw-araw upang ito ay mas umunlad
pa. Gamitin ng gamitin ang wikang Filipino sa komunidad upang ating wika ay hindi mamatay.
Bigyan ng kaalaman ang ibang tao at ito ay ating pahalagahan. At sa panahon ngayon, ang social
media ay isa sa malaking tulong upang ipalaganap ang kahalagahan ng wikang Filipino. Ang pag
post na may kinalaman sa pagpapahalaga sa wikang Filipino ay isang malaking tulong upang ang
ating wika ay mas mabigyang pansin pa.

You might also like