You are on page 1of 15

Paggawain/Task:

Panuto: Basahin ang mga impormasyong nakapaloob sa Modyul 2. Pag-aralan ang mga ito bilang
paghahanda sa Midterm na Pagsusulit sa Agosto 6, 2020 sa loob ng isang oras lamang.

MODYUL 2: Mga Gabay sa Pagsusuri ng Pelikula Batay sa Sumusunod na mga Elemento

Tema

Tauhan/Karakterisasyon

Kuha o Shots at Anggulo

Musikhitsuraa, Tunog at Pag-iilaw

Disenyong Tagpuan

Kasuotan

Make-up at Pag-arte

Film Devices/Naratibong Teknik

GABAY SA PAGSUSURI NG ISANG PELIKULA

Ang panunuring pampelikula ay isang paraan ng pagsukat ng kaalaman sa pamamagitan ng pagbibigay-puna,


reaksyon, halaga sa napanood na pelikula. Layunin nitong mapalutang ang teoryang pampanitikan, nagagamit
ang mga paraang natutunan sa pagsusuri ng isang pelikula at naiuugnay ang sariling karanasan batay sa nais
ipahiwatig ng pelikula.

Ilan sa mahahalagang bagay sa pagsusuri ng isang pelikula ay ang aspektong pangnilalaman tulad ng tauhan
at tema. Kailangang masuri ang mga bagay na ito na mahalaga sa pagpalutang ng istorya.

1. TEMA/PAKSA

Ang tema o paksa ang nag-iiwan ng kakintalan sa isipan at damdamin ng manonood kaugnay ng kanyang
karanasan sa buhay. Ang tema sa isang pelikula ay ang mga nakatagong mensahe, ideya o konsepto na
umudyok upang ang isang tauhan ay kumilos ayon sa nararapat. Bukod sa ito ay nakatagong mensahe maaari
din itong isang aral na ipinaparating sa mga manonood. Iba-iba ang ginagamit na tema o paksa sa isang
pelikula. May mga awtor na nagsasabing ang tema ay nabubuo sa isang salita lamang kagaya ng obsesyon,
pagtataksil, ambisyon, pagseselos, pag-ibig, kahirapan, hustisya, diskriminasyon, kagandahan ng kalikasan,
tagumpay, kabiguan, kamatayan, kultura at marami pang iba. Samantalang sa ibang awtor, ang tema ay
binubuo sa isang pangungusap katulad ng Hindi sukatan ang layo sa isa’t isa sa tunay na pagmamahalan,
Nasusubok ang tunay na pagkakaibigan sa oras ng kagipitan at marami pang iba.

2. TAUHAN/KARAKTER AT KARAKTERISASYON

Ang tauhan o karakter ay may iba’t ibang papel na ginagampanan ang mga tauhan sa isang pelikula. Tauhan
ang kumikilos at nagbibigay buhay sa iskrip ng isang pelikula. Itinuturing silang pinakamahalagang pang-akit
sa mga manonood na pinanggalingan ng aktibong pakikilahok ng manonood sa isang pelikula. Taglay ng mga
tauhan sa isang pelikula ang makilalang bida o protagonista (pangunahing tauhan, ang may problema at
humaharap sa problema at nagdesisyon at gumagawa sa sa paglutas ng problema) at kontrabida o
antagonista. Nauuri din ang mga ito sa lapad kung saan hindi nagbabago ang katangian mula sa simula
hanggang sa katapusan, tauhang hindi sumasailalim ng anumang pagbabago sa emosyon at pag-uugali. Isa
pang uri ay ang pagoging tauhang bilog na may katangiang magbabago at nag-iiba ang ugali sa kaharap na
katunggali na maaaring dahilan ng pag-unald at pagkatuto. Ang mga tauhang ito ay may malaking kaugnayan
o tungkulin sa papel na ginagampanan bilang tagapamagitan sa mga manood at sa mga karakter sa pelikula.
GAWAIN:

Panoorin ang pelikulang Ma Rosa at suriin batay sa hinihingi ibaba.

Pormat ng Panunuring Pampelikula:

I. Pamagat (ipaliwanag ang pagpapakahulugan sa pamagat)

II. Mga tauhan (ilarawan ang papel na ginagampanan at katangian)

a. Protagonista

b. Antagonista

III. Tema/Paksa ng Pelikula (ipaliwanag at patunayan ang paksang tinalakay sa pelikula)

IV. Buod ng Pelikula (isalaysay ang mahahalagang pangyayari sa pelikula)

V. Teoryang Pampanitikan (magbigay ng limang patunay at ipaliwanag)

3.1 KUHA O SHOTS

Lahat ng mga elemento ng isang pelikula ay pinag-iisipan nang maigi ng isang tagalikha nito. Ang kaalaman
sa “wika” ng pelikula ay pangunahin lalong lalo na sa isang manunulat. Naging pangangailangan ito ng isang
manunulat sa pagbuo ng kanyang istorya sapagkat bibigyan buhay ito sa pinilakang tabing. Ibig sabihin, dapat
isaalang-alang din ng manunulat ang galaw at kuha ng kamera sa pagsasapelikula ng kanyang nilikhang akda.

Ang pagkilos o paggalaw na nakunan ng kamera mula sa pag-andar hanggang sa paghinto ay tinatawag na
kuha o shot. Ang iba’t ibang uri ng kuha o shot ng kamera sa eksena ay naktutulong upang lubusan madarama
ng manonood ang damdaming taglay sa mga eksena ng pelikula na higit na kailangan maunawaan ng isang
manonood. Kaya mahalaga na mapagplanuhan sa kung anong uri ng kuha o shot ang angkop sa bawat
eksena ng pelikula para sa ikadadali ng pag-unawa at pagpapakahulugan ng mga manonood sa bawat
eksena. Maaari ring magbago ang punto de vista ng isang istorya sa pamamagitan ng kuha o shot sa mga
eksena ng isang pelikula. Natutulungan ng mga tiyak na kuha o shot ang lubusang pag-unawa ng mga
manonood sa taglay na paningin at damdamin sa isang pelikula.

May iba’t ibang uri ng kuha o shot na kailangan maunawaan ng isang manonood. Sinoman ang nagnanais na
magsuri ng isang pelikula ay kailangan pag-aralan ang mga termino sa kuha o shot tulad ng master shot at
cover shot.

a) Ang master shot ay kinapapalooban ng kabuuang kuha ng mga eksena sa isang pelikula. Ito ay serye
ng mga magkakaugnay na kuha na bumubuo sa isang episodyo ng isang pelikula (Webster, 1997).
Habang ang cover shot ay maikling kuha na nagbibigay ng kaukulang dramatikong at makahulugang
detalye sa bawat sandali. Kinapapalooban ito ng close-up, medium shot, tracking shot, at long shot.
b) Ang close-up shot ay ang kuha kung saan ang distansya sa pagitan ng tauhan at ng kamera ay maliliit
lamang. Ginagamit ito upang ipakita ang damdamin ng artista sa isang eksena sa pelikula. Ito rin ang
paraan ng direktor para ipakita sa manonood ang mga detalyeng nais niyang pagtuunan ng pansin.
Ang kuha ring ito ay nakakatipid ng ibang pangangailangang pamproduksyon sapagkat kaunting ilaw,
kaunting galaw lamang ng mga artista. Ibig sabihin, hindi ganoon ka komplikado ang gagawing
paghahanda gamit ang close-up shot.
c) Tinatawag din na medium shot ang kuha ng pangunahing bagay o tauhan ay pantay sa taas nito o
mula sa baywang pataas. Layunin nitong ipakita ang postura at pakikitungo ng isang artista kaugnay sa
ibang artista. Ginagamit din ang kuhang ito sa pagpapakita ng mga serye ng mga diyalogo mula sa
isang eksena kung saan makatutulong sa mga manonood na maunawaan ang kumpas at galaw ng
mga karakter mula sa isang pelikula.
d) Samantala, ang tracking shot naman ay tumutukoy sa kuha ng kamera na sumusunod sa mga galaw
ng karaker o bagay sa isang eksena. Maaaring ang galaw ng kamera ay paharap, patalikod o sa
magkabilang gilid. Ipinapakita ng direktor ang pagsunod ng lahat ng detalye na kasama sa eksena para
mabisang nitong maipakita sa mga manonood.
e) Ipinapakita ng kuha ng long shot ang pangunahing lugar o tauhan na may malayong agwat mula sa
kamera gaya ng tore, simbahan, o tulay. Maaari rin ipakita nito ang kalipunan ng mga bagay tulad ng
magkakadikit na mga tahanan. Ginagamit ang long shot bilang establishing shot o pagpapakita ng
lunan ng isang pelikula (Evasco, E. et al., 2011).

