You are on page 1of 11

Module 10

Oral na paglalahad ng pag-aaral

Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay inaasahang


1. Naiisa-isa ang oral na paglalahad ng pag-aaral.
2. Napahahalagahan ang mga napapanahong isyu sa tulong ng oral na
paglalahad ng pag-aaral.
3. Nakabibigkas ng isang talumpati gamit ang rubric sa oral na
paglalahad ng pag-aaral.

Pagpapatuloy

Isa sa mga patunay na ang isang pananaliksik o pag-aaral ay napagtagumpayan ay kung ito ay
mailalahad sa harap ng partikular na audience o tagamasid, at magpapatibay sa pagkamakatotoo
nito.

Ang paglalahad na oral ay nangangailangan ng paghahanda upang maipaliwanang nang


maayos, tama at may paninindigan ang isinagawang pag-aaral. Ang katagumpayan nito ay
nakasalalay sa kaalaman at kahandaan ng mananaliksik. Ang nilalaman at pinaghanguan, lalo na ang
layunin at kaligiran ng pag aaral ay dapat na nauunawaan at maipapabatid sa paraan na madaling
maunawaan ng audience o panel.

Ang pagsasagawa ng maayos at mabuting oral na paglalahad ay kinapapalooban rin ng


atensyon sa pangangailangan ng audience, masusing paghahanda, at pagkonsidera sa delivery nito.
Kasangkot rin sa mga paghahanda ay ang mga tala, visual aids, teknolohiya gaya ng computer,
projector at iba pa.

Inaasahan na sa matapos ang modyul na ito, lohikal na maipipresenta ang isinagawang pag-
aaral mula sa mga naunang modyul at pagtalakay.
Komunikasyon ng Pilipino sa Kontekstong Multikultural

Fast talk. Tayahin natin ang iyong estado bilang communicator. Sagutin mo lamang ito nang
ganito. “Ako iyan.” (AI) “Hindi ako iyan.” (HAI). Lagyan ng anumang pigura ( na iyong nais) ang
kahon na kakatawan sa iyong tugon.

AI IKAW BA? IKAW NA! HAI


Handa akong makipag-ugnayan sa katulad ng aking pinananampalatayaan
Ikinatutuwa ko ang pakikipag-usap sa katulad kong kasarian
Ako ay higit na malakas ang loob na nakikipag-ugnayan sa mga kabilang sa
pangkat-etniko.
Superyor ang kinabibilangan kong pangkat kaya higit akong nakikipag-ugnayan
lamang sa katulad ding antas.
May malaki akong pagpapahalaga sa mga tuntunin sa pakikipag-ugnayan ng iba-
ibang pangkat-kultural
Handa akong magsimula ng diskusyon sa sinumang kabilang sa ibang pangkat-
kultural.
Kaya kong sabihin ang hindi pagkaunawa sa kilos ng aking kapuwa na
nakakaapekto sa pagpapakahulugan ng kanyang mensahe
Isinasaalang-alang ko ang kakailanganin ng anumang pangkat sa multicultural na
lipunan.
Niyayakap ko ang kaibahan ng pananaw ng bawat isa
Mas magaan ang pakiramdam sa pakikipag-ugnayan sa katulad na kinabibilangang
pangkat-kultural.

Ang mga inilahad mong tugon hinggil sa mga inilahad sa kahon ay panimulang
pagtataya sa iyong kahandaan at maaaring practice sa isang multicultural na konteksto ng
komunikasyon.
Mula ito sa ugat na kultura na nangangahulugang sistema ng mga kaalaman,
paniniwala, halagahan at kaugalian na nakukuha, pinagsasaluhan at ginagamit ng mga kabilang sa
pangkat-kultural sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Pinagunahan ito ng panlaping multi-
upang kilalanin ang karamihan.

Ang kontekstong mulikultural ay mahalagang isaalang-alang sa panahong pinaiigting


ng globalisasyon ang teknolohiya bilang medium ng komunikasyon. Lalo itong nagbubukas ng
pagkakataon para sa tinatawag na intercultural na komunikasyon. Pinagsasaluhan sa terminong
ito ang interaksyon ng iba’t ibang kultura sa pamamagitan ng iba-iba ring anyo ng ugnayan.

Interracial  Ito ay paglalarawan at pagbabahaginan ng kahulugan sa mga


communication kabilang sa iba-ibang lahi.
 Mula sa dating pagtukoy ng salitang lahi, kinikilala ang pakikipag-
ugnayan sa iba-ibang may pisikal na katangian (kulay ng balat, hugis
ng mata, kulay ng buhok).

