You are on page 1of 6

St.

Anthony’s College
HIGH SCHOOL DEPARTMENT
San Jose de Buenavista, 5700 Antique

Kabanata II

Kaugnayan sa Pag-aaral at Literatura

Hindi maipagkakaila na ang pagpupuyat ay hindi maiwasan ng mga kabataan sa

panahong ngayon. Lalo na’t ang lumalago pa ang teknolohioya sa modernong panahon. Sa

katotohanan, maraming kabataan ang nakakaranas nito. Ang pagpupuyat ay hindi lamang

nakakaapekto sa ating kalusugan gayundin sa ating pag-aaral. Batay sa sarbey ng Central

for Disease Control and Prevention (2007), ang hindi sapat na pagtulog ay may kinalaman

sa sampung hindi magandang pag-aasal ng isang tao. Una, ang pag-inom ng soft drinks ng

isa o higit pang beses sa loob ng isang araw. Hindi kabilang rito ang diet soft drinks.

Ikalawa, hindi pag-papartisipasyon ng 60 minutong pisikal na gawain ng lima o higit pang

araw sa isang linggo. Ikatlo ang pag-gamit ng kompyuter sa loob ng tatlong oras o higit pa.

Ika-apat ang pakikipag-away ng pisikal ng isa o higit pang beses. Ikalima ay paninigarilyo.

Ika-anim, paggamit ng marijuana. Ika-pito, pag-iinom ng alak. Ikawalo, pakikipag-talik. Ika-

siyam, pagkaramdam ng kalungkutan o kawalan ng pag-asa at ang huli ay ang seryosong

pagbibigay konsiderasyon ng pagkitil ng sariling buhay. Ayon sa pag-aaral ni Christopher

Silas Neal noong 2015, 87% ng mag-aaral sa high school sa Estados Unidos ay hindi

nakakatulog ng sapat. Ngunit sa ating bansa, wala pang naitala na bilang. Sa istatistikang

nabanggit, masasabi natin na maraming mag-aaral sa high school ang nagpupuyat. Batay sa

ulat ng Research Center noong 2015, ang mga kabataan ay gumagamit ng higit sa isa ng

electronic device ng sabay-sabay, kadalasan tuwing gabi. Ang ilan sa 72% ay dinadala ang

kanilang cellphone sa kanilang mga kwarto at ginagamit ito hanggang sila’y makatulog, at
St. Anthony’s College
HIGH SCHOOL DEPARTMENT
San Jose de Buenavista, 5700 Antique

28% naman ay iniiwang bukas ang kanilang mga cellphone habang sila’y natutulog. Yun

nga lang, nagigising sila ng dahil sa text, tawag o email, ayon sa National Sleep Foundation

poll on electronic noong 2011. Ayon kay Edilberto Gonzaga, isang propesor sa Department of

Psychology ng College of Science, bukod sa panghihina ng katawan, may dalawang epekto ang

kakulangan sa tulog. Ito ay pawang sikolohikal at pisyolohikal. Sa sikolohikal na aspekto,

naaapektuhan ang haba ng atensyon, konsentrasyon, tamang pag-iisip at nagiging sensitibo at sa

pisyolohikal na aspeto, naapektuhan ang pangangatawan ng isang indibidwal. Batay naman sa

Australianang mananaliksik na si Ann Williamson, “Pagkatapos ng 17 hanggang 19 na oras na

walang tulog, ang pagtugon [ng mga kasali] sa ilang eksperimento ay katulad o mas malala pa sa

pagtugon ng isang taong may 0.05% [alkohol sa dugo].” Ayon sa website na tinatawag na

WebMD, ang isang kabataan ay kailangan makatulog ng walo’t kalahati hanggang siyam at

kalahating oras. Ayon naman sa website na tinatawag na Sleep Foundation, ang pagtulog ay

kailangan upang gumana ng maayos ang ating isipan. Kaya kung kulang ito, masasabi natin

na maaaring maapektuhan ang akademikong aspeto ng isang kabataan na nag-aaral. Sa

panahon ngayon kung saan ang mga tao ay subsob sa pagtatrabaho at sa mga taong

puspusan ang paggawa para maabot ang mga iba’t-ibang pangarap sa buhay, ang pagtulog

ang pinakaimportante at pinaka mahalagang bagay. Maraming mga tao ang nakakatulog

lamang ng hindi lalagpas sa lima hanggang anim na oras sa gabi kahit na ang mga sinasabi

sa mga isinagawang pag-aaral na ang dapat na maging pagtulog ay pito o walong oras.

Ayon sa pag-aaral nina Ramirez et al. sa “Epekto sa Kalusugan ng Pagpupuyat,” ilan

nga sa mga epekto ng kakulangan sa tulog o pagpupuyat ay ang mga sumusunod: Una ay

ang pagiging irritable at hindi pagiging aktibo ng pag-iisip. Nagiging iritable at hindi aktibo
St. Anthony’s College
HIGH SCHOOL DEPARTMENT
San Jose de Buenavista, 5700 Antique

ang pag-iisip ng taong mahilig magpuyat. Ayon sa isang pag-aaral, ang kakulangan sa tulog

ay nakasasama sa ating puso. Nagiging sanhi ito ng pagtaas ng blood pressure sa mga

matatanda. Maaari ring makakuha ng iba’t ibang sakit gaya ng heart attack, heart failure,

irregular heartbeat, stroke at diabetes. Ikalawa ay pagkakaroon ng tigyawat. Marami rin sa

ngayon ang nagpupuyat dahil sa kanilang inaabangang teleserye o palabas tuwing gabi.

May ilan din na nahihilig maglaro ng online games at manood ng telenovela sa online.

