You are on page 1of 11

Page 1 of 11

Filipino - Grade 6
Alternative Deivery Mode
Unang Markahan- Modyul 1
Pang-unawa sa Napakinggan/ Nababasa.
June 3, 2020

May-akda: Jason M. Decatoria


Payatas B Annex Elementary School

Republic Act 8283 nagsasaad na ang karapatang sipi sa pagkopya at paggamit


ay kailangang may pahintulot sa may-akda.
.

Para sa Guro : Ang modyul na ito ay gabay aralin para sa mga batang nasa Ika-
anim na baitang.

Para sa Bata: Sa pamamagitan ng modyul na ito matututunan ninyo ang tungkol


sa asignaturang Filipino 6 – mapanuring pag-iisip at magbibigay gabay sa inyo.
Gamitin na may pagpapahalaga ang modyul para sa inyo, sa komunidad at sa
bayan.

Page 2 of 11
Aralin 1
Pang-unawa sa Napakinggan/ Nababasa.

I. LAYUNIN:
A. A.Nasasagot ang mga tanong sa napakinggang pabula.F6PN-Ia-g-3-1
B. B.Naipamamalas ang pagpapahalaga at pagrespeto sa mga hayop.
C. C.Naisasakilos ang bahaging naibigan sa naakinggang pabula.

PAKSANG ARALIN:
A. PAMAGAT NG ARALIN:
Pagsagot sa mga tanong sa napakinggang pabula.
Ang Suliranin ni Kardong Kalabaw
(Pinagyamang Pluma 6 .pahina 7-9 F6PN-12g-3.1

 B. KAISIPAN
“Pahalagahan ang mga hayop sa kapaligiran,dahil nakatutulong din ito sa
ating kabuhayan.”

C. HALAGANG PANGKAISIPAN

Pagmamahal sa hayop

PANIMULA:

Ang Pagpapahalaga at pagrespeto sa mga hayop. Kailangan ang mapanuring


pag-iisip upang mauunawaan nila ang kahalagahan nito.

.PAGANYAK NA TANONG:
1. Saan kalimitan natin makikita ang kalabaw?
2. Paano sila nakatutulong sa mga tao?

Page 3 of 11
KASANAYANG PANGWIKA

Bigkasin ang mga salita ayon sa isinasaad sa ibaba.

Malumi: Mabilis :
puno puno
sawa sawa
saya saya
amo amo
basa basa

PAGPAPAHALAGA SA WIKA

BASAHIN AT TUKLASIN MO ANG MGA TALASALITAAN

Suriin ang bigkas ng salitang may salungguhit.

1. Ano ang kahulugan ng una at ikalawang salitang may salungguhit?


2. Ano ang kahulugan ng ikatlo at ikaapat na salitang may salungguhit?

Page 4 of 11
KASANAYAN SA PAGBASA

Direct Reading Thinking Activity

Babasahin ang pabula sa ibaba,pagkatapos ng isang talata hihinto at sagutin ang mga
tanong (#1-8) .Ito ay ginagawa upang malaman kung naintindihan ninyo ang binasa.
Hanggang sa matapos ang kuwento.

1. Tanong: Sino ang nagpatawag ng pagpupulong?


Sagot:

2. Tanong: Bakit Nagpatawag ng pulong di Kardong Kalabaw?

Sagot:

3. Tanong: Ano ang suliranin ni Kardong Kalabaw?


Sagot:
.

4. Tanong: Ano ang naging damdamin ni Mara Matsing habang nakatingin


siya kay Kinay Kuwago?Maaari ring isakilos.
Sagot:

5. Tanong: Paano idinipensa ni Kinay Kuwago ang kanyang sarili?


Sagot:

6. Tanong: Ano ang natuklasan ni Kardo sa kapwa nya hayop?


Sagot:

7. Tanong: Ano ang nasaksihan ni Kardo?


Sagot:

8. Tanong: Sa inyong palagay makatarungan ba ang ginagawa ng mga tao


sa mga hayop?Mangatwiran.
Sagot:

Page 5 of 11
Basahin natin ang Pabula:

Ang Suliranin ni Kardong Kalabaw


Pabula:Pinagyamang Pluma6 p.7-9 F6PN-12g-3.1

Isang araw ,sa isang kagubatang malapit sa malawak na taniman ng palay,


ipinatawag ni Kardong Kalabaw ang kanyang mga kaibigang hayop para sa isang
pagpupulong.Gusto niyang hingin ang tulong ng mga ito. “ Magandang araw sa inyong
lahat, mga kaibigan.Salamat at pinaunlakan ninyo ang aking paanyaya.”ang bati ni
Kardong Kalabaw.