Ayon kay Evasco, E. et al., 2011, ang bawat kuha ay may kahulugan. Kailangang pag-isipan ng manunuri ang
dahilan kung bakit kumukuha ng halimbawa ng close-up shot ng isang bagahe o ang dalawang taong nag-
uusap, o dili kaya’y tracking shot ng kabundukan. Binibigyan ng pagkakataon ng direktor ang kanyang
manonood na mag-isip at kung bakit ito ginagawa at kung paano pinatitingkad ang karakterisasyon at banghay
ng pelikula. Esensyal na makita sa pagsusuri ang damdaming namumuo sa manonood habang pinapanood
ang pelikula sapagkat maaaring mailabas ng manonood ang kanyang emosyon habang pinapanood niya ito.

3.2 ANGGULO

Sa panonood ng pelikula, nakakaapekto sa pananaw ng manonood ang kuha ng kamera sa pagsasabuhay ng


artista sa kanyang karakter. Nakakatulong ang tamang anggulo sa bawat eksena ng mga artista sa pag-unawa
sa daloy ng istorya ng isang pelikula. Kaya kadalasan isinasagawa ng direktor ng pelikula ang pamimili ng iba’t
ibang anggulo ng kanyang kukuhanan para mapalitaw ang tamang timpla sa bawat eksena nito. Sa
pamamagitan ng pagsaalang-alang sa tamang kuha ng anggulo mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga
manonood na unawain ang kabuuang produksyon nito.

May limang (5) pangunahing anggulo ng kamera na isinasagawa sa pagkuha ng mga eksena. Nalalaman ang
mga anggulong ito batay sa pinaglalagyan ng kamera habang isinasagawa ang pagkuha ng mga eksena.

a) Minsan kailangan gamitin sa pagkuha ng eksena ang Bird’s-Eye View upang maipakita ang kabuuang
kuha ng eksena. Sa anggulong ito, inilalagay ang kamera sa bandang itaas ng artista habang
isinasagawa ang eksena at nakatutok ito sa artista hanggang sa ibaba. Ang ganitong uri ng anggulo sa
pagkuha ng eksena ay kalimitang ginagamit ng isang direktor sa pagkuha ng mga kaukulang
dramatikong diin sa karakter o eksena. Sa panimula ng pelikulang Regeneration (1997), isang birds’s-
eye shot ang ginamit ng direktor para maipakita ang sagupaang nangyari sa Unang Digmaang
Pandaigdig. Naipakita sa anggulong iyon ang walang awa at di makataong pagpatay ng mga kalaban
sa mga sundalo sa naturang pelikula.
b) Ang High Angle ay kuha mula sa itaas kung saan nagpapakita ng kahinaan at kawalang
kapangyarihan sa paglalapat ng mood, setting at effects ng tauhan. Ang anggulong ito ay simbolikong
ginamit ng direktor para sa mga karakter na hindi gaano mahalaga sa isang eksena kaya
nagmumukhang maliit ang isang karakter. Sa eksena sa pelikulang Avenger, isang magandang
halimbawa ng High angle na kuha nina Thor at Captain America na siyang ginamit ng direktor para
magmukhang mahina ang dalawang super hero sa pagpapatuloy ng kanilang pakikipaglaban na tila
may iba na namang silang pupuksain na kalaban na hindi maubos-ubos. Ang ganun damdamin ay
matagumpay na napadarama sa mga manonood dahil sa tamang pagkakuha ng anggulo.
c) Pinakapayak na anggulo na napapanood sa isang pelikula ay tinatawag na Eye-Level. Ang anggulong
ito ay isang “personal view” na tila pagkakuha sa karakter ng eksena ay parang sa tunay. Hindi ito
makabagdamdaming kuha ngunit nagagamit pa rin ito sa paglalarawan at pagpapaliwanag sa pag-
unlad ng banghay ng pelikula. Itinuturing din ang anggulong ito na “personal view” dahil kapantay lang
nito ang taas ng pinaglalagyan ng kamera sa mga nagsisiganap sa mga eksena.
d) Ang low angle ay ginagamit sa mga eksenang nagpapakita ng katapangan at kapangyarihan sa isang
pelikula. Inilalagay rin ang kamera nito sa ibaba ng linya ng mata ng artista at nakatuon ito pataas.
Kaya sa isang eksena na paghaharap ng mayaman at mahirap inilalagay ang kamera sa baba at
itinuton ito sa artistang mayaman para bigyan puwang ang kanyang estado na ipinapakita ang kanyang
kapangyarihan laban sa mahirap na karakter na nakatuon naman ang kamera sa ibaba.
e) Ang literal na pagtingala sa kuwadro ng kamera o pagtungo sa ibaba ng kamera ay tinatawag Oblique
Angle. Ang ganitong anggulo ay ginagamit ng direktor sa pagkuha ng mahahalagang eksena kaugnay
sa kanyang pelikula.

4. MUSIKA, TUNOG, AT PAG-IILAW


4.1 MUSIKA

Malaki ang papel na ginagampanan ng musika sa pelikula na hindi maipaghihiwalay ang dalawa. Mas
pinatitingkad, mas pinadadama at mas pinapaganda ng musika ang pelikula sapagkat kung wala ito ay
maaaring lalabas na hindi natural, malungkot at walang buhay ang isang pelikula. Taglay ng musika ang sari-
saring papel na ginagampanan sa pelikula na mahalaga sa emosyonal na aspeto ng pelikula o maaaring isang
malaking tulong ito sa paglinang ng nasabing kwento. Napakamahalaga ang musika na aspetong isinaalang-
alang ng mga manggagawa ng pelikula kabilang ang direktor at prodyuser. Naniniwala sila na ang reaksyon
ng mga manonood ay hindi lamang nakukuha sa mga paraan katulad ng takot, lungkot at ligaya kundi sa
pamamagitan din ng pagpapadanas ng isang pelikula sa mga manonood, ang tinatawag musika. Bunga nito
ang paglahok ng musika sa pelikula ay masusing pinag-iisipan kaya kabilang ang musika sa kinikilala sa
tuwing mayroong pagpaparangal sa pelikula.

4.1.1 HALAGA NG MUSIKAL NA ISKOR

Karaniwan may mga pagkakataon na sa ating panonood ay hindi natin masyadong pinahahalagahan ang
musika sapagkat nakatuon lamang tayo sa mga nagsisipagganap o sa mismong kwento ng pelikula.
Karaniwan sa mga manonood ay hindi ito napapansin. Magkagayunpaman, hindi ito nangangahulugan na
walang itong malaking kontribusyon sa pelikula. Sa katunayan, malaking ang naiaambag ng musika sa kung
paano tayo tumutugon o sa ating mismong pagdanas ng pelikula. Natatamo ito sa paraang, napapatatag ang
emosyong isinasaad sa mga imaheng nakikita, pinasisigla nito ang ating imahinasyon at ekspresibong
emosyon na hindi naipararating sa mga purong imahe lamang.

Bunga na rin ng kanyang kahalagahan sa pelikula at ang magiging reaksyon natin bilang manonood, nagiging
palasak na rin ang ating katawagan dito bilang kaligirang musika (background music). Hindi dapat namamaliit
ang musika sa usaping pelikula. Maituturing ang katawagang background music bilang isang misnomer
sapagkat mayroon integral na tungkuling ang musika sa pelikula. Sa halip ituring ang musika bilang pantulong
o katuwang ng pelikula.

Sa aklat ni Bogss (2008), pinaliwanag niya ang dalawang pananaw ng wastong antas ng subordinasyon. Ang
tradisyonal na pananaw at modernong pananaw. Sa paniniwala ng tradisyonal, ang musika ng mahusay na
pelikula ay nagtatanghal ng barayting tungkulin na ginagawa nito tayong hindi konsyus sa kanyang presensya.
Sa ibang pahayag, kung hindi natin namamalayan ang nasabing musika ay maituturing bilang isang mabuting
iskor. Kaya sasabihin na hindi dapat napakamaganda ang musika sapagkat maaaaring maagaw nito ang
atensyon ng mga manonood.

Samantala, taliwas sa sinundang paniniwala. Ang modernong paniniwala naman ay nagsasabi na hindi
lamang ang musika naghahangad sa ating konsyus na atensyon kundi kailangang dominahin din nito ang
piktyur na nakikita iskrin. Kailangan lamang ay napapanatili nito ang kanyang halagang pagkakaugnay sa
biswal, dramatiko at ritmong elemento ng pelikula sa pangkalahatan.

Parehong ang modernon at tradisyonal na pananaw ay nagkakatagpo sa isang esensyal nap unto: ang
musika na nakakaagaw ng pansin na naisasakripisyo ng ang pelikula ay hindi maituturing na epektibo. Ang
isang mainam na iskor ng musika ay isang signipikant na estrutural na element, nagsasagawa ng isang
mabuting tungkulin sa isang maayos na pagkakaugnay na paraan.

4.1.2 MGA TUNGKULIN NG MUSIKAL ISKOR

Dalawa ang pangkalahatang pangunahin ng musika, ang pagbuo ng estruktural na mga ritmo at ang
pagganahin ang ating emosyonal na pagtugon, parehong ang mga ito ay nagpapataas at nagpapalakas ng
epekto ng imaheng nakikita natin sa iskrin.