Interethnic  Ito ay ugnayan sa mga kabilang sa iba-ibang pangkat-etniko kahit pa


communication may magkatulad na lahi.

International  Pakikipagtalastasan ito sa pagitan ng mga indibidwal na


communication kumakatawan sa iba’t ibang bayan.

Intracultural  Nangyayaring ugnayan sa pagitan ng magkatulad na lahi,


communication kinabibilangang pangkat-etniko at bayan.

Isinasaalang-alang dito ang mga elementong persepsyon/ pagkilala, berbal at di berbal


na proseso.

Persepsyon/pagkilala  Kinikilala ng communicator ang pagtingin sa mundo, sistema ng


paniniwala, halagahan at kaugalian at institusyong panlipunan
na kabilang sa proseso ng komunikasyon. Isinasaalang-alang
niya ang namamayaning kaayusan at kalakaran ng pakikipag-
ugnayan sa iba upang maiangkop ang kilos at sasabihin.

Berbal na proseso  Kargado ang elementong ito ng kakayahang makipag-ugnayan


ng communicator gamit ang wika at ang kasanayan at pag-iisip
sa iba-ibang pagpapakahulugan.

‘di berbal na proseso  Nakatuon ito sa pagkilos sa loob ng komunikasyon na kaugnay


ng konsepto sa oras, espasyo at mosyon ng mga bahagi ng
katawan. Ito ay magkakaiba sa multicultural na konteksto.

Multiculturalist ang turing sa sinumang may paggalang sa kapuwa na kabilang sa iba-


ibang kultura. Kinikilala niya ang tinatawag na cultural differences.

Sa layon na maabot ang layuning multicultural na konteksto ng komunikasyon,


palakasin pa natin ang iyong pagsasaalang-alang sa iba-ibang kultura , tungo sa
komunikasyong local at global, para sa lipunang glokal.
Narito ang mga piling tala ng iba’t ibang uri ng komunikasyon at iminumungkahing
isaalang-alang ang mga nauna nang talakay. Makatutulong ito upang higit na kilalanin ang
kaibahan ng mga kultura na magbubunsod sa intercultural na komunikasyon.

Para sa layuning interaktibo, hinikayat na punan ang ikatlong hanay nang makilala at
mapagtibay ang sariling pag-alam sa kultura. Magkaroon din ng makabuluhang talakayan
hinggil sa mga ito ang klase.

Kasangkot sa Komunikasyon sa Multikultural na Konteksto Dito sa Amin


Komunikasyon (Pagkakatulad
at
Pagkakaiba)

Tongans  Nakaupo upang kilalanin ang pagdating ng mga


may matataas na tungkulin.
Asyano  Nakalahad ang dalawang kamay sa pagbibigay
at pagtanggap ng anumang bagay
Amerikano at  Nakatingin mismo sa taong kinakausap ang
iba pang nagsasalita
Kanluraning
lipunan
Turkish  Hudyat ng kawalang paggalang ang paglalagay
ng kamay sa bulsa
Ethiopian  Ang paglalagay ng apat na daliri sa tapat ng
bibig ay hudyat ng pagpapatahimik.
African  Mas buhay at mas maraming paggalaw sa
American pakikipagkomunikasyon

Amerikano  Angkop ang pakikipag-usap sa katapat kaysa sa


katabi.
 Mabilis ang pagkilos na parang lagging may
hinahabol sa panahon.
Hapon at  Hindi lantad ang pagpapakita ng damdamin
Amerikano
(lalaki)
Hapon  Ang matagal na pagtingin sa kausap ay kawalan
ng respeto
 May kahandaan sa matagalang pag-uusap.
Koreano  Kawalan ng paggalang ang direktang pagtingin
lalo sa hindi kapantay ng estado.
 Ang paghawak ng nakababata sa balikat ng
nakatatanda ay hindi maaari.
 Mataas ang pagpapahalaga sa sinumang
nakaupo sa kanan.
Arabo  Ang pagtingin ng direkta at matagal na
pagkakataon ay pagpapakita ng interes.
Nakatutulong ito sa kanila na mataya ang
pagiging totoo sa salita ng kausap.
 Kalakasan at sensiridad ang kinakatawan ng
malakas na tinig sa pagsasalita.
 Karaniwan ang malapitang usapan.
 Ang mga asawang babae ay naglalakad
kasunod mula sa likuran ng lalaki (para sa mga
Sudanese Arab).
Muslim  Ginagamit ang kanang kamay sa pagkain at iba
pang gawain. Ang kaliwang kamay ay para sa
gawain sa palikuran.
 Ang balikat ay gamit sa pagyakap bilang
pagkatawan sa kapatiran.
Mexicano  May pagyakap bilang pagbati

Burmese at  Ang pag-amoy ng kapuwa pisngi ay


Mongols pangungumusta.