“Ano ba ang ating pag-uusapan? Bakit mo kami ipinatawag? “tanong ni Lira


Lawin. “ Marahil ay tungkol ito sa suliranin ng kanyang mga amo,”ani Mara Matsing.”
Hindi bat nababahala sila sa pagdami ng mga daga at kulisap na kumakain ng kanilang
tanim na palay? “dagdag pa niya
.
“Tama ang iyong tinuran ,Mara Matsing. Iyan nga ang gusto kung ihingi ng tulong
sa inyo .Halos walang natitira kapag umaatake ang mga daga at kulisap sa taniman ng
aking mga amo. Doon pa naman nila kinukuha ang kanilang ikinabubuhay .Nakakaawa
sila . Maaari n’yo ba akong matulugan sa paglutas ng problemang ito? Ang
nagmamakaawang sabi ni Kardong Kalabaw.

Nagkatinginan ang mga hayop habang nag-iisip. Maya- maya pa’y sabay-sabay
silang napatingin kay Kinay Kuwago na noo’y natutulog.Tila naramdaman niya ang mga
matang nakatitig sa kanya, naalimpungatan ito.B-b-bakit ganyan kayo makatingin?May
nagawa ba akong mali?ang naguguluhang tanong nito . Hindi mali… kundi, ano ang
hindi mo ginagawa,” ang sagot ni Mara Matsing” Di ba’t katungkulang mo ang mang huli
at kumain ng mga daga upang hindi sila dumami at makapinsala”?

Page 6 of 11
“ Aaaaa….. pasensya na . Napakabilis magparami ng mga daga at kaunti na lang ang
aming bilang kaya’t hindi na naming kayang kontrolin ang dami ng mga ito”, nahihiyang
paliwanag ni Kinay Kuwago.”E teka muna ,Bakit di nyo rin tanungin si Simang Sawa?
Trabaho rin niya ang panghuhuli at pagkain ng mga daga ,a.”

Dumako ang tingin ng mga hayop sa paparating pa lamang na si Simang Sawa.”


Narinig ko ang sinabi ni Kinay Kuwago.Katulad nila ay hindi na rin sapat ang dami
naming upang mapigilan ang pagdami ng mga daga.”
Hindi rin mapakali si Lira Lawin kayat nagwika.” Humihingi rin ako ng
paumanhi.Kaming mga lawin ay wala ring magawa.Maliit na rin an gaming bilang at
malato na rin sa mga kabahayan ang aming tirahan.”
Natigilan at napaisip si Kardong Kalabaw. Bakit nga ba lumiliit ang populasyon
ng mga ibon at ahas na tagakain ng mga daga, habang ang mga ito naman ay patuloy
sa mabilis na pagpaparami? Hindi naman ganito noon .Ano nga ba ang mangyari?

Tahimik na nag-iisip ang lahat nang bigla na lamang may batong muntik nang
tumama sa ulo ni Kinay Kuwago. Sa pagkagulat ay mabilis na lumipad palayo si Kinay
at Lara Lawin habang sina Simang Sawa at Mara Matsing ay mabilis na nagtago sa
makapal na dahon ng mga puno. Sa isang iglap ay nawala sa paningin ni Kardong
Kalabaw ang mga hayop na dumalo sa pagpupulong.
“Sayang ! Hindi mo tinamaan. Nakalipad tuloy,”ang narinig ni Kardo mula sa
mga batang may mga hawak na tirador.”Halikayo, baka marami pang ibang ibon o
hayop ang mahuli natin sa dako pa roon

Nang tuluyan nang makalayo ang mga bata ay saka pa lamang naglabasan ang
mga hayop na takot na takot.” Marahil ngayon ay alam mo na ang dahilan kung bakit
ang populasyon naming taga kain ng daga at kulisap ay lumiliit na,” ang sabi ng mga
hayop kay Kardong Kalabaw.
“ Hindi lamang ang mga ibon ang nakararanas ng kalupitan ng mga tao,”ang
hinain ni Simang Sawa.” Kaming mga ahas din ay pinapatay nila sa tuwing kanilang
makikita.
“Bukod sa pagbaril o pagtirador sa amin, sinisira din nila an gaming tirahan.
Kinakalbo nila ang kagubatan ,dagdag ni Mara Matsing.
“ O kaya naman ay nagsasabog sila ng mga kemikal na nakalalason din sa
amin,” dagdag ng iba pang mga hayop sa pulong.” Marami sa ating mga kasamahan
ang mga nangamatay dahil sa kagagawan ng mga tao kaya paano naming sila tulungan
kung sila mislo ang sumisira sa balanse ng kalikasan?

