You are on page 1of 32

Filipino -1

(Ikatlong Markahan)

Epiko
Modyul 3.1

PANITIKAN: Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko


“Ibalon” (Epiko ng Bikol)
GRAMATIKA/RETORIKA: Iba’t ibang Paraan ng Pagtatanong

TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

Suriin ang mga larawan.

http://www.google.com.ph/search?tbm=isch&hl=en&source=hp&biw=1366&bih=598&q=mga+pilipino+superheroes&gbv=2&oq=mga+pilipin
o+su
May napansin ka ba? Tama, kaibigan! Sila ang super heroes sa panahon natin.
Nakikila mo ba silang lahat? Bakit kaya sila tinawag na superheroes? Sino ang paborito
mo sa kanila? Bakit siya ang napili mo? Nangarap ka rin ba na maging gaya nila? Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

1
Alamin kung gaano kalawak ang alam mo sa tulang pasalaysay na epiko.
Sagutin ang sumusunod na tanong upang iyong makita kung marami ka pang dapat
tuklasin at pag-aralan tungkol dito.

I. Paunang Pagsusulit

A. Gamit ang sun diagram, ibigay ang mga kaisipan na kaugnay ng salitang epiko.
Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

EPIKO

B. Piliin sa loob ng kahon kung sino ang tauhan at saang rehiyon o lugar siya
nabibilang. Isulat ang sagot sa loob ng arrow box. Gawin sa sagutang papel.
Gayahin ang pormat.

TAUHAN REHIYON/LUGAR

Tuwaang Visayas
Aliguyon Ifugao
Labaw Donggon Manobo
Maguindanao
Indarapatra at Sulayman Bicol
Banna Mindanao
Lam-ang
Baltog Ilocos
Bidasari Tagalog
Wigan Panay

2
TAUHAN REHIYON/LUGAR

A. Wigan

B. Tuwaang

C. Indarapatra
at Sulayman

D. Banna

E. Bidasari

F. Aliguyon

G. Labaw Donggon

H. Lam-Ang

I.Baltog

3
Tingnan nga kung ilan ang
nakuha mong tamang sagot?
Okey lang kung ‘di mo
nakuha lahat.

Alam mo ba na may mga kinikilala din tayong super heroes sa panahon ng ating
mga ninuno? Subuking tanungin ang iyong mga lolo o lola at malalaman mo na
mayroon din tayong ipinagmamalaking superheroes. Gusto kong maunawaan at
maintindihan mo ito upang maikuwento mo rin ito sa iyong mga kaibigan at kakilala.
Kaya paganahin mo ang iyong imahinasyon dahil isasama kita at ililibot sa daigdig ng
superheroes na sinasabi ko sa iyo. Handa ka na ba?

Maligayang
Pagdating Kaibigan!

Binabati kita dahil nakarating ka na sa aking mundo, ang mundo ng epiko.


Sasamahan kita sa iyong paglalakbay. Tiyak na magugustuhan mo ang pagpunta rito!
Mamamalas mo ang angking kariktan ng panitikang ito. Hindi lamang ‘yan, kundi
pupuntahan mo pa ang kaloob-loobang bahagi nito upang lalo mo pang malaman at
maintindihan ang mga kaalamang kinakailangan na magagamit mo sa iyong pag-aaral
kaugnay ng epiko. Lalo pang lalawak ang iyong mga karanasan at patitibayin ang iyong
pagpapahalaga sa mga panitikan natin.

Sa pagpasok mo sa pintuang ito ay aalamin mo muna ang kaligirang


pangkasaysayan ng Epiko. Sa bahaging ito ay iyong tutuklasin ang mga elemento nito
gaya ng a. tagpuan b. tauhan at ang c. banghay. Sa modyul na ito ay malalaman mo
ang uri ng tunggalian: tao vs tao; tao vs kalikasan; tao vs sarili; at tao vs lipunan. Sa

4
iyong paglalakbay ay pag-aaralan mo rin ang tungkol sa gramatik at retorika gaya ng
sumusunod:

1. iba’t ibang paraan ng pagtatanong tulad ng:


1.1. mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi;
1.2. mga tanong na nagsisimula sa interogatibong panghalip;
1.3. mga tanong na nagsisimula rin sa mga interogatibong panghalip
ngunit naghahayag ng iba’t ibang damdamin
2. iba’t ibang anyo ng pang-uri:
2.1. payak
2.2. maylapi
2.3. tambalan
3. mga linker o pang-angkop na na at ng; at
4. pangatnig
Kaibigan, tatahakin mo ang limang pinto ng
daigdig ng epiko. Sa bawat pintong iyong
lilisanin ay may misyon na dapat mong
isagawa upang mapatunayan nila na
naiintindihan mo at maisasabuhay mo ang
lahat ng kaalaman na iyong natutuhan. Sa
loob ng bawat pinto ay may mga gawain na
dapat mong matapos upang makapasok ka
sa ibang dimensiyon. Alam kong kayang-
kaya mo ito! Huwag kang mag-alala dahil
may gabay ka. Ipinagpapauna ko na sa iyo,
Sa pagpasok natin para makabalik ka sa iyong panahon ay
sa pintong ‘yan ay kinakailangan na magawa mo na
kakausapin ka ng makapagtanghal ka, pipili ka ng isang tauhan
bantay kung ano ang na makikilala mo rito at gagayahin mo ang
mahalagang tanong kaniyang kasuotan, subalit walang kilos at
na gusto mong tagpuan. Ito ang tinatawag na informance!
malaman. Iyon ang
magiging password
upang iyong
mapasok ang lahat
ng pinto. Sa palagay
mo, ano ang
mahalagang tanong?
Hmm, Mahalagang
tanong….