Sa Central  Ang pagtuturo (gamit ang hintuturo) ay hindi


Africa kaaya-aya.
Sa Latin  Ang pagdating nang huli ng isa ay
America paggalang.

African  May bagal na galaw ang ugnayan. Ang


mga nagmamadali ay nahihinuhang
nandaraya.
Israelis  Ang papataas na tinig sa pagsasalita ay
kumakatawan sa matinding paniniwala
sa paksa na pinag-uusapan.
German  Ang tono ng pagbibigay-diin ay
nangangahulugang awtoridad at
kalakasan ng loob.
 Sagrado ang pribadong espasyo.
Tsino  Nakakaramda,m na sila ay nasa isang
paghuukom kapag nakaharap o katabi
ang kinakausap.
 May pagpapahalaga sa oras sa
pamamagitan ng mas maagang pagdalo
sa pulong.
Koreano,  Angkop para sa kanila ang mahabang
Hapon, Tsino patlang at/o katahimikan sa mga
pulong.

Ang hindi pagtukoy sa tiyak na mensahe ay panganib na maituturing sa komunikasyon.


Ang mga tagatanggap ng mensahe na may pagkakamali sa pagkilala ng kultura ng
tgapaghatid ay magtutulay sa hindi angkop na pagtukoy ng mensahe. Cultural ignorant/
confused ang tiyak na tawag sa mapanganib na kalagayang ito ng communicator. Kawalan ng
pagkakaunawaan ang bunga nito.

Ang mensahe ay nasa anyong berbal, di berbal at ekstra berbal. Tiyakin ang
mensaheng hated ng teksto batay sa pagkilos, mga materyal na gamit bilang icon (ginayang
anyo ng simbolo), mga salitang gamit at simbolo at paggalaw. Magsaliksik ka sa kulturang
kinabibilangan ng kapalitan ng mensahe.
Narito ang ilang pagtunghay sa pagsasaalang-alang ng kultura upang matamo ang
angkop na mensahe.

 Sa mga Taiwanese at mula sa North America, ano ang kahulugan ng pagkurap


habang may ibang nagsasalita?
 Alamin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa mga hinahangong bahagi ng
Koran.
 Ano ang pagkilala ng mga Hapon at Amerikano sa paggamit ng business card?
 Ano ang magkaibang pahiwatig ng eye contact ng mga Hapon at Arabo?
 Ano ang halaga ng pagkilala sa indibidwal sa mga Amerikano? Ano naman ang
pangkatan sa mga Asyano?

Kasabay ng pagtukoy sa mensahe ang pag-alam sa layon nito. May layuning


maglibang, magpabatid at manghikayat ang anumang anyo ng pagpapahayag. Mahalagang
suriin ng kapuwa tapaghatid at tagatanggap ang namamayaning kultura upang magbigay-
daan sa pagkakilala sa layunin.

 Isahan. May pagpapahalaga ang Great Britain, USA, Canada, France at


Germany sa pagkilalang indibidwal.
 Pangkalahatang Kultura. Kinikilala ng Arab, African, Asyano at Latin
America ang pangkatang layunin ng komunikasyon.
 May mataas na konteksto ng ugnayan. Ang mga Asyano ay may higit na
pagkiling sa higit na hindi tuwirang estilo ng komunikasyon. May
hanggahan ang pagpapaliwanag at nakasandig ito sa ‘di berbal na
komunikasyon.
 May mababang konteksto ng ugnayan. Ang mga mula sa Kanlurang bansa ay
higit na tuwiran sa pakikipag-ugnayan. May higit ding pagtatanong at
pagpapaliwanag.
 Kultura ng mataas na kapangyarihan. Sa mga bansang Saudi Arabia, India
at Malaysia, kinikilala ang kapangyarihan bilang bahagi ng katotohanan ng
buhay. Kinikilala nang higit ang superior. Hayag ang pagkakaiba ng may
katungkulan saw ala.
 Kultura ng mababang kapangyarihan.Sa Israel, Sweden at United States,
ang kapangyarihan ay magagamit sa mga tiyak lamang na
pagkakataon.Bukas ito sa konsultasyon.
 Kulturang makababae. Ang mga bansang Sweden, Norway, The
Netherlands, Thailand at Chile ay mahigit namang pagpapahalaga sa
ugnayan, pagiging malumanay sa anumang kasarian at sa mataas na
kalidad ng buhay. Para sa kanila, pinag-uusapan at pinagtatagpuan sa gitna
ang resolusyon ng mga tunggalian, solusyong win-win.
 Kulturang makalalaki. Sa Japan, Italy, Germany, Mexico at Great Britain,
higit ang pagkiling sa kalakasan ng lalaki at sa mga materyal na simbolo ng
tagumpay. Ang kulturang ito ay humahantong sa solusyong win-lose
sapagkat may paggamit ng lakas, dominasyon at kompetisyon.