Walang nagawa at nasabi si Kardong Klabaw nang isa- isang nagpaalam na sa


kanya ang mga kaibigan. Napagtanto niyang totoo ang tinuran ng kanyang mga
kaibigan.

Page 7 of 11
PAGPAPAYAMAN PA NG TALASALITAAN

Tukuyin at kahunan ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat


pangungusap.

1. Malaking suliranin ng mga magsasaka ang mga pesteng kumakain sa kanilang


mga pananim.
a. problema b. kalungkutan c. kasiyahan d. pananagutan
2. Salamat at pinaunlakan n’yo ang aking paanyaya.
a. tinanggihan b. tinanggap c. tinupad d. tinapatan
3. Narinig ko ang tinuran ni Kinay Kuwago.
a. sinabi b. tinanong c. napakinggan d. inawit
4. Napagtanto niya ang dahilan ng pagdami ng peste.
a. napagsabihan b.napagtanungan c. napag-alaman
5. Naalimpungatan ang natutulog na si Kinay.
6. a. nabigla b. nagising bigla c. naingayan d. nagulat

PAGPAPAHALAGA NG PANGKATAUHAN SA BINABASA

Sagutin ang sumusunod na maga tanong mula nabasang pabula.

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?


2. Ano ang mahalagang tungkulin na ginagampanan ng bawat –isa ?
3. Paano malulutas ang suliranin ni Kardong Kalabaw?
4. Bakit mahalagang malutas ang problema ni kardong Kalabaw?
5. Ano ang maramdaman mo nang mabatid mo ang suliranin ng mga hayop?
6. Ano ang gagawin mo para mapangalagaan ang mga hayop sa kagubatan?
7. Bakit hindi dapat sila hulihin/patayin?
8. Malaki ba ang maging epekto sa mga hayop ang pagpinsala sa kanila?
9. Sa paanong paraan sila nakatutulong sa mga tao?.
10. Kung ikaw si Kardong Kalabaw gagawin mo rin ba ang ginawa niya?
Bakit? Ipaliwanag.

PAGTALAKAY SA AKDA

Sagutin ang tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang nagpatawag nga pagpupulong?
a. Nardong Kalabaw c. Kardong Kalabaw
b. Kardong Kabayo d. Nardong Kabayo
2. Bakit siya nagpatawag ng pagpupulong?
a. May pag-aaway-away ang mga hayop.
b. Mayroon silang suliraningg dapat pag-uusapan .
c. May paligsahang kailangang paghandaan .

Page 8 of 11
d. May nagyaring kakaiba sa lugar nila.
3. Ano ang hinihingi ni Kardo sa kanyang mga kaibigang?
a. tulong sa paglutas ng problema
b. tulong sa pag-organisa ng paligsahan
c. tulong sa mapagkasundo-sundo ang mga nag-aaway
d. tulong sa paghahanda sa kapistahan.
4. Anong hayop ang naninira sa mga pananim ng mga magsasaka?
a. matsing b. kuwago c. daga d. ahas
5. Ano ang nangyari habang nagpupuong sina Kardong Kalabaw at mga hayop?
a. Dumating ang amo ni Kardong Kalabaw.
b. Dumating ang mga batang naninirador ng ibon.
c. Nang-away si Kardo sa mga hayop.
d. Naktulog ang magkaibigan.
6. Aling hayop ang hindi kumakain ng daga?
a. kalabaw b. sawa c. lawin d. kuwago
7. Anong hayop ang hindi nabanggit sa pabula?
a. pagong b. matsing c. ahas d. kalabaw
8. Anong aral ang nais maiparating ng pabula?
a. pagiging masipag c. pahalagahan ang mga hayop
b. paggalang sa mga tao d. pakainin si kardong kalabaw
9. Anong uri o genre ang iyong binasa?
a. gramatika b. panitikan c. balitaan d. kuwentong bayan
10. Naiparating kaya ni Kardo sa mga tao ang hinain ng kanyang mga kaibigan?
a. oo b. hindi c. marahil d. lahat ng nabangit