5
Isagawa mo…

Binibigyan ka ng layang isulat sa mga kahon na kasunod ang iyong


mga mahalagang tanong sa pagpasok mo sa pintong iyan. Gawin sa sagutang papel.
Gayahin ang pormat.

2 3

4 5

Karagdagang mga Tanong:

______________________________________________
6
Mahahalagang Tanong

1. Bakit may taglay na supernatural o di-


pangkaraniwang kapangyarihan ang
pangunahing tauhan sa bawat epiko?

2. Bakit kailangang alamin


ang epiko ng iba’t ibang
rehiyon o lugar sa bansa?

3. Paano mauunawaan at
mapahahalagahan ang mga epiko
ng sariling rehiyon?

4. Bakit mahalaga ang kaalamang


gramatika at retorika?

Bilangin mo nga kung ilan sa mga


sagot mo ang tama sa ibinigay na
mahalagang tanong. Okey lang kung
hindi mo nakuha lahat, ang mahalaga,
nagawa mo ang iniutos ng bantay.

Ngayong papasok ka na sa aking


kaharian, punan mo ang mga hinihinging
impormasyon na kinakailangan upang
makapag-sign in ka. Gawin sa sagutang
papel. Gayahin ang pormat.
7
Pangalan:________________________________

Taon at Seksiyon:___________________________

Paaralan:________________________________

Tirahan:__________________________________________________

Mga bagay na maipagmamalaki sa inyong lugar:

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Kasaysayan ng inyong lugar:

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Kaibigan, ang epiko ay uri ng panitikan na


tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali
ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na
halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
puno ng kababalaghan na di-kapani-paniwala.
Kuwento ito ng kabayanihan na punong-puno ng
kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng
mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

8
Inaasahang Pagganap

Sa pagtatapos ng araling ito ay


inaasahang magagawa mong makipag-
ugnayan sa mga kaklase mo na
magtutungo rin dito upang magsagawa
kayo ng simposyum tungkol sa
kinalabasan ng isinagawang sarbey
tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng
epiko ng iba’t ibang rehiyon. Narito ang
mga pamantayan:

A. batay sa pananaliksik;
B. may kaugnayan sa paksa;
C. napapanahon;
D. nagtataglay ng mga elemento ng
simposyum; at
E. wasto ang paraan ng pagtatanong at
pagsagot.

A. Isulat ang hinihinging impormasyon tungkol sa inyong lugar.

Paniniwala Kalagayang Kultura Hanapbuhay


Panlipunan (pista,relihiyon)
1 1 1 1
2 2 2 2
3 3 3 3
4 4 4 4

Heograpiya- ang tawag sa ganitong uri ng


mga impormasyon dahil ang heograpiya ay
agham ng mga lokasyon ng mundo.
Nakapokus ito sa distribusyon ng likas na
yaman at mga tao sa ibabaw ng lupa.
9
Bakit hanggang ngayon ay laganap pa rin ang mga
kuwentong puno ng kababalaghan at di-kapani-paniwalang
pangyayari? Isulat sa sagutang papel.

____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________

Paano nakikita ang kaugnayan ng heograpiya sa mga kababalaghan at di-


kapani-paniwalang pangyayari na naganap sa isang lugar? Patunayan gamit ang venn
diagram.Gayahin ang pormat.Isulat sa sagutang papel.