Ang musikal iskor ay bumubuo ng estruktural na ritmo parehong sa pelikula bilang pangkalahatan at sa bawat
eksena sa pamamagitan ng pagdebelop ng takbo sa naaayon hanggang sa paggalaw ng bawat kuha at ang
takbo ng mismong pag-iedit. Samantalang ang iskor ng pelikula ay gumaganap bilang pamuno at
nagdaragdag ng naratibo at dramatikong estruktura na nagpapagana sa ating emosyonal na pagtugon na
kahanay sa bawat indibidwal na sekwens at sa mismong pelikula bilang kabuuan. Ang damdamin ay nabubuo
sa epektibong paggamit ng musika, samantalang ang musikal iskor naman ay nagiging mainam na repleksyon
sa mga emosyonal na patern at humuhubog sa kabuuan ng pelikula.

Ang musika ng pelikula ay nahahati sa dalawa. Ang mickey mousing na teknik na halaw sa animasyon. Ito
ay tumpak, kinalkyula na musika at kilos. Ang ritmo ng musika ay kapareho sa natural na ritmo sa mga
gumagalaw na mga bagay sa iskrin. Samantala ang pangkalahatang iskor (generalized score) naman ay
walang paghahangad na magkapareho sa musika at sa pangkalahatang emosyonal na kapaligiran at
damadamin ng sekwens o sa pelikulang bilang kabuuan.

4.2 ANG TUNOG

Maituturing ang tunog bilang makapangyarihang teknik sa paggawa ng pelikula. Katulad ng musika bilang
pambihirang apinidad sa pelikula, ang tunog din may mahalagang papel na ginagampanan sa pagbuo ng
pelikula. Hindi matatawaran ang naiambag nito kahit sa paggawa ng silent film noon mga taong 1926. Ang
mga silent film noon ay sinasamahan ng mga tunog mula sa piyano, organ, ensemble o orkestrang musika.
Sa paglipas ng panahon, marami na rin ang nadiskubre na higit pang makakatulong sa pagdebelop ng isang
pelikula katulad ng pagrerekord ng mga diyaogo at mga tunog (sound effects) ay pinatunayan na naman nito
ang kanyang ambag bilang epektibong katuwang sa pagpapalabas ng emosyon at ritmong itinataglay sa mga
imahe. Bunga nito ay hindi maikakaila na ang tunog ay nakapagdaragdag ng antas kahulugan at nagbibigay
ng emosyonal na estimulo na mas higit pang nagbibigay ng intensidad sa karanasan ng manonood.

Dahil sa nakatuon ang ating kamalayan sa mismong pelikula lalong lalo na sa kwento, ay naisasantabi natin
ang malikhaing aspeto ng tunog, musika o soundtracks. Ang mga ito ay pinag-iisipan din kaya mahalagang
bilang isang manonood ay sinusuri ang mga ito, ang impormasyong kanyang ibinabahagi sa mismong eksena
at kanya mismo komplekadong mga teknik bilang pagpapasigla sa damdamin. Sa kasalukuyan, ang isang
tagadesinyo ng tunog (sound designer) ay maaari ng makapagrekord, maghalo (mix), magsala (filter), pahinain
(modulate), palakasin (amplify), at maghudyat (cue up) ng mga tunog kung kinakailangan. Maaaring ang tunog
na ito ay nairekord mula sa totoong buhay o di naman kaya ay mga inipon nila mula sa mga pananaliksik sa
internet. Mula sa mga pag-awit ng mga ibon, pagtunog ng mga doorbell, tunog ng mga kuliglig sa gabing
payapa, pagtahol ng mga aso, hanggang sa mga pagputok ng baril, ang mga ito ay naggagamit para sa isang
tiyak na eksena para sa pagkokonvey ng isang partikular na emosyon o kahulugan.

4.2.1 NAKIKITA AT DI-NAKIKITANG TUNOG

Sa mga nabanggit, sinasabing ang tunog at imahe ay kailangang magklumentaryo sa bawat isa. Ibig sabihin
mayroong sinkronisasyon ang isang nairekord na tunog mula sa biswal na imahe ng iskrin. Ang nakikita ng
mga manonood sa iskrin ay may taguring nagsasalitang mga larawan (talking pictures), dito mas
napapamangha ang mga tao mula sa mga salitang lumalabas. Ang pagkapit ng mga tunog na nagiging
pantulong sa pagpapadama ng emosyon sa mga manonood sa pagkakataong iyon na nanggagaling sa
mismong mga imahe ng iskrin. Ito ay tinatawag na nakikitang tunog (visible sounds).

Taliwas naman sa nakikita ang hindi nakikitang tunog (invisible sound). Ito ang tunog na nagmumula sa isang
bagay o pinagmulan na hindi nakikita sa iskrin. Ginagamit ito para mas palawigin pa ang dimensyon ng
pelikula labas sa nakikita sa iskrin sa pagtatamo ng higit pang dramatiko epekto. Nagiging tungkulin ang
mataas na eskpresibo o simbolikong paraan bilang mga malayang imahe. Patunay ito na sa totoong buhay ay
marami sa ating mga tunog ngayon ang hindi nakikita, sapagkat hindi naman kinakailangan na alamin pa kung
saan ito nanggagaling o imposibleng mahanap pa ang kanyang pinanggagalingan. Sa madaling salita ang
mga manggagawa ng pelikula ay gumagamit ng mga tunog hiwalay sa elemento ng pagkukuwento na may
kakayahang maglalahad ng impormasyon saganang sarili. Kung napapakinggan natin ang mga kalampag ng
mga kubyertos at plato kahit ang eksena naman ay nakatuon sa mga taong nag-uusap sa sala ay maaaring
nagpapahiwatig na mayroong naghahanda o kumakain sa kusina.

4.3 PAG-IILAW (LIGHTING)

Kung ikaw ay kukuha ng video sa pamamagitan ng iyong cellphone o kamera, hindi mo na inisip ang
manipulahin ang pag-iilaw. Ang modernong digital na pagkuha ay makaprodyus ng malinaw na imahe sa
maliwanag o madilim na mga sitwasyon, at para sa maraming pakay, ang mahalaga sa lahat ay malinaw ang
paksa.

Sa artistikong pag-iilaw ng paglikha ng pelikula ay higit lamang sa pananglaw na nagpapahintulot sa atin na


makita ang aksyon. Ang maliwa-liwanag at madilim-dilim na lugar sa loob ng kwadro ay tumutulong likhain
ang kabuuang komposisyon ng bawat shot at gabayan ang ating atensyon tungo sa tiyak na mga bagay at
kilos. Ang liwanag ng inilawang mantsa ay guguhit sa ating mata tungo sa isang susing galaw, habang ang
isang aninag ay naikukubi ang detalye o lumikha ng pananabik tungkol sa anumang maaaring naroon. Ang
pag-iilaw ay nakapagsasasabi ng mga kayarian: ang kurba ng isang mukha, ang butil ng isang piraso ng
kahoy, ang guhit ng sapot ng gagamba, ang kinang ng isang hiyas at iba pa.

a) Highlights at mga Anino (Highlights and shadows). Ang pag-iilaw ay humuhulma ng mga bagay
pamamagitan ng paglikha ng highlights at mga anino. Ang isang highlight ay isang tapal ng kamangha-
manghang liwanag sa ibabaw. Ang highlights ay nagbibigay ng mahalagang hudyat sa tekstura ng
ibabaw. Kung ang ibabaw ay makinis, gaya ng salamin o or krom, ang highlights ay magsisilbing sinag
o kislap; ang isang magaspang o maligasgas na ibabaw, tulad ng isang maligasgas na batong
nakaharap, nagbubunga nang higit na makalat ng highlights. Ang mga anino halos gayundin,
nagpapahintulot sa mga bagay na magkaroon ng porsyon sa dilim (tinatawag na pagtatabing) o
patunguhin ang mga anino papunta sa ibang bagay.
b) Direction. Ang direksyon ng pag-iilaw sa isang shot ay tumutukoy sa daan ng ilaw mula sa pinagmulan
ng pinagmumulan ng bagay na may ilaw. Para sa kaginhawahan, maaari naming makilala sa mga
frontal lighting, sidelighting, backlighting, underlighting, and top lighting.
c) Frontal lighting ay nakilala ito sa pamamagitan ng pagkahilig upang maalis ang mga anino.
d) Backlighting, sa pangalan pa lamang, nagmumungkahi itong ang ilaw ay nagmumula sa likod ng
paksa. Ang ilaw ay maaaring iposisyon sa maraming angulo: mataas sa itaas ng figura, sa iba't ibang
mga anggulo sa gilid, itinuturo tuwid ng kamera, o galing sa ilaim o ibaba. Ginamit nang walang iba
pang mga pinagkukunan ng liwanag, ang backlighting ay may gawi na lumikha ng silweta (ang madilim
na hugis at balangkas ng isang tao o isang bagay na nakikita laban sa isang mas magaan na
bakgrawn, lalo na sa madilim na liwanag). Kasama ang higit pang mga pangharap na pinagmumulan
ng liwanag, ang pamamaraan ay maaaring lumikha ng isang banayad na tabas. Ang paggamit ng ilaw
na ito ay tinatawag na gilid ng ilaw o rim na ilaw.
e) Underlighting, nagpapahiwatig na ang liwanag ay nagmumula sa ibaba ng paksa. Dahil ang
underlighting ay may posibilidad na papangitin ang mga tampok, ito ay madalas na ginagamit upang
lumikha ng mga dramatikong panginginig sa epektong katakot-takot, ngunit maaaring ipahiwatig
lamang nito ang isang makatotohanang pinagmulan ng liwanag, tulad ng isang tsiminea, o plaslayt.
Gaya ng nakagawian, ang isang partikular na pamamaraan ay maaaring gumana nang iba ayon sa
konteksto.
f) Top lighting, ang spotlight ay kumikinang mula sa halos direkta sa itaas ng mukha. Ang itaas na ilaw
ay lumilikha ng isang kaakit-akit na imahe. “Ito ay isang bagay ng pagiging totoo - lahat ng bagay ay
hindi nakikita sa lahat ng oras”.