Mahalaga ring isaalang-alang ang angkop na protocol para sa mas maayos na pakikipag-ugnayan.
Narito ang mga elementong dapat tingnan.

 Appointment. Isinasagawa ang oagbibigay-kabatiran hinggil sa pulong o


pakikipag-ugnayan sa pamamgitan ng liham o teelpono. May iba-ibang
pagtanggap ang iba-ibang kultura.

Latin American Katanggap=tanggapa ng medium ng telepono, mahalaga rin ang liham


sa kanila

Indonesian May pagpapahalaga sa akomodasyon na dumadaan sa kanilang


tanggapan

Germany, Italy at Mahalaga ang mga paunang liham na nakasulat sa kanilang unang wika
Middle East (Turkey
at Pakistan)

Hongkong Ingles ang wikang angkop na gamitin sa liham


Western Europe Ang hiling sa appointment ay dapat na isagawa nang mas maaga ng
tatlo hanggang apat na lingo.

Middle East Ang hiling ay anim na linghgo ng mas maaga

Asyano Hindi angkop ang tuwirang paghiling. Kailangan ang tulong ng


tagapamagitan.

China Dalawa hanggang tatlong buwan ang hiling at kailangang isagawa ng


local

Pilipinas at Kailangan a g liham nang maipakilala ang kredibilidad.


Malaysia

 Kultura ng Pagbati at Pagpapabatid. Mahalagang isaalang-alang ang iba-


ibang kultura sa pagbibigay-pugay at pagkilala.
Western Europe Mas pormal ang ninanais na pagbati kaysa Amerikano. Inaayawana
ang pakikipag-usap sa telepono bago ang personal na pulong nang
wala ring paunang pagbibigay-hudyat para sa isang transaksyon.

Dagdag pa, hindi angkop ang pagtawag sa unang pangalan.. Ang titulo
ay kailangang kilalanin nang pormal.
Tumatagal ng lima hanggang pitong stroke ang pakikipagkamay.
Southern Europe
Kailangan ding maghanda sa pakikipagpalitan ng business card sa
parehong Ingles at wika nila.
Ang pakikipulong sa kanila ay kailangang simulan mo ng pagbati.
Arab
Hindi maaari ang pagkilala sa unang pangalan.
Japanese

 Kapormalan. Ang konteksto ay mahalagang salik na dapat ding gawing batayan

Arab Makikita ang pormalidad sa estriktong pagkilala sa hiyarkiya.

Japanese May higit na pormalidad ang pakikipag-ugnay sa mga Hapon. Isaalang-


alang ang paraan ng pagsulat(kanan tungo sa kaliwa, mula itaas
pababa) nila.
 Paraan ng Komunikasyon. Nakatuon ito sa pagiging tuwiran o hindi ng
pakikipag-ugnayan.

Asyano Sa layong isaalang-alang ang damdamin at kalagayan ng pag-iisip ng


kaharap, pinipili nilang maging hindi tuwiran sa pagpapahayag.

 Paggamit ng oras. Ang pagkilala at paggamit ng oras ay nagkakaiba sa ilang


piling lahi.
American, German, Mapagpahalaga sila sa orasa katulad ng salapi.
Australian, Israeli,
Swiss, Scandinavian
Japan, China, Korea, Ang simula ng pulong ay inilalaan sa pagpapaunlad ng rapport.
Saudi Arabia,
Mexico, Brazil at
Chile
Sanggunian:
 Mortera, Melvin O. (2019). Pantulong sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.
Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.
 Mortera, Melvin O. & Sioson Imelda D. (2017).Tulay sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino. Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.
 Mortera, Melvin O. (2017). Tulay sa Pagbasa At Pagsusuri ng Iba’t Ibang Tektso Tungo sa
Pananaliksik. Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing Corp.
 Mortera, Melvin O. at Conti, Baby Lyn J. (2016) Komunikasyon sa Akademikong
Filipino.Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing Corp.
 San Juan, Gloria P., et al. (2014). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.Pateros, Metro
Manila. Grandbooks Publishing.

You might also like