Kababalaghan at
di kapani-
Heograpiya Epiko
paniwalang
pangyayari

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Alam mo ba…
10
Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong "epos" na nangangahulugang
salawikain o awit. Ito ay isang mahabang salaysay sa anyong patula na maaaring awitin
o isatono. Hango ito sa pasalin-dilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring
mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan. Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga
mambabasa sa pamamagitan ng nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian at mithiin
ng mga tauhan .
Sa Pilipinas, popular ang tinatawag na epikong bayan o folk epic. Ayon sa mga
mananaliksik ng katutubong panitikan, may kani-kaniyang matatanda at mahahabang
salaysay na patula ang iba’t ibang pangkating etniko sa Pilipinas. Sa labas ng
Katagalugan, mayroon nang mga popular na tulang pambayan, o mga tulang epiko,
bago pa man dumating sa bansa ang mga banyaga.
Kilala sa mga Iloko ang epikong Biag ni Lam-ang o (Buhay ni Lam-ang). Ito ay
isinulat ng makatang si Pedro Bukaneg na isininop at pinag-aaralan pa rin hanggang sa
kasalukuyan. Sa Bicol naman ay tanyag ang epikong ang pamagat ay Ibalon na ang
orihinal na sipi sa wikang Bicolano ay iningatan ni Padre Jose Castaño noong ika-19
dantaon. Gayundin ang epikong Handiong ng mga Bicolano na batay naman sa mga
bagong pananaliksik ay likha ng isang paring Español at hindi sa bibig ng mga
katutubo.
Sa Visaya naman nagmula ang epikong Maragtas at sa Mindanao, ang
pinakamahabang epiko sa Pilipinas na Darangan. Nakapaloob sa Darangan ang
kilalang mga Epiko na Prisipe Bantugan, Indarapatra at Sulayman at Bidasari. Ang mga
kapatid naman natin sa CAR (Cordillera Administrative Region) partikular sa Ifugao ay
may ipinagmamalaki namang Hudhud at Alim.
Sa nakaraang ikadalawampung siglo, isa-isang naitala ng mga mananaliksik at
dalubhasa ang marami pang epikong- bayan mula sa iba’t ibang dako ng bansa. Ayon
sa kanila, nauuri ang epikong nasusulat ayon sa kasaysayan ng lugar na kinatagpuan
nito. Halimbawa, nasa pangkating Kristiyanong epiko ang Lam-ang at Handiong,
samantala, nasa pangkating Muslim naman ang mga epikong Bantugan, Indarapatra at
Sulayman, Parang Sabil at Silungan. Ibinilang naman sa pangkating Lumad (di-
kristiyano at Muslim) ang Ullalim ng Kalinga, Hudhud at Alim ng Ifugao, Labaw
Donggon ng Hiligaynon, Hinilawod at Agyu ng Mindanao, Kudaman ng Palawan,
Tuwaang ng mga Manobo, Ulod, Sambila, at Guman ng Bukidnon.
Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang epikong-bayan. Bukod sa nagiging
aliwan ang epiko, ito ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura.
Ginagamit ito sa mga ritwal at pagdiriwang upang maitanim at mapanatili sa isipan ng
mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin
sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.
Sa kasalukayan, may ilan pa rin sa mga epikong ito ang inaawit ng ating mga
kababayan sa kanilang mga pagdiriwang. Marami pa ring matatanda ang nakaaalam sa
11
mga bahagi ng mga epikong kanilang kinagisnan. Patuloy pa rin sa pag-aaral ang mga
mananaliksik sa mga lokal na kasaysayan upang maipaliwanag ang kaugnayan ng
epiko sa ating mga paniniwala at kaugalian. Sa pamamagitan nito, higit na mapalalawig
ang pagkaunawa sa kahalagahan ng epiko bilang bahaging pampanitikan at
pangkultura ng lipunang Pilipino.
Sagutin o gawin ang hinihingi gamit ang concept diagnosis. Gawin sa sagutang papel.
Gayahin ang pormat.
1. Paglilista. Isulat ang mga epikong nabanggit mula sa binasa. Gawin sa
sagutang papel. Gayahin ang pormat.

2. Pagpapangkat. Pangkatin ang mga epiko ayon sa panahong sumibol ang


mga ito. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

Ika-19 dantaon Ika-20 dantaon Kasalukuyan

3. Pag-lalabel. Lagyan ng label ang bawat epiko kung saang lugar ito nagmula.
Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

Lugar na Pinagmulan
Luzon Visayas Mindanao

Paano mauunawaan at mapahahalagahan ang mga epiko ng sariling rehiyon?


Isulat sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.
12
Paano lumaganap ang epiko sa Pilipinas. Sagutin sa tulong ng dayagram ng
mga pangyayari. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

Ang Kaligirang Pangkasaysayan


ng Epiko

P1 P2 P3 P4

Lagom ng mga pangyayari

13
A. Pagtataya sa kaalaman

Pangatuwiranan na nakaimpluwensiya ang paniniwala sa


kababalaghan o supernatural sa kaugalian at isipan ng mga
taong pinangyarihan nito.

Rubriks sa pagmamarka:

10- tapat, makatotohanan,naglalahad ng sariling

pananaw, napaninindigan ang sariling pananaw

9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka

5- hindi taglay ang isa man sa mga elemento ng pagmamarka

LINANGIN ang Iyong Pag-unawa

A. Basahin at pag-aralan ang epikong


Ibalon.
IBALON

Kilala ang Bicol sa kanilang


matandang epiko na Ibalon na isinalaysay ng
isang makatang manlalakbay na si
Cadugnung na isinalin ni Fr. Jose Castaño.
Ang nasabing epiko ay nalathala sa Madrid
sa tulong ni Wenceslao Retana.

