You are on page 1of 13

MODYUL NG PAGKATUTO SA

Filipino 10
Mga Akdang Pampanitikan ng Rehiyong Mediterranean

1st Quarter | S.Y. 2020 -2021

Inihanda ni:

KAREN JOY M. MONTERUBIO


Guro

Ang modyul na ito ay pagmamay-ari ni:

_______________________________
Mag-aaral
FILIPINO 10 MODYUL 4: ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA

Pagbati mag-aaral! Kumusta ka? Alam kong nasa mabuting


kalagayan ka kasama ang iyong pamilya. Bago natin simulan ang
ating talakayan, ating damhin ang presensya ng Panginoon.
Manalangin tayo.
(St. Joseph Prayer)

Halina’t basahin at pag-aralan ang Modyul 4. Ngunit bago iyan,


atin munang balikan ang aralin natin noong nakaraang linggo.

Pagbabalik-aral
 Ang Espanya ay isang bansang sumakop
sa Pilipinas sa loob nang mahigit tatlong
daang taon. Hanggang sa kasalukuyan,
napakarami pa rin sa mga impluwensya
ng bansang ito ang masasalamin sa ating
wika, kultura, tradisyon, pananampalataya, at uri ng
pamumuhay.

 Ang sanaysay na pinamagatang “Ang apat na buwan ko sa


Espanya” ay isinulat ni Rebecca, anak ng isang OFW sa
Barcelona, Spain.

Ano ang sanaysay?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
Ang modyul na ito ay naglalayong makapagbigay ng kaalaman
hinggil sa mga akdang Pampanitikan ng rehiyong Mediterranean
na pinamagatang “Ang Pagbibinyag sa Savica.” At ilang
halimbawa ng Epiko na tanyag sa buong mundo.

Nawa’y pagtuunan niyo ang aralin at bigyang pansin ang


pagsagot sa bawat pagsasanay na naitala. Maraming Salamat!

Page 2 Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc.


MODYUL 4: ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA FILIPINO 10

Atin nang simulan ang ating aralin! Handa na ba kayo? 

Pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto:


 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito
(F10PT-Ia-b-61)
Mahalagang tanong:

 Bakit mahalagang pairalin ang kapayapaan sa mundo?


Bakit hindi digmaan ang sagot sa anumang hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tao, lahi o bansa?

Panimulang Gawain

Mula sa larawan, anong tradisyon ang isinasagawa dito?


_________________________________________________________________.
Mahusay! Ito ay ang pagbibinyag. Ang pagbibinyag ay isa sa mga
sakramento ng Simbahang Katoliko na maituturing na bahagi na rin ng
kulturang Pilipinong minana natin mula sa mga Espanyol. Ngunit anong
klase ng pagbibinyag ang tinutukoy sa epiko na pinamagatang “Ang
Pagbibinyag sa Savica.” Ito nga ba ay pagbibinyag na tulad ng
nakagawian natin? ATING TUNGHAYAN.

Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc. Page 3


FILIPINO 10 MODYUL 4: ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA

ARALIN 4: ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA

Ang Pagbibinyag sa Savica ay isang epikong Slovenian na binubuo


ng tatlong bahagi: Una ay ang “Soneto” na iniaalay ni Preseren sa
mataling niyang kaibigan si Matija Cop, ba namatay dahil sa
pagkalunod sa edad na 38. Pangalawa ay “Ang Prologo” na
nasusulat nang patula at binubuo ng dalawampu’t anim na
saknong na may tigatlong taludturan (tercets) at iyong mababasa
sa kabilang pahina. Pangatlo, “Ang Pagbibinyag” na nasusulat sa
tigwalong taludturang tula at binubuo ng 56 na saknong o talata.
Mababasa mo rin ang dalawang saknong ng bahaging ito sa mga
sumusunod na pahina.

Ang kabuoan ng epiko ay tumatalakay sa mga pangyayaring


nagbigay-daan upang ang mga Paganong Korinto noong
ikasampung siglo ay magiging binyag na Kristiyano.

ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA (Prologo)


Epikong Slovenian
ni France Preseren
Si Valjhun, ang anak ni Kajtimar, ay nagpalaganap
Ng pananampalatayang Kristiyano sa mahaba’t madugong
Pakikidigma;

Page 4 Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc.