Ang pag-iilaw sa pinagmulan ay may kalidad, at may direksyon. Maaari rin itong makilala sa pinagmulan nito.
Sa paggawa ng isang dokumentaryo, ang filmmaker ay maaaring obligado na mag-shoot na may anumang
liwanag ay magagamit. Gayunman, karamihan sa mga kathang-isip na mga pelikula ay gumagamit ng mga
karagdagang pinagkukunan ng liwanag upang makakuha ng higit na kontrol sa mga hitsura ng mga imahe.
Kadalasan ang mga table lamp at streetlight na iyong nakikita sa isang set ay hindi malakas o iba't-ibang sapat
upang lumikha ng isang malakas na imahe. Gayunpaman, ang filmmaker ay kadalasang lumikha ng isang
disenyo ng ilaw na tila pare-pareho sa mga mapagkukunan sa tagpuan. Ang mga huwaran ng pag-iilaw ay
nagayak ng nakikitang pinagkukunan.

Ang mga direktor at mga maninekreto (cinematographers) ng pagmamanipula sa pag-iilaw ng tanawin ay


kadalasang nagpapasiya sa dalawang pangunahing pinagmumulan: isang mahalagang liwanag (key light) at
liwanag na punan (fill light). Ang pangunahing ilaw (key light) ay ang pangunahing mapagkukunan, na
nagbibigay ng pinakamaliwanag na pag-iilaw at paghahagis ng pinakamatibay na anino. Ang pangunahing ilaw
ay ang pinaka-direktang liwanag, at karaniwang ito ay iminungkahi ng isang pinagkukunan ng ilaw sa tagpuan.
Ang isang ilaw na punan ay isang mas malalim na pag-iilaw na "pumupuno sa," paglambot o pag-aalis ng mga
anino na itinatapon ng susi na ilaw (key light). Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng susi (key) at punan
(fill), at sa pamamagitan ng pagdaragdag ng iba pang mga mapagkukunan, ang ilaw ay maaaring kontrolado
ng lubos na eksakto.

Dalawang Tuntunin ay tumutukoy sa iba't ibang intensidad ng pag-iilaw:

1. Ang mababa na susi sa pag-iilaw (low-key lighting) ay naglalagay ng karamihan sa hanay sa anino;
ilang mga highlight lamang ang tumutukoy sa paksa. Ang uri ng pag-iilaw ay nagpapataas ng pag-
aalinlangan at lumilikha ng isang madilim na kalooban; kaya, ito ay ginagamit sa misteryo at
panginginig sa takot na mga pelikula.
2. Ang mataas na susi sa pag-iilaw (High-key lighting), sa kabaligtaran, ay nagreresulta sa mas maraming
liwanag na lugar kaysa sa mga anino, at ang mga paksa ay nakikita sa gitna ng grays sa higlights, na
may mas kaunting kaibahan. Ang mataas na susi sa pag-iilaw (high-key lighting) ay angkop para sa
komik at liwanag na moods, tulad ng sa isang musikal. Sa pangkalahatan, ang mga eksena sa mataas
na kaibahan, na may malawak na pagkakaiba sa pagitan ng liwanag at madilim na mga lugar, ay
lumikha ng mas makapangyarihan at dramatikong mga imahe kaysa sa mga eksena na pantay-pantay
na naiilawan.

Ang direksyon ng liwanag ay gumaganap din ng isang mahalagang papel sa paglikha ng isang epektibong
biswal na imahe. Halimbawa, ang epekto na ginawa ng pantay sa ibabaw na pag-iilaw (flat overhead lighting)
ay ganap na naiiba mula sa epekto ng malakas na ilaw sa gilid mula sa antas ng sahig. Ang backlighting at
front lighting ay lumikha din ng iba't ibang epekto.

Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri ng Pag-iilaw:

1. Ang pag-iilaw ba ay ng pelikula sa kabuuan ay a. tuwiran. marahas, at matapang; b. Kainaman o


katamtaman at balanse; c. Malamlam at malaganap? Ang mataas o mababang susing pag-iilaw ba ay
namamayani o nangingibabaw?Paano ang desisyon nga pag-iilaw umaakma sa kuwento ng pelikula?

2. Naging artipisyal ba ang pag-iilaw mula sa simula hanggang sa katapusan, mula sa mga lugar saan walang
makitang pagkukunan ng ilaw, o naging likas ang pagmumula nito sa pinagkukunang nakita o iminungkahi sa
tabing?

3. Paano nakaaambag ang pag-iilaw sa kabuuang emosyonal na saloobin o himig ng pelikula?

5. TAGPUAN (SETTING)

5.1 KAHULUGAN NG TAGPUAN

Ang tagpuan ay ang panahon at oras kung kailan at saan ang kuwento ng pelikula nagaganap. Bagama’t ang
tagpuan ay kalimitang nakikitang walang silbi o nakaligtaan, ito ay isang mahalagang kasangkapan o elemento
sa anumang kuwento at gumagawang isang mahalagang kontribusyon sa tema o sa kabuuang epekto ng
isang pelikula. Nang dahil sa kompleks na pag-uugnayan ng tagpuan sa iba pang elemento ng kuwento –
banghay, tauhan, tema, tunggalian, simbolismo – ang epekto ng tagpuan sa kuwentong isinalaysay ay
kailangang sinuring mabuti maigi. At dahil sa kanyang kahalagahang biswal na gampanin, kailangang
maisaalan-alang na isang makapangyarihang elementong pangsinema sa kanyang sariling kakanyahan.

5.2 KAHALAGAHAN NG TAGPUAN

Mahalaga ang tagpuan sa estorya ng isang pelikula. Sa panunuri, nararapat lamang mabatid kung saan
naganap ang madudulang tagpo ng buhay na inilahad sa pelikula. Kailangan ding mabatid kung paano
inilarawan ng filmaker ang tagpuan, ang kabutihan nito sa akda at kung ito ba ay nakalilikha ng isang
kapaligiran.

Mahalagang mabatid ng mga manunuri ang kaligirang panlipunan sa panahong nalikha ang pelikula. Kung
ang tagpuan ay sa lunsod, mahalagang makita ang kaligiran tulad ng: a.) ang pamamaraan ng pamumuhay
ng mayyaman at mahihirap; b) ang kaugaliang umiiral sa mga tao; c) at ang kagandahan at kapangitan ng
buhay sa lunsod.

Mula pa noong unang kapanahunan pa ng sinema, ang mga kritiko at manonood ay naunawaang ang tagpuan
ay may aktibong papel sa sinema kay sa karaniwang papel nito sa teatro.

Ayon kay Andre Bazin:

Ang indibidwal ay napakahalaga sa teatro. Ang dula (drama) sa eskrin ay maaaring magaganap kahit walang
mga aktor. Ang humahambalos na pinto, ang dahon sa pag-ihip ng hangin, ang paghampas ng alon sa
dalampasigan ay nakapagpapatingkad ng isang dramatikong epekto. Iilan sa mga obra maestrang pelikula ay
gumagamit ng tao bilang aksesori, tulad ng ekstra, o bilang pampaganada ng kalikasan, kung saan itiuturing
na tunay na pangunahing tauhan o karakter

Sa pagsisiyasat ng tagpuan kung may kaugnayan ito sa kuwento, mahalagang isaalang-alang ang epekto ng
apat na mga salik na ito bilang kabuuan

a) Temporal na Salik. Ang panahon kung kailan nagaganap ang kuwento sa pelikula.
b) Heograpikong Salik. Ang pisikal na lokasyon at ang kanyang katangian, kabilang ang tipo ng
kalupaan, klima, dami ng populasyon (ang kanyang biswal at sikolohikal na impak), at anumang iabng
pisikal na salik ng lokalidad na maaaring nagkakaroon ng epekto sa mga tauhan ng kuwento at ang
kanilang mga aksyon.
c) Sosyal na Estruktura at Ekonomikong Salik
d) Kustombre, moral na kaugalian at mga koda ng kaasalan

Ang bawat salik ay may mahalagang epekto sa mga suliranin, mga tungalian at katangian ng mga tauhan at
kailangang isaalanag-alang bilang integral na bahagi ng banghay ng kuwento o tema.