Ibalon o Ibalnon ang naging tawag ng


mga Español sa sinaunang lupain ng mga
Bicolano. Naging batayan nito ang mga
“ibal” o “ibay” na kauna-unahang pangalan
14
ng tangway ng Bicol. Salitang pinaikli ang “ibal” ng Ibalyo na nangangahulugan na
naging tawiran mula sa Visayas patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon.

Binubuo ng sampung saknong


na may tig-4 na linya o talutod. May
sukat na lalabindalawahin. May
dalawang bahagi ang epiko.
Naglalaman ng kahilingan ni Iling
(isang ibong laganap sa Kabikulan at
kung inaalagaan ay madaling turuang
bumigkas ng ilang salita) kay
Cadugnung na awitin ang mga
pangyayaring magpakilala sa
kabayanihan ni Handiong.

Ang ikalawang bahagi naman


ay ang awit ni Cadugnung na
naglalaman ng mga pangyayaring
naganap noong matagal na panahon.
Sa pagsisimula ng epiko, si Baltog ang
kauna-unahang lalaking nakarating sa
Kabikulan buhat sa lupain ng Botavara. Dahil sa mayamang lupain ng Bicol at sa likas
nitong kagandahan, naakit si Baltog. Isang gabi, tinambangan ni Baltog ang baboy-
ramo. Sinaksak niya ang mabangis na hayop sa pamamagitan ng kaniyang sibat.
Pagkatapos ay sinunggaban niya ang mga panga at binali ang buto. Isinabit ni Baltog
ang dalawang panga sa puno ng Talisay. Labis na humanga ang mga mangangasong
buhat sa ibang lugar nang kanilang makilala at makita ang pangit at panga ng baboy-
ramo gayundin ang panga nitong nakausli. Ang
baboy-ramong ito ay buhat daw sa bundok ng
Lingyon at tinatawag na Tandayag.

Dahil sa ipinamalas ni Baltog na


pambihirang lakas, kinilala siyang pinuno ng pook
na Ibalon. Naging mabuti siyang pinuno. Binigyan
niya ng katarungan ang lahat ng kaniyang
nasasakupan.

Matapos ang panahon ng kapayapaan at


kasaganaan, naghari naman sa buong Ibalon ang
lagim at kapinsalaan dahil sa poot ng mga
dambuhalang tulad ng mga pating na may pakpak,
kalabaw na lumilipad at higanteng buwaya.

15
Nalungkot si Baltog dahil siya ay matanda na at hindi na niya kayang ipagtanggol
ang kaniyang nasasakupan. Hindi nagtagal, isang batang-batang mandirigma ang
nagngangalang Handiong ang dumating sa Ibalon. Nang marinig niya ang karaingan ng
mga tao ay muli siyang naging tagapagligtas. Naging matagumpay naman siya sa
paglipol ng mga dambuhala. Hinikayat ni Baltog si Handiong na magkaroon ng isang
pangkat ng mga mandirigma upang tumulong sa paglipol ng mababangis na
dambuhala. Kaya’t mula noon, si Handiong naman ang humaliling bayani ng epiko.

Nakalaban din at napatay ni


Handiong si Ponong nang bigla itong
lumusob sa kanila. Isa rin itong
dambuhala na iisa ang mata at tatlo ang
bibig. Ang labanan ay umabot ng
sampung buwan. Ang pating na may
pakpak at simarong kalabaw na lumilipad
ay nalipol lahat. Ang mabangis na
“sarimaw” ay itinaboy sa bundok ng
Kolasi. Ngunit isa pang dambuhala ang
nakaligtas sa kamay ni Handiong. Siya’y
si Oryol, isang tusong ahas na
nakukuhang maging isang anyo ng kaakit-akit na babae at ang tinig ay parang sirena.
Ang mapanlinlang na serpyente ay nagtatangkang gayumahin si Handiong. Sa kabila
ng pang-aakit na ginawa kay Handiong, pinatunayan ni Oryol na hindi niya mapapasuko
si Handiong, kaya’t naghandog siya ng tulong upang mapuksa ang mga dambuhalang
buwaya sa ilog Bicol. Pagkatapos ng labanan, ang ilog Bicol ay namula sa dugo ng
mga buwaya. Nasaksihan ng ilang orang-gutang ang labanang ito at sila’y nasindak.

Nang malipol ang mga dambuhala sa pook, namahinga si Handiong. Mula noon,
siya’y nagpatuloy sa pamamahala sa
kaniyang mga kababayan nang buong
tapat at katalinuhan. Sa kaniyang
pagpapahinga siya’y nagtanim ng gabi na
ang laman ay kasinlaki ng pansol.
Nagtanim din siya ng isang uri ng palay
na nagtataglay ng kaniyang pangalan.
Lalo siyang napamahal sa kaniyang mga
sakop nang nahikayat niya nang buong
lugod ang mga mamamayan upang
gumawa ng mga kapaki-pakinabang na
kasangkapan sa ikabubuti ng lipi.