Mahirap din kasing ma-miss ang episode ng inaabangang palabas. Gayunpaman, ang

pagpupuyat na ito ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng tigyawat. Wala naman daw

koneksiyon ang pagkakaroon ng tigyawat sa pagpupuyat. Pero ayon sa isang pag-aaral ang

pagpupuyat at kakulangan sa tulog ay nagbabawas sa ating katawan ng oras upang

makapagpahinga. Ito ay maaaring magdulot din ng stress, pagtaas ng insulin at depresyon.

Ikatlo ay pagiging dahilan ng pagkakahimatay at pagiging makalimutin. Ang kakulangan sa

pagtulog ay nagiging dahilan din ng fatigue at napalalapit sa aksidente. Kapag ikaw ay

bumibiyahe at nagpupuyat sa pag-drive, kailangan mas maging alerto at maingat dahil ito

ang mga nagiging rason ng pagdami ng aksidente sa kalsada Ang pagtulog ay importante sa

ating cognitive learning process. Kapag kulang sa tulog, ikaw ay humihina pagdating sa

pag-alala at pagkuha ng mga impormasyon mula sa pakikipag-usap sa ibang tao. Ayon sa

isang pananaliksik, kung wala kang tamang tulog ay hindi mo na maalala ang mga bagay na

ginawa mo buong araw. Nakakapagpapapangit din ng balat at nakakalakas ng pagkain ang

pagpupuyat. Nasisira ang balat kapag ikaw ay nagpupuyat. Ito ay nagiging dahilan ng

pamumutla at pagkakaroon ng eyebags. Ang tamang oras ng pagtulog ay nagpapanatili sa

ating wastong pagkain. At kung kulang sa tulog, napalalakas nito ang pagkonsumo ng
St. Anthony’s College
HIGH SCHOOL DEPARTMENT
San Jose de Buenavista, 5700 Antique

pagkain. Dahil sa kakulangan sa tulog, para makabawi ang katawan ay maya’t maya ka kung

maghanap ng pagkain. Kaya’t nang maiwasan ang pagkakaroon ng eyebags, pamumutla at

pagiging obese, iwasan ang pagpupuyat. Ang panghuli ngunit hindi nagtatapos dito ay ang

pagiging dahilan ng ng microsleep o blackout. Nagkakaron ang isang tao ng tinatawag na

microsleep. Hindi mo namamalayan na ikaw ay nakatutulog kahit na may ginagawa. Ang

microsleep ay tulad din ng blackout at hindi nababatid ng taong may ganitong

karamdaman. May mga bagay rin na dapat nating isaalang-alang upang maiwasan ang

pagpupuyat. Bawasan ang pag-inom ng mga inuming may mataas na caffeine content tulad

na lang ng kape at soda. Dapat ay may sapat na eherisyo sa umaga. Subukan ding ipahinga

ang katawan bago matulog. Iwasan ang paninigarilyo Gawing tahimik at komportable ang

kuwarto. Kumain ng tamang pagkain at iwasan ang pagtulog nang gutom. Nakatutulong

upang makatulog ng mahimbing ang saging, tuna, patatas, avocado. Habang nasa kama

naman, iwasan ang pagkain.

Ang pagtulog ay isa sa mahalagang bagay na kailangan ng ating katawan. Katulad

din ng pagkain, paghinga at pag-inom ng tubig, ang pagtulog ay nagsisilbing tamang 

pundasyon para sa ating kalusugan. Ito ay nagpapahaba ng ating buhay. Napananatili ang

malusog na puso. Naiiwasan ang pagiging bugnutin, maiinitin ang ulo at pabago-bago ng

mood. Napag-alaman ng Sleep, Metabolism and Health Center ng University of Chicago na

ang slow wave sleep o ang pagtulog ng mahimbing ay nakatu-tulong sa ating metabolism at

sa kalusugan ng puso. May masasamang epekto ang pagpupuyat kaya naman sikaping
St. Anthony’s College
HIGH SCHOOL DEPARTMENT
San Jose de Buenavista, 5700 Antique

makatulog ng mahimbing nang maiwasan ang masamang epekto nito habang maaga pa.

Huwag hintaying magsisisi sa bandang huli.

Ayon sa Division of Sleep Medicine ng Harvard University, ang ating katawan ay

nangangailangan ng pagtulog tulad din ng pangangailangan nito ng pagkain, paginom at

paghinga. Marami nang ginawang pananaliksik na tinalakay ang importansya ng pagtulog

at ang mga ito ay nagpakita ng resulta na importante ang pagtulog para sa pag-promote ng

pisikal na kalusugan, pagpapahaba ng buhay at emosyonal na kagalingan. Ito rin ang

dahilan kung bakit pagkatapos ng mahimbing na tulog sa magdamag ay mas maganda ang

iyong pakiramdam, ang pagiisip mo ay mas malinaw at hindi ka masyadong emosyonal.

Kapag kulang sa tulog, ang pagdedesisyon, mood at kakayahang matuto at magimbak ng

panibagong impormasyon ay mahina. Ang pagtamo ng maayos na tulog ay nagsisimula sa

pagkakaroon ng schedule at pagkakaroon ng maayos at matiwasay na kuwarto na

nakakapangrelax.

Sa mga nabanggit na pag-aaral, masasabi natin na lumalaking problema ang

pagpupuyat. Masasabi rin natin na may iba’t bang epekto ang pagpupuyat sa atin at

kadalasan dito ay nakakasama. Sa makatuwid, maari rin maging epekto sa akademikong

aspeto ng isang mag-aaral kung kaya’t minsan ay humahantong ito sa pagtulog sa klase na

maaaring maging sanhi sa pagbaba ng grado.


St. Anthony’s College
HIGH SCHOOL DEPARTMENT
San Jose de Buenavista, 5700 Antique

You might also like