MODYUL 4: ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA FILIPINO 10

Sina Avreli at Droh, sa kanya’y hindi na lumalaban.

Nangabigo sa kanilang buhayat ibang suliranin,


At mga lambak ng Carniola, ng Carantania
Tiyak na puno ang mga lawa ng dugong kahila-hilakbot.

Wala pang matapang na pinunong may hukbong


pumapantay,
Nangalupig silang lahat, gumuguho sa pamamaala,
Liban kay Crtomir na may pangkat pang nagbabagong-lakas.

Ang bunso’y nagtatanggol ng matandang paniniwala


Ng pananampalataya ng kanyang mga ninuno sa iba, mga
bathala’t espiritu,
Sa kabila ng mga ulap ang mataas nilang hurisdiksyon.

Sa bawat isang nagtataglay ng ganitong palsong


pananalig
Sa kapatagan ng Bistric ay bilang takas na gumagala,
Sa kanlungan ng Bohinj at nagtataasang munting tore.

Isang guho sa itaas ng kulay abong-bundok,


Ang huling kuta sa teritoryo ni Crtomir,
Ngayo’y Moog ng Pagano na ating sisiyasatin.

Ang ibong laking kalaba’y may isang obsesyon,


Makubkob sila, ang kuta’y napapaligiran na,
Nahahadlangan ang pagpasok ng kanilang mga kaalyado.

Tingnan kung paanong pataas ang mga tuntungan ng


mga kalaban.
Upang gibain ang mga pader, magkaisang wakasin ang mga
portada, Ngunit walang lusob, matatag ang moog, nanlilito.
Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc. Page 5
FILIPINO 10 MODYUL 4: ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA

Sa anim na buwan ang daigdig na may dugo’y


nasalanta,
Mula sa kasamaang patayan ng magkakapatid na Slovene;
Kahindik-hindik na sangkatauhan, at kay panglaw-panglaw!

Ni Espada o palakol o kahit hataw ng pala


Ang magsulong sa tagumpay, manapa‟y matinding gutom.
Ang nagbabantang magpahina sa proteksyon ng moog.

Hindi na maikubli ni Crtomir ang kanilang kagipitan;


Sa gayo’y tinipon niya’t kinausap ang kanyang mga kawal:
“Matatagalan natin ang espada, ngunit tadhana’y mas malakas.

Napakakonting pagkain ang natinggal ko, naikanlong,


Ang tagal ding nabuhay tayong walang tumutulong.
Di ko sisisihin ang sinumang piliin ang pagsuko.

Siyang sa ngayo’y tatanggap ng buhay-alipin,


Dadanas ng mga araw tulad ng mga gabing wala nang umaga—
Ngunit maghihintay hanggang umaraw—hindi ako tumutol.

At kayong iba pa, na nahihiya sa maamong pagtalima,


Halikayong lahat, mga hindi masunurin;
Malalim na’ng gabi, maulap, makulog, bumabagyo.

Ang ating kalaba’y magiging lubhang kampante sa


kanlungan;
Tatahakin naman nati’y mga espasyo sa kadiliman tungo sa
kahusayan, dedepensahan ng gabi ang ating buong-suway na
balikwas.
Karamihan sa mundong ito’y pag-aari ng mga lahing
Slav;

Page 6 Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc.


MODYUL 4: ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA FILIPINO 10

Mahahanap natin ang landas sa bawat relasyon ng dugo


Malayang nilalagay ang tiwala sa pananalig at katarungan.

Ngunit kung itinadhana ng mga diyos ang ating


pagkalupig,
Hindi tayo mangangamba sa mahabang gabing kawalan ng
buhay
Kaysa mabuhay sa ilalim ng araw sa pagkaalipin!”

Hindi siya iiwan ng sinuman sa sandaling ito ng pagsubok,


Bawat isa’y nakahawak sa espada, patibay ng pangako;
Walang sinumang magkakanulo para sa kaligtasan.

Ngunit nang mabuksan nang maluwang ang mga


tarangkahan,
Nagsimula’ng kakila-kilabot na labanan, di mabilang na pagpatay.
Pangkat nila’y sinalakay ni Valjhun at ng kanyang buong puwersa.