Binanggit din sa epiko na ang


kauna-unahang gumawa ng bangkang
naglayag sa ilog Bicol ay si Cinantong.
16
Lalong naging kahanga-hanga si Cinantong nang magdagdag siya ng timon at layag sa
bangkang ginawa niya. Ginawa rin ni Cinantong ang araro, suyod, pagalong, singkaw,
gulok, asarol at salop. Ang iba pang nagsigawa ng kasangkapan ay si Hablom na
tumuklas ng habihan, ang unanong si Dinahon naman ang lumikha ng tapayan, kalan,
palayok at iba pa. Si Sural naman ang gumawa ng ABAKADA at inukit sa batong libon.

Inilarawan din sa epiko ang bahay


nina Handiong na kung tawagin ay “moog”
sapagkat ito’y nakasalalay sa punongkahoy.
Ayon sa epiko, sila’y tumatahan sa itaas ng
punungkahoy upang maiwasan ang labis na
init at mailigtas ang mga sarili sa insekto’t
hayop na naglipana sa pook. Ibinigay ni
Handiong ang batas na makatarungan na
magpapahintulot na manirahan nang sama-
sama ang alipin at umaalipin nang may
karangalan at katiwasayan sa pamilya.

Sa gitna ng kapayapaang naghahari


sa lupain ay nagkaroon ng isang delubyo.
Ang baha ay kagagawan ni Inos. Isang
nakasisindak na bagyo na may kasamang
malakas na ulan ang nasabing delubyo.
Pagkatapos ng delubyo, isang tangway ang
lumitaw na ngayon ay tinatawag na
Pasacao. Nagbago rin ang takbo ng agos
ng ilog Inarihan. Ang epiko ay nagwakas sa
kasaysayan ni Bantong, isang batang-
batang kaibigan ni Handiong na lagi niyang
kasa-kasama. Sa panahong iyon, ang
katahimikan ng Ibalon ay muling binulabog
ni Rabut, isang dambuhalang kalahating tao at kalahating hayop ang katawan. Siya’y
isang mangkukulam at nagagawa niyang bato ang sinuman.

Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtungo si Bantong kasama ang


kaniyang mga tauhan sa yungib at sinalakay si Rabut samantalang ito’y natutulog.
Tinaga ni Bantong ang tulog na dambuhala. Namilipit sa sakit si Rabut at
umalingawngaw ang kaniyang tinig sa buong bayan.

17
Dinala ni Bantong ang bangkay ni Rabut sa Libnaman. Ipinakita niya kay
Handiong ang dambuhala at hindi siya makapaniwala sa kapangitan ni Rabut. Dito
nagwakas ang salin ni Fr. Jose Castaño.
Nangako si Cadugnung na ipagpapatuloy niya ang kuwento sa ibang araw.
Subalit maaaring hindi na naisalin ang iba pang bahagi ng epiko o kaya ay hindi na
natapos kung kaya’t nananatiling walang karugtong ang epiko.

Paglinang Ng Talasalitaan

1. Gamit ang semantic


web, magbigay ng mga salita o
kaisipang may kaugnayan sa
mga salitang nakapaloob sa mga
larawan. Gawin sa sagutang
papel. Gayahin ang pormat.

Tradisyon Paniniwala

Pangkating
Lumad

18
2. Ihambing ang epiko sa iba pang
uri ng panitikan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Katangian ng Epiko Katangian ng Alamat Katangian ng Pabula

_________________ _________________ _________________


_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________

Epiko Alamat Pabula

Paano nagkakaroon ng ugnayan?

19
Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

1.

Paano nakatutulong sa
ating bansa ang mga
tanyag na epiko ng iba’t
ibang rehiyon ?

2. Bakit kailangang alamin ang epiko


ng iba’t ibang rehiyon sa bansa? Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Epiko
Epiko

Epiko
Epiko

Epiko

Epiko

Epiko
Epiko
Epiko
20
3. May mga taong naniniwala at hindi naniniwala sa kakaibang lakas ng mga tauhan sa
epiko lalo na ang pangunahing tauhan, mga tagpuang may kababalaghan at mga hindi
kapani-paniwalang pangyayari. Ano ang iyong paniniwala tungkol dito? Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

4. May mga nagsasabi at


napabalita na may mga
kuwentong kababalaghan na
nangyayari sa Kabikulan? Ano
ang masasabi mo tungkol dito?
May kinalaman nga kaya ito sa
epiko ng Bicol o ito ay imbento
lamang? 21
B. Pagtataya sa Proseso at Kasanayan (Process and Skills) ng mga
mag-aaral

Paano mo mapatutunayan sa pamamagitan ng story


collage na bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang paniniwala
sa supernatural o mga kababalaghan?