5.3 PAPEL O TUNGKULIN NG TAGPUAN SA PELIKULA

Tagpuan Bilang Determiner ng Tauhan. Ang apat na aspeto ng tagpuan na nakalista sa itaas ay mahalaga
upang unawain ang natauralistik na interpretasyon ng ginagampanang papel ng tagpuan. Ang interpretasyong
ito ay nakabatay sa paniniwala na ang ating katangian, kapalaran, at tadhana ay naipakilala sa pamamagitan
ng mga lakas sa labas ng ating sarili, na maaaring tayo ay wala kung ihahambing sa mga produkto ng ating
minana at kapaligiran, at na ang kalayaan ng pagpili ay isang ilusyon lamang. Samakatuwid, sa pamamagitan
ng pagsasaalang-alang ng kapaligiran , may makabuluhang puwersang tagahubog o maging isang
dominanting tagapagtimpi, ang interpretasyong ito ang pumupuwersa sa atin upang isaalang-alang kung
paano ang kapaligiran ay humubog sa mga tauahan kung ano sila – sa ibang salita, kung paano ang kalikasan
ng tauhan ay diniktahan ng mga salik tulad ng kanilang panahon ng kasaysayan, ang patikular na lugar sa
Sanlibutan na kanilang pinanahanan, ang kanilang lugar sa sosyal at eonomikong estruktura, at ang kustom,
moral na saloobin, alituntunin ng pag-uugali na ipinataw sa kanila ng lipunan o sosyedad. Ang mga
kapaligirang salik na ito ay maaaring mapanghikayat na sila’y nagsilbing bagay na mas mahalaga kaysa
kaligiran para sa banghay ng pelikula.

Sa ilang pagkakataon ang kapaligiran ay gumaganap bilang antagonista sa banghay. Ang protagonista ay
maaaring makipagbuno laban sa pwersang pangkapaligirang nagdidiin sa kanila, nagsusumikap upang
ipahayag ang kalayaang pumili o tumakas s bitag. Kaya, ang marubdob na konsiderasyon ng kalupitan,
kapabayaan o kawang-malasakit, o makapangyaring lakas ng kapaligiran ay kalimitang isang susi upang
maunawaan ang tauhan at ang kanyang suliranin.

a) Tagpuan bilang Repleksyon ng Karakter (Setting as Reflection of Character). Ang kapaligiran kung
saan nakatira ang isang tao ay nagpapakita sa mga manonood ng hudyat upang maunawaan ang
papel na kanyang ginagampanan sa pelikula. Ito’y totoo lalong-lalo na sa aspeto ng kanyang
kapaligiran kung saan ang isang indibidwal ang may hawak. Ang isang bahay ay halimbawa ng
mahusay na indikasyon ng katauhan ng tauhan. Ang tagapanood ay kailangang malay sa mga
interaksyon sa pagitan ng kapaligiran at tauhan, kung ang tagpuan ba ay tagahubog ng tauhan o isa
lamang repleksyon nito.
b) Tagpuan Para sa Anyo ng Katotohanan (Setting for Verisimilitude). Ito ay binibigyang kahulugan sa
pagkamakatotohanan o ang pgiging totoo. Halimbawa ang pagkakaroon ng katotohanan sa banghay o
imahe ng isang pelikula na nakapagpapakita ng pagiging realistiko. Isa sa pinakamalinaw at
pinakanatural na tungkulin ng tagpuan ay likhain ang pagtitipon ng realidad na nagbibigay sa
manonood ng pagiging makatotohanan sa panahon at lugar at madama ang pagiging doon. Kinikilala
ng Filmmakers ang lubos na kahalagahang ginagampanan ng isang awtentikong tagpuan sa paglikha
ng pelikulang kapani-paniwala. Samakatuwid, maaaring umabot sila ng ilang buwan sa paghahanap
ng isang akmang tagpuan at saka na pakilusin ang crew, mga aktor, at mga ekipo libo-libong milya
upang makuha ang angkop na kaligiran para sa kuwentong tinatangkang gawan ng pelikula.

Upang makapanghikayat, kailangang maging awtentik ang napipiling tagpuan maging sa kaliit-liitang
detalye ng minuto.
c) Tagpuan Para sa Manipis na Biswal Impak (Setting for Sheer Visual Impact). Ang Filmakers ay
pumipil ng isang tagpuang may kakayahang maaninag ang biswal impak. Kung ang paggawa nito ay
pinapayagan sa loob ng ipinahihintulot ng tema at pakay ng pelikula, ang filmakers ay pipili ng tagpuan
na may mataas na antas ng viswal impak o malakas ang biswal impak.
d) Tagpuang Lumikha ng Emosyonal na Atmospera o Kapaligiran, Pagkakalarawan, at Biswal
Impak (Setting to Create Emotional Atmosphere, Characterization, and Visual Impact). Sa mga
espesyalisadong pelikula, ang tagpuan ay mahalaga sa paglikha ng malaganap na emosyonal na
kapaligiran. Ito’y kailangang sa mga pelikulang katatakutanat sa iilang mga piksyong agham at
pantasya.
e) Tagpuan Bilang Simbolo (Setting as Symbol). Ang tagpuan ng kuwento ng isang pelikula ay
maaaring nagbabadya ng malakas na simbolikong kahulugang ginamit upang ipaglaban ito o maging
kinatawan hindi lamang sa isang lokasyon o lugar.

Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri ng Tagpuan sa Pelikula (Mayos, Tanawan & Espique, 2007):

1. Paano ipinakita ng filmmaker ang tagpuan?

2. Ano-anong sangkap ang kanyang ginamit upang ipakita ito?

3. Inilarawan ba ang kaliit-liitang sulok sa kabuuan ng larawan ng pook?

4. Kapani-paniwala ba ang napiling tagpuan upang kumilos ng ganito o ganoon ang mga tauhan sa pelikula?

5. Ano ang pinakamahalagang bagay ang ginamit ng filmmaker upang ipakita ang tagpuan ng pelikula?

6. Angkop ba ang tagpuan sa pagkilos at paksa ng kwento sa pelikula.

6. KASUOTAN

Hindi magiging buo ang isang pelikula hanggat hindi akma ang kasuotan ng mga magsisipagganap. Kaya
malaki ang tungkulin ng isang tagadesinyo ng kasuotan sa pagdedesisyon kung ano ang pinakamainam na
kasuotan na isusuot ng mga artista. Bago pa man ang pagbuo o magaganap ang syuting ay mahalagang
naihanda na sa kanyang kaisipan, at plano kung ano ang magiging kaanyuan ng mga kasuotan ng mga
magsisipagganap. Sa tagadesinyo nakaatang ang responsibilidad sa pagpaplano at sa pagsasakatuparan sa
mga damit na gagamitin sa produksyon. Sa tulong nito, nabibigyan niya ng suporta hindi lamang ang pisikal na
kaanyuan kundi pati ang emosyonal na aspeto na siyang mas lilinang pa sa pagsasakarakterisasyon ng mga
tauhan.

Bukod sa tagadesinyo ng kasuotan ay isinasangguni ang mga ito sa iba pang kabilang ng produksyon katulad
ng direktor, kostyumer, hairstylist, at mga artista. Ilalahad ng tagadisenyo ang kanyang tentatibong guhit sa
tinatawag na costume plates. Kung ano ang mapagkakasunduan ng lupon ay siyang gagamitin sa
pagsasagawa ng pelikula. Sa totoong buhay, nagsusuot tayo ng mga damit upang proteksyunan at magmukha
tayong kaaya-aya sa paningin ng iba pero sa pelikula ay mas lalong tinutulungan nito ang isang artista na
mailabas niya mismo ang karakter sa kwento. Sa pelikulang Bituing Walang Ningning, si Laviña Arguelles
(Cherry Gil) ay gumanap bilang isang sikat na mang-aawit. Pinatingkad ang kanyang karakter sa tulong ng
mga magagandang damit na kanyang isinisuot, mga alahas, at maayos na make-up. Samantalang, si Dorina
Pineda (Sharon Cuneta) naman ay simple lamang ang pananamit na isinusuot para ilarawan ang kanyang
karakter bilang simpleng tagahanga ng mang-aawit. Nangangahulugang, inilalarawan ng mga kasuotan at
pinagtitibay nito ang katayuan ng mga karakter sa lipunan, pamumuhay, edad, trabaho, pinag-aralan, at iba
pa. Higit pa, nakakatulong din ang mga kasuotan na muli tayong maibalik sa mga nakalipas na panahon ng
ating kasaysayan.