ISAPUSO NATIN

Gawin ninyo

1. Anong bahagi ng nabasang pabula ang iyong nagustuhan?Iguhit ito.


2. Gumawa ng maikling tula tungkol sa kahalagahan ang mga hayop na
nakakatulong sa ating kabuhayan.
3. Anu-ano ang suliraning pangkapaligiran ng bansa?
4. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong makapagmungkahi, anu-anong
solusyon ang ibibigay mo para sa mga suliraning pangkapaligiran?
5. Bakit kailangan nating pahalagahan ang mga hayop? Gumawa ng slogan

ANSWER KEY:

Ang Suliranin ni Kardong Kalabaw


Pabula:Pinagyamang Pluma 6 p.7-9 F6PN-12g-3.1

1. Tanong: Sino ang nagpatawag ng pagpupulong?


Sagot:Si Kardong Kalabaw

2. Tanong: Bakit Nagpatawag ng pulong di Kardong Kalabaw?


Sagot: Para talakayin ang suliranin ng kanyang mga amo

Page 9 of 11
3. Tanong: Ano ang suliranin ni Kardong Kalabaw?
Sagot: Walang aning palay ang natitira dahil kinakain ng daga at kulisap ang
kanilang pananim/ikinabubuhay.

4. Tanong: Ano ang naging damdamin ni Mara Matsing habang nakatingin


siya kay Kinay Kuwago?Maaari ring isakilos.
Sagot: Nagagalit,naiinis

5. Tanong: Paano idinipensa ni Kinay Kuwago ang kanyang sarili?


Sagot: Ipinaliwanag niya ang mga dahilan .

6. Tanong: Ano ang natuklasan ni Kardo sa kapwa nya hayop?


Sagot: Ang suliraning kinakaharap ng mga ito na patuloy na pagliit ng kanilang
populasyon.

7. Tanong: Ano ang nasaksihan ni Kardo?


Sagot: Ang mga bata na naninirador ng mga ibon sa kagubatan.

8. Tanong: Sa inyong palagay makatarungan ba ang ginagawa ng mga tao


sa mga hayop? Mangatwiran.
Sagot: Hindi po, kase sila ay mga likha rin ng Diyos na dapat nating
pahalagahan at mahalin.

Sagutin ang sunusunod na maga tanong.


1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?
Sagot: Sina Simang Sawa, Kinay Kuwago,Lirang Lawin ,Mira Matsing at si
Kardong Kalabaw.
2. Ano ang mahalagang tungkulin na ginagampanan ng bawat –isa ?
Sagot:
Simang Sawa-kumakain ng daga.
Kinay Kuwago- kumakain ng daga /kulisap
Lirang Lawing –kumakain ng daga /kulisap
3. Paano malulutas ang suliranin ni Kardong Kalabaw?
Sagot: Kung maipaparating niya ang suliraning ng mga ito sa mga tao.
4. Bakit mahalagang malutas ang problema ni kardong Kalabaw?
Sagot: Para matulungan niya ang mga tao/kaniyang amo.
5. Ano ang maramdaman mo nang mabatid mo ang suliranin ng mga hayop?
Sagot:Ako ay talagang nalungkot.
6. Ano ang gagawin mo para mapangalagaan ang mga hayop sa kagubatan?
Sagot: Huwag silang hulihin o kaya naman ay huwag silang patayin.
7. Bakit hindi dapat sila hulihin/patayin?

Page 10 of 11
Sagot:Dahil sila ay naktutulong din sa ating kabuhayan.
8. Malaki ba ang maging epekto sa mga hayop ang pagpinsala sa kanila?
Sagot: Mapakalaki dahil kumukunti na ang bilang nila.
9. Sa paanong paraan sila nakatutulong sa mga tao?
Sagot: Sila ay kumakain ng mga kulisap ay daga na sumusira sa
pananim ng mga tao.
10.Kung ikaw ang mga bata sa kuwento ,gagawin mo ba ang ninagawa nila sa
mga hayop? Bakit?
Sagot: Hindi po.nakaktulong din sila sa mga tao

Feedback:
Name: JASON M. DECATORIA
Contact No. 0967-627-4834
Email: jaydecatoria30@gmail.com
School: PAYATAS B ANNEX ELEMENTARY SCHOOL

Page 11 of 11

You might also like