Rubriks sa pagmamarka:

10- tapat, makatotohanan,taglay ang orihinalidad,masining

9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka

5- hindi taglay ang isa man sa mga elemento ng pagmamarka

PALALIMIN ang Iyong Pag-unawa

Ang Simposyum (Talakayang Pangkatan)

Ang simposyum ay isang interaksiyon o talakayang pangkatan tungkol sa


isang tiyak at napapanahong isyu. Mauuri ito sa dalawa, ang pormal at di-pormal
na simposyum. Kadalasan, pormal ang gamiting anyo ng simposyum lalo na sa
mga paaralan o unibersidad. Binubuo ang simposyum ng tatlo hanggang apat na
panauhing tagapagsalita na nakahandang magbigay ng kanilang talumpati. May
isang modereytor o tagapag-ugnay na siyang magsisilbing tagapamagitan sa
daloy ng gaganaping talakayan. Inaasahang ang lahat ng panauhin ay may sapat
na kaalaman sa paksa.

Nahahati sa dalawang bahagi ang simposyum. Sa unang bahagi, isa-isang


magbibigay ng talumpati ang mga panauhing tagapagsalita tungkol sa kanilang
opinyon at panig sa pag-uusapang isyu o paksa. Tinatakdaan naman ng oras ang
bawat magsasalita. Matapos ang mga pagtatalumpati, susundan naman ito ng
lahatang diskusyon o open forum na siyang ikalawang bahagi ng simposyum.
Lilinawin sa mga tagapakinig ang paksa sa paraan ng pagpapalitan ng mga22
tanong na siyang pamamahalaan naman ng isang tagapag-ugnay o modereytor.
Higit na magiging matagumpay ang simposyum kung ang mga
tagapakinig o madla ay aktibong makikisangkot sa open forum sa kanilang
pagtatanong. Tandaan na isinasagawa ang simposyum hindi para sa mga
panauhing magsasalita kundi para sa kabatiran ng mga nakikinig sa paksa. Sa
pagsasagawa ng isang talakayang pangkatan o simposyum, kadalasang
nagsasagawa ng mga sarbey o kaya naman ay panayam sa mga taong kabilang
upang makuha ang pangkalahatang pulso, opinyon at panig ng madla na kanilang
bibigyang- linaw sa aktuwal na simposyum.

ALAM MO BA…
Narito ang maaaring gamiting
patnubay na mga tanong sa iyong
isasagawang gawain.

Iba’t Ibang Paraan ng Pagtatanong

1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi. Sa


wikang Filipino, karaniwang gumagamit ng ganitong tanong. Maaaring
tumaas o bumaba ang intonasyon sa katapusan ng tanong. Ang sagot
dito ay maikli at hindi na nangangailangan ng pagbubuo ng isang
pangungusap.

Halimbawa:
Naniniwala ka ba na mahalagang pag-aralan ang epiko?
Oo/Opo (naniniwala ako)
Hindi/Hindi po (ako naniniwala)

Maaari ko bang makuha ang iyong opinyon tungkol sa kahalagahan


ng pag-aaral ng epiko?
Oo/Opo (puwede)
Hindi/Hindi po (puwede)

23
2. Mga tanong na nagsisimula sa mga interogatibong panghalip.
Maraming tanong sa wikang Filipino na ginagamitan ng interogatibong
panghalip na sino, saan, kailan, ano, bakit, paano, magkano, alin, ilan, at
gaano. Mayroon ding anyong inuulit, ang ilan sa mga ito gaya ng ano-
ano, sino-sino, at saan-saan na nagpapaliwanag ng pangmaramihang
kasagutan. Hindi limitado ang sagot sa mga tanong na ito dahil
maaaring iba-iba ang sagot sa tanong, basta’t naibibigay ang sagot ng
impormasyong hinihingi ng tanong.

Halimbawa:
Saan ang tagpuan ng epikong Ibalon?
Ano ang ibig sabihin ng epiko?
Ilan ang kilalang epiko ng mga Muslim?
Sino ang pangunahing tauhan sa epikong Ibalon?

3. Mga tanong na nagsisimula rin sa mga interogatibong panghalip


ngunit naghahayag ng ibat’ ibang damdamin. Mahuhulaan ang
damdaming inihahayag ng ganitong mga tanong sa tulong ng tono ng
pagsasalita. Nakabatay ang pagbigkas sa damdaming nais ihayag ng
tagapagsalita.

Halimbawa:
Bakit mo nagustuhan ang epiko?
(Maganda kasi/ Wala lang./ Ang galing-galing kasi ng mga bida!)