Sa pelikulang Birdshot (2016), si Mendoza (John Arcilla) ay nakasuot ng damit pampulis. Malaki ang papel na
ginagampanan ng kanyang kasuotan para mas maging kapani-paniwala siya sa kanyang karakter. Mahalaga
sa isang aktor na para mapag-iba siya sa kanyang tunay na buhay ay makadama siya ng kaginhawaan sa
kanyang isinusuot na damit. Sinasabing ang isinusuot ng isang aktor kung halimbawa isa siyang pulis, guro,
doktor, magsasaka, tambay, o kumadrona ay natutulungan nitong magampanan niya nang maayos ang
kanyang papel. Sa mga artista mas nagkakaroon sila ng internalisasyon sa karakter na kanilang
ginagampanan kung nakikita na nila mismo ang kanilang karakter na taglay na ang kasuotan.
Isa na siguro sa pinakamahirap na pagdaanan ng isang tagadisenyo ng kasuotan ay kapag may kinalaman sa
kasaysayan ang isang pelikulang gagawin. Sapagkat nangangailangan ito ng masinsinang pananaliksik.
Bawat detalye ay komplimentaryo sa bawat isa at kailangang makatotohanan mula sa damit, alahas, hairstyle,
at iba pa. Tanda din maturidad ng isang aktor kung nagsasaliksik siya sa kasaysayan ng kwento at ng
kanyang mismong karakter. Bunga naman nito, maaari naman siyang makapagbigay ng suhistiyon sa
tagadisenyo ng kasuotan para sa pagpapaunlad ng kanyang isusuot.

Ayon sa https://en.wikipedia.org/wiki/Costume_design ang mga sumusunod ay ang karaniwang proseso sa


pagdidisenyo sa kasuotan.

1. Pag-aanalisa. Ito ang unang hakbang sa pag-aanalisa ng iskrip, musikal na komposisyon, koreograpi, at iba
pa. Ang parametro ng kasuotan sa isang palabas ay pinagtitibay at pauna ng isinasagawa ang banghay ng
kasuotan. Binabalangkas ng kasuotang banghay kung sinong karakter ang kabilang sa eksena, kung kailan
magpapalit ang mga aktor at kung ano ang mga kasuotan ang nabanggit sa iskrip.

2. Kolaborasyong Disenyo. Ang pinakamahalagang yugto sa proseso kung saan ang mga tagadisenyo ay
makikipagtagpo sa direktor. Dapat malinaw sa bawat isa ang direksyon ng palabas. Parehong pag-unawa ang
direktor at mga tagadisenyo kung ano ang tema ng palabas at anong mensahe ang gusto nilang makuha ng
mga manonood.

3. Pananaliksik sa Kasuotan. Kapag ang direktor at ang mga tagadisenyo ay nasa parehong pahina, ang
susunod na hakbang ng tagadisenyo ay ang magsasagawa ng pananaliksik. Kailangan may pag-unawa siya
hinggil sa kwento, bunga nito ay mas mauunawaan niya ang mga karakter. Nakatutulong ito para sa higit pang
malawak na pananaliksik sa bawat karakter na pinagtitibay ang bawat personalidad sa pamamagitan ng
kanilang kasuotan.

4. Preliminaryong pagguhit ng plano at pag-lay-out ng Kulay. Kung may sapat na kaalaman na bunga ng
pananaliksik ay maaari ng makapagdisenyo ng kasuotan sa pamamagitan ng paggawa preliminaryong
pagguhit ng plano. Matapos, ang tagadisenyo ay maaari ng magsagawa ng detalyadong pagguhit at isipin ang
mga tiyak na kasuoan at kulay sa bawat karaker.

5. Pinal na pagguhit ng plano. Kung napagkasunduan na ng tagadisenyo ng kasuotan at ng direktor, maaari


ng isagawa ng tagadisenyo ang pinal na pagguhit. Tinatawag itong pagsasalin (rendering) at kadalasang
ipinipinta gamit ang waterkolor o akrilik na pinta. Ang pinal na pagguhit ay nagpapakita kung ano ang magiging
anyo ng karakter at ang magiging kulay ng kanyang kasuotan.

Samantala, mayroon namang apat na pagpipilian kung saan kukuha ng kasuotan ang tagadisenyo. Ito ay
maaaring sa paghahanap sa mga tindahan ng mga kasuotan o kostyum, magrenta, bumili, o maaaring
magpaggawa (made to order).

7. MAKE-UP AT PAG-ARTE
7.1 MAKE-UP

Mahalalaga ang make-up para sa karakter ng isang artista sa isang pelikula. Sa tulong naman ng make-up ay
mas lumalabas ang inaasahang hitsura ng isang aktor batay sa kanyang karakter. Kung naging palasak ang
paggamit ng make-up sa teatro katulad ng Kabuki ng mga Hapones na eksaheradong pagmi-make-up ang
isinasagawa gayundin naman sa pelikula. Nagagawa ng make-up na maitransporma ng isang aktor ang
kanilang sarili sa ibang bersyon na kaiba sa kanyang pagkatao.

Nabanggit ni Downs, et al. (2013) sa kanyang aklat na sa kanluran, nahahati sa dalawang kategorya ang
paglalagay ng meyk-ap.

1. Tuwirang make-up (Straight make-up). Hindi nito binabago ang hitsura ng aktor sa halip ginagawa
lamang nito ang mukha ng aktor na higit pang tatlong dimensional samakatuwid mas nagiging
maliwang siya sa manonood. Minsan ang gumagawa nito ay maaaring ang mismong artista lamang sa
kanyang sarili.
2. Karakter na make-up (Character make-up). Pagnanais naman ito na mabago ang hitsura ng isang
aktor, halimbawa, pagdaragdag ng kulay-abo (gray) sa buhok, at kulubot sa pagnanais na
magmukhang matanda ang isang aktor. Upang magmukhang mas epektibong may-edad, kailangan din
ng aktor na magsuot ng balbas o peluka.

Ang make-up ay napakakailangan din upang mapatingkad ang ekspresibong kalidad ng mukha ng isang aktor.
Sa pelikula, mas nakikita nang malapitan ang mukha lalo pa’t naka-close up ito sa kamera. Mahalagang
maitago sa mata ng mga manonood ang anumang hindi dapat makita nila. Kabilang sa dapat na maitago kung
hindi naman kailangan sa eksena ay ang peklat, kulubot, at paglaylay (sagging) ng balat sa mukha.
Naggawang mabago ng isang make-up artist ang anumang nais niya sa aktor. Asahan na ang aktor mababae
man o malalake ay parehong maaaring gumamit ng make-up.

7.2 ANG PAG-ARTE

7.2.1 HALAGA NG PAG-ARTE

Ilan sa atin kapag nanonood ng pelikula, unang kinososedera ay ang artista. Kung mahusay ang gaganap
sapagkat kilala na natin siya sa kanyang mga nagdaang pelikula ay pinapanood natin. Malaki ang papel na
ginagampanan ng isang artista upang maging makabuluhan ang isang pelikula sapagkat kung maganda ang
kwento pero pangit naman ang pag-arte ng nagsisipagganap ay magkakaroon pa rin ng kakulangan. Isa ang
pag-arte sa maraming elemento ng pelikula na tinitingnan para sa kabuuan ng estitiko ng pelikula. Kaya
mapadula, mapatelebisyon o mapapelikula ay mahalagang magtataglay ng teknik o kasanayan ang isang
aktor na gaganap sa anumang papel.

Ang aktor ay sinumang gumaganap ng isang papel sa isang pagtatanghal. Siya ang umaarte. Mahalaga na
mayroon siyang teknik sa pag-arte upang makapagbigay ng maliwanag na pagkaunawa sa mga manonood sa
makataong-pag-uugali (human behaviour) at higit na maunawaan ang sariling pag-uugali gayundin ang sa iba.

7.2.2 LAYUNIN NG ISANG AKTOR

Ang pangunahing tungkulin ng aktor ay ang papaniwalain tayo nang lubos sa realidad ng karakter. Dinadala
tayo sa dimensyong ginagalawan ng karakter. Kung malungkot ang karakter nakakadama din tayo ng
pagkalungkot. Kung masaya naman siya ay pagkagalak naman ang ating nadarama pero kung inaapi naman
siya ay nakakadama rin tayo ng galit sa taong gumagawa nito sa kanya. Sa isang aktor na gumaganap sa
pelikula kailangan niyang maging kapani-paniwala, matapat at natural.