Pagkat siya naman, hinihinuha ang kanilang pag-idlip,


Malapusang umakyat at sa pakay na mga pader
At sa gayo’y gulantangin sila’t lamangan sa dami.

Bangis ay pinawalan ng nakapundong bagyo,


Tanod ay nagpasaklolo sa gitna ng labanan;
Di mabilang na buhay ang nagbuwis sa paghahamok.

At wari’y nagasa ng malakas na buhos-ulan, bumulwak


Pababang lumagunlong sa gillid ng bundok tulad ng kulog,
Nilamon ang lahat habang ito’y dumadaluhong,

At hindi saglit ma’y huhupa, nilulunod ang lahat sa ilalim


Ng mga alon, maliban sa ilang malalaking hadlang—

Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc. Page 7


FILIPINO 10 MODYUL 4: ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA

Gayon nga si Valjhun, nilansag ang mga kawal na pagano.

Habang may isa pang humihinga’y walang tigil sa


pagdurog,
Hanggang sa huli bawat isa sa kanila’y niligalig;
Sa kanila, pananalig nila ang katas-taasang turo.

Nang umaga’y naarawan ang mga bangkay na di


nalilibing
Nagkatihaya sa pinaglabanan, nakabunton
Tulad ng tungkos na sariwa, pinagtabi-tabing trigo.

Sa mga bangkay, nabilang ay kalahating Kristiyano,


Ang iba pa’y naaagnas nang katawan ng mga pagano.
Ngunit sa paghahanap na ito’y nagulumihanan si Valjhun
Dahil siya’y nagpapasan ng sala sa lahat ng gayong pagpatay.

EPIKO AT ILANG HALIMBAWA NITONG TANYAG SA


BUONG MUNDO
Ang epiko ay tulang pasalaysay na

EPIKO nagsasaad ng kabayanihan


pangunahing tauhan na nagtataglay
ng katangiang nakahihigit
karaniwang tao na kadalasan siya’y
ng

sa

buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.


Illiad ni Homer
Ang epikong ito na itinuturing na
kauna-unahan at pinakatanyag
na panitikang Griyego a isinulat ni
Homer. Nagkaroon ito ng malaking
impluwensya hindi lamang sa mga
Griyego kundi maging sa panitikan

Page 8 Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc.


MODYUL 4: ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA FILIPINO 10

din ng buong mundo. Isinalaysay sa epikong ito ang pagsakop ng


mga Achaian. Nagtanim siya ng galit kay Agamemnon nang
agawin nito ang babaeng pinakamamahal ni Achilleus na si Brisesis
kapalit ng pagpapalaya ng batang babaeng anak ni Chryses na
bihag nina Agamemnon.

ODYSSEY NI HOMER
Ito’y isa pang epikong isinulat ni Homer at
naging bantog din sa mga Griyego at sa
buong mundo. Ang epikong ito ay
masasabing karugtong ng Iliad dahil
maraming tauhan sa Iliad ang nabanggit
at nagpatuloy pa rin sa epikong Odyssey.
Ito’y tumatalakay sa mahabang panahon
ng pagkawala at muling pagbabalik sa
Ithaca ng pangunahing tauhan na si Odysseus pagkatapos ng
pagbagsak kaharian ng Troy. Inabot ng sampung taon at
maraming pakikipagsapalaran bago siya muling nakabalik sa
Ithaca kung saan siya nagpanggap muna bilang isang pulubi
upang malaman kung ano-ano na ang kalagayan ng kanyang
tahanan. Naging tampok din ang mga pangyayari sa buhay ng
kanyang asawang si Penelope at sa kanilang anak na si
Telemachus at kung paano nagtulungan ang dalawa upang
maiiwas si Penelope sa mga manliligaw na nag-aakalang patay na
si Odysseus.
METAMORPHOSES NI OVID
Ito’y isang tulang pasalaysay patungkol sa paglikha at kasaysayan
ng mundo. Isinalaysay rito ang paglikha ng tao, ang apat na
panahon ng sinaunang kabihasnan, ang malawakang pagbaha
na kumitil sa lahat ng nilikha maliban sa isang Griyegong
nagngangalang Deucalion at sa kanyang asawang si Pyrrha. Sa
kanila nagmula ang muling pagdami ng tao sa mundo. Maraming
nabanggit na hindi pangkaraniwang paangyayaring
kinasasangkutan ng mga Diyos, Diyosa, at mga mortal.
Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc. Page 9
FILIPINO 10 MODYUL 4: ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA

BEOWULF
Hindi matukoy kung sino ang manunulat ng epikong ito na
pinaniniwalaang nasulat sa pagitan ng ikawalo hanggang
ikalabing-isang siglo sa tagpuang maaaring nasa bahagi ng
Denmark at Sweden. Tinalakay ng epiko ang buhay at
pakikipagsapalaran ni Beowulf, ang bayani ng mga Geat at
tumalo sa tatlong malalaking kalaban; una, kay Gendel, ang
halimaw na nagpahirap sa mga nasusukupan ni Haring Hrothgar;
pangalawa sa ina ni Grendel na naghiganti dahil sa
pagkakapaslang sa kanyang anak; at pangatlo, sa dragon na
kanyang nakalaban nang maging hari na siya. Sa huling labang
ito, natalo niya ang dragon subalit si Beowulf man ay malubha ring
nasugatan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

PANGKALAHATANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin at pillin mula sa


kahon ang salitang bubuo sa diwa nito. Isulat ang sagot sa linya.

Kahindik-hindik lungga matayog nalupig nagkanulo


1. Ang hukbo ni Crtomir ay _____________ dahil kakaunti lang sila
samantalang malakas at marami ang hukbong kanilang
nakalaban.
2. Ang resulta ng anumang digmaan ay __________ na
labanang nagdulot ng pagkawala ng napakaraming buhay
at ari-arian.
3. Sa kabila ng kanilang kahinaan, lahat ay nagkaisang
lumaban hanggang kamatayan at walang __________ sa
pangkat para lang mailigtas ang kanyang buhay.
4. Sa isang madilim na _____________ sila nagsisiksikan
hanggang sa tuluyang makubkob ng mga kalaban.
5. Ang ______________ na putting tuluktok ng mga niyebe sa
bundok Carniola ay ang mga piping saksi sa paglalabang
walang kahihinatnan.
Page 10 Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc.
MODYUL 4: ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA FILIPINO 10

PAGBUBUOD
 Ang epikong ito ay isinulat ng makatang Slovene na si France
Prešeren. Ito,ay may tatlong bahagi. Ang unang bahagi ng
tula ay isang soneto, nakatutok ito sa namatay na kaibigan
Prešeren, kamakailan lamang na si Matija Čop. Ang
ikalawang bahagi, ay pinangalanang Panimula (Uvod), na
naglalarawan sa huling labanan sa pagitan ng mga
Kristiyano at mga paganong Slavs, na pinangunahan ng
bayaning si Črtomir. Ito ay binubuo ng 25 na tigtatatlong linya
at isang apat na linyang taludtod at nakatutok sa mga
tadhana ng isang bansa. Ang ikatlong bahagi ay
pinangalanang pagbibinyag (Krst). Ito ay tungkol sa mga
romantikong relasyon sa pagitan ni Črtomir at Bogomila, na
naging pari ng diyosang Ziva ngunit ngayon ay isang
Kristiyano.
 Hinimok din niya si Črtomir na magpabaustismo.
 Ito ay binubuo ng 53 ottava Rimas na may mababang
karakter ng isang epiko dahil ito ay nakatuon sa damdamin
at ng mga tadhana ng isang indibidwal. Ang epikong ito ay
naglalaman ng tema ng pagkakakilanlan Slovene sa
konteksto ng pagbabalik-loob sa Kristiyanismo.
 Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na „epos‟ na ang
kahulugan ay „awit‟. Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o
talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon
at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko.
 Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya
ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
 Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga
kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga
tagpuangmakababalaghan.

Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc. Page 11


SANGGUNIAN

 Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 10 (Wika at


panitikan para sa mataas na Paaralan), K to 12
Phoenix Publishing House , Alma M. Daya (Awtor-
Koordineytor
 Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 10 (TEACHERS
WRAPAROUND EDITION GRADE 10 ), K to 12
Phoenix Publishing House , Alma M. Daya (Awtor-
Koordineytor

Maaari kayong magbigay ng komento o suhesyon hinggil sa


modyul na ito upang mas lalong mapagtibay ang mga gawain na
nakapaloob sa bawat aralin:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

You might also like