Basahin mo ang isang halimbawa


ng pakikipanayam. Heto i-sesend
ko na…

24
abc
3/3
Isang Panayam (Interbyu)

Al Bryan: Magandang araw po Gng. Analiza R. Lazaro! Isa po ako sa mag-aaral na


naatasan ng aming guro sa Filipino 1 na kapanayamin kayo. Humihingi po
ako ng pahintulot.
Gng.Lazaro: Magandang araw rin sa iyo Al Bryan! Oo, maaari mo akong
kapayanamin.Tungkol saan ang kailangan mong hingan ng impormasyon?
Al Bryan : Tungkol po sa katutubong epiko ng Pilipinas. Para sa inyo, ano po ba ang
epiko?
Gng. Lazaro: Ang epiko ay isang tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan
at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan na siyang bayani at
may angking kapangyarihan na gaya ng mga bathala o diyos-diyosan.
Al Bryan : Ah, may mga tauhan po na may lakas na gaya nila Hercules sa Mitolohiya?
Gng. Lazaro : Tama, iho.
Al Bryan: Bakit po kaya ginamitan pa ng mga tauhang may kakaibang lakas o
kapangyarihan ang epiko gayong maaari namang wala nito?
Gng. Lazaro : Ang pangunahing dahilan ng paggamit ng mga tauhang may
kapangyarihan sa epiko ay upang higit na malibang ang mambabasa o
tagapakinig. Hindi ba higit na kapana-panabik basahin kapag may
kakaibang tauhan ang isang akda? Isa pa, nakaugat sa ating kultura ang
ating mga sinaunang paniniwala sa mga engkanto o lamang-lupa na may
kapangyarihan.
Al Bryan : Naku, talaga namang nakaaaliw basahin ang mga epiko. Gaano po
kahalaga para sa isang Pilipinong mag-aaral na gaya ko ang makabasa at
mapag-aralan ang mga katutubong epiko natin?
Gng. Lazaro : Napakahalaga, iho. Sa pamamagitan ng ating pag-aaral ng epiko,
matutuklasan natin ang ating nakaraang kasaysayan sapagkat
sinasalamin nito ang ating mayamang kultura. Makikita natin ang
sinaunang paniniwala, paraan ng pamumuhay, at maging ang
pananampalataya sa Dakilang Lumikha at pagmamahal sa kalikasan. Sa
palagay mo Al Bryan, nakita mo ito sa iyong mga nabasang epiko?
Al Bryan :Opo. Kung gayon po, masasabi po ba nating bawat epiko ng rehiyon ay ito
ang pagkakakilanlan ng kanilang lugar?
Gng. Lazaro : Tama ka. Bawat epiko ay sumasalamin sa kanilang buhay at kultura.
Al Bryan : Napakarami palang kaalaman ang naibahagi po ninyo sa akin tungkol sa
epiko. Marami pong salamat!
Gng. Lazaro : Walang anuman. Nawa’y makatulong iyan hindi lamang sa iyo kundi
maging sa mga kamag-aral mo.

Options Send Clear


25
Gawaing Panggramatika

Sagutin ang mga tanong,


kaibigan. Isulat ang mga
sagot sa sagutang papel.

a. Bakit kinapanayam ni Al Bryan si Gng. Lazaro?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
b. Naging makahulugan ba ang isinagawang pakikipanayam ni Al Bryan?
Patunayan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
c. Isulat ang mga ginamit na tanong ni Al Bryan upang makuha ang mga
impormasyong kaniyang kailangan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.Gayahin
ang pormat.

Mga Ginamit na Tanong :

1.
2.
3.
4.
5.

1. Bumuo ng tigtatatlong tanong na ang paksa ay tungkol sa kaligirang


pangkasaysayan ng epiko. Isaalang-alang ang mga paraan ng pagtatanong
na napag-aralan.

a. Tanong na masasagot ng Oo at Hindi

1.____________________________________________________________
______________________________________________________________
2.____________________________________________________________
______________________________________________________________
26
3.____________________________________________________________
______________________________________________________________

b. Mga Tanong na Nagsisimula sa Interogatibong Panghalip.

1.____________________________________________________________
______________________________________________________________
2.____________________________________________________________
______________________________________________________________
3.____________________________________________________________
______________________________________________________________

c. Mga tanong na nagsisimula pa rin sa mga interogatibong panghalip


ngunit naghahayag ng ibat’ ibang damdamin.

1.___________________________________________________________________

2.___________________________________________________________________

3. ___________________________________________________________________

C. Pagtataya sa Pag-unawa (Understanding) ng mga mag-aaral:

Bumuo ng mga tanong batay sa impormasyong ibinigay gamit ang iba’t ibang
uri ng pagtatanong. Isulat sa sagutang papel.

Iginiit muli ng Kalihim ng Edukasyon (DepEd) na si Armin Luistro ang usapin


tungkol sa pagdaragdag ng dalawang taon sa haiskul.

Inilahad ng DepEd ang resulta ng inisyal nilang pag-aaral para sa “K-12


Program” kung saan lumilitaw na may pangangailangan talaga para sa dagdag
na taon ng pag-aaral.