1. Kapanipaniwala (Believability). Ang pagiging kapani-paniwala ay kailangang magkaroon tayo ng


simpatiya sa mismong karakter na ginagampanan ng isang aktor. Nauunawaan natin ang karakter sa
pagkakaroon natin ng simpatiya na ang nararamdaman niya ay katulad din ng sa atin. Ang empatiya
naman ay nagkakaroon tayo ng ugnayan sa karakter sa mundong kanyang ginagalawan sa personal
na antas. Nakiki-empatiya tayo sa kanyang mga pagpapahalaga (values), pag-uugali, at ang kanyang
mundo kahit may kaibahan ito sa atin. Mangyayari lamang ito ng isang manonood kapag naging
kapanipaniwala siya sa kanyang pag-arte.
2. Matapat (truthfulness). Kailangang maipaunawa sa atin ng isang aktor ang katotohanan. Maggagawa
lamang ito kapag mayroon siyang kasanayan. Kasanayan sa pag-arte na maaaring magpapabago sa
buhay ng mga manonood. Mayroon siyang kakayahan at responsibilidad na gamitin iyon sa isang
makabuluhan at makatotohanang layunin.
3. Natural. Ayon sa kasabihan ang pag-arte ay hindi magandang pag-arte, ang pag-arte ay ang pag-arte
ng natural (acting is bad acting, acting is being). Sa madaling salita, ang pag-arte ay kailangan
mapanood kawangis ng natural o sa totoong buhay. Higit sa mga gimik upang magkaroon ng
pagkakilanlan ang karakter ay kailangan nang lalim at personal na kalidad sa panloob na katauhan.

Sa aklat ni Boggs, et al. (2008) nabanggit niya na dapat taglayin ng isang aktor ang katalinuhan, imahinasyon,
sensitibidad, at kaalaman sa kalikasang pantao na higit na kailangan sa higit pang pag-unawa sa karakter na
kanilang ginagampanan- kaisipan, motibasyon, at emosyon. Maidagdag pa, ang aktor ay nararapat na
magkaroon ng abilidad na maihayag ang mga ito nang kapani-paniwala gamit ang boses, katawan, kilos,
kumpas, o pangmukhang ekspresyon upang ang kalidad ay totoo sa karakter na ginagampanan at sa
sitwasyong kung saan nakikita ng mga karakter ang kanilang mga sarili. Mahalagang napananatili ng aktor ang
ilusyon ng realidad ng mga tauhan na mayroong konsistensi buhat simula hanggang sa waga. Dinagdag pa
niya na kailangan kontrolin ng aktor ang kanyang ego, upang makita nito ang kanyang karakter sa tamang
perspektibo tungo sa dramatikong paggawa ng kabuuan.
7.2.3 PAG-ARTE SA TEATRO, PAG-ARTE SA PELIKULA

Bagaman may pagkakapareho pagdating sa elemento pero nagkakaiba pa rin sa maraming aspeto ang pag-
arte sa teatro at sa pelikula. Saklaw ng teatro ang tinatawag na live na pagganap. Napapakinggan ng mga
aktor ang pagsigaw, pagtawa, at pag-iyak ng mga manonood. Nakadaloy ito sa dalawang direksyon ang
napapanood sa entablado at ang reaksyon ng mga manonood. Samantalang sa pelikula naman ay nakadaloy
lamang sa iisang direksyon sapagkat hindi nalalaman ng mga nagsisipagganap ang reaksyon ng kanilang mga
manonood.

Ang mga artista sa teatro ay tinatawag na mga lehitimong aktor (legitimate actor). Sila ang mga aktor na
umaarte nang live sa mga manonood. Mas madaling maging aktor sa pelikula kaysa sa teatro. Sapagkat
kailangan ng intensib na pag-eensayo kung artista ka sa entablado. Bagaman, maaari namang maging artista
sa pelikula ang isang aktor sa entablado katulad nina Eugene Domingo, John Arcilla, at Nonie Buencamino,
pero hindi magiging madali para sa isang aktor sa pelikula na makapasok sa pag-arte sa entablado. Mas
madali ang pagpasok bilang aktor sa pelikula kahit ang mga manlalaro katulad nina Manny Pacquiao, Benjie
Paras, Efren “Bata” Reyes, at Onyok Velasco ay nabigyan ng pagkakataon na maging aktor sa pelikula.

Sa pelikula, maaaring may double sa aktor mula sa pagkanta, pagtalon, pangangarate, at iba pa. Samantalang
sa entablado ay inaasahan ang pag-arte, pagsayaw at pagkanta lalong lalo na kung kinakailangan iyon sa
kanyang papel. Sa teatro naman ay walang close-up lahat ay wide shot kaya inaasahan ang buong pusong
pagganap at emosyon sa artista. Hindi katulad sa pelikula maaari mong pikiin emosyon kung hindi nakapokus
sa iyo ang kamera.

Samantala, sa teatro ay aabutin ng maraming araw sa pagbabasa ng iskrip at pagsasaulo ng mga linya. Sa
pelikula naman minsan inaaaral lamang ito ng mga artista sa mismong araw ng syuting. Sa bawat
pagkakamali nila sa pagtatapon ng linya ay maaari lamang magkaroon ng mga panibagong pag-uulit. Sa
entablado ay kailangang maging alerto kung sa anong bahagi magsasalita na dapat nakikita pa rin sa aktor
ang karakter na ginagampanan. Kung magkakamali naman sa linya, may sinapawan, o lumaktaw ng ilang
pahina, wala na itong pangalawang take kaya doble-ingat ang ginagawa ng isang aktor. Sinasabi rito na
kailangang maging tiyak ang aktor sa entablado sapagkat napapakinggan at nakikita ng mga manonood ang
lahat ng kanilang paggalaw sa entablado. Hindi rin nangangahulugan na walang pag-iingat na gagawin sa
pag-arte sa pelikula lalo pa’t sa bawat pagkilos ng mga mata, ekspresyon ng mukha, gayundin ang mga salita
ay hinuhuli ng kamera. Ang pagkakaroon ng paggalaw ng mga mata o ekspresyon ng mukha na hindi naman
inaasahan sa eksena ay maaaring magpapababa sa kredibilidad at pagiging makatotohanan ng tagpo. Katulad
ng teatro, kailangang lalabas ang pagiging natural sa pag-arte na hindi nakokonsyus sa sarili. Ipinapakita rin
sa pelikula ang kapangyarihan ng mukha na nakapagsasaggawa ng iba’t ibang emosyon. Sa pag-arte sa
pelikula o iskrin mas binibigyan ng empasis ang pagkakabisa (reacting) kaysa pag-arte. Sa pelikula ang
pagkakuha ng reaksyon (reaction shot) ay tumutukoy sa nagiging saloobin ng taong apektado sa pag-uusap o
kilos. Kailangang maipakita sa iskrin ang nabuong emosyon ng taong nakinig sa nagsasalita at maipakita niya
ito sa kanyang mukha.

Sa aklat ni Boggs (2008) nabanggit niya na may dalawang uri ng pag-arte sa pelikula.

1. Aksyong pag-arte (action acting). Higit itong kinakailangan sa mga aksyong pelikula sapagkat
kinabibilangan ito ng reaksyon, paggalaw ng katawan, pisikal, at espesyal na kasanayan, pero hindi ito
nagmumula sa pinakamalalim na kakayahan ng aktor tulad ng katalinuhan at nararamdaman.
2. Dramatikong pag-arte (dramatic acting). Tumutukoy sa pagsusustina, masinsinang diyalogo ng iba
pang mga karakter, at nangangailangan ng emosyonal at sikolohikal na lalim na bihira lamang
kinakailangan sa aksyong pag-arte.

Sa madaling salita kinabibilangan ng aksyong pag-arte ang pagsasagawa. Samantalang sa dramatikong pag-
arte naman ay pumapaloob ang nararamdaman, pag-iisip, at pagbabahagi ng emosyon sa iba pang mga aktor
sa loob ng pelikula.

7.2.4 MGA TEKNIK SA PAG-ARTE

Hindi maikakaila na sa bawat araw ay madalas tayong umaarte na hindi natin namamalayan. Minsan, sa pag-
alis mo sa bahay ay pinagsabihan ka ng iyong ina na dapat magtipid-tipid sa paggasta dahil mahal ang bilihin.
Hindi alam ng iyong ana na ang perang ibinigay niya ay naubos sa pang-araw-araw mong gastusin at
pangangailangan sa pag-aaral. Dahil sa iginagalang mo ang iyong ina ay mas pinili mo ang manahimik ang
ikubli ang iyong nadarama. Umalis kang nagpaalam na nakangiti kahit sa kaloob-looban mo ay bahagyang
nakadama ka ng pagtatampo. Sa tagpo naman sa paaralan, nag-aasta kang mayroong pinagkakaabalahan
para hindi matawag ng guro sa kanyang oral recitation. Ang mga ito ay patunay na ang pag-arte ay hindi
lamang saklaw sa mga arte kundi bahagi na rin ng ating pang-araw-araw na buhay. Kaya sa bahaging ito, pag-
aaralan natin ang mga teknik sa pag-arte.

Ayon sa https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_acting_techniques ang mga sumusunod ay ang mga teknik sa


pag-arte.