Nakapaloob sa proposal na “K-6-4-2 Model” na ang isang mag-aaral ay dadaan


sa isang taon sa kinder, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa “junior
high school” at dalawang taon sa “senior high school”.

Ang huling dalawang taon ay gugulin sa pagma-master o espesyalisasyon ng


estudyante sa mapipiling aralin.

Ayon kay Luistro, ang mga benepisyo sa dagdag na dalawang taon ay


mapapaluwag ang workload sa mga aralin, magkakaroon ng sapat na kakayahan
ang mga nakapagtapos para makapagtrabaho, mas magiging handa sa kolehiyo,
makahahanap ng trabahong may mataas na sahod, magiging handa sa trabaho
27
sa ibang bansa, at makasasabay ang Pilipinas sa international standards sa
edukasyon.
Rubriks sa pagmamarka:

10- kaangkupan,wasto ang paraan ng pagtatanong, kaugnayan

ng tanong sa impormasyong ibinigay, kalinawan ng tanong

9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka

5- hindi taglay ang isa man sa mga elemento ng

pagmamarka

ILAPAT ang Iyong Pag-unawa

Lumikha ng mga tanong na itatanong sa


isasagawang sarbey o panayam tungkol sa
kahalagahan ng pag-aaral ng epiko ng iba’t
ibang rehiyon, tiyakin na masasagot ang mga
kinakailangang impormasyon batay sa mga
pamantayang inilahad.

Listing ng mga Tanong


1.________________________________________
2.________________________________________
3.________________________________________
4.________________________________________
5.________________________________________
6.________________________________________

28
Suriin ang mga tanong na iyong ginawa. Pagkatapos sagutin ang
mga tanong na ito: Angkop ba o hindi angkop ang mga tanong na ginawa
mo? Dugtungan ang pahayag sa pagsagot.

(Angkop o Di-angkop) ang mga tanong na ginawa ko ukol sa


isasagawa kong pakikipanayam dahil_____________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Kakapanayamin mo ang sumusunod. Gamitin ang uri ng mga


tanong na angkop sa bawat tao sa pagsasagawa ng sarbey. Pumili
lamang ng isang tao sa bawat kategorya. Isulat sa sagutang papel ang
impormasyong nakalap. Gayahin ang pormat.

1. mga mag-aaral
• haiskul
• kolehiyo
2. mga propesyunal
• guro
• doktor
• at iba pa
3. mga karaniwang tao
• nagtitinda sa palengke
• sales clerk sa isang mall

1.____________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2.____________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3.____________________________________________________________
______________________________________________________________

29
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Batay sa mga impormasyong iyong nakalap tungkol sa kahalagahan ng pag-


aaral ng epiko ng iba’t ibang rehiyon, ano ang masasabi mo tungkol dito? Ilagay sa
karwahe ang iyong sagot. Gawin sa sagutang papel.

Sa iyong palagay masasabi


mo na ba na may kakayahan
ka na sa pagsasagawa ng
panayam o sarbey ?

Sagot:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________

30
Kumuha ng kapareha na kasama mo dito
sa aming kaharian at pagkatapos ay
subukin mong itanong sa kaniya ang mga
tanong na iyong ginawa. Itala ang
kaniyang magiging sagot at ipaliwanag
kung epektibo ang mga ginawang tanong.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tanong 1: __________________________________________
Sagot: ______________________________________________
Tanong 2: __________________________________________
Sagot: ______________________________________________
Tanong 3: __________________________________________
Sagot: ______________________________________________
Tanong 4: __________________________________________
Sagot: ______________________________________________
Tanong 5: __________________________________________
Sagot: ______________________________________________
Tanong 6: __________________________________________
Sagot: ______________________________________________
Paliwanag: __________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

Lagumin ang mga impormasyong nakalap upang maging malinaw at maayos


para sa pagsasagawa ng simposyum. Isulat sa sagutang papel. Gayahin ang
pormat.

1.
2.
kahalagahan ng

pag-aaral ng epiko

3. ng iba’t ibang

4. rehiyon 31
At ngayong tapos mo na ang aralin
na ito ay isagawa mo at ng iyong
mga kasama ang inaasahang
pagganap upang masukat ko kung
gaano kalalim ang inyong natutuhan
sa araling ito batay sa mga
pamantayang ibinigay.

Binabati kita!!

D. Paglilipat ng Pag-unawa (Product and Performance) ng


mga mag-aaral

Magsagawa ng simposyum ukol sa tungkol sa kinalabasan ng


isinagawang sarbey tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral
ng epiko ng iba’t ibang rehiyon. Narito ang mga
pamantayan:

Rubriks sa pagmamarka:

10- Batay sa pananaliksik, may kaugnayan sa paksa,


napapanahon, nagtataglay ng mga elemento ng
simposyum, at wasto ang paraan ng pagtatanong at
pagsagot
9- taglay ang apat na elemento ng pagmamarka

8- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

7- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

5- taglay ang isang elemento ng pagmamarka

32

You might also like