1. Klasikal na pag-arte (classical acting) ang pinakaterminolohiya sa pilosopiya ng pag-arte na kabilang


ang ekspresyon ng katawan, boses, imahinasyon, pag-personalize, improbisasyon, eksternal na
stimyulai, at pag-aanalisa ng iskrip. Nakabatay ito sa teorya at mga sistema ng piling klasikal na mga
aktor at direktor kabilang si Konstantin Stanislavski at Michael Saint-Denis.
2. Sistemang Stanislavski. Kilala rin ito bilang metodong Stanislavski, ang aktor ay humuhugot sa
kanyang sariling nararamdaman at karanasan para maghatid ng katotohanan sa karakter na
ginagampanan. Inilalagay ng aktor ang kanyang sarili sa kaisipan ng karakter upang makahanap ng
mga komong bagay sa pagnanais na makapagbibigay ng makatotohanang pagsasatao sa karakter.
3. Metodong pag-arte. Saklaw ng mga teknik na ginagamit para maging katuwang sa aktor para
unawain, makaugnay sa at pagsasatao ng karakter, tulad ng binuo ni Lee Strasberg. Ang metodo ni
Strasberg ay nakabatay sa ideya na para makadebelop ng emosyonal at kognitibong pag-unawa
kanilang papel, ang aktor ay nararapat na gamitin ang sariling mga karanasan sa pagtukoy mismo ng
papel na ginagampanan. Nakabatay ito sa aspeto ng sistema ni Stanislavski.
4. Meisner na Teknik. Nangangailangang ang aktor ay nakapokus nang buong-buo sa isa pang aktor at
isiping siya ay totoo at sila ay nabubuhay (exist) sa mga sandaling iyon. Ang metodong ito ay
tumutulong sa mga aktor sa eksena na mas lalong makatotohanan sa mga manonood. Nakabatay rin
ito sa prinsipyo na ang pag-arte ay makakatagpo ang kanyang ekspresyon sa tugon ng mga tao sa iba
pang mga tao at sa kalagayan. Mula pa rin ito sa sistema ni Stanislavski.
5. Praktikal na Estetiko. Isang teknik sa pag-arte na orihinal na binuo ni David Mamet at William Macy,
batay sa mga pagtuturo ni Stanislavski, Sandord Meisner, at pilosoper na si Epictetus. Ilan sa mga
pangunahing katangian ay ang pag-aanalisa ng iskrip, adaptabilidad, at repitesyong pagsasanay na
may pagkakatulad sa Meisner na teknik.
6. Metodong Brechtian. Si Bertolt Brecht ang luminang sa estilong “epikong drama” na umaasa sa
replektibong paghihiwalay sa halip na magkaroon ng emosyonal na paglalahok.

7.2.5 URI NG AKTOR

Sa A Primer for Playgoers, nina Edward A Wright and Lenthiel H Downs na nabanggit ni Boggs (2008) sa
kanyang aklat ay tinukoy nila ang mga uri ng aktor sa tatlong uri:

1. Impersonator. Ito ay isang aktor na may mga talento sa paglayo ng kanilang totoong pagkatao at
akuin ang personalidad ng karakter na kung saan mayroon lamang silang kaunting katangiang komon.
2. Interpreter at Commentator. Gumaganap ng mga papel sa pelikula na may pagkakahawig lamang sa
kanilang personalidad at pisikal na hitsura. Isinasalin nila ang bahaging ito sa dramatikong
kapamaraanan na walang pagkawala ng identidad.
3. Personalidad na Aktor. Mga aktor na ang pangunahing talento ay maging sila lamang sa kanilang
sarili at wala ng iba pa. Ang aktor na ito bagaman popular ay hindi maaaring umako ng iba pang mga
papel sapagkat maglalaho ang kanilang sinseridad sa sarili at ang pagiging natural kung lalabas sila
mismo sa kanilang pagkatao.

8. MGA NARATIBONG TEKNIK/FILM DEVICES NA GINAGAMIT SA PELIKULA


Sa layuning higit na maunawaan ang mensahe ng isang pelikula, makatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman
tungkol sa mga naratibong teknik na ginagamit sa pagbuo ng pelikula. Ang mga teknik na ito ay makatutulong
sa pagpapaliwanag sa tagpuang lugar at panahon, banghay (plot), at tauhan.

TEKNIK KAHULUGAN HALIMBAWA


1. Backstory Mga eksena na pinakikita bilang Ang pagsasalaysay sa panimula ng
panimula upang maiugnay ang pelikulang The Lord of the Rings
dating pangyayari sa kasalukuyang (trilogy)ay nagpapakita ng
magaganap. Ito ay madalas na mitolohikal/historical na mga pangyayari
ginagamit upang mailahad ang na naganap sa Una at Ikalawang
tagpuan ng pelikula. Panahon.
2. Cliffhanger Ang kuwento sa nasabing pelikula ay FPJ’s Ang Probinsyano
hindi niresolba upang ganyakin ang
mga manonood na panoorin ang
susunod na pangyayari/episode.
3. Deus ex machina Ito ay pagreresolba ng tunggalian sa Mighty Aphrodite
(act of god) pamamagitan ng isang pangyayaring
walang kaugnayan sa kabuuang
kuwento ng pelikula kaya madalas ay
inuunawa bilang kagagawan ng
isang makapangyarihang puwersa.
4. Eucatastrophe Isang matinding pangyayari (climatic) Sa wakas ng The Lord of the Rings,
na nagpapakita sa bida na sapilitang nakuha ni Gollum ang singsing
nahaharap sa isang malagim na mula kay Frodo na nagpapahiwatig nan a
pangyayari na animoy sasapit sa si Sauron ay siyang maghahari sa Middle
kanyang katapusan subalit ito ay Earth, subalit masyadong maagang
nagwawakas na kapaki-pakinabang natuwa si Gollum at naihulog niya sa
para sa bida. umaapoy na lava ang singsing. Kasabay
ng pagkawala ng singsing ay ang
pagkawala ng kapangyarihan ni Sauron
na siyang inaasam nina Frodo at ang
Fellowship of the Ring.
5. Flashback Pangkalahatang tawag sa Sa kuwentong The Three Apples ng
pagbabago ng sikwens batay sa Arabian Nights matapos madiskubre
panahon na nagdadala sa mga ang bangkay ng isang babae, ipinakita na
tauhan s mga naunang pangyayari. ang salarin ay nagkukuwento tungkol sa
mga pangyayaring naganap bago
nadiskubre ang bangkay.
6. Flashforward Isang eksena na nagpapahiwatig ng Sa pelikulang A Christmas Carol kung
magaganap sa hinaharap. saan ang kaluluwa ng hinaharap ay
nagpakita kay G. Scrooge.
7. Foreshadowing Ito ay mga simbolikong pangyayari Ang isang eksena na nagpapakita ng di-
na nagmumungkahi ng maaring kilalang lalaki na nakikipag-away sa iba
maganap sa susunod na eksena. dahil sa isang babae ay naunang
ipinakita, ang kasunod na eksena ay
nagpapakita sa pangunahing tauhan na
sangkot sa isang suntukan dahil sa
kanyang kasintahan.
8. Plot twist Ito ay hndi inaasahang pagbabago Dalawang karpintero ang tinutukoy na
sa direksyon o inaasahang resulta ng salarin sa pagpatay ng may-ari ng bahay
mga kaganapan sa pelikula. na inaayos ng mga karpintero. Tinutukan
ito ng mga pulis at kamag-anak ng
biktima subalit sa kalaunan ay
malalaman na ang salarin pala ay ang
mismong asawa ng may-ari ng bahay.
9. Poetic Justice Batay sa pang-uugali at kilos na FPJ’s Ang Probinsyano
ipinakita ng tauhan, ang kanyang
kabutihan ay gagantimpalaan o di
kaya’y ang kanyang kasamaan ay
parurusahan.
10. Self-fulfilling Isang panghuhula na nagkatotoo. Sa Harry Potter nang marinig ni Lord
Prophecy Voldemort ang propesiya ni Sybill
Trelawney na isang bata ay isisilang sa
katapusan ng Hulyo at ang mga
magulang nito ay yaong nakipaglaban
kay Voldemort. Diumano, ang nasabing
bata ay ang magiging katapat ni
Voldemort. Ang nasabing propesiya ay
nagkatotoo at batang yaon ay si Harry
Potter.
11. Ticking clock Napipintong panganib.
scenario

12. Breaking the fourth Animoy direktang pakikipag-usap ng Sesame Street, Dora the Explorer
wall tauhan sa manonood.
13. Defamiliarization Pagsulat ng liham ng tauhan tungkol
sa isang paksa na naglalarawan ng
kanyang kagila-gilalas na karanasan.
14. First-Person Pagkukuwento sa pamamagitan ng
Narration pananaw ng isang tauhan, lalo na
ang bidang tauhan.
15. Hamartia Pagkakaroon ng kahinaan sa
katauhan ng tauhan na naging sanhi
ng kanyang kasawian.
16. Pathetic Fallacy Ang pagpapakita ng mga pangyayari Paggamit ng fireworks upang ipakita ang
sa kapaligiran o anumang bagay masayang damdamin ng tauhan,
upang ipahayag ang damdamin ng pagpapakita ng kulog, kidlat sa madilim
tauhan. na gabi upang ipadama ang matinding
galit.

You might also like